You are on page 1of 2

Magadia, Alliyah Aina C.

12-Hertz
Isang Libo’t Isang Gabi
Buod
Kasal ang isang babaeng mangangalakal sa isang maglalakbay na madalas ay wala sa
kanilang tahanan. Dahil dito nabagot at nahulog ang loob ng babae sa isang mas batang lalaki.
Isang araw, may nagreklamo at pinakulong ang lalaki. Nang malaman ito ng babae ay huminggi
siya ng tulong sa apat na lalaki at nagpagawa ng aparador sa isang karpintero bilang kapalit sa
kanilang tulong ay kailangan niyang gawin ang kanilang ninanais. Pumayag ang babae at binagay
niya ang lugar at oras kung kailan pupunta ang mga ito. Dumating ang araw na itinakda ng babae.
Isa-isang dumating ang mga lalaki. Unang dumating si Cadi na sinundan ng hepe ng pulis.
Makatapos ay si Vizier naman ang dumating at sumunod ang hari. Ang pinakahuling nakarating
ay ang karpintero. Pinagpalit ng babae ang mga ito ng damit: dilaw para sa Cadi, pula sa hepe,
bughaw naman sa Vizier samantalang ang sa hari ay mula sa damit na may halagang isang libong
dinaryo ay naging sampung dinaryo na lamang. Bago pa nila masimulan ang kanilang nais ay may
dadating na isa pa na siyang sasabihin ng babae na asawa niya at itatago sila ng babae sa loob ng
aparador. Isa-isang niyang naiuto ang mga ito hanggang sa nakuha na niya ang kanyang nais at
nakalaya na ang kanyang iniibig. Matapos makalaya ay lumipat sila sa ibang lugar habang naiwan
naman sa loob ng aparador ang lima na nang makatas sa kanilang pinagkakulang ay nagtakip ng
mga mukha dahil sa kahihiyan.
Sa Madilim na Sulok
Buod
Si Trexie ay bagong graduate sa Mataas na paaralan at hindi pa siya nakakaranas na
magkaroon ng nobyo. Hindi raw kasi payag ang kanyang mga magulang at nakatuon ang pokus
niya sa pag-aaral. Subalit nang siya ay pumasok sa kolehiyo ay nagkaroon na siya ng mga
karelasyon na tinago niya mula sa kanyang mga magulang. Isa sa mga ito si Cristof. Laging patago
ang kanilang pagkikita. Tuwing gabi at sa mga lugar na wala masyadong tao ang kanilang madalas
na tagpuan. Nahalata ng kanyang ama na napapadalas siyang gabi na umuuwi at napapaisip na
lang siya na hanggang kailan magiging nito ang sitwasyon nila. Mabuting nobyo si Cristof,
nirespeto at inintindi niya ang mga dahilan ng kanyang nobya. Sinubukan niyang pagaanin ang
loob ni Trexie at niyakap niya ito. Pagod na raw siyang magtago sa dilim.

Sintesis
Ang unang kwento na Isang Libo’t Isang Gabi ay sinalin sa wikang Filipino mula sa
akdang, 1001 Nights. Ito ay tungkol sa isang babaeng umiibig muli at nagpaikot ng mga tao para
matulungan ang kanyang minamahal. Samantalang ang ikalawang kwento ay “Sa Madilim na
Sulok.” Ito naman ay tungkol sa isang babaeng hindi pa nagkakaranas na magkarelasyon dulot ng
pagbabawal ng kanyang magulang at natutong magkarelasyon na palihim.
Ang dalawang akda ay parehong may temang romansa. Pareho na umibig ang mga bidang
babae kahit na bawal at tila hinahadlang sila ng pagkakataon. Mas pinili nila ang pag-ibig.
Ipinamalas rin sa dalawang kwento ang lakas ng loob ng mga bida na gumawa ng paraan para sa
makapiling ang kanilang mahal. Ngunit may mga pagkakaiba rin ang dalawa sa kabila nito.
Sa unang kwento ay nagtaksil ang babae sa asawa niyang madalas ay wala at umibig sa
mas bata. Pinakita niya na hindi siya angat sa pagpapaikot at pagmamanipula ng tao para matupad
ang kanyang kahilingan na makasama ang bagong iniibig. Ipinamalas niya na hindi siya takot at
handang ipaglaban ang kanyang pag-ibig. Sa kabilang dako, sa ikalawang kwento ay takot ang
babae sa maaring kahantungan ng kanilang relasyon kung sakaling malaman ito ng kanyang mga
magulang. Wala siyang ginawa upang panindigan ang kanilang pag-iibigan.
Mapapansin na kahit magkapareho ang tema ng dalawang akda ay mayroon parin silang
pagkakatulad at pagkakaiba. Habang binabasa mo ang mga ito ay mapapaisip ka na lamang sa
kung ano talaga ang kahulugan ng umibig. Maraming kahulugan ang iyong maisisiwalat ngunit
isa sa pinakamatunog ay ang pagsasakripisyo para at sa pag-ibig. Dahil sa pag-ibig, hindi maaari
ang “papetiks-petiks” lamang kundi dapat handa kang harapin ang lahat.

You might also like