You are on page 1of 4

Panimulang Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng tunay na pagkakaibigan?

A. Ang akin ay akin lamang. Walang kaibi-kaibigan.

B. Kaibigan lamang kita sa panahong may pakinabang ka sa akin,


kung wala ay hindi kita kikilalanin.

C. Higit kanino man, ano man ang ating pagdaanan, hirap man ¢
ginhawa, mananatili akong tapat na kaibigan.

D. Ang dati nating pinagsamahan ay handa kong kalimutan kapag


ako ay nasa tuktok na at ikaw ay nasa ibaba pa rin.

2. Ano ang ibig sabihin ng nakasalungguhit na mga salita sa pahayag sa ibaba?

Si Morissot ay naglilibot sa malawak na pasyalan, walang salapi at kumakalam ang sikmura.

A. busog
B. gutom
C. pagod
D. takot

3. Sinasabing ang mitolohiya ay tumatalakay sa pakikipagsapalaran ng mga diyos at diyosa. Alin sa


sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng katangiang ito?

A. Si Cardo ay apo ni Aling Gloria.

B. Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan.

C. Si Dr. Jose Rizal ay nagtungo sa ibang bansa upang mag-aral.

D. Si Zeus, sa kabila ng pagiging diyos, ay mayroon ding kinahaharap


na mga pagsubok.

4. Ang nakalahad sa bahaging ito ay mga iskrip sa dulang pantanghal.


Alin sa mga ito ang nagpapahayag ng paninibugho ng pamamaalam?

