You are on page 1of 4

1. Ito ay mga pahulaan na gumagamit ng paglalarawan.

a.sawikain b. eupemistikong pahayag c. bugtong d. kuwetong bayan


2. Ito ay naglalayong mangaral at umakay sa kabataan sa pagkakaroon ng mabuting asal.
a. salawikain b. karunungang-bayan c. alamat d.sawikain
3. Karaniwan itong ginagamit sa pagpuna o panunukso sa kilos ng isang tao.
. a. alamat b. kasabihan c. salawikain d. bugtong
4. Tinatawag din itong idyoma na may nakatagong kahulugan.
a. kasabihan b. alamat c. bugtong d. sawikain
5.Pagmaliit ang kumot, magtiis kang mamaluktot.
a. Pagtiyagaan na lamang ang kakulangan sa buhay.
b. Maging panatag sa buhay kahit nakakaranas ng kakulangan.
c. Kung maliit ang kumot ay huwag ng paghatian pa ibigay na lamang sa iba.
d. Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay matuto kang magtiis at magtipid.
6.Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
a. Magdasal lang lagi upang biyayaan ka ng Panginoon.
b. Tao tandaan mong gumawa ng mabuti at susuklian ka ng kabutihan.
c. Antayin mo ang Panginoon na basbasan ka ng mabuting kapalaran upang buhay mo ay bumuti.
d. Hindi sapat na umasa ng awa sa Diyos kailangan natin magsikap upang makaahon sa kahirapan sa
buhay.
7. Bilang isang mag-aaral na may matayog na pangarap,tiyaga at pagsisikap ang kailangan .Alin sa mga
sumusunod na halimbawa na karunungan bayan ang iyong nabuo?
a. “Hindi ako electric fan na pwedeng paikutin kahit saan”
b. “iwas facebook para hindi hula-hula ang sagot”
c. “Huwag tutulog-tulog ang utak dapat laging may load”
d. “Huwag sa chat,huwag sa ipod,sige sa pangarap”
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng bawat bilang sa kabilang hanay.
8. Madali ang maging tao,mahirap magpakatao.
a. isa sa pinakamahalagang asal ang pagiging magalang sa mga magulang.
9. Magbiro ka sa lasing,huwag sa bagong gising b. Kapag ikaw ay may kasalanan, sabihin
mo ang totoo sapagkat ito lang ang magpapalaya sa iyo.
10. Magkupkop ka ng kaawa-awa,langit ang
iyong gantimpala. c.Ito ay literal na nagsasabing ang paglilinis sa ating mga katawan ay isa sa mga
paraan upang tayo’s mapalayo sa mga sakit.
11. Magsisi ka man at huli wala nang
mangyayari. d.Kapag hindi galing sa mabuti ang iyong
pera, ikaw ay talagang sisingilin sa anong paraan man.
Panuto: Subukin mong iugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa salawikain na nasa kahon sa mga
sitwasyon sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
12. May mag-amang naligaw sa gubat. Masaya sila nang makakita sila ng isang malaking bahay.
Nagpatao po ang dalawa upang makahingi ng kahit kaunting maiinom. Maya-maya pa ay tinutukan na
sila ng baril sabay sabi. “Magsilayas kayo, hindi niyo ba nakikita ang karatulang nakalagay sa labas “No
trespassing, Private Property”!
Salawikain:__________________________________________________________
13. “Anak, hindi ganyan ang tamang pagtapon ng basura, dapat kung nalalanta ang itatapon mo
ilagay mo sa basurahan na may markang nabubulok. Kung hindi naman nabubulok ang basurang
itatapon mo, hanapin mo ang basurahan na may markang hindi nabubulok. Tandaan mong mabuti ang
mga itinuturo ko dahil sa susunod kapag hindi mo pa rin nakuha ikaw na ang maghihiwa-hiwalay ng mga
basura natin”.
Salawikain:__________________________________________________________

