You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Region IV-A CALABARZON


Division of Antipolo City
Mayamot National High School

LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO


IKAAPAT NA MARKAHAN
BAITANG PITO/T.P. 2022-2023

I.PAGLINANG NG TALASALITAAN

A. Panuto: Piliin ang kahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga salitang


nakahanay sa ibaba mula sa akdang ibong adarna.

Salita Kahulugan Kasalungat na kahulugan


B. P
Tumalima 1. 4. a
Paglililo 2. 5. n
Namanglaw 3. 6. u
t
o: Bigyang kahulugan ang mga di-pamilyar na salita may salungguhit mula sa
akdang Ibong adarna.Piliin ang letra ng tamang sagot.

7. Liwanagin yaring isip ng sa layo’y di- malihis.


A. diretso ang landasin
B. naligaw ng pupuntahan
C. nawalan ng direksiyon
D. lumiko ng direksiyon

8. Tatlong anak ng pagliyag, binata na’t magigilas.


A. maliit na katawan
B. magandang katawan
C. matitipunong katawan
D. masakitin katawan

9. Mula noon, ang Hari ay nahapis na at hindi na makakain.


A. labis na kasiyahan’
B. labis na lungkot
C. namatayan
D. sumigla

10. Nagising ang hari ng may lunos.


A. Luha B. Lungkot C. Pag-aalala D. Sobra
C. Isulat ang letrang K kung ang pahayag ay tumutukoy sa kahulugan at
katangian ng Korido at letrang A naman kung hindi.

11. Ito ay binubuo ng walong pantig sa bawat taludtod.


12. Inilalarawan dito ang ang mga tauhang may kapangyarihan o kakayahang
gumawa ng kababalaghan o supernatural.
13. Ang himig ay mabagal na tinatawag na andante.
14. Ang karaniwang paksa nito ay tungkol sa pananampalataya, alamat at
kababalaghan.
15. Ang mga tauhan ay walang taglay na kapangyarihang supernatural ngunit
nahaharap din sa pakikipagsapalaran na hango sa tunay na buhay.
II.PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN
A. Panuto: Bigyang kahulugan ang mga pahayag mula sa akdang Ibong Adarna.
Tukuyin ang magandang kaugalian naglalarawan sa tauhan sa kuwento.

16. “O birheng kaibig-ibig, Ina naming nasa langit liwanagin yaring isip nang sa layo’y di
malihis”.
A. Pananalig sa Diyos
B. Pilosopiya sa buhay
C. Paniniwala sa Katarungan
D. Mapagmahal sa Pamilya

17.”hanapin ang kagamutan siyang lunas ng magulang, kahit na pamuhunanan ng kanilang


mga buhay”.
A. Pananalig sa Diyos
B. Pilosopiya sa buhay
C. Mapagmahal sa Pamilya
D. Paniniwala sa Katarungan

18. “Ugali ko pagkabata na maglimos sa kawawa, ang naipagkawanggawa, bawiin pa’y di


magawa”.
A. Pananalig sa Diyos
B. Pilosopiya sa buhay
C. Paniniwala sa Katarungan
D. Mapagmahal sa Pamilya

19. “ Ipatapon at bawian ng lahat ng karapatan, upang hindi pamarisan ng pinuno’t


mamamayan”

