Professional Documents
Culture Documents
Pamagat Ng Katha:
A.
Ang kwintas ni Guy De Maupassant
Ang May Akda:
Guy de Maupassant-
Sanggunian o aklat na pinagkunan:
B.
Panitikang Pandaigdig: Filipno Modyul para sa Mag-aaral
(Mula sa Hiyas ng Wika nina Domingquez et. Al. 1990. Abiva Publishing)
II. Buod
Siya ay isa sa magaganda at mapanghalinang babae na sa hindi inaasahang pagkakataon ay isinilang na dukha sa angkan ng mga
manunulat. Nakapangasawa siya ng kauri nilang tagasulat sa Kagawaran ng Instruksyon Publiko sa dahilang siya ay naubusan ng pag-asang
Pangkaraniwang pammuhay ang kanyang tinatamasa kaya’t labis na lamang ang kanyang paghihinagpis at pagdurusa sapagkat
naniniwala siyang ipinanganak siya upang tamasahin ang lahat ng karangyaan pwedeng makamtan ng isang babaeng tulad niya. Sa estado at
kalagayan ng pamumuhay nila ngayon tanging ang kanyang alindog na lamang ang kanyang maipagmamalaki kung kaya’t kanyang iniisip na
ang kanyang angking kagandahan ay hindi nababagay sa uri ng pamumuhay na mayroon siya sa kasalukuyan.
May mga pagkakataong ang karangyaan para sa kaniya maging sa kanyang asawa ay bunga na lamang ng kanilang makulit na
imahinasyon katulad na lamang isang gabing umuwi ang kanyang asawa, at sila ay nagsalo sa hapunan, napabulalas ang kanyang asawa at
nasabing napakasarap ng kanilang ulam na potau-feu. Ang tanging laman ng isip niya nang mga sadalig iyon ay ang mga mamahaling
kubyertos at ang malaparaisong kapaligiran na lalo pang pinakulay ng kanyang papansin at malikot na isipan. Nang dahil na rin sa matinding
pagnanais na magkaroon ng karangyaang ipinipilit na nararapat niyang makamtam sapagkat ito ay naaayon sa alindog niyang taglay, maging
sarili nyang konsesya ay iniwan na siya sa kanyang papantasya. Mayroon kasi siyag nagging kaibigan noon sa kumbento. Mayaman ito kung
kaya’t malimit niya itong dalawin noon ngunit nitong mga huli ay hindi na niya ito magawang dalawin sapagkat lalo nga lamang nanliliit ang
galak na nadarama, agad niyang sinira ang dulong bahagi ng sobre, at pagkuwan ay agad binuksan ang liham na nakapaloob sa sobre, na
naglalaman nang isang paanyaya para sa kasihayang idaraos sa palasyo ng Ministeryo. Ang galak na kanina ay namamayani sa kanyang sistema
ay agad na napalitan ng pagkainis. Maging ang kaniyang asawa ay nagulat sa aktong kanyang nasaksihan sapagkat ang buong akala niya ay
matutuwa ang kaniyang asawa sapagkat ito ay makapaglilibang nan a kalianman ay hindi niya nagawa at isa pa, hindi madali ang pinagdaanan
niya makuha lamang ang ganoong paanyaya sapagkat matatas na tao sa lipunan ang inaasahang mga panauhin sa nasabing pagdiriwang.
Napakalaki para kay Matilde ng kanyang sulirinin sa kanyang kasuotang gagamitin sa kasiyahan, na kahit pa para sa kanyang asawa ang damit
na isinusuot niya sa sa tuwing papasok sila sa teatro ay marangya na para sa kanya ito ay isa lamang kahihiyan, kung kaya’t upang
mapagbigayan ang asawa sa kagustuhan ang kakaramput niyang ipon na manapa ay pambili sana niya ng baril pang-ibon ay kanya nang isinulit
sa mahal na asawa.
