You are on page 1of 8

Pangalan: Christnil Kate Sevilla

Course at Seksyon: BSEd FILIPINO 3A


Class Code: EDUC61

Panuto : basahin at unawain mabuti ang bawat aytem. Piliin ang tamang sagot mula sa pagpipilian at
bilugan ang napiling sagot.

Multiple Choice

NANG MINSANG NALIGAW SI ADRIAN


Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang ang naiba ang propesyon dahil kapwa
abogado ang dalawang nakatatanda sa kaniya. Dahil may kaya sa buhay ang pamilya, natupad ang
pangarap niyang maging isang doktor. Lumaki siyang punong- puno ng pagmamahal mula sa kaniyang
mga magulang at mga kapatid na nakapag-asawa rin nang makapagtapos at pumasa sa abogasya.
Naiwan siyang walang ibang inisip kundi mag-aral at pangalagaan ang kaniyang mga magulang.

Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal ay nakapagtrabaho sa isang malaking
ospital. Ngunit matapos ang dalawang taon mula nang siyang maging ganap na doktor, pumanaw ang
kaniyang pinakamamahal na ina. Naiwan sa kaniya ang pangangalaga ng ama na noon ay may sakit na
ring iniinda. Naisin man niyang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa katulad ng kaniyang mga
kapatid, ang katotohanang may nakaatang na responsibilidad sa kaniyang balikat ang pumipigil sa
kaniyang mangibang-bayan upang manatili sa piling ng ama at alagaan ito hanggang sa kahuli-hulihang
yugto ng kaniyang buhay. Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila na ang lahat
ng luho at oras na makahanap ng babaing makakasama habambuhay. Ayaw rin niyang mapag-isa
balang-araw kapag nawala na ang kaniyang ama.

Nais niyang makawala sa responsibilidad at magkaroon ng panahon para sa sarili. “Daddy, patawad
po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong
mag-isa balang araw kapag kayo’y nawala.” Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi na
makapaglakad nang maayos. Nang sila’y nakarating sa isang lugar, huminto ang kotse at pinasan ni
Adrian ang ama. Tinunton nila ang daan papasok sa isang kagubatan. Mabigat ang ama kaya
paminsan-minsan ay tumititigil sila sa lilim ng puno upang magpahinga. Wala pa ring imik ang ama
habang binabali ang maliliit na sanga. Napansin ito ni Adrian. “Bakit n’yo po binabali ang mga sanga ng
puno sa tuwing tayo’y nagpapahinga, Dad?,” tanong ni Adrian. “Alam ko nais mo akong iligaw sa loob
ng kagubatan. Anak, palatandaan ito na dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka maliligaw.”
Lalong bumilis ang pag- agos ng luha ng binata. Walang kaimik-imik, muling pinasan ni Adrian ang ama

1
at natagpuan ang sariling bumabalik sa lugar kung saan sila nanggaling. Alam ni Adrian na hindi na siya
maliligaw. Hinding-hindi na.

1. Ano ang pangarap ni Adrian nung siya ay bata pa?


a. Maging abogado
b. Maging doktor
c. Maging propesor
d. Maging inhinyero

2. Bakit hindi agad nakapagtrabaho si Adrian pagka-graduate niya sa medisina?


a. May ibang plano siya sa buhay.
b. Kailangan niyang alagaan ang kanyang ama.
c. Gusto niyang mag-aral pa ng ibang kurso.
d. Hindi siya pumasa sa board exam.
3. Bakit naiinggit si Adrian sa kanyang mga kasabay na doktor?
a. Wala siyang pera.
b. May sakit ang kanyang ama.
c. Gusto niyang magtrabaho sa ibang bansa.
d. Hindi siya masaya sa kanyang trabaho.

4. Ano ang ibig sabihin ng ginagawa ni Adrian sa mga sanga ng puno habang nagpapahinga sila?
a. Nagsasayang ng oras.
b. Palatandaan para sa iba't-ibang ruta sa kagubatan.
c. Nagtatanim ng puno.
d. Nagpapahinga lang.

5. Ano ang naging reaksyon ni Adrian nang mamatay ang kanyang ina?
a. Sumama sa ibang bansa.
b. Umalis sa bahay at nagtrabaho sa malayong lugar.
c. Nanatili sa bahay at nag-alaga sa kanyang ama.
d. Nagtrabaho agad sa isang ospital.