A. Pananalig sa Diyos
B. Paniniwala sa Katarungan
C. Pilosopiya sa buhay
D. Mapagmahal sa Pamilya

B.Hanapin sa Hanay B ang pinakaangkop na mungkahing solusyon sa mga


suliraning nasa hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

20. Paggamit ng dahas A. Huwag sumang-ayon at pigilan


laban sa kapwa. ang kapwa sa masamang plano.
21. Pagkampi sa masama B.Huwag pilitin makamit agad ang gusto
22. inggitan at awayan sa may tamang panahon ang lahat kaya
pagitan ng magkakapatid manalangin lamang upang magabayan
sa isang bagay. C. dapat isipin na pantay-pantay sa lahat
23. Pagmamalabis sa ng bagay.
Kapangyarihan. D. Laging isipin na ang kapangyarihan ay
24.Pagkasira sa relasyon ng may kaakibat na resposibilidad na
Magkakapatid. nararapat na unahin ang kapakanan ng
25. Pandaraya iba kaysa sa sarili.
E.Huwag magpasilaw sa anumang bagay
at isipin ang magandang naidudulot ng
pagiging totoo.
F. Panatilihin ang pag-uunawan at
at pagmamahalan ng bawat miyembro
ng pamilya.
C.Panuto:Suriin ang mga suliraning panlipunan sa mga sumusunod na saknong na
dapat mabigyan ng solusyon. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.

26.
“Kaya ngayon ang magaling
Si Don Juan ay patayin
Kung patay na’y iwan natin
Ang Adarna nama’y dalhin.”

Batay sa saknong, ang inilalahad na suliraning panlipunan ay ang paggamit ng


dahas laban sa kapwa. Ano kaya ang maaring solusyon sa suliraning ito?
A. Huwag gumamit ng dahas ngunit ipanalangin na lamang ang ikababagsak ng
ibang tao.
B. Makinig sa payo ng ibang tao at gawing batayan sa paghiganti na hindi
gumagamit ng dahas laban sa kanila.
C. Huwag gumamit ng dahas laban sa kapwa, bagkus maghanap ng ibang paraang
malalamangan mo ang kapwa.
D. Huwag pilitin makamit agad ang gusto, may tamang panahon ang lahat
manalangin lamang upang ika’y magabayan.

27.
“ Urong sulong magsalita
Tumutol ay di magawa
Sa takot na mapalisya
Umayon nama’y masama.”

Masasalamin sa saknong ang suliraning panlipunang pagkampi sa masama. Paano


ito masosolusyunan?
A. Hayaan na lamang ang kapatid at huwag ng makialam pa.
B. Huwag sumang-ayon at pigilan ang kapatid sa masamang balak.
C. Pagsabihan ang kapatid na ipagpatuloy ang paggawa ng masama.
D. Mag-isip ng magandang plano upamh hindi malaman ng iba ang kasamaang
ginawa.

28.
“Sa gayon ay maligayang
Dadalhin ta ang Adarna
Pagharap sa ating ama
Hiya natin ay wala na.”

Ang crab mentality ang suliraning panlipunang inilahad sa saknong. Ano kaya nag
nararapat solusyun nito?

A. Gumawa ng kahit anong paraan upang mangibabaw ka sa lahat.


B. Pagpapakumbaba sa mga taong gusto lamang iangat ang sarili.
C. Bigyang pansin ang sariling kapakanan kaysa sa ikabubuti ng kapwa.
D. Pagpapakumbaba, kahit nasa itaas ka na ay nakaapak pa rin ang paa sa lupa
upang hindi mamuo ang inggit.

29. “Taglay ta ang karangalang

Magsabi na ng anoman

Sampung mga kahirapan

Sa ginawang paglalakbay”.

Batay sa saknong ang inilahad na suliraning panlipunan ay ang pandaraya. Ano kaya
ang nararapat na solusyon dito?
A.Gawing motibasyon ang pera upang maging matagumpay sa buhay.
B. Samantalahin ang kapangyarihan at gawin ang nais para sa sarili.
C. Manalangin bago gawin ang isang pandaraya upang hind imaging mabigat ang
kasalanang ginawa.
D. Manalanging hindi masilaw sa anomang bagay at laging isipin ang magandang
maidulot ang pagiging totoo.

30.
“Inumog na si Don Juan
Na di naman lumalaban
Suntok, tadyak sa katawan
Kung dumapo’y walang patlang

Tumataas ang krimen sa ating bansa. ito ang ipinapakita sa saknong. Paano kaya iyo
masososlusyunan?
A. Palihim na gagawin ang krimen upang walang makaalam.
B. Paigtingin nang maayos ang batas upang ang lahat ay sumunod nito.
C. Maayos na disiplina ng mga mambabatas sa pagpapatupad ng batas.
D. Maghanap ng maraming kakampi upang maging matagumpay sa krimeng
gagawin.

