You are on page 1of 9

Nasyonalismo: Perspektibong Rizal

Si Jose Rizal ay ipinanganak sa araw ng Miyerkules noong Hunyo 19, 1861 sa bayan ng Calamba, Laguna.
Siya ay mula sa isang kilalang angkan sa kanilang bayan sapagkat ang kanyang mga magulang, Teodora Alonzo at
Francisco Mercado, ay mula sa principaliang angkan.
Siya naman ay bininyagan bilang isang Romano Katoliko noong Hunyo 22, 1861 ni Padre Rufino Collantes, ang
kura paroko ng Calamba. Ang kanyang pangalanag Jose ay pinili ng kanyang ina dahil isa itong deboto ni San
Jose. Nang siya ay binibinyagan, napagtanto ni Padre Collantes na makakagawa ng mga kahanga-hangang bagay
sa hinaharap.
Samantala, noong kapanganakan ni Rizal, the gobernador-heneral na namumuno sa Pilipinas ay si TenienteHeneral Jose Lemery, dating senador ng Espanya. Pinamunuan niya ang Pilipinas simula Perero 2, 1861 hanggang
Hulyo 7, 1862. Sa kaparehong araw naman kung kalian ipinanganak si Rizal, nagpadala ang gobernador-heneral ng
mensahe sa Madrid kung saan tinutuligsa niya ang Sultan Pulaluanng Sulu at iba pang datu dahil sa pakikipagugnayan sa mga konsul na Briton. Ilan sa kanyang mga nagawa bilang gobernador-heneral ay (1) pagpapabuti ng
kalagayan ng produksyon ng bulak sa ibat-ibang probinsya at (2) pagtatatag ng military na gobyerno sa Visayas at
Mindanao.
Si Rizal ay pampito sa labing-isang magkakapatid na sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria,
Concepcion, Josefa, Trinidad, at Soledad. Lumaki silang malapit sa isat-isa, at tunay nga namang mahal at
iginagalang ni Rizal ang kanyang mga kapatid.
Sa mga kapatid ni Rizal, higit na malapait ang kanyang loob kay Paciano, ang kaisa-isahan niyang kapatid na
lalaki na sampung taon ang tanda sa kanya. Itinuring ng una ang huli bilang kanyang ama. Lubos ang
pagpapahalaga niya kay Paciano kaya naman si Pilosopo Tasyo sa kanyang nobelang Noli Me Tangere ay
sumisimbolo sa kanyang kapatid. Ipinagmalaki pa niya si Paciano kay Blumentritt sa isa sa kanyang mga sulat at
tinawag siyang pinakadakilang Pilipino.
Masasabi ring si Rizal ay produkto ng ibat-ibang mga lahi tulad ng lahing Negrito, Indones, Malay, Intsik, Hapon,
at Espanyol. Ang kanyang ama ay mula sa lahi ng nga mga Intsik samantalang ang kanyang ina ay mula sa lahi ng
mga Hapon, Espanyol, Pilipino, at Instik.
Bata pa lamang si Rizal ay ipinamulat na ng kanyang mga magulang sa kanya ang labis na pagmamahal at pagaaruga. Sa katunayan nito, natutunan niya ang alpabeto sa gulang na tatlo mula sa kanyang ina na kanyang unang
naging guro. Tinuruan din siya ng ibat-ibang dasal. Dahil dito, lumaki siyang may matibay na pananampalataya sa
Diyos. Sa gulang na lima naman, natutunan niyang magbasa at magsulat. Nakakitaan na din siya ng galing sa
larangan ng sining sa pamamagitan ng kanyang mga ginuhit na larawan at mga iskultura. Noong siya ay walong
gulang, sinulat niya ang una niyang akda na pinamagatang Sa Aking Mga Kabata.
Naging malaki din ang kontribusyon ng mga tiyo ni Rizal sa paghubog sa kanyang pagkatao. Si Tiyo Gregorio,
dahil kinahiligan niyang magbasa, ang nagturo kay Rizal upang maging masipag, masinop, at maging mapagmasid
sa takbo ng buhay. Si Tiyo Jose naman ang nagturo sa kanya na hasain ang kanyang kakayahan sa sining gaya ng
pagpinta, pagguhit, at pag-ukit.
Ang praylokrasiya ay sistema noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas kung saan
nangingibabaw ang mga Pralye tulad ng mga Augustinyano, Dominikano, at Franciscano. Hawak nilang tatlo ang
anomang aspeto ng buhay ng mga Indio tulad ng sa relihiyon at edukasyonal na buhay ng mga tao. Bukod pa rito,
unti-unti nang naging kolonyal ang pag-iisip ng mga Pilipino kaya naman nagkaroon ng pagpapalit sa sistema ng
edukasyon kung saan ang edukasyong natatanggap ng mga mag-aaral ay umiikot na sa wikang Espanyol at nauukol
sa relihiyon. Binawal ang anumang libro o istilo ng pagtuturo na nagmula sa ibang bansa.
Bukod sa kanyang ina, ang mga sumunod na guro ni Rizal ay sina Maestro Celestino, Maestro Lucas Padua, at
Leon Monroy. Para kay Rizal, kulang ang mga natutunan niya dahil walang kahit anong naituro ang kanyang mga

