You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division of Parañaque City
MOONWALK NATIONAL HIGH SCHOOL
www.moonwalknhs.edu.ph

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO IX


Taong Panuruan 2018-2019

Pangalan:_________________________________ Antas:__________________
Guro:____________________________________ Petsa:__________________

Panuto: Suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Ibigay ang nais ipahiwatig nito.Titik lamang ang
Isulat.
1. Ibig na ibig kong makakilala ng isang “babaeng moderno,” iyong babaeng Malaya, nakapagmamalaki’t
nakaaakit sa aking loob! Iyong Masaya, may tiwala sa sarili, masigla’t maagap na hinaharap ang buhay,
puno ng tuwa at sigasig,pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan kundi maging ang
kabutihan ng buong sangkatauhan.
A. Nangangarap na makaahon sa kahirapan.
B. Nangangarap na makarating sa ibang bansa.
C. Nangangarap na mapabilang sa mga babaeng moderno.
D. Nangangarap na malagpasan ang mga pagsubok sa buhay.

2. Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa puso’t isip ko’y
hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae na
tumatanaw sa malayong Kanluran.
A. Sabik siyang salubungin ang bagong panahon.
B. Ikinakahiya niya ang daigdig ng mga Indian.
C. Indian siya subalit nais niyang makawala sa lumang tradisyon.
D. Gustong gusto niyang tumanaw sa malayong kanluran.

3. Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ipagkaloob ang
sarili sa mga nagtatrabaho’t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit nakatali ako sa mga
lumang tradisyong hindi maaaring suwayin.
A. Naiinggit sa mga kababaihan ng Europe.
B. Mahigpit na ipinapatupad ang pagsunod sa tradisyon.
C. Nais ilaan ang sarili sa kababaihan ng Europe.
D. Nakatali ang tradisyon sa kanila.

4. Alam kong para sa aking sarili’y magagawa kong iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may
mga buklod na matibay pa sa alinmang lumang tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal
na inuukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong nararapat kong pasalamatan sa lahat
ng bagay.
A. Matibay ang pagpapatupad ng lumang tradisyon.
B. Malakas siya kaya’t kaya niyang putulin ang lumang taradisyon.
C. Mas nangingibabaw ang sariling kapakanan.
D. Mas nangingibabaw ang pagmamahal sa magulang kaysa sariling kaligayahan.
5. Kahit noong musmos pa ako’y may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang “emansipasyon”may
isang naiibang kabuluhan ito, isang kahulugang hindi maaabot ng aking pang-unawa.Gumigising ito
para hangarin ang pagsasarili at kalayaan- isang paghahangad na makatayong mag-isa Ang puso ko’y
sinusugatan ng mga kumbesiyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang
mithiin kong magising ang aking bayan.
A. Paghahangad ng kalayaan hindi lamang para sa sarili gayundin sa iba pa.
B. Nalulungkot sa kanilang kalagayan.
C. Nagnanais na makapagtrabaho at buhayin ang sarili.
D. Nagsasawa na sa napagmamasdan niya araw-araw.
6. Kung ikaw si Estella Zeehandelaar, karapat-dapat ba ang ginawa niyang pagtitiis na makalaya kapalit ng
pagmamahal niya sa kanyang magulang?
A. Opo, dahil mapapalaya din naman sila pagdating ng panahon.
B.Opo, dahil magulang ko sila.
C. Opo, dahil mas mahalaga ang kaligayahan nila kaysa sa kanyang sariling kaligayahan.
D. Opo, dahil sila ang magdedesisyon para sa kanya.
7. Kung nalagay ka sa sitwasyong bukod tangi kang di pinag- aral sa magandang paaralan ng iyong mga
magulang, magtatampo ka ba sa kanila?
A.Opo, dahil karapatan ko ring makapag-aral.
B.Opo, dahil mahalagang makapag- aral sa magandang paaralan.
C. Hindi po, dahil alam ko namang mas matalino sila kaysa akin.
D. Hindi po, dahil sila ang nararapat magdesisyon para sa mga anak nila.
8. Kung ang lahat ng batas ay pabor lamang sa mga kalalakihan, ano ang maaari mong maramdaman?
A.Masaya, sa kadahilang ito’y nagpapakita ng pagiging matuwid.
B. Magagalak, sapagkat ipinapakita ang pagpapahalaga sa kalalakihan.
C. Maaasar, dahil tao rin naman ako at may karapatan din naman.
D. Malulungkot,dahil bilang nilalang sa mundo lahat tayo ay dapat magtamasa ng pantay na karapatan.

