You are on page 1of 3

Ang Alamat ng Bubuyog

Sa isang malayong probinsya sa Luzon ay may nakatirang isang binata na ang


pangalan ay Elihito. Ang binata ay isang tamad at palabirong tao, siya ay laging napapansin
ng kaniyang mga guro hindi dahil mababa ang kaniyang mga marka, ngunit dahil sa
kaniyang hindi magandang saloobin at ang kadalasang paglabag niya sa mga patakaran
sa paaralan. Mainitin din ang kaniyang ulo sumakatuwid marami siyang nagiging kaaway
at hindi nagtatagal ang kaniyang mga kaibigan. Maski ang mga magulang ni Elihito ay hindi
na rin kayang maayos ang tanging masamang pagkatao ng binata.

Hindi nagtagal ay hindi na rin kinaya ng paaralan si Elihito kaya siya ay pinaalis.
Nahirapan at nagalala ang mga magulang ni Elihito sapagkat hindi na sila makahanap ng
paaralan na tatanggap sakanya dahil kumalat ang balita sa buong probinsya tungkol sa
kaniyang masamang paguugali. Kaya lumipat sila ng probinsya at naghanap ng
mapagaaralan ni Elihito.

Sa kanilang bagong nahanap na paaralan ay hindi nila kilala si Elihito kaya naman
agad siyang tinanggap dahil matataas naman ang mga marka niya sa dati niyang paaralan.
Nang magsimula na ang unang araw ng klase ay ganun pa rin ang kaniyang ugali, nagtagal
ito nang maraming buwan at sa maraming buwan na iyon ay wala siyang nagiging kaibigan
at sa unang pagkakataon ay naramdaman ni Elihito ang kalungkutan.

Isang araw ay magisa si Elihito habang ang ibang mga estudyante ay masayang
kumakain ng tanghalian. May isang lumapit sa kaniya na dalaga na Liya ang pangalan, ang
kaniyang kaklase. Nang tanungin ni Liya ang pangalan ng binata ay hindi niya ito sinagot
nang maayos at marami pang sinabi ang binata na masasama kay Liya na mga panlalait.
Dito nagalit si Liya at sinabi niya na kaya pala walang kasama at kaibigan si Elihito ay kasi
ganun ang kaniyang ugali, sinabi niya ito nang pasigaw. Nakonsensya bigla si Elihito at
nasaktan. Sa unang pagkakataon ay inisip ni Elihito kung tama ba ng kaniyang mga ginawa
at kung tama nga ba talaga iyong ginawa niya. Hindi na niya alam ang kaniyang gagawin
sapagkat ngayon lang siya niya naramdaman ang konsensya sapagkat hindi naman niya
naiisip ang nagiging epekto ng kaniyang mga ginagawa at ang kaniyang mga salita.
Naglipas ang tatlong linggo ngunit hindi parin maalis sa kaniyang isip ang nagyari
noong nagusap sila ni Liya. Hindi pa alam ng binate ang pangalan ng kaniyang kaklase
ngunit nabubulabog pa rin siya sa nangyari. Bigla niyang inayos ang kaniyang sarili marahil
hindi na niya matiis na walang pumapansin sa kanya, hindi na niya nakaya ang lungkot na
walang kaibigan, sa pagaayos niya ng kainiyang sarili ay iniisip parin niya iyong nangyari
sakanila ni Liya, hindi parin niya alam ang pangalan ng dalaga. Dinahan dahan ni Elihito
ang kanyang pagbabago, hanggang may mga taong lumalapit na sa kaniya at nagkakaroon
na siya ng mga kaibigan, nalaman na rin niya ang pangalan ni Liya ngunit hindi pa sila
naguusap simula noon. Pinipilit niyang alisin si Liya sa kaniyang isipan ngunit hindi niya
kaya, hindi rin niya alam kung bakit ang laking epekto ng dalaga sakanya.

