You are on page 1of 11

Si Dr.

José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda (19 Hunyo 1861– 30


Disyembre 1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na
tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga
Kastila. Siya ang kinikilala bilang pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa
mga pambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.

Pinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at


pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y
Alejandro at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo
Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng
medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang
kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid sa Madrid, Espanya, at
nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanyan ng karapatan sanayin
ang medisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan ng
Heidelberg.

Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta,


pagguhit, paglilok at pag-ukit. Isa siyang makata, manunulat, at nobelista na ang
pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela ngNoli Me Tángere, at ang
kasunod nitong El filibusterismo. Isa ring poliglota si Rizal, na nakakaunawa ng
dalawampu’t dalawang mga wika.

Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, isang samahan na naging daan sa
pagkabuo ng Katipunan na pinamunuan ni Andrés Bonifacio, isang lihim na
samahan na nagpasimula ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na naging
saligan ng Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo. Siya ay
tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng Pilipinas ng sarili nitong pamahalaan sa
mayapang pamamaraan kaysa sa marahas na himagsikan, at susuportahan
lamang ang karahasan bilang huling dulugan. Naniniwala si Rizal na ang tanging
katwiran sa pagpapalaya sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan
ay ang pagbabalik ng karangalan ng mga mamamayan, at kanyang winika “Bakit
kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap?” Ang
pangkahalatang napagsang-ayunan ng mga dalubhasa sa buhay ni Rizal ay ang
pagbitay dito ang naghudyat upang magsimula ang Himagsikang Pilipino.

Ang Pamilya ni Jose Rizal


Anak si Rizal nina Francisco Rizal Mercado (1818–1897) at ni Teodora
Morales Alonzo y Quintos (1827-1911; na ang pamilya nila ay pinalitan ang
kanilang apelyido bilang “Realonda”), na parehong masaganang magsasaka na
pinagkalooban ng upa sa isang hacienda at kaakibat nitong palayan ng mga
Dominikano. Pampito sa labing-isang mangkakapatid si Rizal.

Mga Kapatid ni Jose Rizal


Saturnina (Neneng) (1850–1913)
Paciano(1851–1930)
Narcisa (Sisa) (1852–1939)
Olympia (1855–1887)
Lucia (1857–1919)
María (Biang) (1859–1945)
José Protasio (1861–1896)
Concepción (Concha) (1862–1865)
Josefa (Panggoy) (1865–1945)
Trinidad (Trining) (1868–1951)
Soledad (Choleng) (1870–1929).

Pag-aaral ni Rizal
Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na
kaniyang pinasukan noong ikadalawampu ng Enero 1872. Sa kaniyang pananatili
sa paaralang ito, natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at
notang sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang
kaniyang Batsilyer sa Sining na may notang sobresalyente kalakip ang
pinakamataas na karangalan.

Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa


Unibersidad ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng
Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing
Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan
ng katarata. Noong 5 Mayo 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang
tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong
mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo’y pumasok siya sa Universidad Central
de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina,
bilang “sobresaliente” (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang
titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransiya at nagpakadalubhasa sa
paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa
Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo.

Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang


Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses.
Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles,Pranses,
Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit,
Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.
ANG MGA KASINTAHAN NI RIZAL
JULIA CELESTE SMITH

Noon ay buwan ng abril, 1877. Nagtungo si Rizal sa Ilog Dampalit sa Los


Baños, Laguna upang maligo. Doon nya nakita ang isang magandang babae na
nagngangalang Julia. Mula noon ay larawan na ni Julia ang nakakintal sa isipan ni
Rizal subali’t tulad ng iba pang kabataan, ang paghanga ring nalimutan nang
makakilala siya ng isang dalagita ring taga-Lipa Batangas.

