You are on page 1of 8

Ang buhay ng isang bayani

Libro - Memorias De Un Estudiante de Manila


Labing pitong taong gulang siya noong tipunin niya ang kanyang mga alaala sa librong ito.
T. Jacinto upang maging pribado ang kanyang buhay. Ngunit sa dulong bahagi ng kwento
matatagpuan ang kanyang pirma.

Ang batang si MOY MERCADO


● Si Jose Rizal ay ipinanganak noong Hulyo 19, 1861 sa pagitan ng alas onse at alas
dose ng gabi. Araw ng miyerkules mula noong siya ay isinilang at ito ay isa sa naging
dahilan upang muntik na masawi ang kanyang mahal na ina.
● Ang kanya ay si Donya Teodora Alonso ngunit ito ay mas kilala noon bilang lolay. Si
Donya Teodora ay hindi isang ordinaryong babae sapagkat mahilig ito sa literatura at
mas mahusay magsalita ng espanyol. Isa rin siyang matematika at ang kanyang ama
ay dating kinatawan sa cortes.
● Bukod sa pagiging ina at pag-aasikaso sa labing isang anak pinamahalaan niya ang
isang tindahan sa may silong ng kanilang bahay at ang kanila pang ibang negosyo.
Mula sa kanyang malakas na personalidad at pagsisikap malaki ang nagawa nito
upang mahubog ang pagkatao ng kanyang mga anak at ang pag ibig nito sa
karunungan. Ito ay kanyang tinuro na bumasa at sumulat sinanay sila sa pagdarasal
at pagtulong sa gawaing bahay at sa kanilang kabuhayan. Magmula rito naging
malapit si Rizal sa kanya at natuto ito sa maraming bagay. Ang kanyang ama naman
na si Don Francisco Mercado o mas kilala sa tawag na kikoy ay isang tahimik at
sensitibong ama sa kanyang mga anak . Siya ay mahigit apat na pung taon gulang
na mula noong isinilang si Rizal. Binigyan niya ng sapat na edukasyon ang kanyang
mga anak at mula sa kanyang pagsisikap nakapag patayo siya ng bahay na bato at
nakapag pundar ng isa pa.
● Ang magulang ni Rizal ay parehong taga Binan ngunit ang mga ito ay lumipat sa
Calamba at nangungupahan sa lupang pag aari ng mga prayleng dominiko.
● Ayon sa mga kapatid ni Rizal ito raw ay isang tahimik at mapaglarong bata. Mahilig
siyang magpinta ng mga hayop, ibon at mga bulaklak gamit lamang ang aswelte,
uling at iba pang katas ng halaman bilang pintura. Kanya ring nakahiligan ang
paghubog ng mga pigurin at busto ng mga tanyag na taong nababasa niya mula sa
kanilang mahigit isang libong mga aklat.
● Si Rizal ay siyam na taong gulang noong umalis patungong binan upang mag aral
kasama ng kanyang kuya na si Paciano.
● Ipinakilala siya ni Paciano sa kanyang guro na siya ring nagturo sa kanya noon. Sa
pamamagitan ni maestro Justiniano Aquino Cruz namulat si Rizal sa istilo ng
pagtuturo noon.
● Sinubukang pagbatiin ni Donya Teodora ang kanyang kapatid na si Alberto at asawa
nito dahil bukod sa pakikiapid at nagawa pa nitong iwan ang kanyang mga anak.
Nagalit ang asawa ng kanyang kapatid at siya ay pinaratangan kasabwat nito sa
tangkang pagkalason sa kanya.
● Ang mga gwardyang sibil na nagmistulang kaibigan ng kanilang pamilya ang
dumakip kay Donya Teodora mula sa kanilang bahay. Naging malupit ang pagtrato
ng alkalde at pinilit nitong umamin si Donya Teodora kapalit ng pangakong agad
siyang papakawalan.
● Tumagal ng mahigit dalawang taon ang pagkabilanggo ni Donya Teodora.
● Magmula noong nawalan na ng tiwala si Rizal sa mga taong itinuturing nilang
kaibigan dahil sa sinapit ng kanyang ina.