Habang papalit na ang araw ng pnaghahandaang pagdiriwang, inusisa ng ng asawa si Matilde sapagkat ilang araw na itong balisa,
ang dahilan ay wala siyang isusuot na mga perlas sa araw ng kasihayan. Sa buong pag-aakala ng lalaki ay tapos na ang kanyang paghihirapv
ngunit hindi pa rin pala. Sinambit na lamang niya na ang mga sariwang bulaklak ay mas makapagbibigay ng kagandahan at makadaragdag sa
alindog niyang tagly, ngunit siya ay nabigo sapagkat hindi sumang-ayon ang babae sa asawa. Nabigla ang huli at hindi napigilan ang sariling
makapagsalita sa asawa, ang tangi na lamang paraan na kanyang naisip at sinabi sa asawa ay ang magtungo sa mayaman nitong kaibigan na si
Madame Forestier at duon manghiram ng mga alahas na maaring magamit sa kasiyahan. Agad naman itong sinag-ayunan ng babae at
kinabukasan ay agad niyang tinungo ang kinaroroonan ng kaibigan at doon ay ibinahagi ang kanyang suliranin. Hindi naman nagdalawang isip
ang kaniyang kaibigan at agad na kinuha ang kanyang natatagong mga alahas. Hindi maintindihan ni Matilde kung anong reaksyon ang
kaniyang ipapakita. Isang kwintas na nakalagay sa kahong nababalot ng itim na satin. nagdalawang-isip siyang itinanong sa kaibigan kung
ipahihiram niya ito ngunit hindi nagdalawang isip ang huli kung kaya’t gayon na lamang ang kanyang pagkagalak.
Sumapit ang arawa ng kasihayan at katulad ng kaniyang inaasahan siya ang pinakamaganda at pinakamaranyang panauhing naroon
sa sayawan. lahat ay ninais na makasayaw siya at ito ay hindi naman niya tinanggihan, maging sa alak ay nagpakalunod siya at ninamnam ang
ilang oras na kalayaan at karangyaang panadalian. Madaling araw na nang magpasya silang mag-asawa na umuwi, at dahil maaga pa wala pang
sasakyang bumabiyahe patungo sa kanilang paroroonan, nagpasya na silang maglakad at di kalaunan sa pampang ng ilog Seine ay nakita sila
ng isang matandang dokar na dahil na rin sa karalitaan ay ikinahihiya kung kayat sa tueing may buwan na lamang mamamalas, ang pag-asa
Nang makarating sa kanilang tahanan ilang sandal pang pinagmasdan ng babae ang kanyang kagandahang taglay ngunit laking
gulat nya nang mapansing ang kwintas na nagpabantog sa kaniya sa sayawan ay hindi na suot ng kanyang leeg. Dala na rin nang pagkatakot na
tuluyang mawala ang hiram na kwintas muling tinungo ng kanyang asawa ang lahat ng daang kanilang dinaanan pauwi ngunit siya ay nabigo,
ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa muli niyang nilandas ang bawat sulok ng kanilang daang tinahak ngunit sa pangalawa at panghuling
pagkakataon, muli siyang nabigo dahilan para sila ay mawalan ng pag-asang makikita pa ang nawawalang alahas. Upang hindi maghinala, at
habang nag-iisip pa sila ng mga araang pwedeng gawin, sinulatan ni Matilde ang hiniramang kaibigan at sinabing nasira lamang ang kwintas at
kanilang ipinapaayos pa. Dumaan ang mga lingo at tuluyan na silang naubsan ng pag-asa na matatagpuan pa ang alahas. Nagpasya na silang
magtungo sa isang tanggpan ng alahero upang magtanung-tanong. sa pag-iikot nakakita sila ng isang tuhog ng dyamanteng sa tingin nila ay
malaki ang pagkakahawig sa sa hinahanap nilang kwintas. Nagpagawa sila ng kwintas na kapareho ng nawala sa halagang tatlumpu’t anim na
libo.
Mayroong naming labingwalong libong prangko si M. Loisel mula sa yumaong ama, at ag kanyang asawa ay kung kani-kanino na
lumapit maging ang mga nagpapautang na ma tubo ay kaniya nang pinatos mapunan lamang ang kakulangan sa pambayad sa kwintas. Di
kalaunan ay nakabuo sila ng sapat na halaga at naipagawa ang kwintas na kapalit ng nawala, pagkuwa’y tinungo na ang kaibigan upang ibalik
na ang kwintas, may panlalamig na ang pakikitungo sa kanya ng kaibigan dahilan upang hindi na nito buksan pa ang kahong naglalaman ng
pekeng kwintas.