6. Bakit nais ni Adrian maging doktor?


a. Dahil gusto niyang maging mayaman.
b. Ito ang pangarap ng kanyang mga magulang.
c. Ang kanyang mga kapatid ay parehong doktor.
d. Siya ay naligaw at napadpad sa ospital.

7. Ano ang naging epekto ng pagkawala ng ina kay Adrian?


a. Lumigaya siya sa buhay.
b. Naiwan siyang nag-iisa.

2
c. Nais niyang magtrabaho sa ibang bansa.
d. Ang kanyang pangarap na maging doktor ay nawala
Panuto: Para naman sa bilang 8-10, Basahin at unawaing mabuti ang sipi mula sa Nobelang Isang Libo’t
Isang Gabi

Isang Libo’t Isang Gabi

Isang babaeng mangangalakal ang nakipag-isang dibdib sa isang lalaking mahilig maglakbay sa buong
mundo. Malimit siyang iniiwan nang matagal ng kaniyang asawa.Dahil sa katagalan nang di pag-uwi ng
lalaki, nakadama siya ng kalungkutan at pagkabagot. Umibig siya sa isang lalaking mas bata sa kaniya.

Sa di inaasahang pangyayari, nakulong ang kanyang lalaking inibig. Gumawa siya ng paraan siya ng
paraan upang mapawalang bisa ang paratang dita at makalaya. Pinalabas niya na ang lalaking ito ay
kaniyang kapatid at lubhang mahal na mahal sa kaniya.

Lima ang lalaking nahingian niya ng tulong. Ang lima ring ito ay uminig sa kanya dahil sa angkin niyang
kagandahan at sa maamo nitong mata habang nakikiusap.Matutulungan lamang siya kung ibibigay at
ipagkakaloob niya ang kaniyang sarili.

Sa takot na makulong nang habambuhay ang kanyang lalaking iniibig, at sa pananakot ng mga lalaking
hiningian niya ng tulong, pumayag siya sa gusto ng mga lalaking ito kapalit ng kalayaan ng iniibig.

Natakda siya ng isang oras sa lahat ng lalaking umiibig sa kaniya. Sa sarili niyang bahay magaganap
ang hinihiling ng mga ito.

Sunod-sunod na nagdatingan ang hepe ng pulisya, si Cadi, si Vizier, ang hari at ang karpintero sa
kanyang bahay. Ginagawa ng babae ang balak na gagawin sa mga nagsidating.

Ang bawat nagsasidating na lalaki ay pinapapasok niya sa loob ng compartment ng cabinet. Hanggang
ang limang lalaki ay nakapasok na sa loob ng compartment ng cabinet. Iniwan niya ang mga ito sa loob
ng kanyang bahay at dumeritso sa presinto.

Agad naman niyang dinala ang sulat ng hepe ng pulisya. Agad naman nilang pinalaya ang kanyang
mangingibig. Napagpasyahan nilang mag ka layo-layo at lumipat ng siyudad. Gumayak sila at sumakay
ng kamelyo.

Samantala, nanatili ang limang lalaking nakakulong sa compartment ng cabinet. Sa loob ng tatlong
araw ng walang pagkain at walang tubig. Unang kumatok ang karpintero hanggan sa sumali ang iba.
Nang mag-usap-usap silang lima, napagtanto nilng naisahan sila ng babae.

Ang ilang mga kapitbahay ay nakarinig ng ingay sa loob ng bahay kaya inusisa nila kung may tao ba sa
loob ng bahay, napagalaman nilang may tao sa loob ng compartment sa loob ng cabinet. Kaya sinira
nila ang compartment ng kabinet.
Noong makalabas ang limang lalaki tinakpan nila ang kanilang mukha upang si makilala at makaiwas sa

3
tsismis ng kapitbahay.

8. Bakit naisip ng babae na gamitin ang compartment ng cabinet para sa kanyang plano?
a. Para itago ang kanyang lihim.
b. Sapantaha lang na lugar para sa pagkulong.
c. Gusto niyang magkaroon ng sariling kulungan.
d. Lahat ng nabanggit.