Atenistang Probinsyano
● Labing isang taong gulang si Rizal noong siya ay mag enroll sa Ateneo Municipal na
nakatirik noon sa Intramuros at dito naranasan ni Rizal ang tagumpay, pait at pag
ibig ng isang estudyante sa pag aaral.
● Noong una ayaw tanggapin si Rizal dahil bukod siya ay huli na sa pagpapatala, isa
pa siyang maliit, payat at mukhang sakitin na bata.
● Naging mahirap para kay Rizal ang unang yugto ng kanyang pag aaral. Sapagkat
hirap siyang magsalita ng espanyol.
● Naging masugid itong magsimba at magbasa ng mga nobela at akdang
pangkasaysayan. Nagawa pa nitong linlangin ang kanyang ama na bumili ng aklat na
historia universal dahil kailangan ito sa klase.
● Napalaya si Donya Teodora noong nakapagtapos si Rizal sa kursong secondarya.
● Sa tulong at tiyaga ng pamatnubay ni Padre Francisco De Paula De Sanchez ang
guro ni Rizal sa Ateneo, nagawang ipatalas ni Rizal ang memorya nito sa wikang
espanyol.
● Naka Pagsulat ng mga tulang banyaga na itinanghal sa araw ng kanyang
pagtatapos.
● Nakatanggap si Rizal ng Diploma sa Bachelor En Artes at limang medalya sa edad
na labing lima.
● Nang makabalik ng Calamba inakala ng kanyang ina na tutulungan na lamang nito
ang kapatid na si Paciano sa bukid dahil sapat na para sa kanya ang mga nalalaman
ni Rizal at kapag ito ay madagdagan pa maaari itong pugutan ng ulo.
● Nanghinayang ang ama ni Rizal sa kanyang talino kaya ito ay pinag aral ng
pilosopiya sa Unibersidad ng Santo Tomas.
● Nagawa ring kumuha ni Rizal ng kursong land surveying sa Ateneo upang
mapagbigyan ang kanyang ina.
● Sa pagkaraan ng isang taon napagpasiyahan na lang ni Rizal na mag aral ng
medisina matapos mapag alamang nabubulag na ang kanyang ina.
● Natuklasan din ni Rizal ang una nitong pag ibig kay Segunda Katigbak.
● Naudlot ang suyuan mula ng pauwiin si Segunda ng kanyang ina upang alagaan ang
sanggol na kapatid.
● Marami pang mga dalagitang dumaan kay Rizal bago nito natuklasan ang pag ibig
mula sa kanyang pinsan na si Leonor Rivera.
● Isang gabi nakalimutan niyang saluduhan ang isang gwardya sibil at siya ay
nakatanggap ng mahigit na tatlong palo mula sa kanyang likuran.
● Inilapit niya ang kaso sa malacanang ngunit hindi siya pinansin.
● Nanalo ang inilahok niyang panitikan na El Concejo de los Dioses.
● Walang pumalakpak noong nalaman na isang filipino at indyo ang nanalo.
● Tinanggap ni Rizal ang hikayat ng kanyang mga kaibigan pati na rin ng kanyang tito
na Antonio Rivera na mag aral sa espanya.
● Inilihim ni Rizal at Paciano ang pag aaral nito sa Espanya.

