You are on page 1of 5

Filipino JHS

Grades 7 to 8

ANG ALIBUGHANG ANAK

May isang mayamang ama na may dalawang anak na kapwa lalaki. Hiniling ng
bunsong anak na ang manang kanya sa kayamanan ng kanyang ama ay ibigay na sa
kanya. Nang makuha na ng bunso ang kanyang mana ay ipinagbili niya agad ito makalipas
lamang ang ilang araw. Matapos ito ay umalis siya at nagtungo sa malayong bayan. Dito
niya walang habas na nilustay ang kabuhayang ipinagkaloob ng ama.

Hindi nagtagal, naubos na lahat ang kanyang salapi. Nang dumating ang taggutom
sa bansang iyon ay isa na siyang pulubi. Namasukan siya bilang tagapag-alaga ng mga
baboy. Dahil sa gutom, nais na niyang kainin pati pagkain ng mga baboy na alaga niya.
Ngunit maging ito ay ipinagkakait din sa kanya ng kanyang amo.

Sa ganitong kalagayan, naisip niya ang kanyang ama. Ang mga manggagawa nito ay
kumakain nang maayos habang heto siya na nagugutom at walang makain. Agad siyang
nagpasyang bumalik sa dating tahanan.

Gayon na lamang ang galak ng kanyang ama. Sinalubong nito ng yakap at halik ang
nagbalik na anak. "Ama, nagkasala ako sa Diyos at sa iyo. Hindi na ako karapat-dapat na
maging anak mo. Ituring mo na lang akong isa sa iyong mga alila," sabi ng anak sa ama.

Ngunit inutusan ng ama ang mga alila na linisan at bigyan ang anak ng
pinakamagarang kasuotan. Ipinasuot din niya rito ang isang mamahaling singsing, at
binigyan ng sapatos para sa kanyang mga paa. Ipinagpatay din siya ng isang matabang
baka at sa ngalan niya ay nagkaroon ng isang pagdiriwang.

"Ang anak ko ay nawala at ngayon ay nagbalik. Ipagdiriwang natin ang kanyang


pagbabalik," ang sabi ng nagagalak na ama.
Namangha ang nakatatandang kapatid nang dumating siya sa kanilang tahanan. Itinanong
niya sa isang katulong kung ano ang sanhi ng pagdiriwang. Nang malaman niya ang sanhi
ng kasayahan ay gayon na lamang ang kanyang galit kaya't di napigilan ang kanyang sarili
at sinumbatan ang ama.

"Akong masunurin ninyong anak na buong katapatang naglilingkod sa inyo ay hindi


ninyo naipagpatay kahit isang guya man lamang. Ngayong dumating ang alibugha ninyong
anak na lumustay ng inyong kayamanan ay gugugol kayo nang malaki at magdiriwang!"

Sumagot nang marahan ang ama, "Anak ko, ikaw ay lagi kong kapiling. Ang lahat ng
akin ay iyo. Tayo'y nagsasaya ngayon sapagkat ang

kapatid mong namatay ay muling nabuhay. Siya ay nawala at muli nating nakita."

Source: https://www.pinoyedition.com/parabula/ang-alibughang-anak/

Pagtatasa sa Filipino

Panuto: Basahin at unawain ang akdang Parabula. Pagkatapos, sagutin ang mga
katanungan at pilliin ang titik ng tamang sagot.

Alibughang Anak

Mga katanungan:
1) Ano ang damdamin na nangingibabaw sa akdang binasa?
a. pagkamuhi sa asal ng anak
b. pagkalungkot sa sinapit ng anak
c. galit sa kalaspatangan ng anak
d. galak ng muling pagbabalik ng anak

2) Ano ang naging hamon sa ama sa umpisa ng ng parabula?


a. paglayo ng minamahal na anak
b. paghingi ng bahagi ng aria-arian ng anak
c. paglulustay ng anak sa kanyang salapi
d. pagbebenta ng anak sa kayamanan

3) Paano mo ilalarawan ang ama sa akdang binasa?