9. Ano ang naging papel ng kapitbahay sa buong kwento?


a. Sila ay naging tagapagtanggol ng babae.
b. Sila ay nagbigay ng tulong sa pagpapalaya sa limang lalaki.
c. Sila ay naging biktima rin ng plano ng babae.
d. Wala silang ginawang partikular na papel.

10. Paano natuklasan ng kapitbahay ang nangyari sa loob ng bahay ng babae?


a. Nakarinig sila ng ingay.
b. Nakaamoy sila ng kakaibang amoy.
c. Nakita nila ang limang lalaki sa labas ng bahay.
d. Sila ay inusisa ng babae.

Tama O Mali
Panuto: Lagyan ng T kung tama at M naman kung mali

____11. Ang babaeng mangangalakal ay umibig sa isang lalaking mas bata sa kanya.
_____12. Ang lalaking iniibig ng babae ay nakulong.
_____13. Sa takot na makulong ang lalaki, pumayag ang babae sa mga hiling ng limang lalaki.
_____14. Ang limang lalaki ay napagtanto na naisahan sila ng babae.
_____15. Ang babae ay nagtagumpay sa kanyang plano na mapalaya ang iniibig.
_____16.Ang hepe ng pulisya, si Joshua, si Jhon, ang Hari , at ang karpintero ay nagsimula ng sarili nilang
samahan matapos ang insidente.
_____17. Ang babae at ang limang lalaki ay nagkaroon ng masamang pangalan sa kanilang komunidad.
_____18. Ang kapitbahay ay nagtagumpay sa pagsira ng compartment ng kabinet.
_____19. Ang babae ay nagsimula ng relasyon sa limang lalaki sa loob ng compartment ng cabinet.
_____20. Ang tula ay isang uri ng sining o panitikan na nagtatampok ng malayang pagsasaayos ng mga salita,
ritmo, tugma, at iba pang elemento ng wika upang magbigay emosyon o damdamin.

4
Matching Type
Panuto: Itugma ang hanay A sa kaukulang aytem sa hanay B. Isulat ang titik ng iyong sagot sa bawat
bilang.
Ang Pagbabalik
Jose Corazon de Jesus
Babahagya ko nang sa noo ay nahagkan,
sa mata ko'y luha ang nangag-unahan,
isang panyong puti ang ikinakaway,
Nang siya'y iwan ko sa tabi ng hagdan:
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
nalulumbay ako't siya'y nalulumbay!

Nang sa tarangkahan ako'y makabagtas,


pasigaw ang sabing "Umuwi ka agad,"
ang sagot ko'y "Oo, hindi magluluwat!
"Nakangiti ako, luha'y nalalaglag…
At ako'y nagtuloy, tinunton ang landas,
na kabiyak ang puso't naiwan ang kabiyak.

Lubog na ang araw, kalat na ang dilim


At ang Buwan nama'y ibig nang magniningning;
Makaurasyon na noong aking datnin
Ang pinagsadya kong malayong lupain;
k'wagong nasa kubo't mga ibong itim
Ang nagsisalubong sa aking pagdating.

Sa pinto ng nar'ong tahana'y kumatok,


ako'y pinatuloy ng magandang loob;
kumain ng konti, natulog sa lungkot,
na ang puso'y tila ayaw nang tumibok;
ang kawikaan ko, pusong naglalagot,
tumigil kung ako'y talaga nang kulog!”

Nang kinabukasang magawak ang dilim,


Araw'y namintanang mata'y nagniningning,
sinimulan ko na ang dapat kong gagawin:
Ako'y nag-araro, naglinang, nagtanim,
Nang magdi-Disyembre, tanim sa kaingin,
Ay ginapas ko na't sa irog dadalhin.

At umuwi akong taglay ko ang lahat,


mga bungangkahoy at sansaknong bigas,
bulaklak ng damo sa gilid ng landas
Ay sinisinop ko't panghandog sa liyag,
Nang ako'y umalis siya'y umiiyak,

5
O! ngayon marahil siya'y magagalak!

At ako'y nagtulin, halos lakad-takbo!


Sa may dakong ami'y may'ron pang musiko,
Ang aming tahana'y masayang totoo
at ang panauhin ay nagkakagulo!"
Salamat sa Diyos!" ang naibigkas ko,"
nalalaman nila na darating ako!"

