You are on page 1of 69

Mga Tala sa Buhay ni

Rizal
Filipino | Grade 10 | Term 3 |
Mga Layunin

• Nailalarawan si Dr. Jose Rizal at ang mahahalagang


kontribusyon nito sa bansa base sa mga nabasa

• Nakikilala ang mga salita kung ito ay magkasingkahulugan


o magkasalunggat

• Napapahalagahan ang kadakilaan ni Dr. Jose Rizal bilang


Pambansang Bayani ng Pilipinas base sa napanood
Mga Layunin

• Nailalahad ang mga patunay at pananaw hinggil


sa isang tiyak na paksa.

• Nakasusulat ng isang sanaysay patungkol kay Dr.


Jose Rizal base sa mga impormasyong
nakalap/nabasa.
Mahalagang Tanong

Bilang isang kabataan, paano mo


mapahahalagahan ang mga kadakilaan at mga
nagawa ni Rizal para sa ating bansa?
Talasalitaan
Magkasingka Magkasalu-
Mga Salita
-hulugan ngat
1.Matayog- Mababa
2. Nakapili- Malaya
3. Umalis- Lumisan
4. Mithiin- Layunin
5. Pag-aalsa -
Pakikipaglaban
Talasalitaan
6. Dakila- Hamak
7. Pagkalathala -
Pagkalimbag
8. Nagpamalas -
Nagpakita
9. Nagsimula -
Nagtapos
10. Pagpapakasakit -
Pagpapakasaya
Mahalagang Tanong

Bilang isang kabataan, paano mo


mapahahalagahan ang mga kadakilaan at mga
nagawa ni Rizal para sa ating bansa?
Mga Tala sa Buhay ni Rizal

• Si Jose Rizal ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa


Kalamba, Laguna.

• Ang kanyang buong pangalan ay Jose Protacio Rizal


Mercado Y Alonzo Realonda.
• Siya ay bininyagan noong Hunyo 22, 1861 ni Padre
Rufino Collantes.

• Si Padre Pedro Cazanas ang kanyang ninong sa


binyag.
Mga Tala sa Buhay ni Rizal
Ang Magkakapatid na Rizal:
• Saturnina • Paciano

• Narcisa • Olimpia

• Luisa • Maria

• Jose • Concepcion

• Josefa • Trinidad

• Soledad
Mga Alaala ng Kabataan
Mga Tala sa Buhay ni Rizal

• Nagsimulang mag-aral ng abakada sa gulang na


tatlong taon.
• Tahimik at lubhang mapagmasid si Rizal
• Mahilig siya sa pag babasa at pakikinig sa usapan ng
kanyang mga nakatatandang kapatid.
• Kinatutuwaan niya ang pagpipinta, pagsulat at
paglililok.
• Mahusay din siya sa pagsusulat
Mga Tala sa Buhay ni Rizal

• Walong taong gulang siya nang kanyang isulat ang


kanyang unang tula na pinamagatang “Sa Aking Mga
Kababata”.
• Sumulat din siya ng dula na may himig katatawanan
at itinanghal sa isang pistang bayan sa Kalamba.
• Nagustuhan ito ng gobernadorcillo ng Paete at
binayaran ang manuskrito ng dalawang piso.
Mga Tala sa Buhay ni Rizal

• Ang kwento ng gamugamo ay isang magandang alaala


sa diwa ng batang si Rizal.

Hinangahan niya ang para sa kanya ay pagiging martir


ng mga ito sa kanilang mga ilusyon.

• Apat na taong gulang siya noon nang unang


makaranas ng kasiphayuan sa buhay.

• Sinundan ito nang siya’y sampung taong gulang nang


mabilanggo ang kanyang ina
Mga Tala sa Buhay ni Rizal

• Lalo pa niyang napatunayan ang kawalang


katarungan ng lipunan nang masaksihan niya ang
pagbitay sa tatlong paring Pilipino na sina Padre
Mariano Gomez, Jose Burgos, Jacinto Zamora noong
Pebrero 17, 1872.

