You are on page 1of 2

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat katanungan.

Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang


papel.
1. Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal mula sa kaniyang mga magulang at mga kapatid na
nakapag-asawa rin nang makapagtapos at pumasa sa abogasya. Ang ideyang lumutang sa bahagi ng
akda ay_______.
A. Masipag mag-aral na mga anak at mapagmahal ang magulang.
B. Tapusin ang pag-aaral bago mag-asawa.
C. Wastong pagpapalaki ng mga anak.
D. Pagiging masunuring mga anak

2. Alin sa mga pangyayari ang nagpapakita ng ideya ng wagas na pagmamahal?


A. Nagmadali siyang umuwi at sa kabutihang palad, naagapan naman niya ang ama.
B. Dahil may kaya sa buhay ang pamilya, natupad ang pangarap niyang maging isang doktor.
C. Siya lamang ang naiba ang propesyon dahil kapwa abogado ang dalawang nakatatanda sa
kaniya.
D. “Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan ito na dito
tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka maliligaw.

3. “Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan ito na dito tayo dumaan, para
sa pagbalik mo ay hindi ka maliligaw.” Ano ang pagtutuwid na sasabihin mo sa anak?
A. Tama na iligaw ang iyong magulang.
B. Siguro panahon na para sarili mo naman ang asikasuhin.
C. Dapat pahalagahan at alagaan ang magulang hanggang sa pagtanda.
D. Marahil ay tatanggapin ng magulang ang iyong gagawing desisyon.

4. “Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasakatanghalian na po


ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw kapag kayo’y nawala.” Ang ideyang
lumutang sa binasa ay______.
A. Nagagalit ang anak sa ama.
B. Nalulungkot ang anak para sa ama.
C. Nagmamakaawa ang anak na umalis na ang ama.
D. Natatakot ang anak na mag-isa pag patay na ang ama.

5. “Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan ito na dito
tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka maliligaw.” Ang ideyang matuwid na nais
ipahatid ng binasang pangyayari ay _______.
A. Iniisip ng magulang ang ikabubuti ng anak kahit makasasama ito sa kanila.
B. Magulang ang nagtuturo ng tamang direksyon sa daan para hindi maligaw anganak.
C. Ililigaw ng isang anak ang magulang sa panahong hindi na niya kailangan ng paggabay nito.
D. Kailangang iwanan ng anak ang kanyang magulang upang sarili naman niya ang asikasuhin.

PANUTO: Piliin sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng salitang naka-italisado sa loob ng


pangungusap.

A. tutol D. nawala
B. pumunta ng ibang bansa E. may edad na
C. namatay F. sumagot

_____1. Pumanaw ang kaniyang pinakamamahal na ina


_____2. Ang pag-aasikaso sa ama ang pumipigil sa kaniyang mangibang-bayan
_____3. Nasa katanghalian na po ako ng buhay ko.
_____4. Alam niyang labag sa kaniyang kalooban ang kaniyang gagawin
_____5. Tumugon ang ama na may ngiting namutawi sa kaniyang labi.

You might also like