9.“Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman na sinira ng ulan ang
malaking bahagi niyan, pero sa natira sa kanilang nailigtas ay nagsalo-salo sila tulad sa isang piging na
alam nilang di nila mararanasang muli.”Ano ang ipinahihiwatig ng panghuling pangungusap na ito?
A. Sabik sa pagkain ang mga bata.
B. Masarap ang pagkain kaya kinain nila ito.
C. Minsan lng sila nakakatikim ng ganoong pagkain.
D. Walang gaanong pagkain sa bahay nila.

10.Ngayo’y naging napakalawak ng kanyang ama sa sarili bilang isang malupit na inulilang ama na
ipinaglalamay ang wala sa panahong pagkamatay ng kanyang dugo at laman mula sa kanyang awa sa
sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata, sa pahayag na ito, masasabing ang uri
ng tauhang nabibilang ang pangunahing tauhan ay ;
A. Tauhang tatsulok
B. Tauhang bilog
C. Tauhang lapad
D. Tauhang parihaba

“Bakit ninyo po binabali ang mga sanga ng puno sa tuwing tayo’y nagpapahinga, Dad?” tanong ni
Adrian. Tumugon ang ama na may ngiting namutawi sa kanyang labi, alam ko nais mo akong iligaw
sa loob ng kagubatan anak, palatandaan ito na dito tayo dumaan para sa pagbalik mo ay hindi ka
maliligaw.”
Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata.Walang imik-imik muling pinasan ni Adrian ang ama
at natagpuan ang sariling bumabalik sa lugar kung saan sila nanggaling. Alam ni Adrian na hindi na
siya maliligaw, hinding-hindi na.

11. Sa pahayag sa itaas, ano ang ipinapahiwatig ng itinugon ng ama ni Adrian sa kanya?
A. Doon din dapat siya dumaan pabalik.
B. Ayaw ng ama ni Adrian na siya’y maligaw.
C. Mahal ng ama si Adrian.
D. Nais ng ama na makabalik sa kanilang tahanan.

12. Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-imik, muling pinasan ni Adrian ang ama
at natagpuan ang sariling bumalik sa lugar kung saan sila nanggaling.
Ang aksyon na ito ni Adrian ay nagpapakita na siya ay?
A. Hindi tunay na lalaki.
B. Nakonsensiya sa kaniyang ginawa.
C. May mahalagang gagawin kaya naisipang bumalik.
D. Mabuting anak.
13. Sa pahayag na nakasalungguhit sa itaas, sinasabing si Adrian ay ______________.
A. Hindi na maliligaw.
B. Nangangako.
C. Hindi na muling magkakamali.
D. Nakakasiguro sa kanyang dadaanan.

14. “Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw, hinding-hindi na.”Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag na
ito?
A.Mayroon siyang palatandaan sa pagbabalik.
B.Nakakasiguro siya sa kanyang daraanan.
C.May tiwala siya sa kanyang sarili.
D.Hindi na siya muling magkakamali

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo. Mayroon
siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuting na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang
perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa( na kiming iniabot naman ito agad sa kanya,
tulad ng nararapat.

15. Mahihinuhang ang ama ay magiging _________.


A. matatag C. matapang
B. mabuti D. masayahin
16. Pinapahiwatig na ang ama ay ______________.
A. Maawain C. matulungin
B. Mapagmahal D. Maalalahanin

17. Alin sa mga sumusunod na mga pangyayari ang hindi kabilang sa akdang Ang Ama.
A. Nasisante ang Ama.
B. Umuwi ng lasing amg Ama.
C. Niligaw ng anak ang Ama.
D. Binugbog ng ama ang anak.

18. “Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana’y
tanggapin mo.”Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na ito?
A. Ayaw tanggapin ng anak ang binibigay ng kanyang ama kaya ito nagpipilit.
B. Walang pambili na mamahaling bagay ang ama.
C. Kuripot ang tatay.
D. Nagpapakita ng pagmamahal ng ama sa kanyang anak.