• Maagang natutunan ng batang si Rizal ang


pagdarasal, pag rorosaryo at pag sisimba.
Ang Pag-aaral at
Paglalakbay
Mga Tala sa Buhay ni Rizal

• Unang naging guro ng batang si Rizal ay ang kanyang Ina,


natutunan dito ang pagbabasa at pagdarasal.

• Unang napansin ng kanyang ina ang kanyang angking


katalinuhan nang makapagsulat siya ng tula.

• Naging guro din niya si Maestro Celestino at Maestro Lucas


Padua.

• Ang nagturo sa kanya ng Kastila at Latin ay si Ginoong Leon


Monroy, isang matalik na kaibigan ng kanyang ama.
Mga Tala sa Buhay ni Rizal

• Unang pumasok siya sa paaralan ng Binan sa pagtuturo ni Justiniano Aquino Cruz.


• Ang batang si Rizal ay hindi likas na palaaway subali’t hindi siya umuurong sa
labanan kahit na maliit lamang siya noon at kapag alam niyang siya’y nasa
katwiran.
Sa Ateneo de Manila
• Labing-isang taong gulang si Rizal nang mag- aral siya sa Ateneo de Manila.
• Bantulot ang paaralan na siya ay tanggapin sa dalawang dahilan:
• Una, dahil nahuli siya sa pagpapatala
• Pangalawa ay dahil maliit siya at mukha siyang masasakitin.
• Siya ay napiling emperor sa klase nila dahil siya ang pinakamarunong sa kanilang
lahat.
Mga Tala sa Buhay ni Rizal

• Natamo ni Rizal ang pinakamataas na karangalan


nang matapos niya ang kursong “Bachiller de Artes”
noong Marso 23,1877, sa gulang na 16 na taon.

• Ang tulang “Sa Aking Inspirasyon” na inihandog niya


sa kanyang ina ang unang tula na naisulat niya bilang
mag-aaral sa Ateneo.
Mga Tala sa Buhay ni Rizal

Sa Unibersidad ng Santo Tomas

• Siya ay nag-aral sa Unibersidad ng Santo Tomas at


nagpatala sa kursong Medisina upang matulungan niya
ang kanyang inang maysakit sa mata.
• Nakita niya sa Unibersidad ng Santo Tomas ang
kawalang paggalang sa mga mag-aaral na Pilipino kung
kaya’t labis-labis ang kanyang pagkadismaya sa pag-
aaral niya rito kaya nagpasya siyang magpatuloy na
lamang ng kanyang pag-aaral sa ibang bansa.
Mga Tala sa Buhay ni Rizal
Sa Espanya

• Noong Mayo 3,1880, lingid sa kaalaman ng kanyang


mga magulang at ng pamahalaan, siya ay palihim na
umalis ng bansa. Ginamit niya ang pangalang Jose
Mercado.
• Labis na kalungkutan ang kanyang dinanas nang siya’y
nasa Espanya. Kumalat ang sakit na cholera na hindi
nagawan pigilan ng pamahalaan
. Maliban dito ay labis niyang dinamdam ang
kalungkutan at pamamayat ni Leonor Rivera na kanyang
kasintahan.
Mga Tala sa Buhay ni Rizal

• Ang paghihirap ng kanyang pamilya ay labis din niyang


dinamdam sapagkat tinaasan ng buwis ang lupang kanilang
sinasaka sa dahilang nagalit ang isang Dominikong pari na
bigyan siya ng isang pabo.
• Noong Hunyo 21,1884, natapos ng kursong Medisina si Rizal
sa Unibersidad Central de Madrid. Hindi niya nakuha ang
kanyang diploma sa dahilang di niya naisumite ang kanyang
tisis at sa di niya pagbabayad sa kaukulang halaga para sa
pagtatapos.
• Noong sumunod na taon ay natapos din niya ang kursong
Pilosopiya sa paaralan ding iyon noong 1885.
Mga Tala sa Buhay ni Rizal
Sa Berlin

• Isa sa mga lugar na hinangahan ni Rizal ang Berlin.


