Professional Documents
Culture Documents
Cupid at Pysche
Cupid at Pysche
Psyche ay ang bunsong ng tatlong anak na babae ng isang hari. Siya ay kaya
maganda, na ang mga tao ay nagsimulang upang sumamba sa kanya, sa halip ng
Venus (sa Griyego, Aphrodite), ang diyosa ng pag-ibig. Ang kanyang matandang
kapatid ay nag-asawa, ngunit walang isa ay maglakas-loob mag-asawa pag-iisip,
dahil sa kanyang banal na kagandahan. Ang kanyang mga magulang konsulta
sanggunian tungkol sa posibilidad na ang kanilang mga anak na babae ay maaaring
makakuha ng may-asawa, ngunit Venus, na nais paghihiganti, inspirasyon ng
sanggunian upang sabihin sa pag-iisip na siya ay pagpunta sa magpakasal sa isang
kakila-kilabot na halimaw. Ang pagkakaroon ng nawala ang lahat ng pag-asa ng
kailanman pagkuha ng kasal, sinabi pag-iisip ng kanyang mga magulang na iwan
ang kanyang sa isang bundok, kung saan ang halimaw ay darating at kumuha sa
kanya, tulad ng sanggunian ay sinabi. Ngunit kapag pag-iisip ay naiwang nag-iisa,
ang magiliw na hanging palay-palay ay dumating at kinuha ang kanyang sa isang
magandang lambak, kung saan nakita niya ang isang kahanga-hangang
hardin. Pumasok siya sa hardin at mga tinig ng invisible lingkod tinatanggap
kanya.
Nang dumating ng gabi, ang kanyang asawa ay dumating sa tabi ng kanyang, at
ang parehong nangyari gabi-gabi. Ngunit pag-iisip ay hindi kailanman
pinamamahalaang upang makita siya. Maaaring siya lamang marinig ang kanyang
tinig at, sa panahon ng araw, ang mga tinig ng kanyang mga tagapaglingkod. Sa
umaga, ang kanyang asawa ay gumising sa madaling araw at umalis, habang siya
ay natutulog pa rin.
Ang kanyang buhay ay halos masaya, at pa-iisip nadama masyadong malungkot,
dahil hindi siya ay maaaring makita ng sinuman sa paligid ng kanyang, at lalo na sa
kanyang asawa. Kaya sinabi niya sa kanya na hindi nakuha niya ang kanyang
kapatid na babae at gusto niyang makita ang mga ito. Sinikap niyang kumbinsihin
ang kanyang ito ay hindi isang magandang ideya, ngunit iginiit niya hanggang sa
siya ay sumang-ayon. Kaya nagpunta hanging palay-palay sa tuktok ng bundok
at dinala ang kanyang kapatid na babae sa enchanted palasyo kung saan Kupido at
Psyche nanirahan. Sila ay namangha sa pamamagitan ng kung ano ang kanilang
nakita: ang magandang palasyo, ang mga kayamanan, ang invisible
tagapaglingkod. Sila ay nagtanong iisip kung ano ang kanyang asawa mukhang, at
sinabi niya na siya ay isang magandang batang lalaki na nagustuhan upang
pumunta pangangaso. . Pagkatapos nilang nagsalita ang isang habang, nagbigay
pag-iisip ito ng maraming ginto, pilak at mga hiyas, at kinuha ang mga ito
Zephyrus bumalik sa kanilang tahanan na kailangang sabihin, ang dalawang
kapatid na babae ay kulay-dilaw na inggit: kung dumating ang kanilang mga
magulang na may-asawa ang mga ito sa mga matatandang lalaki, upang kanino sila
ay tulad ng mga lingkod, habang pag-iisip ay kaya mapalad na magkaroon ng isang
magpakasal sister pag-iisip ni. Sa sandaling siya ay narinig na, tumakbo ang
kanyang kapatid sa bundok at tinawag Zephyrus na kumuha ng kanyang sa palasyo
Kupido, at pagkatapos ay inihagis niya ang kanyang sarili sa bangin. Sa oras na ito,
ang banayad na hangin ay hindi dumating upang dalhin sa kanya, kaya siya ay
nahulog sa bato at namatay. Pagkatapos nito, nagpunta iisip sa bansa kung saan
nanirahan ang kanyang ikalawang kapatid na babae, at sinabi sa kanya ang
parehong bagay. Ang ikalawang sister nagpunta sa bundok at itinapon sarili
pasagasa sa lambak, ngunit ang hangin ay hindi dumating upang dalhin ang
kanyang at siya ay namatay tulad ng iba pang kapatid na babae. Sa habang
panahon, ang Seagull nagpunta upang tumingin para sa Venus at sinabi sa kanya
tungkol sa kung ano nangyari sa pana at pag-iisip. Nagpunta diyosa Ang home
kaagad at nagsimulang sumigaw sa kanya: "Bakit hindi ka nakinig sa akin Bakit ba
kayong asawa ako pagpunta sa magkaroon ng isa pang anak, o kailangan ko
magpatibay ng isang tao at inilagay siya sa iyong lugar. Ikaw ay isang kahihiyan
para sa iyong mga magulang. "
Totoo, ang sabi niya, paano nila makikita ang ano man kung hindi sila
pinahihintulutang gumalaw maging ang kanilang mga ulo? At may mga bagay na
dapat lamang dalhin sa paraang dapat lamang makita ng mga anino? Oo, sabi niya.
