You are on page 1of 7

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6

Pangalan: _________________________________________ Marka: _____________

Baitang at Seksyon: _________________________________ Petsa: ______________

Paaralan: _____________________________________________________________

PANLAHAT NA PANUTO; Basahing mabuti ang sumusunod na pahayag at sagutin ang


mga tanong.Bilugan ang titik ng tamang sagot.

A. Para sa bilang 1 – 4. Basahin at unawain ang teksto sa ibaba.


Isang araw si Leanna ay pumunta sa Cebu kasama ang kanyang anak na si Engr. Liam Leandros. Masaya silang namasyal pagdating doon.
Pumunta sila sa iba’t-ibang lugar na may mga magagandang tanawin. Habang sila ay naglalakad, nakita nila si Hanna na isa ng doktor. Si Hanna ay pin -
san ni Liam na matagal ng hindi nakauwi sa kanilang lugar. Nagkayayaan silang pumunta sa isang restawran upang kumain. Masaya sila sa kanilang
pagkikita. Habang sila’y kumakain napag-usapan nila na magbigay ng donasyon sa mga tao sa kanilang lugar na higit na nangangailangan.
1. Sino-sino ang pumunta sa Cebu?
A. Hanna at Liam
B. Leanna at Liam
C. Leanna at Hanna
D. Leanna at si Dok
2. Bakit sila pumunta sa Cebu?
A. upang mamasyal
B. upang manood ng sine
C. upang bumili ng sasakyan
D. upang hahanapin si Hanna
3. Anong katangian ang taglay ng magpinsan?
A. masungit
B. maganda
C. mayabang
D. matulungin
4. Bakit gusto nilang tulungan ang mga tao sa kanilang lugar?
A. dahil karapatan nilang tumulong
B. dahil ang mga tao ay nanghingi sa kanila
C. dahil sumulat sila na gusto magpatulong
D. dahil nakita nilang marami ang higit na nangangailangan

B.Para sa bilang 5-6. Basahin at unawain ang teksto sa ibaba.


Ang Aming Tahanan
Ang aming tahanan ay binubuo ng masayang pamilya. Tatlo kaming magkakapatid. Si Tatay ay nagtatrabaho bilang isang Enhinyero. Si Nanay
naman ay nasa bahay at nag-aalaga sa aming magkakapatid. Bawat araw ginagawa niya ang lahat na gawaing bahay. Siya ang kumukuha at naghahatid
ng aming mga modyul sa paaralan. Tinutulungan rin kami ni nanay sa pagsagot ng aming mga modyul. Masaya kami dahil marami kaming natutunan at
kami rin ay nagtutulungan.
5.Alin dito ang tamang buod sa nabasang teksto?
A..Masaya ang aming pamilya dahil bibili si Tatay ng kotse.
B. Kami ay mag-aaral nang mabuti upang laging masaya.
C. Masaya kami dahil pupunta kami sa Cebu pagdating ng Sabado.
D. Kami ay masayang pamilya dahil kami ay nagtutulungan sa mga gawain at
pag-aaral
6. Ano ang maaaring mangyayari sa pamilya kung sila ay nagtutulungan?
A. Ang pamilya ay laging lumalabas sa bahay.
B. Ang pamilya ay makapupunta sa parke araw-araw.
C. Ang pamilya ay laging hihingi ng tulong sa mga kapitbahay.
D. Ang pamilya ay magiging masaya at matiwasay ang pamumuhay

C. Para sa bilang 7-10. Basahin at unawaing mabuti ang tekstong argumento sa ibaba. Sagutin ang bawat tanong at bilugan ang titik ng tamang
sagot.
MASAMA BA ANG PAKIKIPAGBARKADA?
(Tekstong Argumentatibo)