Patungo sa liwanag ng Dunong at Daigdig


● Alas singko ng umaga naghanda si Rizal sa kanyang paglalakbay.
● Binigyan siya ni Paciano ng Tatlong daan at anim na pung piso.
● Walang kaalam alam ang kanyang mga magulang.
● Nagtungo si Rizal sa maynila, pagkatapos ay humingi ng sulat rekomendasyon kay
paterno at sa mga paring heswita.
● Naglayag siyang patungong europa noong May 2, at sa edad na dalawampu't taong
gulang.
● Noong siya ay dumako sa aden may mga nagtitinda ng malaking itlog at balat ng lion
at tigre.
● Nakita ni Rizal ang bantog na Suez Canal at ang villas ng sicily
● Dumaong ito sa Marseille at mula roon sumakay ng tren patungong Barcelona,
Spain. At namalagi ng mahigit isang buwan.
● Habang nagpapalipas oras sa pagbubukas ng mga unibersidad tinupad ni Rizal ang
pangakong magsusulat ng mga artikulo para sa Diariong Tagalog.
● Ito ang unang pahayagan na nakasulat sa tagalog at kastila na pinamamahalaan ni
Marcelo Del Pilar sa pilipinas.
● Mula sa barcelona lumipat si Rizal sa Madrid at magkasabay na nagpatala sa
kolehiyo ng medisina at pilosopiya at letras.
● Nakuha rin niya na ipagpatuloy ang hilig sa pagpipinta at pagsusulat at pag aaral ng
mga wikang europeyo.
● Nakasama ni Rizal ang mga pilipinong intelektwal na sila Graciano Lopez Jaena na
isang dating estudyante ng medisina na unti unting kinilala sa kanyang pagsusulat at
pagtatalumpati.
● Gregorio Sanciangco na may akdang “Filipinas”
● Sumapit siya sa Circulo Hispano Filipino. Ito ay isang samahan ng mga espanyol at
pilipino na nagtitipon sa isang bahay upang pag usapan ang mga bagay bagay na
may kaugnayan sa mga pilipinas.
● Si consuelo ortega ang dalagang anak ng may ari ng bahay ay niligawan ni Rizal
ngunit si eduardo poblete ang pinili nito isang kastila na ipinanganak sa pilipinas na
isang lihim na kaaway ni Rizal.
● Namatay ang circulo dahil sa kakulangan ng pondo at sa pagkalat ng politikal na
kulay ng mga matandang kastila.
● Naging daan ang circulo upang mabuksan ang liberal na kamalayan ng isip ng mga
pilipinong intelektwal sa pagkakaiba ng buhay sa konserbatibong pilipinas at
espanya kung saan napaka liberal ng pagpapalitan ng mga ideya.
● Naging napanatural ng pagpasok ng politika sa mga usapan.
● Sa isang talumpati na binigkas ni Rizal ang pagsibol ng kamalayang liberal bilang
parangal sa pagkapanalo ni Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo sa isang
patimpalak sa pagpinta.
● Naging mahirap ang buhay sa calamba ng bumagsak ang presyo ng asukal sa
pamilihan kaya naging matagal ang pagpapadala ng pera kay Rizal at
napagpasyahan na lamang nitong umuwi dahil nakuha na nito ang lisensya sa
medisina.
● Ngunit napagkasunduan ng pamilya na wag pauwi si Rizal at sundin ang mungkahi
na magsanay muna sa optholmolohiya sa isang klinika sa Paris.
● Naging madalas siyang panauhin ng mga biyenan ni Juan Luna at nagpresenta itong
pautangin muna siya. At dahil sa isang pintor minsan ito ay pobre st kung minsan
naman ay parang milyonaryo.
● Naging modelo siya ni Luna sa iba nitong likha.
● Napagdesisyunan nitong magtungo sandali sa heidelberg, germany upang
magsanay pa lalo sa klinika ni auto beker at kanyang pinagbuti ang pagsasalita ng
iba pang wika.
● Sa panahong ito nagsimula sa pamamagitan ng isang sulat ang matalik na
pagkakaibigan ni Rizal at Ferdinand Blumentritt isang australian scholar.
● Ito ay kanyang pinadalhan ng isang aklat na isinulat ni Rizal.
● Ipinakilala ni blumentritt si rizal sa mga kapwa nitong ischolar mga higante ng
karunungan at siyensya.
● Si Blumentritt ay naging ama amahan, tagapayo at tagahanga ni Rizal.
● Sa panahong iyon tinatapos na ni Rizal ang Noli Me Tangere.
● Ngunit nahirapan siyang maghanap ng pondo upang maipalimbag ito sa mga
imprinta ng berlin.
● Nagpunta si Maximo Viola isang kaibigan na nakilala niya sa barcelona. Ito ay
humanga sa talino at sipag ni Rizal.
● Inabonohan ni viola ang paglilimbag sa akda ni Rizal na Noli Me Tangere.
● Nagpasya si Rizal na bumalik sa pilipinas sa kabila ng pagpigil ng lahat. Aniya “sino
ang maniniwala sa intensyon ng nobela kung hindi siya uuwi sa kanilang bayan”