• Minsan ay nahirang siyang tagapanayam sa isang
Unibersidad.
• Inilahad niya ang “Tatlong Metrical Art” na
hinahangaan ng lahat at nailathala ito na umani
naman ng maraming papuri.
• Maraming kaugaliang Aleman ang pinuri ni Rizal.
• Ang paghahanda ng Christmas Tree na yari sa
karayom na may sabit na parol at ilaw-ilawan
Mga Tala sa Buhay ni Rizal

• Nagtungo rin si Rizal sa Paris at Germany upang


magpakadalubhasa sa panggagamot ng mga mata
at malaki ang kanyang natutuhan kay Dr. Louis
Wecker.
• Nagtrabaho din si Rizal sa isang ospital sa
Heidelberg sa pamamahal ni Dr. Otto Becker.
Mga Tala sa Buhay ni Rizal

Sa Hapon
Sa kanyang pamalagi roon ay nakita niya minsan ang mga bandang
Pilipino na tumutugtog sa isang parke. Naisip niyang hindi mababang
uri ang mga Pilipino kundi nabibilang sila sa mga matataas na uri ng
tao sa lipunan at pweding pumantay kahit kaninumang lahi sa
daigdig.

Sa Amerika
• Nakita niya ang diskriminasyon sa pagitan ng mga puting amerikano
sa mga Intsik at itim na amerikano.
• Bagamat maunlad ang bansang ito at maganda ang inaalok na
trabaho para sa mga dayuhan ay makikita pa rin ang diskriminasyon
sa mga mayayaman at mahihirap nilang mamamayan.
Mga Tala sa Buhay ni Rizal

Sa London

• Pagkagaling sa Amerika ay pinili ni Rizal na tumungo sa


London sa dahilang:
1) upang mapahusay ang kanyang pagsasalita ng Ingles
2) upang pag-aralan ang mga aklat ni Morga Luna, ang
“Sucesos de las Islas Pilipinas”
3) sa bansang ito ay sinikap niyang maisakatuparan ang
pagtuligsa sa mga Kastilang nasa kanyang bayan. Sumulat siya
ng mga artikulo na pawang tumutuligsa sa mga Prayleng
Kastila dahil sa kanilang pagmamalabis at pang-aabuso na
inilathala niya sa pahayagang La Solidaridad.
Mga Tala sa Buhay ni Rizal

Sa Paris

• Noong Marso 19,1889, hinikayat ni Rizal ang


kanyang mga kababayang nasa Paris na magtatag
ng isang samahan na ngangalanang KIDLAT CLUB.
• Nakuha niya ang suporta ni Ferdinand Blumentritt
at itinatag niya ang isang samahang tinawag na
“International Association of Filipinologist”.
Mga Tala sa Buhay ni Rizal
Sa Belgium

• Lumipat ng Belgium si Rizal upang magtipid


• Sinimulan niya sa bansang ito ang pagsulat niya ng kanyang
nobelang El Filibusterismo.
• Maraming artikulo ang kanyang kanyang isinulat na ipinalathala niya
sa pahayagang La Solidaridad:

Sa Madrid

• Humingi ng katarungan para sa kanyang pamilya at kababayan sa


Kalamba.
•Nalaman niya na si Leonora ay nagpakasal sa isang inhinyerong
Ingles.
Mga Balita na Labis niyang
Ikinabahala
Mga Tala sa Buhay ni Rizal

1. Ang pagkakabilanggo ng 800 Pilipino na lumagda sa petisyong


inilahad ni Doroteo Cortes at sinulat ni M.H. del Pilar.
2. Pagpapakulong sa ilang mga taga-Kalamba kasama ang ilang
kaanak ni Rizal dahil sa petisyon ng mga ito sa pamamalakad ng mga
lupang pansakahan.
3) Ang pagtuligsa sa kanya nina Senador Salamanca at Vida sa
hukuman at nina Wenceslao Retana at Pablo Feced sa mga
pahayagang Kastila.
4) Si Manuel T. Hidalgo, asawa ni Saturnina ay ipinatapon ni
Gobernador-Heneral Weyler sa Bohol.
5. Ang pagkakulong ng kaibigan ni Laureano Viado, isang kamag-aral
sa UST dahil sa pagtatago nito ng sipi ng Noli Me Tangere sa kanyang
tahanan.
Mga Tala sa Buhay ni Rizal