At kung nakaya nilang hindi sumang-ayon sa isat isa, hindi ba nila ipinalalagay na
sila ay tumutukoy ng kung ano pa man para sa kanila?
Tunay nga.
At sa higit pang pagpapalagay na ang mga bilanggo ay may alingawngaw
mula sa ibang dako, hindi ba nila natitiyak na baka guniguni lamang ito ng isang
dumaan at may ipinagpapalagay tungkol sa pinagmumulan ng tinig?
Walang tanong-tanong, ang tugon.
Sa kanila, ang sabi ko, ang katotohanan ay walang kahulugan kundi ang
anino ng mga imahe. Iyan ang tiyak. Ngayon, balikan muli natin kung ano ang likas
na magaganap kung sakaling ang mga bilanggo ay maging malaya at di maaabuso
sa kanilang pagkakamali. Sa una, kung ang isa sa kanila ay mapalalaya at biglang
tumayo, lumingon, lumakad at tumingin patungo sa liwanag. Magdurusa sa sobrang
sakit. Ito mismo ang magpapalungkot sa kaniya. Gayundin hindi niya makikita ang
dati niyang kalagayan sapagkat ang tanging nakikita niya ay mga anino lamang.
Pagkatapos isaisip, tinuran ng isa na ang kaniyang nakita noong una ay guniguni
lamang, ngunit ngayon, siya ay papalapit na sa pagkatao. Nakikita niya, mayroon na
siyang maliwanag na pananaw- ano ang magiging tugon niya?
O kayay, maaari mong isipin na ang kaniyang guro ay nagtuturo ng mga
bagay na dapat niya lamang kilalanin. Hindi ba siya nagugulumihanan? Hindi kaya
siya mahumaling na ang anino na kaniyang nakita noong una ay mas tunay kaysa
mga bagay na nakikita niya sa kasalukuyan?
Malayong katotohanan.
At kung siya ay napilitang tumingin nang diretso sa liwanag, wala ba siyang
nararamdamang sakit upang siyay magkubli sa nakikitang bagay? Kaniya bang
aakalain na siya ay nasa katotohanang mas maliwanag kaysa mga bagay na
nakikita sa kasalukuyan?
Ang Kuwintas
Isa siya sa mga pinaka-marikit at kahali-halinang babae na isinilang, at para
bang nagkamali ang tadhana dahil isang pamilya ng mga manggagawa ang
kanyang pinagmulan. Hindi siya itinakda na ikasal kaninoman, walang umaasa
na aangat siya, at wala rin siyang paraan para makilala, maunawaan, mahalin, at
makapangasawa ng isang marangya at marangal na lalaki. Bagkus, isang hamak
na kawani ng Kagawaran ng Edukasyon ang pinakasalan niya. Simple lang ang
kanyang panlasa dahil hindi naman niya kaya ang mga mamahaling bagay. Hindi
siya masaya dahil sa pakiwari niya, nagpakasal siya sa isang lalaking mas
mababa pa sa kanyang uri. Pero ang mga babae naman talaga ay hindi
nabibilang sa kahit anumang uri. Ang kanilang kagandahan, kahinhinan, at
alindog ay nagagamit nila para magkaroon ng asawa at pamilya. Ang natural na
pagkahilig nila sa karangyaan, ang kanilang angking karingalan, at matalisik na
isip ay nagsisilbing mga palatandaan ng kanilang ranggo. At sa mga bagay na
ito, ang babaeng tinutukoy natin na nagmula sa kahirapan ay maituturing na
kapantay ng pinakamataas na babae sa balat ng lupa.
Hindi matapus-tapos ang kanyang pagdurusa, dahil pakiramdam niya'y
ipinanganak siya para matikman ang lahat ng karangyaan at kaginhawahan.