INA: Nakapagtataka! Ano kaya’ng nakain ng amain mong iyon at naisipang sumama ngayon
sa atin? Ngayon ko lamang siya makikitang lalapit sa Diyos…
BOY: Kung sasama po si Tiyo, sasama rin ako…
INA: Hayun! Kaya lamang sasama ay kung sasama ang iyong amain. At kung hindi, e, hindi ka
rin Sasama. Pero , mabuti rin iyon… Mabuti, sapagkat hindi lamang ikaw ang maaakay ko
sa wastong landas kundi ang kapatid na iyon ng iyong ama na isa ring…..

19. Bakit ganonn na lamang ang reaksyon ng ina ni Boy sa unang dayalogo nito?
A. Marahil kahit minsan ay di niya nakitang magsimba ang amain ni Boy
B. Ayaw niyang sumama sa pagsimba ang Amain ni Boy.
C. May masamang nakain ang amain ni Boy kaya ito sasama.
D. Ayaw niyang lumapit sa Diyos ang amain ni Boy.

20.Anong mahihinuha mo sa ikalawang dayalogo ng ina sa kanyang anak?


A. Nagagalit ito dahil gusto pang magsama ni boy.
B. Natutuwa ang ina dahil meron pa silang maaakay sa simbahan.
C. Masyadong malapit si boy sa kanyang amain.
D. Naalala ng ina na magkapareho ng pag-uugali ang magkapatid.
TIYO SIMON: May mga bagay, Boy na hindi maipaliwanag . May mga bagay na hindi maipapaalam sa
iba sa pamamagitan ng salita. Ang mga bagay na ito ay malalaman lamang sa sariling karanasan sa sariling
pagkamulat… ngunit kung anuman itong mga bagay na ito, Boy, ay isa ang tiyak: malaki ang pananalig ko
kay Bathala.

21. Ano ang nais iparating ni Tiyo Simon sa pahayag niyang ito kay Boy?
A. Hindi niya kayang ipaliwanag ang kahulugan ng pananalig.
B. May sekreto ang pananalig.
C. Ang pananalig ng isang tao sa Diyos ay hindi mo masusukat.
D. Maraming bagay ang dapat isaalang-alang sa pananalig.

22. Ang mga pangatnig at Transitional devices ay nakatutulong sa _______________.


A. pagsunud-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento.
B. pagbibigay-kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita.
C. pagtukoy sa mga pangunahing tauhan sa maikling kuwento o alamat.
D. pagkilala kung kalian naganap, nagaganap o gaganapin ang kilos.

23. Ang pangatnig na samantala ay ginagamit na ____________.


A. panlinaw C. pantuwang
B. pananhi D. panapos

24. Ang pang-ugnay ay bahagi ng salitang ___________.


A. pangkayarian C. pantukoy
B. pananda D. pangawing

25. Ang panagano ng pandiwa na nagsasaad ng katotohanang ng isang bagay o pangyayari ay tinatawag na
________.
A. pawatas C. paturol
B. pautos D. pasakali

26. Sa mga pangungusap na, Nagugutom si Egay at Nagluluto si Mulong ng pansit, Ano ang angkop na
gamiting pang-ugnay upang maging iisang pangungusap ang mga nabanggit?
A.Kaya C. Subalit
B.Palibhasa D. Datapwat

27. Anong uri ng pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap na, Ayon kay Donna, ang pagpapakahulugan sa
pahayag ay malinaw?
A.Pananda C. pang-ukol
B.Pangatnig D. pantukoy

28. Aling pangkat ng pandiwa ang nasa panaganong paturol?


A. pinuhin, anihin, ihain C. kumanta, tumalilis ,kumaripas
B. gamitan, asahan, pag-aralan D. natapos, natatapos, matatapos

29. _______ ni Rizal ang Noli at El Fili upang mapalaya ang Pilipinas sa mga Espanyol, anong anyo ng
pandiwa ang angkop na ipuno sa pahayag.
A.Nagamit C. Ginamit
B.Gagamitin D. Kagagamit

30. Alin sa sumusunod na pandiwang paturol ang nasa perpektibong katatapos?


A. kumaripas C. tumatayo
B. kalulusong D. kalungkutan

Panuto: Ibigay ang katumbas na pahayag ng mga sinalungguhitang salita mula sa ilang taludtod ng tulang
Binasa.

31. Sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago, binhing nakatanim ang maraming kultura.
A. pamana ng nakaraan C. walang malay
B. panahon D. maraming taon
32. Ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton.
A. nakasanayang gawin C. pagtahak
B. pag-alis D. pamamaalam

33. Ang kulturang itinudla ng nakaraan at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan.


A. kalungkutan C. kasayahan
B. alaala ng kahapon D. yumabong

34. Binhing nakatanim ang maraming kulturang nag-uumapaw sa ating diwa.


A. bumabalot sa ating isip C. pagkakalayo
B. sinundan D. pagsasakripisyo

35. Kulturang may lambing ng panunuyo at tangis ng pamamaalam.


A. kasiyahan C. iyak ng kalungkutan
B. kalayaan D. kasalanan

36-50. (10 PUNTOS)


Bumuo ng isang sanaysay tungkol sa mga dapat at hindi dapat taglayin ng Kabataang Asyano.

Tiyakin ang gagawing Sanayasay ay nakabatay sa sumusunod na pamantayan.

Nilalaman ng sanaysay . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 5 puntos

Kaayusan ng gawa . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .5 puntos

Malinaw na pagkakalahd ng mensahe . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 5 puntos

GOODLUCK !!!

MwNHS-Main: Daang Batang St., San Agustin Village, Moonwalk, Parañaque City
Telefax No. 821-6702

MwNHS-San Agustin Extension: E. Rodriguez Ave., San Agustin Village, Moonwalk, Parañaque City
Telephone No. 775-2160
Moonwalk National High School Quarter:
St.Mary’s Daang Batang St. SAV Barangay Moonwalk
Parañaque City UNA
Uri ngPagsusulit:
Junior High School Program
Taon Panuruan 2017 - 2018 UNANG MARKAHAN
Asignatura:

FILIPINO - 9
TALAHANAYAN NG ESPESIPIKASYON

KognitibongAntas
Mga Kasanayang Pampagkatuto
Alala Unawa Gawa Suri Ebal. Likha
A. Nasusuri ang maikling kuwento batay 16-20
sa paksa, mga tauhan,pagkakasunud-
sunod ng mga pangyayari estilo sa
pagsulat ng awtor ibapa.
(F9PS-Ia-b-41)
B. Nasusuri ang maikling kuwento batay 11-15
sa paksa, mga tauhan,pagkakasunud-
sunod ng mga pangyayari estilo sa
pagsulat ng awtor ibapa.
(F9PS-Ia-b-41)
C. Nabibigyang kahulugan ang kilos gawi 31-35
at karakter ng mga tauhan batay sa
usapang napakinggan
(F9PN-IIIf-53)
D. Nasusuri ang sariling ideya at ideya ng 1-10
iba kapag nakikita ang sarili sa katauhan
ng nagsasalita.
(F9PN-If-42)
E. Nailalapat sa sarili, bilang isang 21-30
Asyano, ang pangunahing kaisipan ng
dulang binasa
(F9PB-Ig-h-43)
F. Nagagamit ang mga pang-ugnay na
hudyat ng pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari
(F9WG-Ia-b-41)
G. Naisusulat ang sariling opinyon 36-50
tungkol sa mga dapat o hindi dapat
taglayin ng kabataang Asyano.
(F9PU-If-44)
LAGOM:

Kognitibong Antas Bilang ng Bahagdan


aytem (%)
Pagbabalik-alala 5 10
Pag-unawa 5 10
Pagsasagawa 5 10
Pagsusuri 10 20
Ebalwasyon 10 20
Paglikha 15 30
KABUUAN 50 100%

Inihanda ni:
Froilina K. Saloma
Guro sa Filipino 9

Iwinasto:

Bb. Eleanor C. Aguinaldo


Department Head
ANSWER KEY
STE
1.C
2.C
3.D
4.D
5.A
6.C
7.D
8.D
9.C
10.B
11.C
12.B
13.C
14.D
15.B
16.B
17.C
18.D
19.A
20.C
21.C
22.A
23.C
24.A
25.C
26.A
27.C
28.D
29.C
30.B
31.A
32.C
33.B
34.A
35.C

You might also like