• Ang La Solidaridad ay ang pahayagang inilunsad ni Graciano Lopez Jaena


noong 1889. Ito ay pahayagan sa samahang Asociation La Solidaridad na
siyang naglalathala ng mga artikulong sinulat ni Rizal.
• Lubhang naging abala si Rizal sa pagsulat. Ang pagsulat niya ng “La Vision
de Fray Rodriguez” ay isang sagot sa pagbatikos sa kanyang nobelang Noli
Me Tangere.
• Sa “ Los Agricultores Filipinas” (Ang mga Pilipinong Magasaka) ay
inilarawan niya ang kaawa-awang kalagayan ng mga magsasaka sa Pilipinas.
• Sinulat din niya ang hinahangaang “Sa mga Kababaihan ng Malolos” noong
Pebrero 22,1889.
Mga Tala sa Buhay ni Rizal

1. Ang pagkakabilanggo ng 800 Pilipino na lumagda sa petisyong


inilahad ni Doroteo Cortes at sinulat ni M.H. del Pilar.
2. Pagpapakulong sa ilang mga taga-Kalamba kasama ang ilang
kaanak ni Rizal dahil sa petisyon ng mga ito sa pamamalakad ng mga
lupang pansakahan.
3) Ang pagtuligsa sa kanya nina Senador Salamanca at Vida sa
hukuman at nina Wenceslao Retana at Pablo Feced sa mga
pahayagang Kastila.
4) Si Manuel T. Hidalgo, asawa ni Saturnina ay ipinatapon ni
Gobernador-Heneral Weyler sa Bohol.
5. Ang pagkakulong ng kaibigan ni Laureano Viado, isang kamag-aral
sa UST dahil sa pagtatago nito ng sipi ng Noli Me Tangere sa kanyang
tahanan.
Mga Tala sa Buhay ni Rizal

1. Ang pagkakabilanggo ng 800 Pilipino na lumagda sa petisyong


inilahad ni Doroteo Cortes at sinulat ni M.H. del Pilar.
2. Pagpapakulong sa ilang mga taga-Kalamba kasama ang ilang
kaanak ni Rizal dahil sa petisyon ng mga ito sa pamamalakad ng mga
lupang pansakahan.
3) Ang pagtuligsa sa kanya nina Senador Salamanca at Vida sa
hukuman at nina Wenceslao Retana at Pablo Feced sa mga
pahayagang Kastila.
4) Si Manuel T. Hidalgo, asawa ni Saturnina ay ipinatapon ni
Gobernador-Heneral Weyler sa Bohol.
5. Ang pagkakulong ng kaibigan ni Laureano Viado, isang kamag-aral
sa UST dahil sa pagtatago nito ng sipi ng Noli Me Tangere sa kanyang
tahanan.
Mga Babae sa Buhay ni
Rizal
Julia Celeste Smith

Noon ay buwan ng abril, 1877.


Nagtungo si Rizal sa Ilog Dampalit sa
Los Baños, Laguna upang maligo.
Doon nya nakita ang isang
magandang babae na nagngangalang
Julia. Mula noon ay larawan na ni
Julia ang nakakintal sa isipan ni Rizal
subali’t tulad ng iba pang kabataan,
ang paghanga ring nalimutan nang
makakilala siya ng isang dalagita ring
taga-Lipa Batangas.
Segunda Katigbak
Sinasabing unang pag-ibig ni Rizal si Segunda, ang
dalagitang taga-Lipa, Batangas. nakilala ni Rizal
ang dalagang ito sa Troso, maynila sa bahay ng
kanyang lola noong buwan ng disyembre 1877,
sampung buwan matapos makilala nya si Julia.
Inilarawan ni Rizal si Segunda na may mahabang
buhok, matang nangungusap na maapoy kung
minsan at mapanglaw naman sa ibang
pagkakataon, malarosas na kutis na may
kasamang nakatutuksong ngiti, magagandang
ngipin at may kilos na malanimpa. Unang
pagtatagpo nila ay nahilingan ni Rizal na iguhit
niya ang larawan ni Segunda na kanya namang
pinaunlakan. Iyon ang simula ng kanilang matamis
na pag-iibigan. Pinigilan ni Rizal ang sarili na
tuluyang mahalin si Segunda dahil batid niya na
naipangako na ito sa ibang lalaki, si Manuel Luz,
subali’t nagpatuloy pa rin siya sa pagdalaw dito.
Jacinta Ibardo Laza

