You are on page 1of 2

Ang tagumpay ni Rita

Isa sa sampung magkakapatid si Rita, dahil sa sobrang kahirapan ay nanunuluyan


siya sa kaniyang tiyahin sa Cebu. Labing-limang taong gulang pa lamang si Rita
noon ay pinas an na niya halos lahat ng mga gawaing bahay: paglilinis, paglalaba,
pamamalantsa at marami pang iba. Ang kaniyang tiyahin ay may tatlong anak,
dalawang babae at isang lalake. Ang dalawang babae ay si Julien at Maria, ang
lalake naman ay si John. Lahat silang magkapatid ay animo’y mga senyorita pat
senyorito. Lagi nilang inuutusan si Rita at si Rita naman na sobrang bait ay
sumusunod naman. Minsan pa’y sinasaktan pa siya ng tatlong magkakapatid at
pinapadakan si Rita habag naglilinis sa sahig, kinaiinisan siya ng mga ito.

Isang araw, inutusan siya ni John na labhan ang kaniyang mga damit ngunit
tumanggi muna si Rita dahil sumama ang kaniyang pakiramdam. Nagalit si John sa
kanyang pagtanggi. Binantaan siya nito na kapag hindi niya malalabhan ang mga
damit ay malalagot siya at hindi bibigyan ng baon sa paaralan. Napilitan si Rita na
maglaba kahit hinang-hina siya. Kinabukasan ay lunes, papasok na siya muli sa
paaralan. Pinuntahan niya ang kaniyang tiyahin sa kusina upang manghingi ng
pambaon ngunit binigyan lamang siya nito ng limang piso. Kahit hindi sapat ang
limang piso ay tinanggap naman niya ito ng buong puso, kaysa naman sa wala.

Habang naglalakad si Rita ng halos apat na kilometro paatungong paaralan ay bigla


nalang siyang napaluha. Ang sabi niya ay, balang araw ay makakamit din niya ang
kaniyang mga pangarap, pangarap na makatapos at hindi na siya maghihirap pa.
Nang siya ay makatapos ng highschool ay kinuha siya ng kapatid niya at dinala siya
sa Negros. Nagpatuloy ng pag-aaral si Rita sa kolehiyo at naging Academic Scholar
at nagtapos ng edukasyon nang may karangalang- Magna Cum Laude. Muli siyang
nag-aral at tatlong kurso ang natapos niya at naging Doktor sa Edukasyon at isang
abogado. Nakapag asawa siya ng isang abogado at naging isang matagumpay na
negosyatne. Sino ang mag-aakalang ang dating inaapi-api na si Rita ay isa nang
matagumpay at respetadong tao sa mataas na lipunan? Naging maligaya siya sa
piling ng tatalong anak at pagmamahal ng kaniyang kabiyak.
Ang pinakamaganda kong panaginip

Ako ay natutulog ng gabing iyon nang makita ko ang isang batang lalake na
nakatalikud. Hindi ko masyado makita ang kanyang mukha dahil sa sobrang
lakas ng silaw ng liwanag. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating
sa akin. Noong ako ay tatalikod na sana ay bigla niyang tinawag ang aking
pangalan at nakita ko ang kanyang matatamis na ngiti. Lumapit siya sa akin at
bigla akong niyakap. Tumulo ang kanyang mga luha at hindi ko na rin
napigilan ang aking sarili. Hinagkan ko siya ng mahigpit at ako’y humagulgol
dala narin ng pagkasabik na makita ko siyang muli. Matagal kung hinihintay
ang pagkakataong ito, ang makita at mayakap ko ang pinakamamahal kong
kapatid. Ngunit ako’y nagtaka nang bigla siyang magbitiw ng mga salitang
siyay nagpapaalam sa akin “ inday clau, namis kona kayung lahat, wagmo
sanang kalimutan na mahal na mahal ko kayung lahat, at kahit ako man ay
wala na sa inyung tabi ay wag dapat kayong mag alala dahil nandito lang ako
palagi, masaya na ako rito, masaya akung makita na nanatili paring buo ang
pamilya natin” wika niya. Pinipilit ko siyang huwag umalis muna subalit
ipinaiintindi niya na kailangan niyang lumisan. Ilang sandali ay ipinakita niya
muli sa akin ang matatamis niyang ngiti at muli siyang tumalikod sa akin.
Mabigat man sa aking kalooban ay pinagbigyan ko siya sa kanyang
kagustuhan. Lumakad siya ng dahan-dahan papalayo sa akin. Umiiyak nalang
ako dahil wala akung magawa. Sobra akong nanabik na makita siya at
makasama siyang muli ngunit ang aming pagkikitang iyon ay saglit lamang.
Bigla akong naalimpungatan nang bigla kong narinig ang boses ni mama.
“ma, Nakita ko si Art” wika ko. Tumingin si mama sa akin sinabing nanaginip
lang daw ako. Pumasok sa aking isipan na isa lamang pala iyong magandang
panaginip. Ang pinakamaganda kong panaginip.

You might also like