You are on page 1of 2

PAGSUBOK

BY:Roselle Joy Cadungog

Hindi lahat ng pangarap mo ay matutupad pero hindi naman masama ang mangarap .

Si Rita ay isang estudyante ng kolehiyo.Siya’y masipag,matiyaga at mabait na anak ng kanyang


mga magulang.Sila’y mahirap lamang.Ang kanyang ama ay karpentero lamang at ang kanyang ina ay
labandera ngunit sa kasamaang palad namatay ang kanyang ama dahil inatake ito sa puso.Tatlo silang
magkakapatid ang dalawa ay umalis dahil sa kasamaan ng ugali ng kanyang ama’t ina.Si Rita na lamang
ang natitira.

Makaraan ng dalawang taon ay kinailangang huminto si Rita sa pag-aaral dahil sa may sakit ang
kanyang ina at hindi na ito makapagtrabaho pa.Naghanap-hanap si Rita ng mapapasukang
trabaho.Nakapagtrabaho si Rita pero sa kakulangan ng sahod hindi ito makakasiya sa bayarin sa
ospital.Gusto sana niyang lumuwas ng Maynila pero wala namang magbabantay sa kanyang ina kaya
hindi na lang siya tumuloy.Sa hindi inaasahan namatay ang kanyang ina dahil sa stage 4 na sakit ng
kanser sa dugo .Labis ang kalungkutan na naramdaman ni Rita sa mga nangyari sa kanya pero hindi siya
nawalan ng pag-asa para sa kanyang matagal ng pangarap na maging guro.

Makalipas ang 5 taon ay nakapagtapos din si Rita ng kolehiyo sa tulong ng kanyang tiyuhin at
mga kamag-anak.Lumuwas si Rita ng Maynila upang tuparin ang kanyang pangarap.Nag-aral si Rita roon
ng kursong Education.Sa tulong ng Panginoon ay natupad ang pangarap ni Rita na maging guro.Sa
kasiyahang naramdaman niya ay dinagdagan pa ito dahil sa may isang lalaking umibig ng tapat sa
kanya.Biniyayaan sila ng dalawang anak pero sa labis na kasiyahan labis din ang kalungkutan ni Rita ng
mamatay ang kanyang pinakamamahal na asawa dahil binaril ito sa ulo at dahilan sa agaran nitong
pagkamatay.Dahil sa labis –labis na sakit ang nararamdaman ni Rita ay hindi pa rin siya sumuko dahil
may anak pa siya at sa pagkakaalam niya ay pagsubok lamang ang mga ito.

Pagdaan ng maraming taon sa pagtuturo ni Rita ay nangibang bansa si Rita upang doon magturo
dala-dala ang dalawa niyang anak.Sa pananalig ni Rita sa itaas at sa sarili ay naging international siyang
guro at marami na rin siyang natulungang mga batang walang sapat na budget para makapag-aral.

Sa pagkarami-rami ng taon ang lumipas ay naisipan ni Rita na umuwi sa Pinas upang doon na
ipagpatuloy ang pagtuturo.Nang dumating sila sa Pinas ay bumalik siya sa paaralan na kanyang
pinagtatrabahuan.Isang taon ang lumipas ay nalulong ang anak niyang lalaki sa masamang bisyo.Hindi
niya ito ikinagalit,pinabayaan niya nalang at nanalig nalang siya sa Panginoon.

Lumipas ang 5 buwan at nagpadala ng sulat ang anak niyang babae:

Dear mama,
Pasensiya nap o kay kuya.Ma , alam kong nasaktan ka masyado sa mga nangyari at dinagdagan
pa ni kuya.Pero huwag kayong mag-alala ako po ang bahala sa kanya.At ma, may sulat din siyang binigay
sa akin sabi niya:

Dear mahal kong kapatid,

Ibig ko sanang sabihin mo kay mama na huwag mag-alala sa akin.Nararamdaman ko kasi na


simula ng hindi na ako pinansin ni mama ay nasaktan siya masyado sa ginawa ko pero pasensiya na
talaga.Ipinangako ko na magbabago na ako para kay mama, sayo at sa buong pamilya.

Nagmamahal,

Bela

Simula noon naging masaya na ang buhay ni Rita kasama ang kanyang pamilya kahit sa galak, sa
lungkot at sa dusang dinanas ni Rita sa pagiging anak , asawa, ina at lalong-lalo na sa pagiging guro niya
ay hindi niya parin nakalimutan ang Panginoon.

THE END

You might also like