You are on page 1of 42

SUMMATIVE TEST #1

1. Ang pangatnig at transitional devices ay


nakatutulong sa ___________ .

a. pagsunod-sunod ng mga pangyayari sa isang


kwento.
b. pagbibigay-kahulugan sa konotasyon at
denotasyon ng mga salita.
c. pagtukoy sa mga pangunahing tauhan sa
maikling kwento o alamat.
d. pagkilala kung kailan naganap, nagaganap, o
gaganapain ang kilos o pangyayari.
2. Kapag ang maikling kwento ay nakatuon sa
pagkakabuo ng mga pangyayari. ito’y mauuri bilang
maikling kwentong __________ .

a. kababalaghan
b. katutubong kulay
c. pangtauhan
d. makabanghay
3. Ang pangatnig na samantala ay ginagamit na
___________ .

a. panlinaw
b. pananhi
c. pantuwang
d. panapos
4. Isang uri ng dulang nagtataglay ng malulungkot na
pangyayari subalit nagwawakas na masaya ang
__________.

a. Komedya
b. Melodrama
c. Tragikomedya
d. Trahedya
5. Sa pag-uugnay ng mga pangungusap at sugnay,
gumagamit tayo ng mga ___________.

a. pantukoy
b. pangatnig
c. pandiwa
d. pang-abay
6. __________ araw ng Linggo, nagsisimba ang
buong mag-anak. Ang salitang nawawala sa
pangungusap ay _________ .

a. Kung
b. Kapag
c. Sa
d. Simula
7. ________ ni Rizal ang Noli at El Fili upang
mapalaya ang Pilipinas sa mga Espanyol. Aling anyo
ng pandiwa ang angkop na ipuno sa pahayag?

a. Nagamit
b. Gagamitin
c. Ginamit
d. Kagagamit
8. Anong ugali ang ipinakita ng kanilang ama sa
kaniyang mga anak pagkatapos mamatay si Mui-Mui
batay sa maikling kwentong “Ang Ama”?

a. mapagmahal
b. lasenggero
c. irresponsableng ama
d. walang pakialam sa mga anak
9. Batay sa “Ang Ama”, anong pangyayari sa
kanilang pamilya ang nakapagpabago sa ugali ng
kanilang ama?

a. Ang pag-iyak ng kanilang ina.


b. Ang pagkamatay ni Mui-Mui.
c. Ang pagkaalis niya sa pinagtatrabahuan.
d. Ang pagmamakaawa ng kanilang mga kapatid.
10. Ano ang hanapbuhay ni Andres sa Amerika?

a. pagwawalis
b. pagsasayaw
c. paghuhugas ng mga pinggan
d. pagtitinda ng mga prutas
11. Saan nangyari ang karanasang bumago sa takbo
ng buhay ni Andres.

a. China
b. Amerika
c. Pilipinas
d. Malaysia
12. Ayon kay Andres, isa sa mga adhikain ng
kanyang ama ang maging isa siyang _________.

a. guro
b. pulis
c. enhinyero
d. mangagamot
13. Kanino inihalintulad ng ama ni Andres ang
pahayag na “Timawa”?

a. aso
b. pusa
c. isda
d. kambing
14. Ang babae lang ang dapat gumawa ng gawaing
bahay. Ano ang pahayag na ito?

a. opinyon
b. mensahe
c. ekpresyon
d. katotohanan
15. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang katotohanan?

a. Mabait ang bata.


b. Ang mga pulitiko ay ibinuto ng mga tao.
c. Ang babae lang ang dapat gumagawa ng
gawaing-bahay.
d. Mas gusto kong magkaroon ng kapatid na babae
kaysa lalaki.
16. ___________ mas mainam ang face-to-face
kaysa pagsagot ng modyul sa bahay.

a. Sa aking palagay
b. Mababasa sa
c. Ganoon nga
d. Habang
17. ____________ ng sarbey, nangunguna ang
bansang Amerika sa dami ng nabakunahan.

a. Mula kay
b. Tinutukoy sa
c. Mababasa sa
d. Batay sa resulta
18. Narinig ni Angela sa kapitbahay na na-covid ang
doctor ng pamilya ng ka-opisina niya. Ngunit di niya
tiyak kung totoo o fake newa. nalilito siya kung
sasabihin ba niya sa kabigan o hindi. Anong uri ng
tunggaliang ang pahayag?

a. tao vs tao
b. tao vs sarili
c. tao vs lipunan
d. tao vs kalikasan
19. Anong damdamin ang nagingibabaw matapos
mabasa ang tulang “Isang Punongkahoy”?

a. nalulungkot
b. tumatangis
c. nababagot
d. naiinis
20. Paano maihahalintulad ang punungkahoy sa
buhay ng tao?

a. Ang puno at ang tao ay parehong nalalagas.


b. Gaya ng puno. Ang buhay ng tao ay marupok.
c. Ang puno ay tanim, samantalang ang tao ay
nilalang.
d. Magkapareha ang puno sa taong dumaranas ng
kaginhawahan sa buhay.
21. Sa bandang huli, ano ang nangyayari sa mga
dahon?

a. Nalalagas dahil sa katandaan.


b. Ginawang pugad ng mga ibon.
c. Ginawang korona sa hukay.
d. Tagabantay sa hukay.
22. Ano ang sinisimbolo ng hangin sa tulang “Ang
Guryon” ni Ildefonso Santos?