SEGUNDA KATIGBAK

Sinasabing unang pag-ibig ni Rizal si Segunda, ang dalagitang taga-Lipa,


Batangas. nakilala ni Rizal ang dalagang ito sa Troso, maynila sa bahay ng kanyang
lola noong buwan ng disyembre 1877, sampung buwan matapos makilala nya si
Julia. Inilarawan ni Rizal si Segunda na may mahabang buhok, matang
nangungusap na maapoy kung minsan at mapanglaw naman sa ibang
pagkakataon, malarosas na kutis na may kasamang nakatutuksong ngiti,
magagandang ngipin at may kilos na malanimpa. Unang pagtatagpo nila ay
nahilingan ni Rizal na iguhit niya ang larawan ni Segunda na kanya namang
pinaunlakan. Iyon ang simula ng kanilang matamis na pag-iibigan. Pinigilan ni Rizal
ang sarili na tuluyang mahalin si Segunda dahil batid niya na naipangako na ito sa
ibang lalaki, si Manuel Luz, subali’t nagpatuloy pa rin siya sa pagdalaw dito.
JACINTA IBARDO LAZA

Ang sakit na nadama ni Rizal sa paghihiwalay na iyon ay pinilit niyang


pinawi sa pagdalaw sa dalagang naninirahan sa Pakil, Laguna na tinatawag niyang
binibining L. Sinabi ni Rizal na mas matanda ito sa kanya, maputiat nagtataglay ng
mga matang kaakit-akit. Pinaniniwalaan na ang babaing ito ay ang gurong si
Vicenta Ybardaloza. Madalas na dalawin ni Rizal si binibining L bagamat ang puso
niya ay patuoloy na nagungulila kay Segunda. nahinto lamang ang pagdalaw niya
kay Bb. L nang pagbawalan siya ng kanyang ama.

LEONOR “Orang” VALENZUELA

Nang ikalawang taon niya sa UST ay nakilala niya si Leonor na kapit-bahay


ng may-ari ng bahay na tinutuluyan ni Rizal na si Doña Concha Leyva.Si Leonor ay
anak nina Kapitan Juan at ni kapitana Sanday Valenzuela. Sila ay nagpalitan ng
sulat, at upang hindi malaman na sila’y may kaugnayan, tinuruan ni Rizal si Leonor
sa pagsulat na ang tintang ginagamit ay tubig at asin. Subalit hindi nagtagal ang
kanilang pag-iibigan at nagkasundo na lamang silang magturingan bilang
magkaibigan.

Image result for leonor rivera colored


LEONOR “Luntian” RIVERA

Ang pangalawang Leonor sa buhay ni Rizal. nagtagpo ang landas ni Rizal at


ni Leonor Rivera nang ipagsama ni Paciano ang kanyang kapatid sa bahay ng
kanyang tiyo na si Antonio Rivera na siyang ama ni Leonor. Ang pagmamahalan sa
isa’t isa ay naramdaman nila nang masugatan si RIzal sa isang pag-aaway ng mga
estudyante sa UST at ito’y ginamot ni Leonor. Siya ay inilarawan na may maputing
balat, alon-along buhok na mamula-mula, may maliit na bibig, may kalakihan at
maitim na mata at mahahabang pilikmata, iong na may katamtamang tangos,
ngiting binabagayan ng dalawang biloy sa mala-rosas na mga pisng, matamis na
tinig na binabagayan ng kahali-halinang halakhak. Matagal nagkawalay ang
dalawa nang nagtungo si rizal sa Madrid. Ikinasal kay Henry Kipping si leonor
Rivera noong June, 17, 1891 dahil sa kagustuhan ng ina. Namatay sa panganganak
si Leonor Rivera noong Agosto, 28, 1893 ngunit may sinasabing namatay din siya
dahil sa kalungkutan.

CONSUELO ORTEGA Y. REY

Si RIzal ay hindi naman kagandahang lalaki ngunit nagtataglay ng maraming


talento kaya’t nagustuhan siya ng magandang anak ni Don Pablo sa Madrid na si
Consuelo. may dalawang dahilan kung bakit umayaw si Rizal sa relasyon nila:

May kasunduan na sila ni Leonor.


Ang kanyang kaibigan at kasamahan sa propaganda na si Eduardo de Lete
ay may gusto din k
GERTRUDE “Gettie” BECKETTE

Anak si Gertrude ng may-ari ng bahay na tinirhan ni Rizal nang magtungo


siya sa London. Inilarawan ni Rizal si Beckett bilang babaeng may kulay brown na
buhok, asul na mata at mapupulang pisngi. HIndi rin nagtagal at umalis siya sa
London upang makalimutan na siya ni Beckett at ipagpatuloy ang misyon a
Maynila.