Sa kasulukuyan, makikita natin na maraming mga kabataan na tumatambay o kaya ay pumunta sa iba’t-ibang lugar kasama ang kanilang mga
kaibigan na hindi man lang alam ng kanilang mga magulang. Kadalasan ang kanilang mga ginagawa ay hindi nakatutuwa sa kanilang mga magulang.
Para sa kanila, iyon ay maganda ngunit hindi iyon dapat nilang gawin kasi nakapagdudulot iyon ng hindi magandang kahihinatnan. Akala ng magulang ay
gumagawa ng maganda ang mga anak dahil pinagkatiwalaan nila ito dahil kadalasan abala sa trabaho ang mga magulang. Ito minsan ang dahilan kung
bakit nakagawa ng kasamaan ang mga kabataan. May mga kabataan naman na nadoon lang sa bahay ang magulang kaya sila ay nagpaalam sana kung
umalis ngunit taliwas naman ang kanilang sasabihin para lamang sila ay makaalis ng bahay. Halimbawa magpapaalam sa magulang na umalis ng bahay
upang mag-aral sa bahay ng kanilang kaklase iyon pala ay nag-iinuman doon o di kaya ay nanonood ng malaswang palabas at gabi na uuwi. Dito nag -
sisimula ang pagsisinungaling at minsan ay nagdudulot ng masama sa mga kabataan. Samantala, mayroon namang mga kabataan na hindi gumawa ng
masasama kapag sila ay nasa labas. Mayroon din naming magkakaibigan na puro kabutihan lamang ang ginagawa at laging nagtutulungan sa isa’t isa sa
hirap at ginhawa. Tulad ng pagkakaroon ng “group study”. Pinagtutuunan nila ng pansin ang pag-aaral dahil gusto nilang magtagumpay balang-araw.
May masama at mabuting naidudulot ang pagbabarkada. Kailangan lang talaga ng patnubay ng mga magulang at nakatatanda.
7.Batay sa teksto, alin dito ang dapat mong gawin kung gusto mong magkaroon ng magandang kinabukasan?
A. Laging tatawag sa mga kaibigan upang lumabas.
B. Magpapaalam lagi sa magulang kapag lalabas ng bahay.
C.Sasama sa mga barkada na minsan lang gumagawa ng gawain sa modyul.
D. Sasama sa mga kaibigan na nakapokus sa pag-aaral at gumawa ng mabuti.
8.Ano ang dapat mong gawin upang maiwasan ang pagbabarkada?
A. Hikayatin ang mga kaibigan na pupunta sa bahay.
B. Laging makinig sa payo ng mga magulang at sundin ito.
C. Laging nakatuon ang pansin sa mga dapat gawin sa labas
D. Lalabas ng bahay na hindi man lang nagpaalam sa magulang.
9.Ano ang magandang maidudulot sa pagkakaroon ng mga mabuting kaibigan o kabarkada?
A. Lagi kang pagagalitan sa mga magulang.
B. Ang mga magulang ay hindi na magbibigay ng payo.
C. Ikaw ay magiging suwail na anak at palaban sa buhay
D. Ikaw ay magiging isang mabuting anak at makapagtapos sa pag-aaral
10.Bilang isang bata, ano ang maipapayo mo sa iyong kaibigan na may masamang gawain kasama ang ibang mga kaibigan?
A. Laging pumunta sa labas kahit hindi pinayagan.
B. Huwag nang lumabas at laging nakaselpon lamang.
C. Ituloy ang pagpunta sa labas kasama ang mga kaibigan.
D. Itigil na ang pakikisama sa mga kaibigan at makinig sa payo ng
mga magulang
D. Piliin ang wastong impormasyon na kailangan sa patlang ng bawat bilang upang mabuo ang balangkas.
11.
I. Ang Pagpapanatiling Malinis sa Kapaligiran
A. Pagtatanim ng mga punong kahoy
B. __________________________
A. Pagputol ng mga kahoy sa paligid.
B. Paglalagay ng mga plastic sa kanal.
C. Pagpitas ng mga magagandang bulaklak.
D. Paglalagay ng mga basura sa wastong lalagyan.

12.
I. Paraan ng Pagpapamamalas ng Paggalang sa nga Magulang
A. Pagmamano sa mga magulang
B. ________________________

A. Ang pagtulong sa mga gawaing bahay.


B. Ang madalas na pagsama sa mga kaibigan.
C. Ang hindi pagsunod sa mga utos ng magulang.
D. Ang paggamit ng mga magagalang na pananalita palagi.

E. Punan ng wastong pang-angkop ang bawat patlang.

13.Pupunta tayo sa parke_______hindi uulan.