Pinagdurusahan niya ang kanyang hamak na tirahan, ang mga nanlilimahid na
dingding nito, ang mga gapok na silya, at marurungis na kurtina. Lahat ng ito-na
maaaring hindi alam ng mga babaeng kauri niya-ay nagdudulot sa kanya ng
pasakit at insulto. Nang makita niyang pumasok ang batang babae na Breton sa
kanyang hamak na tirahan para magtrabaho, nabagbag ang kanyang damdamin
at natigatig ang kanyang mga walang kapararakang pangarap. Umandar ang
kanyang imahinasyon at naisip niya ang mga tahimik na silid, na natatakpan ng
mabibigat na kurtinang Oryental, naiilawan ng mga nagtataasang sulo na yari sa
tanso, at binabantayan ng mga nagtatangkarang lalaki na may suot na
mahahabang medyas na umaabot hanggang sa tuhod at nahihimbing sa
malalaking sopa, dahil sa nakalilipos na init na nagmumula sa kalan. Naisip niya
umiiyak na ang kanyang asawa. Dalawang malaking patak ng luha ang tumulo
mula sa gilid ng kanyang mga mata patungo sa gilid ng kanyang labi.
"Ano'ng nangyayari sa iyo?"
Ngunit mabilis na nakabawi mula sa kanyang kalungkutan ang babae, at
kalmado siyang tumugon habang pinapahiran ang nabasang pisngi:
"Wala. Wala lang kasi akong maisusuot na damit kaya hindi ako makadadalo sa
kasayahang 'yan. Ibigay mo na lang ang imbitasyon sa kasamahan mo na may
asawang mas nababagay diyan kaysa sa akin."
Halos madurog ang puso ng lalaki.
"Sandali lang, Matilda," giit ng asawa. "Magkano ba ang isang simpleng damit na
nababagay sa ganyang okasyon, na maaari mo pang gamitin sa iba pang
pagtitipon?"
Ilang sandaling nag-isip ang babae. Inalala niya ang mga presyo ng ganoong
klaseng damit habang iniisip niya rin kung gaano kalaking pera ang pwede
niyang hingin sa asawa, na hindi matatanggihan at hindi rin ikagugulantang ng
lalaki.
Sa wakas, nag-aalinlangang sumagot ang babae:
"Hindi ako sigurado, pero pwede na siguro ang apat na raang francs."
Tila namutla ang lalaki, dahil ganitong halaga rin ang pinag-iipunan niya para
makabili ng isang baril. Binabalak niya kasing mamaril sa susunod na tag-araw
sa kapatagan ng Nanterre. Ito ang pinupuntahan ng kanyang mga kaibigang
"Sandali lang. Malamig sa labas. Baka magkasipon ka. Tatawag ako ng taxi."
Pero hindi siya pinakinggan ng babae at nagmamadali itong bumaba sa
hagdanan. Nang makalabas na'y wala silang maparang taxi. Nag-abang sila at
ilang beses nilang sinigawan ang mga taxing dumaraan.
Naglakad sila patungo sa Seine, tuliro at nangangatal sa lamig. Sa wakas ay
nakatagpo sila ng isang pipitsuging taxi na tuwing gabi lamang nagbibiyahe sa
Paris, dahil tila ikinahihiya nito ang kanilang kalumaan.
Inihatid ng taxi ang mag-asawa sa Rue des Martyrs, at malungkot nilang nilakad
ang daan patungo sa kanilang bahay. Iyon na ang wakas, naisip ng babae.
Kailangang nasa opisina na siya nang alas-diyes, naisip naman ng lalaki.
Hinubad ng babae ang mga kasuotang nakabalot sa kanyang balikat, upang muli
niyang mapagmasdan ang kanyang kagandahan sa harap ng salamin. Ngunit
bigla siyang napabulalas. Nawawala ang kuwintas!
"Bakit? Ano'ng problema?" tanong ng asawa, na halos nakahubad na.
Maligalig na bumaling ang babae sa lalaki.
"Naiwala ko ang kuwintas na hiniram ko kay Ginang Forestier"
Nabigla ang lalaki.
"Ano?! Imposible!"
Hinanap nila ang kuwintas sa bawat tupi ng kanyang kasuotan, sa ilalim ng
kaniyang coat, sa mga bulsa, sa lahat ng lugar. Pero hindi nila ito makita.
Buong araw na hinintay ng babae ang kanyang asawa. Di masukat ang kanyang
pagkawindang sa inabot nilang kamalasan.
Gabi na nang umuwi si Ginoong Loisel. Hapis at namumutla ang kanyang
mukha. Bigo ang kanyang paghahanap.
"Kailangang sulatan mo si Ginang Forestier," sabi ng lalaki, "at sabihin mo sa
kanyang napatid mo ang kalawit ng kuwintas at ipinapagawa mo pa ito nang sa
gayo'y may oras pa tayo para maghanap."
Isinulat ng babae ang idinikta ng asawa.
Natapos ang linggong iyon at naglaho na ang pag-asa ng mag-asawa.