14. Ano ang kahulugan ng salawikain? Ano man ang tibay ng piing abaka ay wala ring lakas kapag nag-
iisa.
A. pakikisama B. pagtitiis C. pagkakaisa D. pakikipagkapwa
15. “Bubong kung liwanag,kung gabi ay dagat”Ito ay isang halimbawa
a. kasabihan b. alamat c. bugtong d. sawikain
B. Panuto: Tukuyin ang kasalungat na kahulugan ng sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
16. Iba ang tabas ng mukha.
A. Bilog ang mukha. B. Maganda ang mukha. C.Mahaba ang mukha. D. Makinis ang mukha.
17. pabalat-bunga
A. mali B. peke C. tama D.tunay
18. ibang babae
A. asawa B. kaibigan C. kamag-anak D. kinakasama
19. nagbibilang ng poste
A. maraming poste B. may trabaho C. nangangarap D. walang trabaho
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap,bilugan ang eupimistikong pahayag na
ginamit at isulat sa patlang ang kahulugan nito ( 2 puntos bawat bilang)
Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may diin sa bawat bilang.
Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
20. Ang naging hari sa kanilang palasyo ay si Madali.
a. bahay b.hangganan c. kaharian d. tahanan
21. Nabuhay si Prinsipe Bantugan habang siya ay nakaburol.
a. namatay b.nalibing c. pagkabuhay d. pinaglamayang patay
22. Nawalan ng lakas si Bantugan at siya ay naging bihag ni Miskoyaw.
a. bilanggo b.kalaban c. kriminal d. kasamahan
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap,bilugan ang eupimistikong pahayag na
ginamit at isulat sa patlang ang kahulugan nito ( 2 puntos bawat bilang)
23-24. Madam Fely ,mukhang malusog tayo ngayon ah. Iba talaga ang napapabayaan sa kusina.
Sawikain : Alamin ang kahulugan ng salitang may salungguhit na nasa sawikain. Isulat ang titik lamang ng
iyong sagot sa sagutang papel.
25.Lantang gulay si inay nang umuwi galing sa paglalabada.
a. sobrang kisig b. sobrang liksi c. sobrang pagod d. sobrang galaw
26.Nasaktan ng lubusan ang aking kaibigan sa pag-iisang dibdib ng kanyang dating mahal.
a. pagmamahal b. pagpapakasal c. pagtataksil d. pag-iwan
27.Nakakainis kapag may kasapi ng pangkat na kilos pagong.
a. mabilis kumilos b. umiikot-ikot lang c. mabagal kumilos d. gumagapang sa lupa
28. Alin sa mga pares ng panlapi/ susing salita ang ginagamit sa pagpapalawak ng hambingang
magkatulad?
A.Sing-, labis B.Higit, kapwa C.Magsin-, sing- D. Sim-, di gaano
29. Ano itong paraan ng paglalahad na tumutulong upang mabigyang-linaw ang isang paksa sa
pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba?
A.Paghahalimbawa B.Paghahambing C.Pagsasaulo D. Pag-iisa-isa
30. Alin sa hambingang di-magkatulad ginagamit ang susing salita na higit, lalo, mas at di-hamak?
A.Palamang B.Magkatulad C.Pasahol D.Pasahol at palamang

31. Alin sa hambingang di-magkatulad ang nagsasabing kulang sa katangian ang isa sa dalawang
pinaghahambing?
A.Palamang B.Pasahol C.Magkatulad D.Palamang at pasahol
32. Bakit kailangang pag-aralan ang tungkol sa paghahambing? Upang____
A.Madaling maintindihan ang kausap B.Madaling matukoy ang hinahanap
C.Mapag-aralan ang katangian D. Mapakilala nang husto ang bagay
33. “Magkasing-haba ang buhok nina Ana at Elena”. ang pahayag ay nagpapakita ng anong uri ng
paghahambing?
a. Paghahambing na di-magkatulad b. Pagtutulad c. Paghahambing na magkatulad
34. Ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may magkaibang katangian.
a. Paghahambing na Magkatulad b. Paghahambing na di-magkatulad c.
Pasahol

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa
tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.
35. Anong uri ng akdang pampanitikan na nagsasalaysay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali
ng isang tao laban sa mga kaaway na halos hindi kapani-paniwala?
a. alamat b.epiko c. nobela d. mitolohiya
36. Sino ang pangunahing tauhan sa Epikong Bantugan?
a. Bantugan b.Datimbang c. Madali d. Miskoyaw
Pinagbawalang makipag-usap ni Haring Madali kay Prinsipe Bantugan ang kanyang mga nasasakupan
dahil sa sobrang inggit.
37. Anong katangian ang ipinapakita ni Haring Madali?
a. desperado b.magalaitin c. makasarili d. walang pakialam
Dahil sa utos ni Haring Madali ay lumayo si Prinsipe Bantugan sa Kaharian ng Bumbaran.
38. Ano ang pinapakita ni Bantugan?
a. takot sa Hari b.tunay na gumagalang sa Hari
c. walang kapangyarihan d.walang pakialam sa mga kanyang responsibilidad