Hindi naging madali ang takbo ng buhay ng mag-asawa pagatapos maibalik ang kwintas. ang lahat ng kakarampot ng karangyaang
mayroon sila ay nawalang parang bula. Nagkapatong-patong ang kanilang utang dahil sa lumalaking interes ng kanilag naunang utang. Ang
lahat ng bagay katulad ng pamamalengke, paglalaba, paglilinis ng bahay na noon ay hindi niya nararanasan pagdaan ng panahon ay naging
buhay na niya. Unti-unting bumagsak ang kanyang katawan, ang dating maganda, ainis at kinababaliwan ng mga lalaki, ngayon ay salamin ng
isang matandang babaeng marami ng sinuong na hamon sa buhay. Marahil dahil na rin sa tagal ng kanilang ipinaghirap na tumagal ng sampung
taon mabayaran lamang lahat ang kanilang mga pagkakautang. laking galak niya sapagkat sa wakas ay tapos na rin ang kanilang paghihirap.
Isang araw, sa kaniyang paglalakad ay muli niyang nakita ang kaibigang si Madame Forestier na may batang akay-akay. Ang dating
itsura ng kaibigan ay hindi pa rin nalalayo sa dati sampung taon na ang nakararaan. Bata, maganda at kabigha-bighani pa rin ito. Nagkaroon
siya ng pagkakataong muling kausapin ang kaibigan, at sa daloy ng pag-uusap, ang dalawa ay parehas nagulat sa mga nalaman. Ang kwintas na
nagkakahalaga ng tatlumpu at anim na libong prangko na siyang dahilan ng paghihirap ni Matilde sa loob ng sampung taon ay imitasyon
III. Pagsusuri
A. Uri ng Panitikan
Ito ay isang uri ng Maikling Kwento. Ang Maikling kwento ay isang uri ng panitikan sa anyong tuluyan kung saang ang mga
pahayag ay ipinahahayag ng tuloy-tuloy at patalata. Wala ring sinusunod na sukat, tono at tuma ang ganitong uri ng panitikan.
B. Istilo ng Paglalahad.
Ang maikling kwento ay isang kwento ng tauhan. Nagsimula ito sa pagpapakilala sa pangunahing tauhan , ang uri ng pamumuhay,
ang katangiang taglay at hinaing sa buhay ng pangunahing tauhan . Gayundin binigyang pansin ang kultura ng bansang pinagmulan ng kwento
(France) sa pamamagitan pa rin ng mga katangian at paglalarawan sa pamumuhay ng mga tauhan. Ipnahayag ang bawat kaisipan sa maikling
kwento batay sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Hindi man gumamit ang may-akda ng flashback o patumabalik-isip na
makapagbibigay ng kakaibang kulay at sabik sa mambabasa, maayos at maliwanag namang naiparating ang mensahe ng kwento. Ang paggamit
ng mga panghalip ay malaking tulong din upang lalong mabigyang linaw ang punto ng akda at nabawasan rin ang aking pagkabagot dahil ang
mga salita ay hindi pauli-ulit, kung kaya’t napakalaking tulong ng mga panghalip na makikitang ginamit sa kwento. Ang mga tauhan ay
tuwirang sumasalamin sa kulturang meron ang bansang Pransya na malaki ang ginampanang papel upang lalong mabigyang katuturan ang
daloy ng kwento. Ang kanilang tahanan, ang palasyo kung saan naganap ang sayawan, ang matandang dakor at ang Champs Elysees ung saan
naganap ang mahahaagang pangyayari sa kwento ay ia rin sa nakapagbiga ng aliw sa akin bilang mambabasa.
C. Mga Tayutay
D. Sariling Reaksyon
1. Teorya/Pananalig Pampanitikan
2. Mga Pansin at Puna
3. Bisang Pampanitikan
A. Bisa sa Isip
B. Bisa sa Damdamin
C. Bisa sa Kaasalan
D. Bisa sa Lipunan