a. Magkaroon ng matibay ang loob.


b. Maabot ang mga pangarap.
c. Mga pagsubok sa buhay.
d. Sagabal sa buhay.
23. Ano ang simbolo ng guryon sa tula?

a. pamumuhay
b. pangarap
c. pag-asa
d. buhay
24. Ito ay isang uri ng sulatin o komposisyon na
nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng sumulat na
may layuning magbahagi ng impormasyon,
magpahayag ng nararamdaman, o manghikayat ng
ibang tao.

a. Nobela
b. Alamat
c. Sanaysay
d. Maikling Kuwento
25. Hanggang ngayon, sinusunod pa rin ng
nakakarami ang mga lumang tradisyon. Ano ang
kahulugan ng salitang may salungguhit?

a. tanikala
b. pamahiin
c. kaugalian
d. panuntunan
26. Ano ang tawag sa mga salitang nag-uugnay ng
dalawang salita, dalawang parirala at dalawang
sugnay?

a. Pang-abay
b. Pang-angkop
c. Pangatnig
d. Pang-ukol
27. Napakarami na niyang napagtagumpayang
problema _______ hindi na niya alintana ang mga
darating pa. Alin ang angkop na gamiting pangatnig?

a. kaya
b. subalit
c. sapagkat
d. samantala
28. “Kung wala kang magandang sasabihin, mainam
na itikom mo na lang ang iyong bibig upang hindi
makasakit.” Ano ang ibig ipakahulugan ng pahayag?

a. Huwag magsalita kung walang sasabihing


maganda.
b. Mahalagang kontrolin ang damdamin.
c. Matuto tayong maging mahinahon.
d. Maging tapat sa sinabi.
29. Kailangang ikahon ang mga lumalabag sa batas
upang hindi pamarisan. Ano ang kahulugan ng
salitang may salungguhit?

a. itali
b. ipasok
c. ipaloob
d. ikulong
30. “Bata pa si Red subalit siya ay responsable na.”
Alin ang pangatnig na ginamit sa pangungusap?

a. bata
b. siya ay
c. subalit
d. responsable
31. Isa sa mga pagnanais ng ibang babaeng Javanese
noon na mabago ang kaugaliang nakakasanay para sa
kababaihan. Ito ang pagkakaroon ng pantay na karapatan
ng kababaihan sa kalalakihan. Bilang isang batang Asyano
na naghahangad ng pagkakapantay-pantay, paano mo
ipapaalam sa mga kababaihan ang kanilang karapatan?
a. Ibabahagi ang RA 9262 o Violence Against Women and
Their Children.
b. Magbigay alam sa DSWD sa mga problemang
pangkababaihan.
c. Tulungan ang mga kababaihan sa kanilang karapatan.
d. Makipagtulungan sa mga kapwa kababaihan sa lugar.
32. Buong kagalakan kong sinasalubong ang
pagdating ng aking sanggol sa aming tahanan. Ano
ang kahulugan ng salitang may salungguhit?

a. kalungkutan
b. kaginhawaan
c. kaligayahan
d. kapayapaan
33. “Balang araw, maaaring lumuwag ang buhay ng
bawat mamamayan mula sa pagkakautang.” Ano ang
ibig ipakahulugan ng pangungusap.

a. Maluwag ang tali.


b. Makaahon sa hirap.
c. Malawak na tirahan.
d. Magiging malaki ang buhay.
34. Bakit sumama si Tiyo Simon sa mag-ina sa
simbahan?

a. Dahil nahihiya siya kay Boy.


b. Dahil nahihiya siya sa nanay ni Boy.
c. Dahil nasa iisang bubong lamang sila.
d. Dahil malaki ang panalig niya sa Panginoon.
35. Ano ang tawag sa isang dulang nagtataglay ng
malulungkot na pangyayari at nagwawakas sa
kamatayan ng pangunahing tauhan?

a. Trahedya
b. Komedya
c. Melodrama
d. Tragikomedya
36. Anong uri ng panitikan ang naglalarawan ng
buhay at itinatanghal?

a. Dula
b. Nobela
c. Sanaysay
d. Maikling Kwento
37. Ang bata ay ___________ ng halaman. Alin sa
sumusunod na salita ang gagamitin kapag ang kilos
ay tapos na?

a. nagdilig
b. magdilig
c. nagdidilig
d. magdidilig
38. Sino ang nagsalin sa Filipino ng liham-sanaysay
na “Kay Estella Zeehandelaar”?

a. Stella Zeehandeelar
b. Raden Adjeng Kartini
c. Prinsesa ng Javanese
d. Ruth Elynia S. Mabanglo
39. Ito ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng
kilos o galaw.

a. Pang-ugnay
b. Pangngalan
c. Pang-uri
d. Pandiwa
40. Ito ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang
mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon
lamang. Ito ay babasahing natatapos sa isang upuan
lamang.

a. Nobela
b. Tula
c. Maikling Kwento
d. Sanaysay
Mga Tamang Sagot
1. A 11. C 21. C 31. A
2. D 12. D 22. C 32. C
3. C 13. A 23. B 33. B
4. D 14. A 24. C 34. D
5. B 15. B 25. C 35. A
6. B 16. A 26. C 36. A
7. C 17. D 27. A 37. A
8. A 18. B 28. A 38. D
9. B 19. A 29. D 39. D
10. C 20. A 30. C 40. C

You might also like