guro tungkol sa ibang bansa liban na lamang sa Espanya. Minsan, tumingin sa labas ng bintana si Rizal patungong
Laguna de Bay, at nakita niyang naglaho na ang natural na Pilipino pamula sa mga tradisyon. Wala rin siyang napagaralang kahit sinong Pilipinong makata. Dito niya naramdaman na kailangan ng direksyon ang pagka-Pilipino ng mga
tao.
Nang namatay si Leon Monroy, napagdesisyunan naman ng ama ni Rizal na siya ay pag-aralin sa isang
pribadong paaralan sa Bian. Dahil ditto, noong Hunyo 1869, lumisan siya ng Calamba at tumungong Bian. Siya ay
sinamahan ng kanyang kapatid na si Paciano sa kanyang paglalakbay. Narrating nila ang Bian sa loob ng mahigit
isa at kalahating oras.
Nanag makarating, sila ay nagtuloy sa bahay ng kanyang tiya kung saan siya ay mananatili habang nag-aaral sa
Bian. Hindi agad naging madali para kay Rizal ang manatili sa bahay ng iba sapagkat sa unang gabi pa lamang ng
pakikipahay niya sa kanyang tiya ay agad na siyang nalungkot at naalala ang Calamba.
Sa kanyang pag-aaral sa Bian, tinanghal siyang pinakamahusay na estudyante at madalas niyang nahihigitan
ang kanyang mga kamag-aaral sa mga paksang Espanyol, Latin, at iba pa. Dahil dito, maraming nainggit sa kanya.
Siya ay siniraan ng mga nakatatanda niyang kamag-aaral na naging dahilan naman kung bakit madalas na
napaparusahan si Rizal.
Hindi naging matagal ang pag-aaral ni Rizal sa Bian sapagkat tumagal lamang ito ng isa at kalahating taon
nang siya ay inutusan ng kanyang kapatid na si Saturnina na tumungo nang Calamba lulan ang barkong Talim.
Noong enero 20, 1872, mahigit 200 sundalo at manggagawa galing sa arsenal ng Cavite ang nag-aklas sa
pamumuno ni Lamadrid, isang Pilipinong sundalo sa kadahilanang tinanggalan sila ng mga pribilehiyo tulad ng
eksempsyon nila sa tribute at polo y servicio. Ito ay sa pamamahal ni Gobernador-Heneral Rafael de Izquierdo.
Ngunit, ang pag-aaklas na ito ay hindi naging matagumpay sa tulong ng mga dagdag na sundalong Espanyol galing
Maynila.
Ang mga pinagbintangang namuno ng pag-aaklas ay sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Apolonio Burgos,
at Padre Jacinto Zamora. Dahil dito, sila ay naparusahan ng kamatayan boong Pebrero 17, 1872 sa utos ng
gobernador-heneral.
Ang pagkamatay ng GOMBURZA ay nagdulot ng matinding lungkot sa maraming Pilipino lalo na sa pamilya ni
Rizal. Dahil sa galit at sama ng loob sa pagkamatay ng kanyang malapit na kaibigan at guro na si Padre Burgos, si
Paciano ay tumigil ng pag-aaral sa Colegio de San Jose at bumalik ng Calamba upang ibahagi ni Paciano kay Rizal
ang kabayanihan ng martir na pari. Ito din ang naging inspirasyon ni Rizal upang labanan ang pang-aapi ng Espanya
laban sa mga Pilipino
Bago pa man pumuntang Maynila si Rizal noong Hunyo 1872 upang doon na mag-aral, may hindi inaasahang
pangyayaring naganap sa kanilang pamilya. Ang ina ni Jose Rizal na si, Doa Teodora Alonzo ay nakulong dahil sa
bintang na siya ang nagtangkang lumason sa isang kamag-anak. Bilang kaparusahan, siya ay pinaglakad ng 20
milya mula Calamba hanggang Santa Cruz, Laguna. Buko pa rito, siya ay nakulong dalawa at kalahating taon
hanggang saan ipawalang bias ng Royal Audiencia ang kaso sa kanya.Binantayan naman ng mga sundalo sina ang
pamilya ni Rizal habang nakakulong ang kanyang ina. Sino nga ba ang dapat pagkatiwalaan ni Rizal ng habang wala
ang kanyang ina? Hindi rin masabing baka kahit isang Indio ang nagsumbong sa mga awtoridad.
Apat na buwan matapos ang pagkakapatay sa GOMBURZA at habang nasa kulungan ang ina ni Rizal, siya ay
ipinadala sa Maynila kasama si Paciano upang doon na mag-aral. Una niyang kinuhanan ng pagsusulit ay ang
Colegio de San Juan de Letran. Matapos nito, muli syang bumalik sa Calamba upang dumalo ng pista. Habang nasa
Calamba, ipinahayag ng kanyang ama ang kagustuhan niyang mapag-aral si Rizal sa Ateneo de Municipal at hindi
na sa Colegio de San Juan de Letran.
Dahil sa kahilingan ng kanyang ama, siya ay nagpatala sa Ateneo de Municipal kasama si Paciano. Hindi agad
siya natanggap sapagkat ayon kay Padre Magin Fernando, si Rizal ay huli na sa nakatakdang araw ng pagpapatala