Ang lakbayin patungo sa ligalig


● Noong bumalik si Rizal sa pilipinas hindi pa gaanong pinag uusapan ang Noli
Me Tangere.
● Bukod sa kaunti lamang ang nalimbag ito ay siyang sinusuri pa ng mga
paring prayle.
● Ngunit makaraan ang tatlong linggo nagkatotoo ang hinala ni Rizal.
● Ipinatawag siya ng Gobernador Heneral sa malacanang dahil sa reklamo ng
mga prayle sa kanyang nobela.
● Sinundan siya ni Tabliente Andrade at nagkasundo silang dalawa at
tinulungan siya nitong pabulaanan ang mga sinabi ng prayle.
● Hindi siya pinayagan ni Don. Francisco na pumunta sa dagupan upang
makita si leonor at ganun din naman ang ama ni leonor.
● Dahil sa mga balitang maari siyang ikulong hinikayat siya ng kanyang pamilya
na lisanin na lamang muna ang pilipinas.
● Tumigil siya sa Hongkong, Macau at Japan.
● Mahumaling si Rizal sa Japan at maging sa isang haponesa na
pinangalanang Hosesan.
● Pagkatapos sa japan siya naman ay nagtungo sa amerika mula california
hanggang new york.
● Sa inglaterra sunod na namalagi si Rizal sa tulong ng isang sulat mula kay
blumentritt nakilala niya doon si Doctor Rinofold Rox.
● Tinulungan si nitong makakuha ng permiso gumamit ng aklatan ng british
museum at doon natagpuan ni Rizal ang isang aklat tungkol sa kasaysayan
ng pilipinas na isinulat ni Antonio Morgan isang tagapayo ng gobernador
heneral na namalagi ng isang taon sa pilipinas.
● Para kay Rizal, isang mainam na dokumento ang akda ni Morgan upang
mapabulaanan ang paratang ng mga espanyol na walang sibilisasyon sa
pilipinas bago pa man ito masakop ng mga espanyol.
● Napagpasyahan ni Rizal na muling ilimbag ang libro ni Morgan kasama ang
kanyang mga tala.
● Matiyaga niya itong sinulat ang mga dokumento at saka ipinagkumpara ito sa
iba pang dokumento tungkol sa pilipinas.
● Nang hindi tumapad si Antonio Maria Rehidor sa pangakong ipalilimbag ang
aklat nagtungo si Rizal sa Paris upang makamit ng mura sa palimbagan.
● Sa panahon ding ito naging aktibo si Rizal sa La Solidaridad.
● Ang pahayagang propagandista na inilalabas ng mga pilipino sa espanya.
● Anyaya ni Graciano Lopez Jaena ang kanyang unang editor
● Ang karaniwang tema ng mga artikulo ni Rizal ay ang pagtatanggol sa kultura
at pagkatao ng mga pilipino laban sa mga hamak na periodista ng espanyol.
● Siya ay nagsulat din sa mga karapatan na dapat tinatamasa ng mga pilipino
bilang lehitimong mamamayan sa espanya na nagbabayad ng buwis at
gumagawa ng serbisyo.
● Isa na rito ang sikat na liham sa mga babae ng malolos sa kanilang
pakikipaglaban upang bigyan ng pagkakataong makapag aral ng wikang
espanyol.
● Ipinatapon si Paciano sa Mindoro. At nang mamatay ang kanyang bayaw
pinagkaitan ng kristiyano na ito ay pinagkaitan ilibing maging ang kanyang
munting pamangkin na namatay sa sakit.
● Nagkaroon ng konting intriga si Del Pilar at Rizal tungkol sa organisasyon at
pamamalakad ng mga gawain ng mga pilipino sa madrid.
● Hinirang siyang pinunong pangdangal ng La Solidaridad.
● Noong siya ay bumalik sa espanya marami siyang ideya at pangarap para sa
mga pilipino noon na hindi niya inakalang madali niyang maipapatupad ang
mga ito.
● Sinamantala ng grupo ni Del Pilar pati ni Eduardo Poblete ang isang eleksyon
para sa pagka pinuno ng pilipino sa espanya upang hiyain siya.
● Sapagkat nanalo si Rizal ito ay kanyang namang dinamdam.
● Nabalitaan niyang magpapakasal na si Leonor Rivera sa isang inhinyerong
ingles.
● Mula sa Madrid nagtungo siya sa Biarrite. Ang isang malayang bayan sa
france.
● Pagkatapos magpunta ng France nagtungo naman ito ng Belgium upang
mailimbag ang kanyang pangalawang nobela.
● Ang kanyang kaibigan na si Ventura ang nagbigay sa kanya ng salapi upang
mailimbag ang kanyang akda.
● Ang isa niya pang kaibigan na si Jose Basa ang nagbigay sa kanya ng
pamasahe papuntang hongkong.