Isa’t kalahating taon na’ng lumipas nang nagaway sina Liya at Elihito ngunit hindi
pa rin sila naguusap. Marami na’ang kaibigan ni Elihito, hindi na siya katulad ng dati,
napapansin pa rin ng kaniyang mga guro pero dahil sa kaniyang pagiging mabuti at
matalinong estudyante. Marami na’ng nagbago kay Elihito, ang dating nangasar at
nangaapi ay nakikipagkuwentuhan at nakikipagkaibigan na sa maayos na paraan. Isa rin
ang kaniyang napansin, nagkakagusto na siya kay Liya.
Sinusubukan niyang kausapin si Liya pero hindi niya alam kung paano ito lalapitan.
Ngayon lang nagkagusto si Elihito sa isang dalaga na siyang dahilan kung bakit nahihirapan
pa siyang lapitan ito. Sinimulan niya sa mga simpleng pagbati ng magandang umaga at
hapon ngunit hindi pa rin siya pinapansin, may natitira pang galit sa loob ni Liya. Kahit
ganun ang pakikitungo ni Liya sakanya’y hindi pa rin tumigil si Elihito sa pagpapapansin
sakanya. Nagisip at gumawa si Elihito ng isang sanaysay para makahingi ng tawad sa
kaniyang ginawa sa dalaga, naroon ang kuwento ng kaniyang buhay sa kaniyang pagiging
masama hanggang sa kaniyang pagbabago dahil lamang sa dalaga. Inabot siya ng
dalawang araw para makatpo ang kanyang sanaysay na umabot ng benteng pahina. Isang
araw ay nagkita silang dalawa at kinumusta ni Elihito si Liya ngunit di ito pumapansin.
Naabutan itong tulog ang dalaga sa kanyang upuan sa loob ng silid-aklatan at doon
ay tinabihan niya ang dalaga’t binulong ang buong sanaysay niya sa kaniya. Ang hindi lang
alam ni Elihito ay gising pala ang dalaga at nakikinig nang mabuti sa kanyang pagbubulong.
Kinabukasan, niyaya ni Liya ang binatang sabay na kumain sakaniya ng tanghalian, laking
gulat ni Elihito at pumayag naman siya na nakangising may bahid pang kilig. Kinuwento ni
Liya ang kaniyang pagdinig nang mabuti kay Elihito at pinapatawad na niya ang binata. ‘Di
nagtagal ay napaamin na rin si Elihito kay Liya sa kaniyang pagkagusto rito at kaniyang
niligawan ang dalaga.
Hinaharanaan, hinahatid, sinusundo, at binibigyan ng mga bulaklak at ‘di nagtagal
ay nagustuhan na rin siya ng dalaga. Madalas na sila magsama tuwing matapos ang klase.
Ang dating panlalait ni Elihito ay naging pagpupuri na at ang dting galit naman ni Liya ay
naging pagmamahal na, marami na’ng nagbago sa pakikitungo nila sa isa’t isa. Naging mas
maayos ang buhay ni Elihito dahil kay Liya sapagkat dumami ang kaibigan niya at naging
mabuti na ang pagkatao niya. Malaking epekto talaga para kay Elihito ang pagdating ni
Liya sa buhay niya kaya pinahalagahan niya ang bawat sandali sa kanilang pagsasama.
Tuwing nagkakatampuhan ay agad naming naayos ng mga bulaklak at kaunting
linawagan at paguusap, ngunit isang araw ay nagkaroon sila ng malalang tampuhan kung
saan hindi na sila nagkaintindihan at wala na’ng pumiling magkaayusan. Gusto nilang
dalawa na magkaayusan sila ngunit ayaw nilang aminin kung sino ang mali. Hanggang
isang araw ay nabalitaan nalang ni Elihito na lumuwas na pala ang dalaga sa ibang bansa
upang doon magaral. Nabigo si Elihito at nagsisi, hindi siya makakain at makatulog. Hindi
na ulit sila nagkita muli. Noong tumanda na at namatay si Elihito ay may lumitaw na
bagong insekto kung saan bulong ito nang bulong at laging pumupumnta sa mga bulaklak.
Ang sabi sabi raw ng mga tao ay si Elihito iyon kung saan binubulong niya ang kanyang
sanaysay ng paumanhin sa mga bulaklak sapagkat inaasahan niyang nasa may bulaklak si
Liya. Tinawag nila ang insektong bubulong na sa ngayon ay naging bubuyog.

You might also like