at siya ay masasakiting bata. Ngunit dahil kay Manuel Xeres Burgos, pamangkin ni Padre Burgos, siya ay natanggap
din sa nasabing paaralan.
Siya ay nag-aral sa Ateneo de Municipal, isang kolehiyong nasa ilalim ng pamamahala ng mga paring Heswita,
mula 1872 hanggang 1877 kung saan kumuha siya ng kursong Batsilyer ng Sining at kurso sa agremensor at
agrikultura. Mas magandang kalidad ng edukasyon ang ibinigay ng mga guro niya sa paaralang ito. Nang dahil sa
dami at lawak ng mga librong ginagamit niya sa pag-aaral, lumalim ang kaalaman ni Rizal lalo na sa Pilosopiya.
Sa unang taon ni Rizal ng pag-aaral sa Ateneo noong Hunyo 1872, siya ay naluklok sa pinakamababang lebel
sa klase sapagkat kakaunti pa lamang ang kanyang kaalaman sa Espanyol. Napasama din siya klaseng Carthagena
dahil siya ay isang externo. Una niyang naging guro ay si Padre Jose Bech. Hindi kalaunan ay tinanghal siyang
emperador o ang pinakamagaling sa klase. Upang mas mapagbuti pa ang kanlang kaalaman sa wikang Espanyol,
kumuha siya ng pribadong klase sa Colegio de Santa Isabel tuwing tanghali. Sa pagtatapos ng unang taon niya sa
Ateneo, siya ay naging ikalawa sa pinakamagaling sa kanilang klase at lahat ng kanyang nakuhang grado ay may
marking excellent.
Nang magbakasyon, lubha siyang nalungkot sapagkat nasa kulungan pa din ang kanyang ina. Kahit na subukan
ng kanyang kapatid na si Saturnina na pasayahin siya, hindi pa rin niya mapigilang malungkot. Dahil dito, binisita
niya ang kanyang ina sa Santa Ana nang walang paalam mula sa kanyang ama.
Sa ikalawang taon, napanatili niyang maging emperador sa kanyang klase. Lahat ng grado niya ay excellent
at nakatanggap pa siya ng medalyang ginto.
Noong bakasyon naman bago magsimula ang ikatlong taon, patuloy pa din ang pagdalaw ni Rizal sa kanyang
ina sa kulungan. Inaliw din niya ang kanyang sarili sa pagbabasa ng mga nobelang romantiko. Agad naakit ang
kanyang atensyon sa nobelang The Count of Monte Cristo ni Alexander Dumas. Nagustuhan din niyang basahin ang
Universal History ni Cesar Cantu na nagpalawak pa lalo ng kanyang kaalaman. Dahil dito, nagkamit pa siya ng
maraming karangalan sa Ateneo. Nabasa din niya ang Travels in the Philippines ni Dr. Fendor Jagor, isang
siyentipikong manlalakbay na bumisita sa Pilipinas.
Sa ikatlong taon ng pag-aaral niya sa Ateneo, nakalaya ang kanyang ina na nagbigay naman ng kaligayahan sa
kanya. Ngunit, hindi na ganoong kagaling ang naipakita niya sa kanyang pag-aaral. Iisang medalya din lamang ang
kanyang nakamit at it ay sa Latin.
Sa ika-apat na taon niya sa Ateneo, siya ay napalipat sa interno. Naging guro niya si Padre Francisco de Paula
Sanchez, isang magaling na guro sa nasabing eskwelahan. Siya ang naging inspirasyon ni Rizal upang mas
pagbutihin pa ang kanyang pag-aaral. Dahil dito, nakamit niyang manguna sa klase at bumalik sa Calamba ng may
limang medalya. Dahil ditto, siya ay lubusang natuwa sapagkat nagawa niyang mapalitan lahat ng mga isinakripisyo
ng kanyang ama para sa kanyang pag-aaral.
Sa huling taon niya ng pag-aaral sa Ateneo, napanatili niyang makakuha ng matataas na marka.
Bukod pa sa kagalingan niya sa akademiya, masasabing hindi nanatili lamang dito ang galing ni Rizal. Nahasa
din lalo sa Ateneo ang galing niya sa pagsusulat at sa sining. Nag-aral siya ng pagpipinta at kanyang naging guro
ang isang mahusay na Espanyol na pintor, si Agustin Saez. Lumawak pa lalo ang kanyang kaalaman sa iskultura sa
pagtuturo ni Romualdo de Jesus,isang kilalang Pilipinong iskultor. Patuloy pa din ang pagtuturo sa kanya ng kanyang
Tiyo Manuel sa fencing.
Talaga nga namang naging matagumpay ang pag-aaral niya sa Ateneo. Siya ay nagtapos dito nang maraming
nakamit na parangalan. Noong Marso 23, 1877, tuluyan niyang natanggap ang digri sa Batsilyer en Artes nang may
pinakamataas na parangal kaya naman lubos na nagalak ang kanyang pamilya. Para naman sa kanya, ito ay
matamis na tagumpay ngunit malungkot na pagpapaalam.
Matapos ang kanyang pag-aaral sa Ateneo, napagdesisyunan ni Paciano at ng kanilang ama na pag-aralin pa si
Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas sa kabila ng mariing pagtutol ng kanyang ina. Nag-aral siya ditto simula 1877