Dapit hapon at Dilim


● Nakapuslit sila Paciano kasama si Don. Francisco papuntang
Hongkong.
● Ngunit dinakip si Donya Teodora sa kadahilanang hindi tamang
paggamit ng kanyang apelyido.
● Mula maynila pinaglakad siya ng apat na araw papuntang Sta. Cruz,
Laguna
● Naawa ang gobernador silio at pinakawalan ang matanda at
pinahintulutan pumunta ng Hong Kong.
● Naging buong muli ang pamilya ni Rizal upang salubungin ang
bagong taon.
● Nagbukas si Rizal ng klinika at ang mga kapatid nitong babae ang
namamahala sa gawaing bahay.
● Isinulat, Inilimbag at ipinadala sa Maynila ang isang konstitusyon na
tinawag niyang “Liga Filipina”
● Na naghihikayat sa mga pilipinong tulong tulong sa mga pagbabagong
kailangan ng bayan.
● Pinahintulutan siyang bumalik ngunit walang garantiya sa kanyang
kalayaan.
● Nang siya ay ipatapon sa isang malayong bayan ng Dapitan na nasa
probinsya ngayon ng Zamboanga Del Norte.
● Tumira kasama ng isang kumendante at ang kanyang may bahay at
tumaya sila sa lutria para magkabahay at nang manalo pinaghatian
nila ang premyo. Dahil dito nakabili si Rizal ng isang lupa sa talisay
sa halagang labing walong piso.
● Isang kubo lamang ito noong una at nang tumagal nagtayo siya ng
isang klinika at nagtatag ng isang eskwelahan.
● Europeo ang istilo ng pag aaral
● Nagpalitan sila ng kuro-kuro ni Blumentritt sa wikang tagalog.
● Tumira ang kanyang ina sa kanya at ang ilang kapatid na babae.
● Dumating si Josephine Bracket sinamahan ang kanyang ama sa
klinika
● Nahulog ang loob ng dalawa sa isa’t isa at sa dalampasigan inihayag
ni Rizal ang pag ibig sa kanya.
● Sinunod niya ang payo ni Blumentritt na magvoluteer bilang
manggagamot sa cuba sa ngalan ng espanya upang mawakasan ang
kanyang pagkakatapon at makabalik sa kalayaan ng europa.
● Malayo na siya sa pilipinas ng pabalikin dahil sa pasya upang
humarap sa korte sa pagbuo ng rebelion.
● Ipiniit siya sa Fort Santiago, nung mga unang araw ng nobyembre.
● Nilitis siya noong ika dalawangput anim ng disyembre pagkaraan ng
tatlong araw ipinasa sa kanya ang hatol ng kamatayan.
● Unang dumalaw sa kanya ang kanyang ina sunod ang mga kapatid na
babae at inihabilin ang mga natitira niyang gamit.
● Ibinigay niya kay trining ang lampara at ibinulong dito na “there is
something inside” at doon nito isiniksik ang kanyang huling tula.
● Inilibing ito ng lihim sa sementeryo ng Paco. Walang kabaong, walang
pangalan.

You might also like