Ngunit, O! Tadhana! Pinto nang mabuksan,


Ako'y napapikit sa aking namasdan!
Apat na kandila ang nnangagbabantay
Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay,
Mukhang nakangiti at nang aking hagkan
Ang parang sinabi'y..."Paalam! Paalam!"

Hanay A. Hanay B.
21. Ang pagpapantig o pagbibigay ng tamang a. Tugma
dami ng pantig sa bawat taludtod. b. lungkot
22. Ang pagkakaroon ng parehong tunog o katinig c. Lahat
sa dulo ng mga salitang nasa dulo ng mga linya. d.. Paglalarawan ng Pagsiklab ng pag
23. Ano ang pangunahing damdamin o emosyon na e. Sukat
ipinapahayag ng tula? f. Tula
24. Aling bahagi ng tula ang naglalarawan ng
kalikasan o kapaligiran?
25. Paano ipinapakita ng may-akda ang
kanyang pananaw.

Punan ang bawat Patlang


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong o kumpletuhin ang mga pahayag sa pamamagitan ng
pagsulat ng mga angkop na salita o halaga sa mga patlang ng sagot.

estruktura Sanaysay Paksa Yugto pagsulat introduksyon

26.)Sa bawat ________ ng buhay, mayroong hamon at pagsubok na haharapin.


27.)Ang sanaysay ay isang uri ng ____________ na naglalaman ng personal na karanasan, opinyon, o
pangyayari.
28.)Sa isang sanaysay, ang pangunahing ideya o mensahe ng may-akda ay kilala bilang ____.
29.) Sa pagsusulat ng sanaysay, mahalaga ang maayos na ____________ upang maging maayos at
organisado ang pagkakalahad ng ideya.

6
30.)Ang ______________ ay isang bahagi ng sanaysay na naglalaman ng pangunahing paksang
tatalakayin o ipapakilala.

Identification
Panuto: Tukuyin kung ano ang itinatanong sa sumusunod na tanong. Piliin ang iyong mga sagot sa kahon
Isulat ang iyong sagot sa patlang.

31.) Paano naiugma ng may-akda ang personal na karanasan sa pangunahing mensahe ng sanaysay?
32.)Ano ang maaaring gawin ng mambabasa batay sa mga ideya at pananaw na ipinahayag sa sanaysay?
33.) Ang dula ay itinatanghal sa anong lugar o entablado?
34.)Sino ang pangunahing tauhan o bida sa dula?
35.)Ano ang pangunahing tunggalian o conflictong hinaharap ng mga karakter?

Enumeration
Panuto: Isa-isahin ang mga tanong at isulat ang iyong mga sagot.

36.)Isulat ang pangalan ng tauhan o karakter na naglalarawan ng pangunahing konflikto sa dula.


37.)Ilahad ang pangunahing layunin o adhikain ng pangunahing tauhan sa dula.
38.) Aling bahagi ng dula ang naglalaman ng kasukdulan o climax ng kwento?
39.)Ilarawan ang pangunahing tauhan ng dula. Ano ang kanyang papel o karakter sa kwento?
40.) Ano ang pangunahing tunggalian o suliranin sa kwento? Paano ito nakatulong sa pag-unlad ng
kuwento?

Essay
Panuto: Sagutin ang tanong sa abot ng iyong kaalaman

41.) paano nailarawan ng nobelang iyong binasa ang kultura at lipunan noong panahon ng ipinapakita
sa kuwento?
42-44.) Paano napapahayag ng may-akda ang kanyang damdamin o opinyon ukol sa paksa ng tula?
Ibigay ang mga konkretong halimbawa mula sa teksto na nagpapakita ng kanyang personal na pagsusuri.
45-46.)Ipaliwanag kung paano naihatid ng awtor ng sanaysay ang kanyang perspektibo hinggil sa isang
paksang panlipunan. Ano ang mga estratehiya na ginagamit niya para mapanatili ang interes ng
mambabasa habang nagtatanghal ng kanyang opinyon?
47-50.) Paano nakatulong ang pagganap ng mga aktor sa pagbibigay-buhay sa mga karakter ng dula?
Ano ang mga aspeto ng kanilang pagganap na nagbigay saysay sa emosyon at kahulugan ng kwento?

7
8

You might also like