You are on page 1of 2

Ang Mga Gamugamo at Si Jose Rizal

Ang ina ni Rizal ang unang nagturo sa kanya ng pagbasa. Kung sila ay inaabot ng gabi at si
Rizal ay pagod na sa pag- aaral ng pagbasa, si Ginang Rizal naman ang bumabasa at ang
anak ang nakikinig. Isang gabi silang dalawa na lamang ang naiwang gising sa kanilang bahay.
Sa kanilang pagbasa ay wala nang ilaw na may sindi maliban sa osang tinghoy. Si Rizal ay
nag-aantok at pagod na sa pagbasa ng librong kangyang pinag-aaralan. Kaya ang Ina naman
ang bumasa at si Rizal ay naking nalamang.

Hindi rin nagtagal at ang bata ay napagod sa pakikinig. Siya ay nalibang ng mabuti sa mga
gamugamo na naglalaro sa ilaw. Minsan, si Rizal ay naghikab at napansin ng ina na hindi na ito
nakikinig. Huminto ito ng pagbasa at saka nagwika. "Ngayon ay babasahin ko sa iyo ang isang
marikit na kwento. Makinig kang mabuti". Nang marinig ni Rizal ang salitang "kwento," nadilat
ang kanyang mga mata at tumingin sa Ina. Dagling nawala ang kanyang antok.

Pinagmasdan niya ang kanyang ina habang binubuksang isa'isa ang mga dahon ng libro sa
paghanap ng kwentong babasahin. Mayamaya'y nagsimula ang Ina ng pagbasa.

Mayroon daw dalawang ga gamugamo, isang matanda at isang bata. Maibigin silang maglaro
sa tabi ng ilaw na kandila. Isang gabi ang batang gamugamo ay lumipad nang lubhang malapit
sa ningas ng kandila. "Mag-ingat ka!" ang tawag ng matandang gamugamo. "Baka masunog
ang pakpak mo ay hindi ka na makalipad."

"Hindi ako natatakot," ang mayabang na sagot ng batang gamugamo. At nagpatuloy siya ng
palipad sa paligid-ligid ng magandang ningas. Minsan, sa kanyang paglipad ay nadikit sa
ningas ang kanyang pakpak at siya ay nalaglag sa mesa.

"Sinabi ko na nga ba sa iyo," ang sabi ng matandang gamugamo. "Ngayon ay hindi ka na
makalilipad na muli. Samantalang nakikinig si Rizal sa kwento nalilibang naman siya sa maliliit
na gamugamong naglalaro sa kanilang ilaw. Napansin nya ang malaking hangad ng maliliit na
kulisap na makalapit sa ilaw sa paghanap ng liwanag kahit mapanganib. At nang masunog ang
pakpak at malaglag sa mesa ang batang gamugamo sa kwento ay siya ring pagkasunog ng
pakpak at pagkalaglag ng isang tunay na gamugamo sa langis ng tinghoy.

Dahil sa pagkalibang sa mga gamugamo hindi na niya napansing tapos na sa pagbasa ang
kanyang ina. Isa mahalagang bagay ang kanyang natutuhan. Isang dakilang aral ang kanyang
nakuha sa mga gamugamo. Ang maliit na kulisap pala ay marunong ding magbigay ng pangaral
na tulad ng kanyang ina. At ang mga gamugamo pala ay hindi natatakot mamatay sa paghanap
ng liwanag.

Nang sila ay matutulog na nang gabing iyan, sinabi ni Rizal sa kanyang ina, "Huwag mong
paparisan ang ginawa ng batang gamugamo. Makikinig ka sa pangaral upang ikaw ay hindi
mapahamak."

Ang pangyayaring ito at namalagi sa alaala ni Rizal hanggang siya ay tumanda. At sa wakas ay
nakita nating siya ay nagpakamatay sa paghanap ng ilaw at liwanag para sa kanyang bayan.


Dahilan ng pagkamatay ng tatlong pari:
Nag Dulot ng Malaking dagok sa mga Espanyol ang Pagkamatay Ng GomBurZa..
Ito ay Naganap sa Pamumuno ni gobernador heneral Rafael De Insquirdo.
Ipinapatay niya Ang GomBurZa Sa Kadahilanang Sila "daw" ay ang pasimuno ng malawakng
pag-aalsa sa Cavite.
Pinamumunuan ito ni Lamadrid, Isang meztisong espanyol, Siya ay nag alsa dahil sa siya ay
tinanggalng ng pribilehiyong di-makapagbayad ng Buwis at paggawa ng Polo.
Madali namang nahuli at napatay si lamadrid sa pamamagitan ng Garote.
Ang Tatlong pari (GomBurZa) ay Pinatay din sa pamamagitan ng Garote
Pagkatapos ng kaguluhan sa cavite noong 1872. Lalo itong nagdulot ng paghihirap sa mga
Pilipino. Ang Kanilang Mga kalayaan ay hindi bumuti, bagkus, lalo pa itong lumala. Ang
Pagbitay sa GomBurZa ang Gumising sa natutulog na kamalayan ng mga Pilipino.
Makalipas ang 25 taong pagkabitay sa GomBurZa, Nagsimula na ang malawakang pag-aalsa
nila Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena,Marcelo del Pilar,Jose Ma. Panganiban,Antonio Luna at
Marcelo Ponce.


Dahilan ng pagkakakulong ng ina ni Rizal:
Maging si Teodora ay hindi nakaligtas sa pagmamalupit ng Kastila. Maka-ilang beses siyang
nakulong sa mga kakatwa at hindi mahalagang kaso. Una siyang nakulong sa bintang na
nilason niya ang kapatid ng kaniyang asawa. Ipinagtanggol siya ng dalawa sa maga-galing na
abogado na nagmula pa sa Maynila, at napawalang-sala makalipas ang dalawa at kalahating
taong pagkakabilanggo. Nang ipag-utos ng mga Kastila na palitan ang apelyido ng bawat
Filipino, isa ang kaniyang pamilya na tumutol at bilang parusa, siya ay pinaglakad siya nang
mahigit 50 kilometro mula ng Calamba hanggang Sta. Cruz, Laguna. Napilitang lumipat ng
Maynila ang kaniyang pamilya ng magkaroon ng hidwaan ang Dominiko at ang Filipino sa
Laguna.
Noong 1891, nakasama niya si Jose nang madestiyero ito sa Dapitan at magtungo sa Hong
Kong. Nang malaman niyang ang kaniyang anak ay papatawan na ng parusang kamatayan,
siya ay nagtungo sa Maynila upang bisitahin ang asawa at makiusap sa gobernador, ngunit
nabigo sa kaniyang layunin.
Sa dami ng hirap at sakit ng kaloobang dinanas, inalok ng lehislatura ng Filipinas si Teodora ng
pensyon bilang pagkilala sa kaniyang mga naging ambag sa bayan. Magalang niyang
tinanggihan ang alok at sinabing Ang aking pamilya ay kailanman hindi nagmahal sa
bayan dahil lamang sa salapi. Kung ang ating pamahalaan ay maraming pondo at hindi
alam kung saan dapat gamitin, mas mainam sigurong bawasan na lang ang buwis.

You might also like