hanggang 1882. Sa kanyang pag-aaral sa nasabing paaralan, binigyan niya ng diin at pansin ang importansya ng
mga Pilipino sa isang kompetisyon na sinalihan niya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Pinatunayan niyang ang
Pilipinas ay may kakayahan at mas karapatdapat mangibabaw sa Espanya. Dahil sa hindi maikaila na siya ay isa pa
ding indio base sa kanyang pangangatawan, siya ay madalas pa ding kinukutya ng kanyang kamag-aaral. Ang mga
ugali ng estudyante ay ang nag tatak kay Rizal na mas maging mabuti siyang halimbawa para sa kanyang sarili.
Pantay pantay ang tingin ng mga Heswita sa kanilang mga estudyante.

Noong Abril 1877 hanggang 1878, ang labing-anim na taong gulang na si Rizal ay nagpatala sa Unibersidad ng
Santo Tomas upang kumuha ng kurso sa Pilosopiya at Letra. Sa unang taon niya ng pag-aaral dito, napag-aralan
niya ang Cosmolohiya, Metapisika, Teodisya, at Kasaysayan ng Pilosopiya.

Noong 1878 hanggang 1879, pinayuhan si Rizal ng dati niyang guro sa Ateneo na kuhaning kurso ang Medisina.
Dahil na rin nanlalabo na ang mga mata ng kanyang ina at sa kagustuhan niyang mapagaling ito, sinunod niya ang
payo ng dati niyang guro.

Sa kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas, nakaranas siya ng pagmamaliit mula sa kanyang mga
propesor at kamag-aaral dahil siya ay isang Pilipino. Sa kabila nito, itnuring siyang kampeon ng mga Pilipinong
estudyante dahil sa walang takot niyang pagtatanggol sa kanyang lahi laban sa mga kamg-aaral na Espanyol. Ngunit
hindi pa rin maiiwasan ang malumbay si Rizal sa sitwasyon niya at ng kanyang kapwa Pilipino sa Unibersidad ng
Santo Tomas. Bukod pa sa malupit na trato sa kanya at mga kapwa Pilipino kamag-aaral, hindi rin niya nagustuhan
ang paraan ng pag-aaral sa nasabing unibersidad. Dahil dito, sa unang taon lamang ng pag-aaral niya sa
unibersidad siya nakakuha ng marking excellent sa kanyang mga aralin.

Sa pagtatapos niya sa ika-apat na taong pag-aaral sa unibersidad, napagdesisyunan niyang sa Espanya na


lamang ipagpatuloy ang pag-aaral. Ito ay sa kadahilananang hindi na niya makaya ang lubusang pagmamaltrato at
diskriminasyong naranasan niya sa unibersidad. Ito naman ay higit na sinang-ayunan nina Paciano, Saturnina, at
Lucia. Hindi na humingi ng permiso si Rizal sa kanyang mga magulang sapagkat alam niyang tututol sila sa kanyang
plano.
Ang desisyon niyang sa Espanya na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral ang naging dahilan sa kanyang sunudsunod na paglalakbay sa ibat-ibang bansa. Ilan sa kanyang mga napuntahan ay Germany, Hong Kong, Espanya, at
marami pang iba. Kaakibat ng hangad niyang makapag-aral sa Madrid ang kanyang sikretong misyon na kung saan
layon niyang obserbahan ang buhay at kultura, lengwahe at paniniwala, industriya at komersyo, at ang mga batas na
ipinapatupad sa ibat-ibang bansa. Ang mga sumusunod ang kinalabasan ng kanyang mga paglalakbay sa mga
nasabing bansa.
Nakarating si Rizal sa Alemanya na noon ay kilala sa tawag na Germany noong Agosto 14, 886 lulan ang isang
tren. Sa kanyang pagmamasid at paglalakbay sa ibat-ibang lugar sa Alemenya, napansin niya ang kagandahan ng
musika rito na kanya namang nagustuhan.
Noong Nobyembre 1, 1886, nakaratang siya Berlin, Alemanya kung saan niya nakilala ang mga miyembro ng
Sirkulo SIyentipiko. Naging miyembro din si Rizal ng Anthropological Society, Ethnological Society, at ng
Geographyical Society.
Nanatili si Rizal sa Berlin sapagkat may mga layunin siyang ibig makamit. Ito ay (1) upang magkaroon ng
dagdag na kaalaman sa optalmolohiya, (2) upang palawakin pa ang kaalaman niya sa siyensiya at mga wika ng