a. walang pakialam sa layaw ng anak
b. kunsintidor sa kagustuhan ng anak
c. mapagpalaya at maunawain na ama
d. mapagbigay at galanteng ama
e.
4) Kung ikaw ang ama sa parabula, ibibigay mo ba ang hinihinging mana ng iyong anak
kahit ikaw ay buhay pa?
a. Oo, dahil karapatan niya iyon bilang anak
b. Oo, para matuto ang anak sa kanyang pagkakamali
c. Hindi, dahil para sa ama lamang ang kayamanan
d. Hindi, dahil ayaw ng kanyang kapatid

5) Saan kadalasan nababasa at nasusulat ang ganitong uri ng akda?


a. aklat
b. magazine
c. bibliya
d. diyaryo
e.
6) Pillin ang kahulugan ng alibugha?
a. mapanglamang
b. suwail
c. gahaman
d. basagulero

7) Ano ang ibinunga ng pagiging alibugha ng anak sa akda?


a. kalayaan
b. paghihirap
c. pagdurusa
d. kapayapaan

8) Makatarungan ba ang ginawa ng ama sa muling pagtanggap sa kanyang anak na


muling nagbalik?
a. Hindi,dahil nilustay niya ang kayamanan ng ama.
b. Hindi, dahil suwail siyang anak
c. Oo, dahil kayang tiisin ng anak ang magulang ngunit ang magulang ay hindi.
d. Oo, dahil pinagsisihan ng anak ang kanyang maling ginawa.

9) Kung ikaw ang nasa kalagayan ng panganay na anak maghihinanakit ka rin ba sa


iyong ama?
a. Oo, dahil ibinigay na niya ang mana sa kapatid
b. Oo, dahil siya ay naghihirap sa pagtatrabaho
c. Hindi, dahil laki sa layaw ang mga bunso
d. Hindi, dahil mahalaga ang pamilya kaysa salapi
10) Anong aral ang makukuha mula sa binasang akda?
a. pagmamahal sa magulang
b. pagsisisi at pagpapatawad
c. pagsunod sa kagustuhan ng anak
d. pagtahak sa sariling landas

11) Ang sumusunod ay mga katangian ng akdang parabula MALIBAN sa


a. nagbibigay ng gintong aral
b. matalinghaga
c. tao ang pangunahing tauhan
d. literal ang kahulugang nakapaloob
“Ama, nagkasala ako sa Diyos at s aiyo. Hindi na ako karapat-dapat na
maging anak mo. Ituring mo na lamang ako isa sa iyong mga alila.”

12) Ano ang kahulugan ng pahayag sa loob ng kahon?


a. pagkakasala sa tao
b. pagkakasala sa mata ng Diyos
c. pagkakasala sa Diyos at tao
d. pagkakasala sa kapwa

Sapagkat ang kapatid mong namatay ay


muling nabuhay.
Siya ay nawala at muli natin nakita.
13) Tukuyin ang kahulugan ng pahayag na nasa kahon?
a. taong nagtago ngunit muling nagpakita
b. taong nawala nang siya ay mamatay
c. taong namatay at muling nabuhay
d. taong namali ng landas ngunit nagbago

14) “Ang mga manggagawa ng aking ama ay kumakain ng maayos habang heto ako ay
nagugutom at walang makain.” Anong damdamin ang nangingibabaw sa pahayag?
a. galit
b. panghihinayang
c. pagkabagot
d. pagkapagod

15) “Akong masunurin ninyong anak na buong katapatang naglilingkod sa inyo ay hindi
ninyo naipagpatay kahit isang guya man lamang. Ngayong dumating ang alibugha
ninyong anak na lumustay ng inyong kayamanan ay naggugol kayo nang malaki at
magdiriwang!” Mahihinuha mula sa pahayag ang labis na ________________.
a. inggit
b. pagod
c. pagkalito
d. panghihinayang

Inihanda ni:

ALLENE E. DUARTE, MT-1


Kabatan NHS, Vincenzo Sagun, ZDS
Answer Key
1. D
2. B
3. C
4. B
5. C
6. B
7. B
8. D
9. D
10. B
11. D
12. C
13. D
14. B
15. A

You might also like