III. PAG-UNAWA SA BINASA


A. Panuto: Basahin at bigyang bisa ang bahagi ng akda .Piliin ang letra ng tamang
sagot na nagbibigay paliwanag sa motibo ng tauhan.
31 Si Don Pedro’y tumalima sa utos ng Haring ama….kahit siya ay mapahamak makuha
lamang ang lunas.
A. Hindi sumunod si pedro sa utos ng ama
B. Walang pakialam ang panganay na anak sa lunas ng ama
C. Di alintana ang susuungin sa lalakbayin makuha lamang ang lunas sa sakit ng
ama.
D. Umalis si Pedro ngunit di bukal sa kalooban ang kagalingan ng ama.
32. Pitong awit, bawat isa balahibo’y iniiba at may kani-kanyang ganda sa tingin ay
gayuma.
A. mga paraan ng Ibong Adarna upang ang mga prinsipe’y mahalina.
B. hindi nagpapalit ng kulay ang ibon sa bawat sa bawat
awitin namamalikmata lamang ang nakakakita.

C. ang ibon ay isang sumpa at hindi lunas sa sakit.

D.ito ay patibong ng manggagamot upang


mapahamak lamang ang mga prinsipe.

33. “Masaklap sa puso’t dibdib iyang gayak mong pag-alis, hininga ko’y mapapatid pag
nawala ka sa titig”. ani ni Haring Fernando.
A. suklam sa anak na si Don Juan.
B. bukal sa kalooban ang pag-alis ni Don Juan.
C. magpapakamatay ang Amang Hari sa pag- alis ni Don Juan

D. si Don Juan ang paboritong anak ng Hari,at sobrang sakit sa kalooban ang
mawalay at mapahamak ito.

34. Si Don Pedro’y nagpahuli kay Don Juan at kay Don Diego umagapay, ito’y kaniyang
binulungan ng balak na kataksilan.

A. Nagpapahiwatig ng paglililo ng magkapatid sa bunsong si Don Juan.


B. May balak na kasiyahan para kay Dion Juan.
C. Labis ang pagod sa paglalakbay kung kaya’t nagpahuli si don Pedro.
D. Masama ang lagay ni Don Diego kaya siya’y ginabayan ni Pedro.

35. “Malaki man po ang sala sa aki’y nagawa nila, yaon po ay natapos na’t dapat kaming
magkasama.

A. Hangad ng ama na parusahan silang magkakapatid.


B. Hangad ng ama na bigyan parangal si Don Pedro at Don Diego .
C. Hangad ni Don Juan na mapatawad ng Haring ama ang kaniyang mga kapatid.
D. Hangad ni Don Juan na maparusahan ang kaniyang mga kapatid.

B.Suriin ang katangian ng mga pangunahing at pantulong na tauhan.Piliin sa


kahon ang letra ng tamang sagot.

A.makaDiyos D.maawain
B.traidor E.matulungin
C.mapagkumbaba F. Di mapaghusga

36. “Pagkakita ni Don Juan 39.” Ngiting ito’y ngiting taksil


ay matanda ay nanambitan sa pangako ay sinungaling
Sa malaking kaawan sa mabuting sasabihin
ay madaling nilapitan .” may masamang nalilihim.”

37. “Sa iyong pagpapakumbaba 40. “Sa kawalan ng pag-asa


halos ikaw’y lumuluha sa D’yos na tumalaga
ang galit ko ay nawala kung gumaling ay ligaya’t
parang natunaw na bula .” kung masawi ay dakila.”

38.” Noon niya nakilala


na sa luma’t pangit pala
tao’y huwag pakaasa
walang tamis,walang ganda.”
C. Bashin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang letra ng
pinakaangkop na sagot sa inyong sagutang papel.