A. “Hinding-hindi mo ako mapapaikot sa iyong palad, Carlo! Tandaan mo ‘yan!”


B. “Nay? Sino ba ang aking tatay? Bakit hindi ko po siya nasilayan man lang?”
C. “Anak, aalis muna saglit si tatay ha? Kailangang kumayod ni tatay sa ibang bansa upang
maibigay ko sa iyo ang pangarap mong bike.”
D. “Alam mo, sa totoo lang mas pipiliin ko pang malagutan ng hininga sa iyong tabi basta’t
kasama kita. Sapagkat kung ako lamang ay mag-iisa at hindi ka masisilayan, parang ako ay
wala na ring buhay.”
5. Ito ay isang uri ng panitikang tuluyan na nagpapahayag ng sariling kaisipan, kuro-kuro,
damdamin, at saloobin tungkol sa isang paksa o isyu. Nagsisilbi rin itong paglilinaw upang
talakayin ang mahahalagang impormasyon sa isang pangunahing isyu.
A. Maikling kwento
B. Nobela
C. Sanaysay
D. Tula
6. Ano ang iyong gagawin sa tuwing ikaw ay nakararanas ng kabiguan?
A. Babangon at lalabang muli
B. Hinding-hindi na susubok pang muli
C. Iaasa na lamang sa kapalaran ang lahat
D. Tuluyan nang panghihinaan ng loob at mawawalan ng tiwala sa sarili
7. Ang mga sumusunod na pangyayari ay bahagi ng isang maikling kuwento. Tukuyin kung alin sa
sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagkakaibigan.
A. Mayaman at kompportable ang buhay ni Stella, ang nag-iisang anak ng mag-asawang Don
Manuel at Senora Faustina. Ngunit ni minsan ay hindi inabuso ng dalaga ang kaniyang estado
sa buhay.
B. Parang magkapatid na sina Lino at Tomas. Sabay silang lumaki at lagi ring nagtutulungan.
Subalit, isang insidente ang nagbago sa masayahing si Tomas.
C. Si Monsieur Morissot, tagagawa ng orasan, ay naglilibot sa malawak na pasyalan isang
maaliwalas n aumaga ng Enero, wala siyang salapi at kumakalam ang sikmura, at may
nakasalubong na kakilala – “Monsieur Sauvage, Kaibigan.”
D. Dahil nag-iisang anak, malapit sa mga hayop si Maymay. Mayroon siyang aso at pusa – sina
Bruno at Kiting. Subalit, hindi alam ng bata na may tinatagong galit o inggit pala si Bruno kay
Kiting.
8. Ito ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi-
habi sa isang mahusay na pagbabalangkas.
A. Maikling kuwento
B. Nobela
C. Sanaysay
D. Tula
9. Ang simbolo na kumakatawan sa mga bagay at mga pangungusap na nais ipahayag ng tao sa
kaniyang kapuwa ay tinatawag na ______________.
A. Panitikan
B. Sining
C. Tunog
D. Wika
10. Ano ang ibig ipakahulugan ng pahayag na: “Si carlo ay nagsusunog ng kilay gabi-gabi”?
A. Si Carlo ay mabait na anak.
B. Si Carlo ay masipag mag-aral.
C. Si Carlo ay walang hilig sap ag aaral.
D. Si Carlo ay masunurin sa mga nakatatanda.
11. Basahin ang sitwasyong ito at tukuyin kung ano ang nararapat na maging wakas nito.
Nais pumunta ni Rico sa palengke upang bumili ng kaniyang paboritong hipon upang
kanilang maging ulam sa hapunan. Habang naglalakad si Rico at tangan-tangan ang perang ipambibili
niya ng hipon ay napadaan siya sa mga batang naglalaro ng holen. Naiinggit si Rico at nakipaglaro na
muna. Hindi niya namalayan ang oras at napasarap ang kaniyang paglalaro. Nang umuwi na ang lahat
ng kaniyang mga kalaro ay noon lamang niya naisip na may bibilhin pa pala siya. Dali-dali siyang
piumunta sa palengke ngunit wala sarado na ang mga tindahan. Umuwi si Rico sa kanilang bahay at
Nakita niyang naghihintay ang kaniyang nanay na may hawak na pamalo.
Ano sa palagay mo ang sunod na pangyayari?
A. Masarap ang kanilang ulam ng gabing iyon.
B. Siya ay napagalitan at pinalo ng kaniyang nanay.
C. Ang kaniyang nanay ay lubos na natuwa sa kaniyang ginawa.
D. Inutusan siyang bumili ng maraming holen ang perang pambili ng hipon.
12. Agaw-dilim na nang makapasok ang mga mandirigma. Ang salitang may salungguhit ay nasa
anong kayarian?
A. Payak
B. Inuulit
C. Maylapi
D. Tambalan
13. Namatay si Haring Priam at ang marami niyang mga kasamahan. Ano ang inihahayag na kilos ng
salitang may salungguhit?
A. Tao
B. Bagay
C. Pangyayari
D. Damdamin
14. Ito ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na tumatalakay sa mga kuwentong hinango
sa Banal na Kasulatan.
A. Pabula
B. Parabola
C. Anekdota
D. Maikling kuwento
15. “Itapon ninyo sa kadiliman sa labas ang aliping walang kabuluhan! Doo’y tatangis siya at
magngangalit ang kaniyang ngipin.” Ang pahayag na ito ng panginoon ay nagsasaad ng anong uri
ng damdamin?
A. Pagkagalit
B. Pagkatuwa
C. Pagkalungkot
D. Pagkabahala
16. “Magaling! Tapat at mabuting alipin!” Ito ang nararamdaman ng panginoon sa naging resulta ng
kaniyang habilin.
A. Natuwa
B. Nagalit
C. Nalungkot
D. Nabigla
17. Ang alipinng nakaaalam ng kalooban ng kaniyang panginoon ngunit hindi naghanda ni sumunod
sa kalooban nito ay tatanggap nito.
A. Karangalan
B. Kaparusahan
C. Kabayaran
D. Kapahamakan
18. Ito ang salitang nag-uugnay sa mga salita, parirala, sugnay, at pangungusap gaya ng pangatnig,
pang-angkop, at pang-ukol.
A. Pandiwa
B. Panghalip
C. Pangngalan
D. Pang-ugnay
19. Siya ay isang Pranses na manunulat na nagbigay-bihis sa isang makabagong anyo ng panitikan na
tinatawag na sanaysay o essay noong Panahon ng Pagkamulat (Age of Enlightenment)
A. Albert Camus
B. Emile Zola
C. Michel de Montaigne
D. Simone de Beauvoir
20. Sa bansang ito naganap ang kuwento ni Demades.
A. Ehipto
B. Gresya
C. Italya
D. Persia

Susi sa Pagwawasto
1.C
2.B
3.D
4.C
5.B
6.A
7.C
8.B
9.D
10.B
11.B
12.D
13.C
14.B
15.A
16.A
17.B
18.D
19.C
20. B

You might also like