NELLIE BOUSTEAD

Isang babaeng maganda, matalino, mahinahon, may mataas na moralidad


at totoong Filipina. May dalawang dahilan kung bakit hindi niyaya ni Rizal si Nellie
na magpakasal:

Ayaw ng ina ni Nellie kay Rizal.


Ayaw palipat ni Rizal sa relihiyong protestantismo na gusto naman ni Nellie

SEIKO “O Sei San” USUI


Si Seiko ay 23, si Rizal naman ay 27. Nagsimula ang pag-iibigan nila nang
lumipat si Rizal sa Legasyon ng Espanya sa Azabu, distrito ng Tokyo. Humanga si
Seiko kay Rizal dahil sa pagkamaginoo nito at kahit hindi gaanong marunong ng
wikang niponggo ay pinipilt niya para lang makausap siya kaya ginawa ni Seiko ay
nagsalita siya ng wikang pranses at ingles. Doon na sana titira sa Japan si Rizal
ngunit mas nanaig ang misyon niya na na pagpapalaya sa Pilipinas. Taong 1897
matapos mamatay ni rizal ay nagpakasal si Seiko kay Alfred Charlton, isang British
guro ng chemistry.Namatay si Seiko noong May 1, 1947.

SUZANNE JACOBY

Isa sa dalawang dahilan kung bakit masaya si Rizal nang umalis ng Belgium.
Noong Abril, 1891 pagkatapos isulat ang El Filibusterismo ay bumalik siya sa
Belhika na ikinatuwa naman ni Susanne Jacobe.
PASTORA NECESSARIO CARREON

nakilala ni Rizal sa Dapitan


Huling pag-ibig
anak-anakan ni G. George Toufor
Silang dalawa lamang ang gumawa ng ritwal na pagpapakasal dahil sa tutol
ang marami sa kanilang dalawa

JOSEPHINE LEOPALDINE BRACKEN

Ipinanganak si Bracken noong October 3, 1876. ang kanyang mga magulang


ay sina James Bracken at Elizabeth Jane MacBride mga Irish. ngunit namatay ang
ina nya sa panganganak kaya’t inalagaan siya ni Ginoong George Taufer.
Inilarawan ni Rizal si Bracken bilang isang babaeng irish na 18 taong gulang, may
gintong buhok, asul na mata at simpleng manamit pero elegante. Nagkita sila ni
Rizal ng ipagamot ni Bracken si Taufer kay Rizal sa Dapitan. pagkalipas ng isang
buwan nagpasya ang dalawa na magpakasal subalit nalaman ito ni Ginoong
Taufer, dahil sa pagaakalang iiwan ni Josephine ay nagbanta siyang
magpakamatay. Nang bumalik si Taufer sa Hong Kong, bumalik din si Bracken sa
Dapitan upang magpakasal kay rizal. Ngunit tinanggihan ito ni Padre Obach kaya’t
sila’y naghawak kamay at ikinasal ang kanilang sarili. Dahil sa hindi inaasahang
pagkakataon, nahulog ang kanilang anak na walong buwan pa lamang. Ito ay
pinangalanan ni Rizal na Francisco. Bago mamatay si rizal, binigay niya muna ang
librong imitation Of Christ ni Padre Thomas Kempis. Ikinasal si Josephine 2 taon
matapos mamatay ni Rizal kay Vicente Abad.

Sa Bruselas at Espanya (1890 – 1892)


Noong 1890, lumisan si Rizal sa Paris patungong Bruselas habang
naghahanda sa paglilimbag ng kaniyang mga anotasyon ng Sucesos de las Islas
Filipinas ni Antonio de Morga. Nanirahan siya sa isang pangupahang bahay ng
magkapatid na Jacoby, sina Catherina at Suzanna, na mayroong pamangking
nagngangalang Suzanna (“Thil”) na may edad 16. Ayon sa historyador na si
Gregorio F. Zaide, umibig si Rizal kay Suzanne Jacoby, 45 taong gulang, ngunit
naniniwala ang Belgang si Pros Slachmuylders na umibig si Rizal sa 17 taong
gulang na pamangking si Suzanna Thil.Nakita niya ang mga talang nagbibigay
linaw sa kanilang mga pangalan at edad.

