You are on page 1of 7

Name:________________________________ Grade: _______Date: _____

FIRST PERIODICAL TEST


FILIPINO 2

I.Panuto: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Piliin ang letra


ng angkop na sagot sa mga tanong.

1. Pumunta si Ben sa bahay ng kaklase niya para manghiram ng aklat.


Nakita niya na may nakalagay sa bakuran na “Mag-ingat sa aso.”
Ano ang ibig sabihin nito?
a. Makipaglaro sa aso.
b. Pakainin ang aso.
c. Huwag pumasok dahil may aso.
d. Batuhin ang aso.

2. Gumuhit ng isang sobre. Sa tabi nito, gumuhit ka ng isang lapis.

3. Pilian ang salitang ugat sa salitang tindahan


a. Tinda b. ahan c. inda d. dahoon

Panuto: Lagyan ng tsek () kung wasto ang pagkakasulat ng mga salita at ekis
() kung hindi wasto.

_____4.. ang Pulis

_____5. sina Kokoy at pipay

II.Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. May parada at mga banderitas na nakasabit sa daan, batay sa iyong


karanasan, ano kaya ang okasyon?
A. pista
1
B. kasalan
C. kaarawan
D. pagtatapos

2. Tinawag ka ng iyong nanay upang utusang bumili ng asin sa tindahan,


ngunit hindi mo pinansin. Ano kaya ang maramdaman ni nanay?

A. nagalit
B. natuwa
C. nalungkot
D. nagmalaki

3. Nakangiting tumango si Risa sa kuya niya. Batay sa sarili mong


karanasan sa iyong kapatid, ano ang ipinakikita ng pagtango ni Risa?

A. hindi pansinin ang kapatid


B. pumapayag siya sa gusto ng kapatid
C. ayaw niyang pagbigyan ang kapatid
D. isumbong sa kapitbahay ang kapatid

4. Kapag matagal kang nanonood ng telebisyon at may pasok ka pa


kinabukasan, ano kaya ang mararamdaman ng iyong ina?

A. mag-alala
B. matatakot
C. matutuwa
D. masisiyahan

5. Kung ikaw ay nagkasala sa iyong kaklase, kailan ka hihingi ng sori?

A. kaagad
B. kinabukasan
C. hindi mag sori sa susunod na taon

2
6. Kung ikaw ay dadaan sa gitna ng dalawang nakatatandang
nag-uusap ano ang sasabihin mo?
A. Padaan nga!
B. Alis kayo diyan dadaan ako.
C. Magandang umaga po, maari po bang makiraan
D. Pwede bang huwag kayong haharang diyan sa dadaanan ko?

7. Nais mong pumunta sa bahay ng kaibigan mo ano ang dapat


mong itanong upang malaman kung saan ang bahay nila?
A. Hoy! saan ang bahay ninyo?
B. Malapit ba dito ang bahay ninyo?
C. Simentado baa ng daan papunta sa inyo?
D. Saang kalye po matatagpuan ang bahay ninyo?

8. Kapag may nagsabi sa iyo na “sori hindi ko sinasadya” ano


ang sasabihin mo?
A. Okey lang po, hindi bale iyon.
B. Sa susunod mag ingat ka.
C. Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo.
D. Ah, sori-sori ka pa kasalanan mo naman.

9. Nasalubong mo ang isang lola at tinanong mo kung saan ang


bahay ng guro mo, ano ang dapat mong sabihin?
A. Tanda! saan ba ang bahay ng guro ko?
B. Dito ba makikita ang bahay ng guro ko?
C. Magandang araw po lola, saan po ba ang bahay ng guro ko?
D. Lola, alam mo ba kong saan ang bahay ng guro ko?

10. Isang hapon, may tumawag sa iyo sa cellphone mo.


Paano mo siya sasagutin?
A. Sino ba ito?
B. Magandang hapon, sino po sila?
3
C. Tawag ka uli may ginagawa pa ako!
D. Ano ang kailangan mo bakit tumawag ka?

III. Panuto: Piliin ang angkop na mensaheng nais ipabatid sa


sumusunod na sitwasyon. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1.Nais ng nakababatang kapatid mo na maligo sa pool pero naglalaro


ka pa ng gadyet mo. May nabasa kang;

“Huwag pabayaang maligo mag-isa ang mga bata


sa pool.” Ano ang ibig sabihin nito?
a. Samahan ng mas nakakatanda kapag maliligo sa pool.
b. Hayaang maligo mag-isa ang bata.
c. Maligo kasama ang mas nakababatang mga kapatid.
d. Pasamahan sa mga kaibigan.

2.Nagyayang mamasyal ang iyong kaibigan sa isang Mall na maraming


mabibili at maraming kainan. Naalala mo nabanggit sa isang aralin ng
iyong guro na “Tangkilikin ang sariling produkto.” Ano ang ibig sabihin
nito?

e. Kumain sa restawran ng mga Intsik.


f. Bumili ng gawa ng ibang lahi.
g. Magpabili ng mga imported na damit.
h. Bilhin ang mga gawa sa sariling bayan.

3.Habang nagmamaneho ang tatay mo may nabasa ka sa daan na “Mag-ingat sa


pakurbadang linya.” Ano ang mensaheng nais ipabatid?
i. Patakbuhin nang mabilis ang sasakyan.
j. Bagalan ang takbo ng sasakyan.
k. Bumusina habang tumatakbo ang sasakyan.
l. Ihinto ang sasakyan.

4. Kakain kayo ng pamilya mo sa restawran ngunit pagpasok sa


pinto ay nabasa mo ang; “Basa ang sahig.” Ibigay ang ibig
4
sabihin ng nabasa.
a. Magpadulas sa sahig.
b. Iwasan ang basang sahig.
c. Tumalon sa basang sahig.
d. Maglaro sa basang sahig.

5. Pumunta si Ben sa bahay ng kaklase niya para manghiram ng aklat.


Nakita niya na may nakalagay sa bakuran na “Mag-ingat sa aso.”
Ano ang ibig sabihin nito?
a. Makipaglaro sa aso.
b. Pakainin ang aso.
c. Huwag pumasok dahil may aso.

IV. Panuto: Gawin ang panutong ibinigay. Isulat ang iyong sagot sa loob
ng kahon.
A. Gumuhit ng araw. Kulayan ito ng dilaw.

B. Isulat ang iyong pangalan gamit ang malalaking letra.

5
C. Gumuhit ng dalawang magkatabing bituin. Kulayan ng
pula ang unang bituin.
Kulayan naman ang pangalawang bituin ng dilaw.

D. Gumuhit ng isang sobre. Sa tabi nito, gumuhit ka ng


isang lapis.

E. Isulat ang salitang salamat. Guhitan ito ng isang


beses.

6
7

You might also like