41. Kung ikaw si Don Juan na nakakita ng isang ermitanyong sugatan, ano ang
gagawin mo?
A.hindi papansinin C. Tatanaw ng utang na loob
B.Ipagtatabuyan D. Tutulungan ang matanda.

42. Ano ang masamang maiduldulot ng pagkainggit sa buhay ng isang tao.?


A. Makakagawa ng hindi Mabuti sa iyong kapwa.
B. Mahihirapang maabot ang mga pangarap sa buhay.
C. Gagawing batayan sa paggawa ng ikapapahamak sa sarili
D. Mawawalan ng kumpiyansa sa sarili at maiiba ang direksyon sa buhay.

43. Kung ikaw si Don Diego, ano ang gagawin mo kung mayroong nagsabi sa iyong
saktan ang iyong sariling kapatid para sa pansariling kapakanan?
A. Susunod lamang ako kapag mayroong perang kapalit nito.
B. Hindi anko magdadalawang -isip na sundin ito para sa sariling kapakanan.
C. Susundin ko ito dahil gusto kong umangat ang aking buhay upang kaiinggitan ng
lahat.
D. Hindi ko ito susundin dahil ang magkapatid ay kinakailangang magmahalan at
magtulungan.

44. Ano ang gagawin mo sa sitwasyong kailangang mong lakbayin mag-isa ang
Bundok ng Tabor katulad ni Don Juan?
A. Manalangin sa D’yos C. Magdadala ng inumin at tinapay
B. Maghanap ng kasama D. Maglalakbay na sakay ng kabayo

45. Ano kaya ang nararapat mong sabihin sa dalawang kapatid ni Don Juan sa kanilang
masamang pag-uugali?
A. Dapat matakot sa isat’t isa C. Dapat suklian ng kabutihan
B. Dapat maging masaya D. Dapat magbago na at ituwid ang
pagkakamali

IV. PAGSASALITA
A. Panuto: Suriin kung anong kahalagahan ng pag-aaral ng akdang “Ibong
Adarna” nabibilang ang bawat sitwasyon. Isulat ang letrang ng tamang sagot sa
sagutang papel.
46. Sa anong paraan ipinakita ni Don Juan ang pagkakaroon ng matibay na
pananampalataya sa Poong Maykapal?
A. Humingi si Don Juan ng pahintulot sa kaniyang magulang.
B. Nanalig si Don Juan at humingi ng tulong sa Poong Maykapal
C. Tinulungan ni Don Juan ang ermitanyong nangangailangan ng tulong.
D. Tiniis ni Don Juan ang hirap at pagod para lamang malampasan ang lahat ng
pagsubok.

47. Paano pinahalagahan ni Don Juan ang desisyon ng kaniyang magulang?


A. Humingi si Don Juan ng pahintulot sa kaniyang magulang.
B. Nanalig si Don Juan at humingi ng tulong sa Poong Maykapal
C. Tinulungan ni Don Juan ang ermitanyong nangangailangan ng tulong.
D. Tiniis ni Don Juan ang hirap at pagod para lamang malampasan ang lahat ng
pagsubok.

48. Paano ipinakita ni Don Juan ang pagiging matulungin sa mga taong
nangangailangan.?
A. Humingi si Don Juan ng pahintulot sa kaniyang magulang.
B. Nanalig si Don Juan at humingi ng tulong sa Poong Maykapal
C. Tinulungan ni Don Juan ang ermitanyong nangangailangan ng tulong.
D. Tiniis ni Don Juan ang hirap at pagod para lamang malampasan ang lahat ng
pagsubok.

49. Sa paanong paraan pinahalagahan ni Don Juan ang hindi pagsuko sa lahat ng
pagsubok na nangyari sa kanyang buhay?
A. Humingi si Don Juan ng pahintulot sa kaniyang magulang.
B. Nanalig si Don Juan at humingi ng tulong sa Poong Maykapal
C. Tinulungan ni Don Juan ang ermitanyong nangangailangan ng tulong.
D. Tiniis ni Don Juan ang hirap at pagod para lamang malampasan ang lahat ng
pagsubok.