ibang bansa, (3) upang obserbahan ang economiya at political na kondisyon ng Alemanya, (4) upang makihalobilo sa
mga siyentipiko at iskolar na Aleman, at (5) upang ipalimbag ang Noli Me Tangere.
Dahil dito, namuhay si Rizal ng simple at masinop. Sa araw, siya ay nagtatrabaho bilang kaagapay ni Dr.
Schweigger sa knayang klinika. Habang sumasapit naman ang dapit-hapon, siya ay dumadalo ng mga klase sa
Unibersidad ng Berlin. Sa kanya namang bahay na tinutuluyan siya nag-aral ng mga lenggwaheng Aleman, Pranses,
at Italyano.
Ang kanya namang naging libangan ay ang pamamasya sa mga kabukiran sa Berlin upang magmasdan ang
kanilang kultura, pananamit, bahay, at mga okasyon ng mga ordinaryong tao.upang matandaan ang mga ito,
kanyang iginuguhit ang kanyang mga nakita mula sa kanyang pagmamasid.
Lubos siyang humanga sa mga kababaihan sa Berlin. Para sa kanya, ang mga kababaihang ito ay mga seryoso,
masipag, edukada, at palakaibigan. Hindi sila gaya ng mga Espanyol na kababaihan na palaaway sa kanilang
kapwa. Hindi din sila mahilig manumit ng mararangya at magsuot ng mga kaakit-akit na alahas.
Ipinahayag niya ang lubos na panghihinayang sa mga kababaihang Pilipino na mas pinapahalagahan pa ang
pananamit at pisikal na itsura kaysa sa palawakin ang kanilang nalalaman. Ngunit, ipinahayag niya ang kanyang
paghanga sa mga Pilipina sa magiging mahinhin at hospitalidad nila lalo na yaong mga nasa probinsya na hindi pa
nagiging sopistikada. Sinabi pa niya na kung mapapagyaman pa nila ang kanilang nalalaman, higit silang
rerespetuhin ng mga kalalakihan.
Lubos ding hinangaan ni Rizal ang kultura ng mga Aleman lalo na kanilang gawi tuwing sasapit ang
kapaskuhan. Nagustuhan din niya ang nakagawian ng mga Aleman tuwing may mga pagtitipon kung saan
nagpapakilala ang mga bisita sa isat-isa.
Ang noli at ang El Fili ay naging matagumpay. Nakakilala si Rizal ng ibat ibang Exile na Pilipino na naki isa sa
kanyang kursada: (1) Jose Maria Basa, (2) Balbino Mauricio. Dumami na din ang mga taong nagbasa ng Noli at El
Fili at lumaki ang grupo ng mga naghahanap ng NasyonalismoSi Rizal ay matuturing na isang tunay na Pilipino
sapagkat sa kagandahang kanyang nakita at napansin sa ibang bansa, mas pinili pa rin niyang bumalik sa kanyang
sariling bayan. Matapos ang limang taong pamamalagi sa Europa, siya ay bumalik sa Calamba at dito nagpraktis ng
medisina. Matagumpay niyang naoperahan ang mata ng kanyang ina.
Matapos nang pagkakalimbag ng Noli Me Tangere at kamalayang naibunga nito sa mga Pilipino, siya ay
binalaan ni Paciano, Silvestre Ubaldo, Jose M. Cecilio at ng iba pa niyang kaibigan na huwag nang bumalik sa
Pilipinas. Gayunman, hindi ito naging hadlang para sa kanya at determinado pa ring umuwi sa bansa. Ang kanyang
mga naging dahilan ay: (1) upang operahan ang naglalabong mata ng kanyang ina; (2) maglingkod sa mga Pilipino
na pinagmamalupitan ng mga Kastila; (3) upang malaman kung paano nakakaapekto ang kanyang nobela na Noli
Me Tangere at iba pang sulatin sa mga Pilipino at banyaga; (4) upang malaman kung bakit piniling manahimik ni
Leonor Rivera.
Hindi man lingid sa kanyang kaalaman ang hindi kaaya-ayang kalagayan ng bansa ngunit para sa kanya, hindi
pwedeng mistulang bilanggo at nagkukulob lang walang ginagawa. Napagdesisyunan niyang magtayo ng
paoperahanng mata, klinik kumbaga, at dito matagumpay siyang nakaopera ng mga maysakit na katarata. Noon din
nagkaroon ng usapin tungkol sa Noli. Kasabay ng mabilis na pagkakakilala kay Dr. Uliman ay ang pagkakakilala ng
kanyang limbag na Noli.
Salita ang naging panglaban ng aklat na Noli Me Tangere sa mga mapang-aping Kastila. Nilimbag ni Padre Font
ang kanyang report at ipinamahagi ang mga kopya nito na lubos naniniwalang ang kanyang kritik ang
makakapagpawala ng kredibilidad ng nasabing nobela. Maging si Padre Jose Rodriguez ay namahagi ng mga
pampleta na nagsasabing ang mga magbabasa ng Noli ay magkakasala. Isa pang umatake sa nobela ay si Vicente
Barrantes, isang Kastilang manunulat. Nakaabot sa Spanish Cortes ang anomalyang dala ng Noli Me Tangere, na
naging dahilan ng pangungutya ng dalawang Kastilang senador na si Vida at Pando.

