You are on page 1of 3

NAME: DATE:

GR./SEC.:

Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang sumusunod na pahayag at katanungan. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa hiwalay na papel.

1. Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas na paaralan sa Maynila.


Anong panahon ang ipinakikita sa pahayag?
A. tapos na ang pasukan
B. simula na ng bakasyon
C. nasa kalagitnaan na ng pasukan
D. simula na ng pagbubukas ng klase

“Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na punong akasya, gugugol kayo ng
puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang upang
makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.” - Hango mula sa Akasya o Kalabasa

2. Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda kapagkaraka ang mga
pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy. Si Mang Simon naman ay hindi muna nagtungo sa
linang upang Samahan sa pagluwas ang anak na pag-aaralin sa Maynila. Anong damdamin ang
ipinakikita ng mag-asawang Irene at Simon sa pahayag?
A. malungkot C. nananabik
B. masaya D. ninenerbiyos

Para sa bilang 3-4


3. Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag sa loob ng kahon?
A. Matagal magpatubo ng puno ng akasya.
B. Mag-aral na lamang si Iloy sa buong buhay niya.
C. Matagal mag-aral ng pagpapatubo ng magandang puno.
D. Mahabang panahon ang kailangang gugulin kung nais mong maging maunlad at maalam sa
buhay.

4. Kung ikaw si Mang Simon, alin sa sinabi ng punong-guro ang iyong susundin?
A. Makapagpatubo ng tulad sa kalabasa upang higit na mabilis matapos at anihin.
B. Hayaan lamang ang sariling kagustuhan at huwag pakinggan ang sinasabi ng iba.
C. Maghintay ng matagal na panahon para sa mas mayabong at malagong kaalaman.
D. Humanap ng ibang paaralang makapagbibigay ng isang natatanging karunungan lamang.

5. Ito ay isang diskursong naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay, pasulat man o pasalita.
A. anekdota C. pagsasalaysay
B. mitolohiya D. talambuhay
6. Sa pagpili ng paksa, dapat na ito ay likas na napapanahon, may mayamang damdaming
pantao, may kapana-panabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at may malinaw at maayos na
paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan. Ito ay tumutukoy sa .
A. kawilihan ng paksa C. kakayahang pansarili
B. sapat na kagamitan D. kilalanin ang mambabasa

7. Isa sa mapagkukunan ng paksa na sinasabing pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng


pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan mismo ng
nagsasalaysay.
A. napanood C. narinig sa iba
B. likhang-isip D. sariling karanasan

8. Bahagi ito ng komiks kung saan isinusulat ang maikling salaysay.


A. kuwadro C. kahon ng salaysay
B. lobo ng usapan D. pamagat ng kuwento

9. Sino ang sinasabing kauna-unahang Pilipinong sumulat ng komiks?


A. Dr. Jose P. Rizal C. Roderic P. Urgelles
B. Virginia Hamilton D. Consolation P. Conde

10. Isang grapikong midyum na binubuo ng diyalogo, mga salita, at larawan na siyang
nagsasalaysay sa diwa ng kuwento.
A. anekdota C. magasin
B. komiks D. mitolohiya

Astel, Sa’n ka Galing?


ni Abegail C. Joson
Mag-iisang taon na rin simula nang limitahan ang bilang ng maaaring lumabas dahil sa COVID-
19. Inip na inip na ako lalo na’t ang mga nag-aalaga sa akin ay istrikto. Hindi ako kasama sa
listahan ng pwedeng lumabas. Sila lang at bihira lang din naman iyon, liban na lang kung trabaho
ang pupuntahan. Isa pa’y wala raw silang ipantutubos sa akin kapag nahuli ako ng pulis. ‘Yan
ang palaging sambit nila, ngunit alam na alam ko naman na mahuhuli lamang ako kapag hindi
ako nagsuot ng facemask at faceshield dahil ‘yan ang sabi ng kapitan namin, at saka labimpitong
taong gulang na ako. Sinusunod ko ang kanilang nais dahil ito naman ay para sa aking kabutihan.
Minsan sa kainipan ko ay naisipan kong yayain ang mga kaibigan kong lumabas, siguro’y dala
na rin ng pagkabagot nila kaya madali ko silang napapayag. Nang sumapit na ang dilim nang
araw na iyon at nakapaghapunan na kami, nagsara ako ng pintuan ng kuwarto ko para isipin
nilang ako ay tulog na at saka ako dumaan sa bintana at marahang pumuslit sa babahagyang
nakabukas na gate. Sinundo ako ng isa sa mga kaibigan sa kantong malapit sa aming bahay at
nagpunta kami sa lugar na napag-usapan ng grupo. Nagkasiyahan kami at hindi namalayang
lumagpas na pala kami sa curfew. Swerte na rin at hindi kami natiyempuhan ng mga
rumorondang barangay tanod. Alas-onse na ng gabi nang ako ay makabalik sa aming bahay.
Marahan ang aking mga naging kilos, inakyat ko ang noon ay sarado nang gate. Bago pa man
tumahol si Gringgo ay nakalapit na ako sa bintana ng aking kuwarto na iniwan kong hindi
nakakandado bago ako umalis. Dali-dali ‘kong tinalon ang bintana upang agad makapasok at
hindi mahuli ng aking tatay. “Tagumpay!”. Ang patawa-tawa kong sambit nang biglang bumukas
ang ilaw. Napasigaw pa ako sa takot nang malaman kong may ibang tao sa kuwarto ko. Nanlumo
ako nang makita ko ang bulto ng nakaunipormeng lalaki na nakahawak pa sa switch ng ilaw.
“Ay pulis!” Nahuli ako ng kuya ko. Natitiyak ko na ang sermon pagkatapos ng agahan bukas.
Hindi na ako uulit pagkatapos ng sermon bukas.

Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong kaugnay ng akda.

1. Ano ang mahihinuha mong pangunahing kaisipan ng binasang akda?


Na ito ay isang sanaysay na nagbibigay kamakayan sa mga tao kung ano ang mangyayari
kung lumabag sa quarantine rules
2. Ibigay ang mga katangian ng tauhan sa akda.
Ang bida at ang kaniyang mga kaibigan ay gusto ng kalayaan mula s apakiramdam ng pag
kakakulong sa kanilang bahay
3. Ilarawan ang tagpuan sa binasang akda.
Ang napiki nilang tagpuan ay marahil sa isang lugar na lagi nilang pinupuntahan noong
wala pang pandemya at binabalikan nila ang mga ala-ala
4. Ano ang nais ipabatid ng may-akda sa mga kabataan ngayon?
Na may kapalit ang bawat ginagawa nayin_
5. Ano ang iyong masasabi sa paraan ng awtor sa pagsulat ng akda?
Hindi maganda ang pag pagpapakitanya ng aral sa mga kabataan. Hindi dapat matakot
ang mga bata lumabas dahil sa may pulis at sila ay kailangan tubusin sa halip dapat ang
kayangutan ay ang sakit na mapupulot natin sa labas na hindi ipinakita ng awtor_
6. Paano nagbago ang damdaming nakapaloob sa akda?
Nagbago ito sa paraan na hindi na nya uli ninais lumabas siguro siya ay nakaramdam ng
takot pero sa pakiramdam ng mambabasa gaya ko ay hindi masaya

You might also like