50. Sa paanong paraan ipinakita ng magkakapatid na sila ay may pagmamahal at


pagpapahalaga sa kanilang amang haring nagkasakit?
A. Nag-unahan silang mahuli ang ibong Adarna para makuha ang trono ng ama.
B. Napagod sila sa kahahanap ng Ibong Adarna kaya hindi na nila ito hinanap.
C. Agad silang sumuko kaya hindi na sila nagsayang ng panahong hanapin ang Ibong
Adarna.
D. Hindi sila nagdalawang isip na hanapin ang lunas ng sakit ng ama kahit saan man
sila mapunta at maaring ikapahamak nila.

B.Ibigay ang kahulugang nakapaloob sa bawat kaisipan mula sa piling saknong


ng Ibong Adarna. Isulat ang letra ng tamang sagot.
51..Tunay kaming magkakapatid ang magtalo’y lubhang pangit lalo pa nga’t sa pag-
ibig hindi dapat magkagalit. Ang kaisipang nakapaloob dito ay nangangahulugang:
A. Hindi kailanman nag-aaway ang magkapatid.
B. Hindi maiiwasan na magkagalit ang magkapatid.
C. Nag-away ang magkapatid dahil sa pag-ibig nila sa isang babae.
D. Kahit anupaman ang mangyari ang magkapatid ay laging nagtutulungan.

52..Sinikap na ang tahanan maging pugad ng mahalan palagi ng magkaramay na


ligaya’t kalungkutan. Masasalamin sa kaisipang ito :
A. Ang tahanan ay lugar ng pagmamahalan.
B. Isang masayang pamilya ang mag-anak ni Haring Fernando.
C. Magkasama sa lungkot at ligaya sina Don Juan at Donya Maria.
D. Sa hirap at ginhawa, walang matatakbuhan at makakaramay kundi ang
pamilya .

53.Pinigil muna ang kasal sa dadalo’y alang-alang ugali ng kamahalang panauhi’y


parangalan. Ipinahihiwatig ng kaisipang nakapaloob dito na :

A. Magiliw na pagtanggap sa panauhin.


B. Kamag-anak ng babaeng ikakasal ang panauhin.
C. Ang panauhin ang magsasagawa ng seremonya ng kasal.
D. Ang panauhin ay may dalang malaking regalo sa mga ikakasal.

54.O, pagsinta na ang lakas kalabanin ay kay hirap pag ikaw na bumihag
hahamakin na ang lahat. “ Masasalamin sa kaisipan ito na:
A. Laging masaya ang taong umiibig
B. Nagagawa ang lahat sa ngalan ng pag-ibig.
C. Maaring makadama ng kalungkutan ang taong nabigo sa pag-ibig.
D. Kasiyahan ang nararamdaman dahil sa puso nila’y naghahari ang tunay na
pag-ibig.

55. Sa pahayag ng prinsipe, prinsesa’y nagdili-dili ang galit man ay malaki habag
niya’y humalili. Nangangahulugan itong:
A. May mga tao madaling maawa sa kanyang kapwa.
B. May mga taong hindi nakakalimot ng kasalanan ng iba.
C. May mga taong hindi marunong umamin ng kanilang pagkakamali
D. May mga taong mabilis magpatawad sa mga taong nakagawa sa kanila ng
kasalanan.

V. Pagsulat

Pumili ka ng isa sa mga tauhan sa akda na iyong naibigan. Sa iyong palagay


ano ang kanyang katangian taglay na dapat mong hangaaan at hindi mo dapat
tularan. Bigyan katwiran ang iyong kasagutan.

Pamantayan Iskor
1.Binubuo ng isang talata na may limang 2
pangungusap o mahigit pa ang
paglalarawan.
2.Malinaw na nailahad ang katangian ng 2
tauhan napili.
3.Maayos ang pagkakahanay-hanay ng 1
mga ideya.
Kabuuang Puntos 5

You might also like