A. at
B. kung
C. dahil
C. ngunit
14.Sa kamay ng mga kabataan nakasalalay ang kinabukasan ng bansa ______ dapat silang magsikap.
A. kaya
B. kapag
C. ngunit
D. habang
15. Magsuklay ka ng buhok mo__________naghihintay ako.
A. kaya
B. kapag
C. ngunit
D. habang
16.Ang maingat na drayber ay ligtas na nakarating.Alin ang ginamit na pang-angkop sa
pangungusap?
A. na
B. ay
C. ang
D. drayber
F. Dagdagan ng panlapi ang salitang-ugat upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.
17. Maaari mo ba akong sama_____ sa palengke?
A. -an
B. -in
C. -um
D. -han
18. Ang magkapatid ay _____aaral para sa pagsusulit sa susunod na araw.
A. hin-
B. nag-
C. mag-
D. han-
19. Linis__ mong mabuti ang iyong silid-tulugan.
A. -in
B. -an
C. -um
D. -han
20. Masaya___ ang mga tao sa aming barangay.
A. -hin
B. -nag
C. -han
D. -mag
G. Basahin nang mabuti ang bawat pahayag.
21. Si President Ferdinand “Bongbong” Marcos ang kasalukuyang pangulo sa
Pilipinas.
A. opinyon
B. ordinansa
C. resolusyon
D. katotohanan
22. Sa palagay ko tatakbo bilang pangulo si Sarah Duterte sa susunod na halalan.
A. opinyon
B. ordinansa
C. resolusyon
D. katotohanan
23. Ipinagdiriwang nating mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan tuwing ika-12 ng Hunyo.
A. opinyon
B. ordinansa
C. resolusyon
D. katotohanan
24. Kapag mayaman ang isang pamilya , masayahin at nagkakaisa ang mga
miyembro nito.
A. opinyon
B. ordinansa
C. resolusyon
D. katotohanan

H.Anong uri ng pangungusap ang mga sumusunod?


25.Gusto kong maging tanyag na Chef sa isang mamahaling restawran pagdating ng
araw.
A. pautos
B. patanong
C. padamdam
D. pasalaysay
26.Bakit ba naghihiwalay ang mag-asawa sa kabilang kanto?
A. pautos
B. patanong
C. padamdam
D. pasalaysay
27.Naku! Ang lakas ng kulog.
A. pautos
B. patanong
C. padamdam
D. pasalaysay
28.Marian, pakikuha ng bag ko sa mesa.
A. pautos
B. patanong
C. padamdam
D. pasalaysay

