You are on page 1of 1

Nang Minsang Naligaw si Adrian

Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang ang naiba angpropesyon dahil kapwa abogado ang dalawang nakatatanda sa
kaniya.Dahil may kayasa buhay ang pamilya, natupad ang pangarap niyang maging isang doktor.Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal
mula sa kaniyang mga magulangat mga kapatid na nakapag-asawa rin nang makapagtapos at pumasa sa abogasya.Naiwan siyang walang ibang
inisip kundi mag-aral at pangalagaan ang kaniyang mgamagulang.Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal
aynakapagtrabaho sa isang malaking ospital. Ngunit sadya yatang itinadhana na mataposang dalawang taon mula nang siyang maging ganap na
doktor, pumanaw ang kaniyangpinakamamahal na ina. Naiwan sa kaniya ang pangangalaga ng ama na noon ay maysakit na ring iniinda.Malimit
siyang mapag-isa sa tuwing nabibigyan ng pagkakataongmakapagpahinga dulot na rin ng hindi niya maiwan-iwanan na ama. Naisin man
niyangmagtrabaho at manirahan sa ibang bansa katulad ng kaniyang mga kapatid, angkatotohanang may nakaatang na responsibilidad sa
kaniyang balikat ang pumipigil sakaniyang mangibang-bayan upang manatili sa piling ng ama at alagaan ito hanggang sakahuli-hulihang yugto ng
kaniyang buhay.Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila nang lahat angluho at oras na makahanap ng babaing
makakasama habambuhay. Ayaw rin niyangmapag-isa baling-araw kapag nawala na ang kaniyang ama.Isang araw, habang nagpapahinga
matapos ang halos limang oras naoperasyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa kasambahay na sinusumpong ng sakitang kaniyang ama.
Nagmadali siyang umuwi at sa kabutihang palad, naagapan namanniya ang ama.Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-ulit na takbo ng buhay na
pakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang kapag tuluyan nang mawala ang kaniyang ama. Hindi niyanamamalayan, unti-unti niyang
nararamdaman ang pagkaawa sa sarili. Nais niyangmakawala sa responsibilidad at magkaroon ng panahon para sa sarili. “Daddy, patawad po.
Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw kapag kayo’y nawala.”

You might also like