Pagbabalik sa Pilipinas (1892-1896)


Pagpapatapon sa Dapitan
Pagbalik sa Maynila noong 1892, binuo ni Rizal ang isang samahang La Liga
Filipina. Isinusulong ng samahang ito ang pagkakaroon ng reporma sa
pamamagitan ng legal na pamamaraan, ngunit ito’y binuwag ng gobernador. Sa
mga panahong iyon, tinuturing na siya bilang kalaban ng estado ng pamahalaang
Kastila dahil sa kaniyang mga nobela.

Nasangkot si Rizal sa mga gawaing rebelyon at noong Hulyo 1892 ay


pinatapon siya sa Dapitan sa probinsya ngZamboanga. Habang nasa Dapitan ay
nagtayo siya ng isang paaralan, ospital at isang sistema ng suplay ng tubig, at
nagturo din ng pagsasaka.
Pagbaril sa Bagumbayan

Isang litrato ng pagbaril kay Rizal sa Bagumbayan.


Ang inatasan na bumaril kay Rizal ay isang hanay ng mga Pilipinong kasapi
ng Hukbong Kastila, habang isa pang hanay ng mga Kastilang kasapi ng Hukbong
Kastila ang nakahanda upang barilin ang sinuman sa kanila na susuway. Kinunan
ng manggagamot ng Hukbong Kastila ang pulso ni Rizal at ito’y normal.
Pinatahimik ng sarhento ang mga Kastilang hukbo noong nagsimula na silang
sumigaw ng “Viva” at iba pang mga katagang pabor sa Kastila kasama ang mga
manonood na karamihan ay mga Peninsulares at mga Mestisong Kastila. Ang
kaniyang huling salita ay isa sa mga huling salita ni Jesucristo: “Consummatum
est”—natapos na.
Mga Katha ni Rizal
Si Rizal ay nakilala sa dahil sa kanyang dalawang nobela, ang Noli Me
Tangere, na nilimbag sa Berlin, Alemanya (1886) sa tulong ni Dr. Maximo Viola, at
ang El Filibusterismo, na nilathala sa Gante, Belgica (1891); pinahiram siya ni
Valentin Ventura ng 300 piso sa pagpapalimbag ng El Filibusterismo. Naglalaman
ang mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na pangyayari sa
lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na ito ay halaw at hango
sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na Espanyol. Ang mga ito ang
naging daan upang magising ang puso’t diwa ng mga Pilipino.Mga Pamanang-
lahiSi Jose P. Rizal o mas kilalang Pepe ay isang Pilipinong repormista para sa isang
lipunang malaya at hindi isang rebolusyonaryong naghahangad ng kasarinlan.
Bilang puno ng Kilusan ng Pagbabago ng Pilipinas na itinatag ng mga Pilipino sa
Barcelona, Espanya, nagbigay siya ng ambag-sulatin sa La Solidaridad. Ang
kanilang mga mithiin:

na ang Pilipinas ay maging bahaging-lalawigan ng Espanya;


na magkaroon ng mga kinatawan sa Batasan ng Espanya (Parlyamento);
na magkaroon ng mga namumunong paring Pilipino o magkaroon ng
sekularisasyon;
kalayaan sa pagtitipon-tipon at pamamahayag;
pantay na karapatan sa harap ng batas, maging Pilipino man o Kastila.
Hindi matanggap ng mga maykapangyarihang opisyal ang mga
pagbabagong iyon, sapagkat nangangahulugan ng pagkawala ng pangingibabaw
ng Kastila. Kaya sa pagbabalik ni Rizal sa Maynila mula sa Espanya, pinaratangan
siya ng paghahasik ng gulo dahil sa pagtatatag ng La Liga Filipina, nilitis at
ipinatapon sa Lungsod ng Dapitan/Dapitan, Zamboanga del Norte/Zamboanga
noong 1892. Doon, nagtayo siya ng isang paaralang pambata, at isang pagamutan.
Bukod dito, nagsagawa rin siya ng isang pambayang sistema ng padaloy-tubig.

You might also like