I.Basahin at unawaing mabuti ang mga teksto sa ibaba.Sagutin ang mga tanong.
Isang Takipsilim Kasama Sina Lola at Lolo
Ni: Liza M. Lubid
Hapon na ng dumating kami nina Lolo Raul at Lola Konsing sa kanilang kaparangan. Doon mo makikita ang iba’t ibang uri ng mga bulaklak na
napapaligiran ng makukulay na mga paru-paro. Sariwang hangin ang dumadampi sa musmos kong mga pisngi. Kahit hapon na ay damang-dama ko pa
rin ang maaliwalas na araw.”Isang, halika na apo bilisan mo ang pamimitas ng mga bulaklak baka aabutan pa tayo rito sa parang ng gabi. “sabi ni Lola
Konsing kay Isang.”Lola, gustong- gusto ko talagang pagmasdan ang paglubog ng araw,ang ganda kayang tingnan ang kulay ng araw sa paglubog nito”
sagot naman ni Isang.” Ay ito talagang batang ‘to ang kulit-kulit., sige hintayin natin ang lolo mo na namamastol sa kanyang baka’t kalabaw baka hinintay
pa niyang mabusog ang kanyang mga alaga,” ang sabi ni Lola Konsing.
Sa bukana ng parang ay masayang pinagmamasdan ni Isang ang napakagandang takipsilim kasama ang kangyang Lolo’t Lola.”Sana Lolo at
Lola ganito tayo palagi pagsapit ng takipsilim, masaya nating pagmasdan ito habang tayo’y magkatabing naka-upo rito na sumisipsip ng sariwang katas
ng buko”,sabi ni Isang.”Oo naman apo, malakas ka kaya sa amin ng lola mo palagi ka naming isasama rito at nang araw-araw ay pwede mong pagmas-
dan ang napakagandang takipsilim “sambit ni Lolo Raul.
Umuwing masaya si Isang kasama sina Lolo Raul at Lola Konsing habang dala-dala niya ang sariwang bulaklak na iaalay sa Altar ng simba -
han sa araw ng Linggo.
29.Batay sa teksto,ano ang masayang pinagmamasdan ni Isang kasama ang kanyang
Lolo at Lola?
A. ulan
B. takipsilim
C. kaparangan
D. hardin ng bulaklak
30. Alin sa ibaba ang pinakamasayang karanasan ni Isang ?
A. Paglalaro sa parang.
B. Pamimitas ng bulaklak.
C. Pag-inom ng sariwang katas ng buko.
D. Pagmamasid ng takipsilim kasama ang kanyang lolo at lola.
31. Umuwing masaya si Isang kasama sina Lolo Raul at Lola Konsing habang dala-dala niya ang sariwang bulaklak na iaalay sa Altar ng simbahan sa
araw ng Linggo.Ano kaya ang maaaring mararamdaman ni Isang pagdating sa bahay?
A. Malulungkot si Isang.
B. Magagalit si Isang sa kanyang lolo at lola.
C. Malulungkot na naman si Isang dahil tinatamad siyang magsimba.
D. Masayang magkukuwento si Isang sa kanyang mga magulang sa kanyang
karanasan kasama ang lolo at lola niya.
32.Tinawag ka ng inyong lola dahil may gusto siyang iutos sa inyo.Ano ang maaari mong isasagot sa iyong lola?
A. Opo, lola paparating na po ako.
B. Manigas ka diyan lola naglalaro ako.
C. Naku! Lola iutos mo iyan sa iba tinatamad ako
D. Halika ka rito lola hindi kita masyadong naririnig
Ang mga pangyayari sa ating paligid, pamayanan,lalawigan , sa bansang Pilipinas at sa buong mundo ay nakababahala na.Maraming mga
pangyayari sa mundo ngayon na hindi natin inaasahang mangyayari.Ilan sa mga ito ay ang nakahahawang COVID-19, biglaang paglindol at ang na -
pakalakas na bagyo.Ang mga kalamidad ay nakapipinsala sa maraming kabuhayan ng mga tao at maraming buhay ang nasawi.
33. Anong nakahahawang sakit ang lumalaganap ngayon?
A. TB
B. Malaria
C. Dengue
D. COVID-19
34. Ang kalamidad na nakapipinsala sa kabuhayan ng marami ay_______
A. sunog
B. bagyo
C. tsunami
D. pagputok ng bulkan
35. Batay sa teksto sa itaas, ano ang salitang naglalarawan sa mga napinsalang kabuhayan?
A. malaki
B. sagana
C. marami
D. kakaunti
36. Ayon sa teksto, anong salita ang mailalarawan mo sa kasalukuyang sitwasyon?
A. masaya
B. magulo
C. payapa
D. malungkot
J. Basahin at punan ang puwang sa sanaysay at tula ng nararapat na salita.
Pinakamahabang Pader sa Buong Mundo
Noong 200 B.C., dahil sa takot na lusubin ng mga 37.)________, itinayo ng mga taga-Tsina ang “Great Wall of China.” Sa pamumuno ni Emperor
Shih Huang Ti, libu-libong manggagawa ang naghirap upang maitayo ang pader sa pamamagitan ng kanilang mga kamay. Ang pader ay may habang
2,735 kilometro.
Ayon sa mga astronot na nakarating na sa kalawakan, ang pader na ito lamang ang
nakikita nilang palatandaan sa 38.)_________ na tila puting linya sa kalawakan.
37.
A. pader
B. mundo
C. kaaway
D. kalawakan
38.
A. pader
B. mundo
C. kaaway
D. kalawakan
Ilaw Ng Tahanan
Ni: Liza M. Lubid
Nanay, Ale,Ate at Lola mga babae sila
Babaeng disiplinada at 39.)_________
Sila ang gumagawa ng gawaing bahay
Katuwang ng mga tatay para mabuhay
Babae ako at hindi isang laruan
Na pweding iwanan kapag pinagsawaan
Kaya tayong mga kababaihan, dapat tayong maaasahan
Sa lahat nang oras maaaring maging 40.)_________
39.
A. marikit
B. kawili-wili
C. kaaya-aya
D. malungkot
40.
A. kasabihan
B. kanlungan
C. kagandahan
D. kalungkutan

SUSI SA PAGWAWASTO
1. B 21. D
2. A 22. A
3. D 23. D
4. D 24. A
5. D 25. D
6. D 26. B
7. D 27. C
8. B 28. A
9. D 29. B
10. D 30. D
11. D 31. D
12. D 32. A
13. B 33. D
14. A 34.B
15. D 35. C
16. A 36. D
17. D 37. C-kaaway
18. B 38. B-mundo
19. A 39. C-kaaya-aya
20. A 40. A-kanlungan

You might also like