Ang sakit na nadama ni Rizal sa


paghihiwalay na iyon ay pinilit niyang
pinawi sa pagdalaw sa dalagang
naninirahan sa Pakil, Laguna na
tinatawag niyang binibining L. Sinabi ni
Rizal na mas matanda ito sa kanya,
maputiat nagtataglay ng mga matang
kaakit-akit. Pinaniniwalaan na ang
babaing ito ay ang gurong si Vicenta
Ybardaloza. Madalas na dalawin ni Rizal
si binibining L bagamat ang puso niya ay
patuoloy na nagungulila kay Segunda.
nahinto lamang ang pagdalaw niya kay
Bb. L nang pagbawalan siya ng kanyang
ama.
Leonor “Orang” Villanueva

Nang ikalawang taon niya sa UST ay


nakilala niya si Leonor na kapit-
bahay ng may-ari ng bahay na
tinutuluyan ni Rizal na si Doña
Concha Leyva.Si Leonor ay anak
nina Kapitan Juan at ni kapitana
Sanday Valenzuela. Sila ay
nagpalitan ng sulat, at upang hindi
malaman na sila’y may kaugnayan,
tinuruan ni Rizal si Leonor sa
pagsulat na ang tintang ginagamit
ay tubig at asin. Subalit hindi
nagtagal ang kanilang pag-iibigan at
nagkasundo na lamang silang
magturingan bilang magkaibigan.
Leonor “Luntian” Rivera

Ang pangalawang Leonor sa buhay ni Rizal. nagtagpo ang landas ni Rizal


at ni Leonor Rivera nang ipagsama ni Paciano ang kanyang kapatid sa
bahay ng kanyang tiyo na si Antonio Rivera na siyang ama ni Leonor.
Ang pagmamahalan sa isa’t isa ay naramdaman nila nang masugatan si
RIzal sa isang pag-aaway ng mga estudyante sa UST at ito’y ginamot ni
Leonor. Siya ay inilarawan na may maputing balat, alon-along buhok na
mamula-mula, may maliit na bibig, may kalakihan at maitim na mata at
mahahabang pilikmata, iong na may katamtamang tangos, ngiting
binabagayan ng dalawang biloy sa mala-rosas na mga pisng, matamis na
tinig na binabagayan ng kahali-halinang halakhak. Matagal nagkawalay
ang dalawa nang nagtungo si rizal sa Madrid. Ikinasal kay Henry Kipping
si leonor Rivera noong June, 17, 1891 dahil sa kagustuhan ng ina.
Namatay sa panganganak si Leonor Rivera noong Agosto, 28, 1893
ngunit may sinasabing namatay din siya dahil sa kalungkutan.
Consuelo Ortega Y Rey

Si RIzal ay hindi naman kagandahang lalaki


ngunit nagtataglay ng maraming talento
kaya’t nagustuhan siya ng magandang anak
ni Don Pablo sa Madrid na si Consuelo.
may dalawang dahilan kung bakit umayaw
si Rizal sa relasyon nila:
■ May kasunduan na sila ni Leonor.
■ Ang kanyang kaibigan at kasamahan
sa propaganda na si Eduardo de Lete
ay may gusto din kay Consuelo.
Gertrude “Gettie” Beckette

Anak si Gertrude ng may-ari ng bahay


na tinirhan ni Rizal nang magtungo siya
sa London. Inilarawan ni Rizal si
Beckett bilang babaeng may kulay
brown na buhok, asul na mata at
mapupulang pisngi. HIndi rin nagtagal
at umalis siya sa London upang
makalimutan na siya ni Beckett at
ipagpatuloy ang misyon a Maynila.
Nellie Boustead