39. Ano ang epiko bilang akdang pampanitikan?


a. Tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay ng tao sa araw araw na pamumuhay.
b. Kwentong bayan na maaaring kathang-isip na pumapaksa kung paano malalampasan ang
anumang pakikipaglaban sa buhay.
c. Ito’y pasalindilang tradisyon, tungkol sa pangyayaring supernatural o kabayanihan ng isang
nilalang.
d. Ito’y kuwento tungkol sa mga bathala sa paglikha sa daigdig at iba pa.
Pinagbawalang makipag-usap ni Haring Madali kay Prinsipe Bantugan ang kanyang mga nasasakupan
dahil sa sobrang inggit.
40. Anong katangian ang ipinapakita ni Haring Madali?
a. desperado b.magalaitin c. makasarili d. walang pakialam
Nang malamang patay na si Prinsipe Bantugan ay lumipad sa langit si Haring Madali upang bawiin ang
kaluluwa nito.
41. Anong bahagi ng banghay matatagpuan ang pangyayaring nasa itaas?
a. simula b.gitna c. wakas d. tauhan
Matapos na magapi ni Bantugan ang mga sumalakay na kalaban sa gitna ng kasayahan sa muli niyang
pagkabuhay ay dinalaw niya ang mga karatig na kaharian ng Bumbaran at_________________
a. sinalakay ang mga ito b. pinakasalan ang mga prinsesa mula rito
c. nakipag sanduguan sa mga Prinsepe d. nakipagkasundo na salakayin ang kaharian sa kabilang
dagat
Nagulumihanan si Prinsesa Datimbang at ang kapatid niyang hari kaya’t nakipagpulong sila sa konseho.
42. Ano ang mahihinuha sa ginawang desisyon ni Prinsesa Datimbang?
a. malilituhin b.maingat sa kanyang pagdedesisyon
c.hindi makapagdesisyon sa kanyang sarili d.walang tiwala sa kanyang sarili
43. Hindi pumayag si Bai sa gagawing paglalakbay ni Tuwaang. Mahihinuha mo si Bai bilang kapatid
ay____________________________
a. walang tiwala sa kanyang kapatid
b. Nais niyang samahan ang kanyang kapatid.
c. Nag-alala sa maaaring mangyari sa kanyang kapatid.
d. Hindi maganda ang pakikitungo at relasyon sa kanyang kapatid.
44. Ang Dalaga Ng Buhong na Langit ay tumakas at nagtago sa Binata ng Pangumanon,isang higante na
may palamuti sa ulo na abot ang mga ulap
Bilang isang dalaga,mahihinuha mong________.
a. may galit ang Dalaga ng Buhong na Langit sa Binata ng Pangumanon.
b. natatakot ang dalaga ng Buhong na Langit sa binata ng Pangumanon.
c. may ibang nangingibig sa Dalaga ng Buhong Na Langit at natatakot siya rito.
D. nais paglaruan ng Dalaga ng Buhong Na Langit ang damdamin ng Binata ng Pangumanon.
45.Nang mabalitaan ni Miskoyaw,dating kaaway ni Haring Madali na namatay si Bantugan ay dagli siyang
nagpadala ng mga kawal upang salakayin ang Bumbaran…
a.mapagpatawad sa kanyang mga kaaway
b. mapagsamantala sa kahinaan ng kapwa
c. matalino at mahinahong hari
d. matapang na hari
46.Sa tradisyon ng mga Maranaw ay maaaring ikasal ang anak na babae sa lalaking napili ng magulang
kahit sa murang edad pa lamang .Ano ang mahihinuhang kalalabasan ng pangyayaring ito?
a. tataas ang bilang ng mga batang may asawa
b. walang pag-asang makapagtrabaho ang mga babae
c. hindi magiging masaya ang babae
d. magiging maginhawa ang buhay ng mag-asawa
47.Ang mga Maranaw ay naninirahan sa tabi ng Lawa kaya tinatawag silang “People of the Lake” dahil
dito ano ang kanilang pinakapangunahing hanapbuhay?
a. pagnenegosyo b. pangingisda c. pagsasaka d. komersyo
Bumuo ng pangungusap gamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga batay sa Epikong Bantugan
48.Sapagkat si Haring Madali ay________________________________________________
49.Dahil dito si Bantugan ay______________________________
Bunga nito ang buong kaharian ay_______________________________

You might also like