Bagamat may mga kumukutya sa Noli Me Tangere, mayroon din namang mga nagtanggol dito. Kabilang na rito
sina Marcelo H. del Pilar, Padre Francisco Sanchez at Vicente Garcia. Habang nag-iinit ang iskandalong dala ng
nasabing nobela, ito ay nanatiling mabenta at maging presyo nito ay tumaas. Kahit mga kamag-anak at kaibigan ni
Rizal ay nahirapang makakuha ng kopya ng nobela. Ayon kay Rizal sa kanyang liham kay Fernando Canon sa
Geneva, ang presyo ng isang nobela ay nagkakahalaga ng limang pesetas (katumbas ng piso) ngunit nang hindi
kinalaunan ang naging presyo nito ay limampung piso kada kopya.
Kilusang Propaganda
(London)
Pag unlad Ng La Solidaridad
http://www.philippine-history.org/la-solidaridad.htm
http://msc.edu.ph/centennial/solidaridad.html

Balangkas ng Pagpapakasakit:
Kapangahasan o Kahangalan?
Tunggalian Sa Madrid
Layunin at Adhikain:
Ang gagawin
La Liga Filipina hakbanging
Personal na Ambisyon Laban sa Pambansang Layunin
Maraming naging tagahanga si Rizal na Pilipino sa Maynila na nagnanais na siya ay makita at
makausap. Gayunman, ito rin ay ikinatakot ng mga Kastila. Noong ika-3 ng Hulyo, 1892, isang lingo matapos
niyang makarating mula Hongkong, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipinasa bahay ni Doroteo Ongjunco sa Tondo,
Maynila. Marami ang dumalo sa makasaysayang kaganapan. Ang naging hangarin ng La Liga Filipina ay ang
mga sumusunod: (1) para pag-isahin ang buong kapuluan; (2) tugunan ang kagustuhan at mga kinakailangan
ng bawat isa; (3) depensa sa karahasan at kawalan ng hustisya; (4) paunlarin ang agrikultura at komersyo; at (5)
makapag-aral at matutunan ang mga reporma.
Ideya at Pinapangarap
Paghahanda sa Kamatayan
Pagbabalik, pagdakip at Pagkatapon
Noong ika-7 ng Hulyo, 1892, siya ay ipinatawag sa Malacanang. Siya ay tinanong ni Gobernador-Heneral
Despujol kung nais pa niyang bumalik sa Hongkong at si Rizal ay sumagot ng oo. Matapos ang usapan, ang
nasabing heneral ay gumawa ng mga salaping hinihinalang nasa unan ni Lucia sa Hongkong. Ang nasabing salapi
na may printa ng pagtuligsa sa mga prayle na pinamagatang Pobres Frailes ay nakalimbag sa ilalim ng pag-akda ni
Emilio Jacinto na Imprenta de los Amigos Manila. Ang artikulong ito ay nang-uuyam sa mga mayayamang
Domikano na sa kabila ng kanilang panata sa kahirapan ay namumuhay ng enggrande. Si Rizal ay inakusahan na
siya ang sumulat ng nasabing artikulo. Siya ay agad nang ipinadakip at inihatid sa Fort Santiago ni GobernadorHeneral Despujol at dito na rin nagsimula angng sa kanyang pagkakakulong sa Dapitan sa loob ng apat na taon.
Ang barkong nagdala kay Rizal sa Dapitan ay nagdala din ng liham mula kay Fr. Pablo Pastells na isang
superyor ng samahan ng mga Heswita sa Pilipinas para ibigay kay Fr. Antonio Obach, isang Heswitang misyonaryo
sa Dapita. Batay sa liham, minumungkahi nito na maaaring tumira si Rizal sa bahay ng mga Heswitang misyonaryo
sa ilalim ng mga sumusunod na kondisyon: (1) na lubos tatalikuran ni Rizal ang kanyang mga pagkakamali sa mga