Isang babaeng maganda, matalino,


mahinahon, may mataas na
moralidad at totoong Filipina. May
dalawang dahilan kung bakit hindi
niyaya ni Rizal si Nellie na
magpakasal:
■ Ayaw ng ina ni Nellie kay Rizal.
■ Ayaw palipat ni Rizal sa
relihiyong protestantismo na
gusto naman ni Nellie
Seiko “O Sen San” Usui

Si Seiko ay 23, si Rizal naman ay 27. Nagsimula


ang pag-iibigan nila nang lumipat si Rizal sa
Legasyon ng Espanya sa Azabu, distrito ng
Tokyo. Humanga si Seiko kay Rizal dahil sa
pagkamaginoo nito at kahit hindi gaanong
marunong ng wikang niponggo ay pinipilt niya
para lang makausap siya kaya ginawa ni Seiko
ay nagsalita siya ng wikang pranses at ingles.
Doon na sana titira sa Japan si Rizal ngunit
mas nanaig ang misyon niya na na
pagpapalaya sa Pilipinas. Taong 1897 matapos
mamatay ni rizal ay nagpakasal si Seiko kay
Alfred Charlton, isang British guro ng
chemistry.Namatay si Seiko noong May 1, 1947.
Suzanne Jacoby

29 na taong gulang si Rizal nang


makilala si Suzanne sapagkat sa
kanilang dormitoryo nanirahan
nsi Rizal sa Belgium. Isa sa
dalawang dahilan kung bakit
masaya si Rizal nang umalis ng
Belgium. Noong Abril, 1891
pagkatapos isulat ang El
Filibusterismo ay bumalik siya
sa Belhika na ikinatuwa naman
ni Susanne Jacobe.
Pastora Necessario Carreon

■ nakilala ni Rizal sa Dapitan


■ Huling pag-ibig
■ anak-anakan ni G. George
Toufor
■ Silang dalawa lamang ang
gumawa ng ritwal na
pagpapakasal dahil sa tutol ang
marami sa kanilang dalawa
Josephine Leopaldine Bracken

Ipinanganak si Bracken noong


October 3, 1876. ang kanyang mga
magulang ay sina James Bracken at
Elizabeth Jane MacBride mga Irish.
ngunit namatay ang ina nya sa
panganganak kaya’t inalagaan siya
ni Ginoong George Taufer.
Inilarawan ni Rizal si Bracken bilang
isang babaeng irish na 18 taong
gulang, may gintong buhok, asul na
mata at simpleng manamit pero
elegante. Nagkita sila ni Rizal ng
ipagamot ni Bracken si Taufer kay
Rizal sa Dapitan.
Josephine Leopaldine Bracken
Pagkalipas ng isang buwan nagpasya ang
dalawa na magpakasal subalit nalaman
ito ni Ginoong Taufer, dahil sa
pagaakalang iiwan ni Josephine ay
nagbanta siyang magpakamatay. Nang
bumalik si Taufer sa Hong Kong, bumalik
din si Bracken sa Dapitan upang
magpakasal kay rizal. Ngunit tinanggihan
ito ni Padre Obach kaya’t sila’y naghawak
kamay at ikinasal ang kanilang sarili.
Dahil sa hindi inaasahang pagkakataon,
nahulog ang kanilang anak na walong
buwan pa lamang. Ito ay pinangalanan ni
Rizal na Francisco. Bago mamatay si rizal,
binigay niya muna ang librong imitation
Of Christ ni Padre Thomas Kempis.
Ikinasal si Josephine 2 taon matapos
mamatay ni Rizal kay Vicente Abad.
Pagbabalik / Paglilitis at
Kamatayan
Mga Tala sa Buhay ni Rizal

Ikalawang Pagbabalik
• Unang inasikaso ni Rizal ang La Liga Filipina na isinulat
ang saligang batas sa Hong Kong.
• Dahilan sa pagbalik sa Pilipinas:
- operahan ang mata ng kanyang ina - matulungan ang
kanyang kababayan na matagal ng inaapi - makita ang
ibinunga ng kanyang Noli sa bayan at pamahalaang
Kastila - upang alamin ang dahilan ng hindi pagsulat ni
Leonor Rivera.
Mga Tala sa Buhay ni Rizal

