You are on page 1of 6

PAG-UNAWA SA BINASA Panuto: Basahin ang isang sipi mula sa MGA ARAL NANG KATIPUNAN sa ibaba at sagutin ang

mga katanungan ukol dito. Bilugan ang titik ng tamang sagot. Teksto A MGA ARAL NANG KATIPUNAN NG MGA A.N.B Sa taong may hiya, salitay panunumpa. Huwag mong sasayangin ang panahon; ang yamang nawalay magyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan nay di na muli pang magdadaan. Ang taong matalinoy ang may pag-iingat sa bawat sasabihin, at matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim. Sa daang matinik ng kabuhayan, lalaki ay siyang patnugot ng asawat mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang patutunguhan ng iaakay ay kasamaan din. Ang babae ay huwag mong tignang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan; gamitan mo ng buong pagpipitagan ang kaniyang kahinaan, at alalahanin ang inang pinagbuhatat nag-iwi sa iyong kasangulan. Ang di mo ibig na gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak, at kapatid ng iba. 1. Ang taong may hiya ay a. takot magsalita b. pinaninindigan ang kanyang mga sinabi c. lumalabag sa mga kautusan d. lahat ng nabanggit 2. Ang panahon ay mahalaga sapagkat a. ang tao ay tumatanda b. may katumbas itong halaga c. hindi maibabalik ang oras d. wala sa nabanggit 3. Ang taong matalino ay a. maingat sa mga salitang binibitiwan at mapagkakatiwalaan b. madaldal at mapanira c. marunong sa lahat ng bagay at mapagmalaki d. lahat ng nabanggit 4. kung ang umaakay ay tungo sa sama, ang patutunguhan ng iaakay ay kasamaan din a. ang masama ay nagbubunga ng kabutihan b. ang masamang gawain ay humahantong sa kagalingan c. sa kasamaan nagmula sa kasamaan din ang kababagsakan d. walang idinulot na mabuti ang kasamaan e. c at d 5. Ang babae ay huwag mong tignang isang bagay na libangan lamang, kundi isang katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan a. ang babae ay tao din b. ang babae ay may damdamin c. ang babae ay iginagalang d. lahat ng nabanggit 6. Ang di mo ibig na gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak, at kapatid ng iba a. mabuti ang mang-gaya sa kamalian ng iba

b. paggalang sa kapwa c. paggawa ng di-mabuti sa kapwa d. kasamaan ang siyang ibahagi sa kapwa 7. Ano ang kahulugan ng pariralang nakasalungguhit, Ang taong matalinoy ang may pag-iingat sa bawat sasabihin, at matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim? a. di-magsawalang kibo b. maging sinungaling c. mapagkakatiwalian d. wala sa nabanggit 8. Ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguit, kundi isang katuwang at karamay sa mga kahirapan nitong kabuhayan? a. kaagapay b. kaaway c. kaagaw d. wala sa nabanggit 9. Ano ang kahulugan ng pagpipitagan,gamitan mo ng buong pagpipitagan ang kaniyang kahinaan? a. paghamak b. pagkukunwari c. gawing katatawanan d. paggalang 10. Sa siping, at alalahanin ang inang pinagbuhatat nag-iwi sa iyong kasangulan ano ang ibig sabihin ng nag-iwi sa iyong kasangulan? a. nag-aruga b. nagpalaki c. lahat ng nabanggit d. nagsubaybay PAG-UNAWA NG TULA Panuto: Basahin ang tula at sagutin ang mga katanungan ukol dito.Bilugan ang titik ng tamang sagot Teksto B Pilipinas Kong Mahal Ang bayan koy tanging ikaw Pilipinas kong mahal Ang puso ko at buhay man Sa iyoy ibibigay Tungkulin koy gagampanan Na lagi kang paglilingkuran Ang laya moy babantayan Pilipinas kong hirang.

11.