bagay na dawit ang relihiyon; (2) na gagawin niya ang kanyang mga tungkulin sa simbahan at ikumpisal ang
kanyang nakaraan; at (3) magsilbing modelo at maging mamamayang may takot sa Diyos. Si Rizal ay hindi pumayag
sa mga nabanggit na kondisyon at siya ay nanirahan sa bahay ni Kapitan Carcinero. Sila ay nagkaroon ng
magandang pagkakaibigan at si Carcinero ay labis na natuwa sa personalidad ni Rizal. Trinato niya si Rizal na
kaibigan at hindi bilang isang criminal. Nagbigay siya positibong ulat kay Gobernador-Heneral Despujol at binigyan
din niya si Rizal ng kalayaan na pumunta niya
Rebolusyon
Si Andres Bonifacio ay nagsisimula nang magplano na magtayo ng isang rebolusyon na tinawag na Katipunan. Ito ay
itinatag noong ka-7 ng Hulyo, 1892 at ito ay nagkaroon ng madaming kasapi. Sa isang lihim na pagpupulong ng
Katipunan na ginanap sa Bitukang Manok na malapit sa Pasig, si Dr. Pio Valenzuela was ay itinalagang ispiya sa
Dapitan upang maipabatid kay Rizal ang mga hangarin at plano ng Katipunan na makakatulong upang makamtan
ang kapayapaan. Noong ika-15 ng Hunyo, si Dr. Valenzuela lulan ng barkong Venus ay nagsama ng isang bulag na
lalaki na nagngangalang Raymundo Mata at isang taga-alalay rito papuntang Dapitan upang humingi ng payong
medical kay Rizal. Dumating sina Dr. Valenzuela ng gabi ng ika-21 ng Hunyo at sila naman ay malugod na tinanggap
at tinulungan ni Rizal. Noong hapunan, nagkaroon ang dalawa ng isang matimtimang pag-uusap kung saan sinabi ni
Dr. Valenzuela ang plano ng Katipunan at sila ay nangangailangan ng suporta ni Rizal. Gayunman, tinutulan ni Rizal
ang plano ni Bonifacio. Ayon kay Rizal, hindi nararapat na isagawa ang rebolusyon dahil sa dalawang kadahilanan:
(1) ang mga mamamayan ay hindi pa handa para sa isang rebolusyon; at (2) kinakailangan muna ng mga armas at
pondo bago magsagawa ng isang rebolusyon. Hindi rin sumang-ayon si Rizal sa siya ay sagipin mula sa Dapitan
sapagkat siya ay nangako sa mga Kastila at ayaw niya itong masira.
Ultimo Adios
Bago yumao si Rizal, nagawa niyang masulat sa isang tula ang kaynyang mga saloobin para sa mga Pilipino.
Ang nasabing tula ay naiwang walang kopya ngunit pinamagatan ng hindi kalaunan ng Ultimo Adios ng mga
Rizalista. Ito ay kanyang isinulat noong Disyembre 29, 1896. Ang isang makabagdamdaming tula, na nagtataglay ng
marikit at pinong berso. Maging sa huling oras ni Rizal ay nagawa pa rin niyang isipin ang bayan at mga
mamamayan upang ito ay bigyan ng paalala na tunay na nagpapakita ng kanyang nasyonalismo.
ANG AKLAT NG NASYONALISMONG PILIPINO (NOLI) AIREN AND ELAINE HONRADE
LAYUNIN NG NOLI
Ang pagkahilig ni Rizal sa nobelang pinamagatang Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe ang
nakaimpluwensiya sa kanya isulat ang Noli Me Tangere. Ang Uncle Toms Cabin ay malugod na naglalarawan sa
isang kaawaawang kalagayan ng mga pinagmalupitang alilang negro. Mapapansin na sa kanyang nobela na Noli,
itinalakay dito ang kahirapang dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.

Ipinanukala ni Rizal sa kanyang mga kaibigang manunulat ang pagsulat ng nobelang tatalakay sa aspekto ng buhay
sa Pilipinas. Nangyari ito sa isang pagtitipon ng mga Pilipino sa tahanan ng mga Paterno sa Madrid noong Enero 2,
1884. Halos lahat ay sumang-ayon sa ideya gaya nina Pedro, Maximo, at Antonio Paterno; Graciano Lopez - Jaena,
Evaristo Aguirre, Eduardo de Lete, Julio Lorente at Valentin Ventura.

Sa kasamaang palad, hindi naisakatuparan and proyekto ni Rizal. Ang mga kababayang dapat ay katulong niya sa
pagsulat ng nobela ay walang naisulat. Mas gusto ng kanyang mga kaibigan ang paksa ukol sa kababaihan. Ikinainis
ni Rizal ang ganitong pag-uugali dahil sinasayang ng mga kasamahan niya ang kanilang panahon sa pagsusugal at
pambababae. Kaya ipinasya ni Rizal na siya na lamang ang magsusulat ng nobela.

Ang Pagsulat

Sinimulan ni Rizal ang pagsusulat ng nobela sa MAdrid noong huling buwan ng 1884, at natapos niya ang kalahati
nito. Ipinagpatuloy niya ang pagsusulat sa Paris noong 1885 at natapos niya ang ikalawang hati. Natapos niya ang
huling sangkapat ng nobela sa Alemanya. Isinulat niya ang mga huling kabanaa ng Noli sa Wilhemsfeld noong Abril Hunyo 1886.