Dapitan
• Ika – 14 ng Hulyo,1892 isinakay sa barkong (Kapitan Ricardo
Carcinero) papuntang Dapitan.
• Apat na taon siyang namalagi.
• Hunyo 31,1896, natapos ang kanyang pananatili at bumalik
siya kasama ang kanyang asawa at kapatid.
Paglilitis at Kamatayan
• Jose Taviel de Andrade tagapagbantay at matalik na
kaibigan ni Rizal.
• Tinyente Luis Taviel de Andrade ibinigay at piniling
tagapagtanggol ni Rizalsa paglilitis.
Mga Tala sa Buhay ni Rizal

Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal


sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta) sa oras na 7:03
ng umaga.• Humiling siya na barilin siyang nakaharap
ngunit hindi ito pinahintulutan.
Noli Me Tangere
- Ang Noli Me Tángere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal,
at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang
pamagat nito na may kahulugang "huwag mo akong salingin (o
hawakan)"
- Sinipi ito mula sa San Juan 20:17 kung saan sinabi ni Hesus
kay Maria Magdalena na "Huwag mo akong salingin sapagkat
hindi pa ako nakaaakyat sa aking ama.". Mas madalas itong
tinatawag na Noli; at ang salin nito sa Ingles ay Social Cancer.
Sinundan ito ng El Filibusterismo.
Noli Me Tangere
(Kasaysayan)
- Unang nobela ni Rizal ang Noli Me tangere. Inilathala ito noong 26
taóng gulang siya.
- Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo
ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan.
- Sa di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa
rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang
mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa
pamahalaang Kastila. Sinulat sa wikang Kastila ang Noli, ang wika ng
mga edukado noong panahong yaon.
- Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay
natapos bago siya umalis ng Paris, at natapos ito sa Berlin, Alemanya.
Inilaan ni Vicente Blasco Ibáñez, isang bantog na manunulat, ang
kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa.
- Ang nobela ni Rizal ay tumatalakay sa mga kinagisnang kultura ng
Pilipinas sa pagiging kolonya nito ng Espanya. Binabatikos din ng
nobela ang mga bisyo na nakasanayan ng mga Pilipino at ang
kapangyarihang taglay ng Simbahang Katoliko na nahihigit pa ang
kapangyarihan ng mga lokal na alkalde.
- Bumuo ng kontrobersiya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos
lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni
Gobernador-Heneral Terrero sa Malacañangat inabisuhang puno ng
subersibong ideya ang Noli. Pagkatapos ng usapan, napayapa ang
liberal ng Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang
magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban
sa nobela ni Rizal.
Fun Facts (Jose Rizal)
Kabanata 1 -Kabanata I:Sa Kubyerta

- Ang bapor Tabo’y larawan ng ating pamahalaan, ng ating bayan. Mahina ang
pagtakbo at maraming balakid sa landas na ang ibig sabihi’y mahina ang
pag-unlad. Marami pang dapat gawin upang sumulong ang bansa.
- -Ang mga taong sakay ng bapor ay may dalawang kinalalagyan; ang kubyerta
at ang ilalim nito. Ang pamahalaan ay nagpapalagay na may mataas at
mababang uri ng tao.
- -Si Simoun, ang mayamang mag-aalahas na siyang tagapayo ng kapitan
heneral, ay walang iba kundi si Ibarra.
Kabanata II: Sa Ilalim ng Kubyerta

- Ang mga kabataan ay masigasig sa kanilang mga balak. Humahanap sila ng


mga paraan upang maisakatuparan ang kanilang mga adhika. Lipos ng pag-
asa ang mga kabataan.
- -Mapupusok ang kanilang kalooban. Hayagang sinasagot nang makahulugan
si Simoun gayung ang pagkakakilala nila’y malapit sa kapitan heneral.
- Ang pagpapari ni Pare Florentino dahil sa kagustuhan ng ina ay nagpapakita
ng kapangyarihan ng mga magulang sa anak noong unang panahon.
Anumang bagay na naisin ng magulang maging laban man sa kalooban ng

You might also like