Ano ang paksa sa tula? a. pag-ibig sa bayan b. pag-ibig sa kapwa c. pag-ibig sa sarili d. a at b

12.

Ang bilang ng taludtod sa saknong? a. 4 b. 8 c. 7 d. 9 13. Ano ang sukat ng 1,2,3, at 4 na tuludtod? a. 8,7,8,7 b. 8,8,8,7 c. 8,8,8,8 d. 9,8,9,8 14. Anong uri ng tayutay sa ika-7 at ika-8 taludtod? a. pagwawangis b. pagtutulad c. personipikasyon d. pagmamalabis 15. Ang tula ay binubuo ng _____ na saknong a. isa b. tatlo c. dalawa d. apat PAG-UNAWA SA BINASA Panuto: Unawaing mabuti ang teksto. Isulat ang titik ng tamang sagot.

e. wala

Teksto C 1. Sa tulang SA AKING KABATA ay ipinahayag ang matimyas na kalooban ni Rizal kung paano maitataas ng kanyang mga kababayan ang karangalan ng kanilang pagkalahi. 2. Ito ay ang pagkakaroon ng pagmamahal sa isang tiyak at sariling wika. 3. Sa nabanggit na akda ay hinikayat ni Rizal ang kanyang mga kababata na huwag talikuran ang kagandahan ng kanyang salita na tulad din ng ibang salita sa daigdig ay nagtataglay ng kagandahan at kaningningan. 4. Sa tulang SA AKING KABATA ay malinaw na masasalamin ang ibayong pagmamahal sa bayan ng batang si Rizal. Hinahangad niya ang pagkakaroon ng pagkakaisa. 5. Pagkakaisang matatamo lamang kung ang bawat isang Pilipino ay matututong magmahal sa kanyang sariling wika. 16. Ang talata ay ________ a. nagsasalaysay b. naglalarawan c. nagpapaliwanag d. nangangatwiran 17. Sa pangungusap bilang 4, hangad ng batang Rizal na magkaroon ng ________ ang mga Pilipino. a. pagkakaisa b. sariling lupa c. pantay na karapatan d. wala sa nabanggit 18. Sa pangungusap bilang 3, isinasaad na a. walang ipinagkaiba ang wika natin sa wikang banyaga b. ang wika ay dapat na gamitin at pagyamanin c. ang ating wika ay nagtataglay ng kagandahan at kaningningan d. lahat ng sagot 19. Piliin ang bunga na idudulot ng pagmamahal sa sariling wika 20. Karangalan ng pagkalahi ang hatid ng isang tiyak at ______ a. wikang hiram

b. wikang pandaigdig
c. wika ng pag-ibig d. wikang sarili PAGKILALA SA TEORYANG PAMPANITIKAN Panuto: Piliin sa talahanayan ang titik ng tamang sagot. Talahanayan a. b. c. d. e. f. Peminismo Humanismo Realismo Eksistensyalismo Romantisismo Naturalismo

21. Kahit na anong pagkakamali ang gawin ng isang anak at gaano man ito kasama ay nariyan pa rin ang ina na nagmamahal sa anak. 22. Ang babae ay katuwang ng lalaki at hindi isang libangan lamang. 23. Hustisya para sa mga naagrabyado at kaparusahan sa mga nagkasala. 24. Ang taong walang pinag-aralan, takot mangatwiran. 25. Ang bayan koy tanging ikaw/Pilipinas kong mahal/Ang puso ko at buhay man/ Sa iyoy ibibigay. 26. Wala akong pakialam kung siyay magalit. Ilalabas ko ang buong katotohanan! PAGTUKOY SA DAMDAMIN Panuto: Tukuyin ang ipinahihiwatig na damdamin ng mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot sa talahanayan. 27. Hindi makatuwiran ang kanilang ginawa! Isang kalapastanganan! 28. Hindi ko sinasadya ang mga pangyayari. Sana maunawaan mo. Hindi na mauulit. 29. Tigilan mo na ako. Gusto ko nang bumalik ang dati kong buhay... 30. Kung nag-aral lang ako ng mabuti, may magandang trabaho sana ako ngayon a. b. c. d. e. Talahanayan panghihinayang pagkagalit pagsusumamo pagmamakaawa pagkabigla