Ginawa ni Rizal ang rebisyon ng huling manuskrito ng Noli sa Berlin noong Pebrero 1886. Muntik na niang sunugin
ang manuskrito at nawalan siya ng pag-asang mailathala ito dahil naubusan siya ng pera at sinabayan pa ng
kanyang pagkakasakit. Pinanghinaan siya ng loob dahil sa gutom at paghihikahos.
Ang Noli Me Tangere ang naging larawan ng lipunan

Walang nang-aalila kung walang nagpapaalila.

Edukasyon

CRISOSTOMO IBARRA

Espanya

Pilipinas

Rebolusyon

Sa nobelang Noli Me Tangere, si Ibarra ay nagmula sa isang mayamang pamilya sa bayan ng San Diego. Siya ay
bumalik sa Pilipinas nang kanyang mabalitaan ang pagkamatay ng kaniyang ama na si Don Rafael Ibarra, na tiniwalag
mula sa simbahang Katoliko dahil sa pagiging diumano'y pilibustero. Sa kaniyang pagbalik sa San Diego, muli niyang
nakadaupang-palad ang kasintahang si Maria Clara.

Nang nakita ni Ibarra na mabagal ang pag-unlad ng kanilang bayan, napagisipan niyang magtayo ng paaralan at
maging guro. Sinimulan ni Ibarra ang plano niya sa tulong ng magsasakang si Elias na kalauna'y naging kaibigan niya.
Gayunpaman, nabanggit ni Pilosopo Tasyo na marami nang naudlot na proyekto ukol sa pagpapatayo ng paaralan
sapagkat tinututulan ito ng mga prayle, lalong lalo na si Padre Salvi, sapagkat sila ay nangangamba na ang paaralang
ito ay maging banta sa kanilang kapangyarihan sa San Diego.

Nang kalauna'y hindi natiis ni Ibarra ang pangungutya sa kaniya ng mga prayle at sa isang piging, kaniyang nilusob si
Padre Damaso, na siyang nagpataw ng ekskomunikasyon sa kaniyang ama. Ito ang naging mitya ng ekskomunikasyon
at pagkakakulong ni Ibarra. Nang kalauna'y tumakas si Ibarra at siya'y tinulungan ni Elias habang siya'y tinutugis ng
mga Kastila.

Ang Bayan ng San Diego ay sumisimbolo sa walang kaunlaran. Ang inaani ng mga magsasaka ay tulad ng
asukal at bungangkahoy ay binibili ng mga Intsik sa murang halaga. Madilim ang gubat dahil sa mumunti. Ang
bayan ng San Diego, bagaman may pinagkukunang yaman, sapat pa rin ito para sa pangaraw-araw na
kailangan ng mga magsasaka. At sa muling pagbalik ni Ibarra pagkatapos ng pitong taon, wala pa rin itong
pagbabago. Ang ilan sa mga naging kanser ng lipunan ayon sa Noli Me Tangere ay pang-aalipusta ng mga
Espanyol, pang-aabuso ng mga prayle, katiwalian sa pamahalaan, depektong sistema ng edukasyon, hindi
pantay na pagtrato sa mga Pilipino at kahinaan ng mga Pilipino

*ELIAS (pa-explain kung bakit involve si Elias)


i Elias ay isa sa mga prominenteng tauhan sa nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Siya ang bangkero at magsasakang tumulong
kayCrisostomo Ibarra na imulat ang kanyang kaisipan sa mga suliraning kinahaharap ng Pilipinas. [1] Siya ay nagmula sa isang
pamilyang nakaranas ng matinding pighati sa ilalim ng mga Kastila. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit matindi ang kaniyang poot
sa mga mananakop.
Sumapi siya sa mga tulisan (o sawimpalad). Kinatawan siya ng mga mithiin ng mga sawimpalad na may hangaring makamit ang
katarungan at pagbabago. Nais niya ang ganap na katiwasayan at paggalang sa dignidad ng tao. Isinalaysay niya kay Ibarra ang lahat
ng suliranin ng bansa at kung ano ang maaring gawin upang sugpuin iyon. Naniniwala siyang si Ibarra lamang ang makakatulong sa
kanya upang makamit ang mga iyon.
Si Elias ay tinutugis ng mga guardia sibil sapagkat pinaniniwalaang siya ang nagtulak sa Alperes sa isang maputik na lubak at umatake
kayPadre Damaso.

"Tunay pong hindi ako maaaring umibig ni lumigaya sa sariling bayan ngunit nakahanda akong magtiis at mamatay
rito. Hangad ko na ang lahat ng Inang Bayan ay maging kasawian ko rin.
- Elias (kab. 61)

"Ako'y mamamatay na hindi man lamang nakita ang maningning na pagbubukang liwayway sa aking bayan. Kayong
makakakita, batiin ninyo siya at huwag kalilimutan ang mga nalugmok sa dilim ng gabi." - Elias (kab. 63)

You might also like