. PAGHINUHA Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. 31. Ang di-pagkakaunawaan ng Alperes at Kura Paroko ng San Diego ay nagpapahiwatig ng a. pag-aagawan ng kapangyarihan sa San Diego b. selosan c. inggitan d. pagandahang lalaki 32. Ang paghihinagpis ni Crisostomo sa nalamang balita sa pagkakakulong ng kanyang ama bago ito namatay ay nagsasaad na

a. siya ay dakila b. wala siyang alam sa sinapit ng kanyang ama c. galit siya sa ama niya d. wala sa nabanggit 33. Bumalik si Ibarra sa San Diego para a. magpakasal kay Maria Clara b. magtayo ng negosyo sa San Diego c. para alamin ang katotohanan sa pagkamatay ng ama d. lahat ng nabanggit SANHI AT BUNGA Panuto: Isulat ang titik S kung ang pangungusap ay sanhi at B kung bunga. 34. Ang kasamaan ang maghahari sa bayang pinamamahayan ng di-tunay na pag-ibig. 35. Pagkakaisa at pagdadamayan ang kailangan para mapagbuklod ang taong bayan. 36. Nabaril ni Regina ang anak kaya siya dinakip ng mga pulis. PAGTUKOY SA URI NG TUNGGALIAN Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Talahanayan a. Tao sa Tao b. Tao sa Sarili c. Tao sa Lipunan 37. Si Don Tasyo ay ipinagpapalagay ng marami na isang baliw kaysa isang pilosopo. 38. Hindi nagpakita ng kagaspangan ng ugali si Crisostomo kay pari Damaso dahil iginagalang pa din niya ito. 39. Si Kapitan Tiyago ay sunud-sunuran sa mga utos ni Padre Damaso. ANALOHIYA Panuto: Isulat ang salitang mag-uugnay sa pares ng mga salita. 40. Crisostomo Ibarra:_________; Maria Clara: Kapitan Tiyago 41. Paring Maysakit:Padre Sibyla; Padre Damaso:___________ 42. Bahay sa Kabilang ilog:_________; Fonda de Lala:Crisostomo Ibarra 43. Alperes:_________; Kura Paroko:Simbahan 44. Alperes:Donya Consolacion;Don Tiburcio de Espedana:_________ PAGKUHA NG IMPORMASYON Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat bilang. 45. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang pangungusap. a. Nobela ang Noli Me Tangere. b. Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang panlipunan na isinulat ni Dr. Jose Rizal. c. Isinulat ang Noli Me Tangere isa itong nobelang panlipunan. d. Nobela ang Noli MeTangere isinulat ni Dr. Jose Rizal. 46. Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang galing sa marangal na pamilya. a. ginagalang b. hinahamak c. sinasamantala d.kinakapos 47. Ang malawakang pangangamkam ng lupa mula sa mga katutubo ay maaaring isa sa nagbunsod kay Rizal na isulat ang nobelang, a. Noli Me Tangere

b. Uncle Toms Cabin c. Mi Ultimo Adios d. Ang Katamaran ng mga Pilipino 48. Ang tulang Sa Aking mga Kabata ay naisulat ni Rizal para sa mga a. katipunero b. kabataan c. Ilustrados d. kastila 49. Sa kanyang tulang, Sa Aking Mga Kabata, damang-dama ang pagpapahalaga ni Rizal sa a. wikang Filipino. B. banyagang wika c. kastila d. Europa 50. Ang pagpapahalaga ni Rizal sa edukasyon ay naipakita sa nobela sa katauhan ni ____________ na nag-aral sa Europa. a. Pilosopo Tasyo b. Pari Damaso c. Maria Clara d. Ibarra

You might also like