Sabi ni Ginoong Loisel na tila tumanda ng limang taon:
"Dapat nating palitan ang nawalang diamante."
Kinabukasan, dinala ng mag-asawa ang kahong pinaglagyan ng kuwintas sa
alahero na ang pangalan ay nakasulat sa loob ng kahon. Kinonsulta ng alahero
ang kanyang talaan.
"Ginang, hindi ako ang nagbenta ng kuwintas. Maaaring ako lamang ang
nagbigay ng kalawit."
Nagpunta ang mag-asawa sa iba't ibang alahero. Naghanap sila ng kuwintas na
kapareho ng nawala. Pilit nilang inalala ang itsura nito, at nalipos sila ng pagsisisi
at labis na pagdadalamhati.
ang lalagyan. Kung napansin ng kaibigan ang ipinalit niyang kuwintas, ano kaya
ang iisipin nito? Ano kaya ang kanyang sasabihin? Isipin niya kaya na isang
magnanakaw si Ginang Loisel?
Naranasan ni Ginang Loisel ang labis na kahirapan. Sa umpisa pa lang ay
tinanggap na niya ng buong tapang ang kanyang kinahinatnan. Dapat na
mabayaran ang pagkakautang. Kaya iyon ay kanyang pagdurusahan. Pinaalis na
niya ang utusan. Lumipat silang mag-asawa ng tirahan. Nagtiyaga sila sa isang
maliit na kuwartong nasa pagitan ng isang bubungan at kisame.
Napilitang gawin ni Ginang Loisel ang mabibigat na gawaing-bahay at ang
kinabubuwisitan niyang trabaho sa kusina. Natuto siyang maghugas ng mga
pinggan. Dahil sa pag-iisis ng magagaspang na palayok at puwitan ng mga
kawali, nagasgas at numipis ang kanyang mamula-mulang mga kuko. Nilabhan
niya ang maruruming kubre-kama, ang mga baro at mantel, at isinampay niya
ang mga iyon. Tuwing umaga, itinatapon niya ang laman ng basurahan at umiigib
siya ng tubig. Kailangan niyang tumigil paminsan-minsan para habulin ang
kanyang paghinga. At suot ang hamak na damit ng isang pobreng babae, siya rin
ang namamalengke, dala ang kanyang basket. Naranasan niyang
makipagtawaran, mainsulto, at makipag-away para sa bawat sentimo ng kanyang
kakapiranggot na salapi.
May mga kasulatan sa pagkakautang na dapat bayaran buwan-buwan, ang iba'y
kailangang palitan ng bago, kaya't lalo pang tumagal ang mga pananagutan.
Sa gabi'y kailangang magtrabaho ni Ginoong Loisel bilang tagaayos ng talaan ng
isang negosyante. Sa bawat pahina, kumikita siya ng katiting na barya.
Tumagal ng sampung taon ang ganitong buhay ng mag-asawa.
Nang magwakas ang sampung taon, nabayaran na rin nila ang lahat ng mga
pagkakautang, pati na rin ang interes na ipinatong ng mga usurero.
Malaki ang itinanda ni Ginang Loisel. Katulad na siya ng iba pang matatag na
mga babae na nasanay na sa kahirapan. Hindi na maayos ang kanyang buhok,
masagwa na ang kanyang damit, at maligasgas na ang kanyang mga palad.
Garalgal na ang kanyang boses, at kapag nagpupunas siya ng sahig, nagkalat
ang tubig sa paligid. Minsan, kapag nasa opisina ang kanyang asawa,
napapatigil ang babae sa tabing-bintana at naaalala niya ang gabing iyon, ang
gabi ng kasayahan kung saan nagningning ang kanyang kagandahan at labislabis siyang hinangaan.
Ano kaya ang nangyari kung hindi niya naiwala ang kuwintas? Sino nga ba ang
nakaaalam? Sadyang napaka-hiwaga ng buhay! Napaka-salawahan! Maaaring
mawasak o mabago ang lahat sa isang mumunting dahilan lamang!
Isang Linggo, habang naglalakad siya sa Champs-Elysees upang magpahinga,
nakita ni Ginang Loisel ang isang babae na namamasyal kasama ang kanyang
anak. Si Ginang Forestier pala iyon, at mukha pa rin siyang bata, maganda, at
kaakit-akit.
Nakaramdam si Ginang Loisel ng pag-aalinlangan. Dapat niya bang kausapin si
Ginang Forestier? Oo, dapat lang. At ngayong nabayaran na niya ang kanyang
mga utang, ikukuwento ni Ginang Loisel sa kanyang kaibigan ang lahat ng
nangyari.
Nilapitan ni Ginang Loisel si Ginang Forestier.
"Magandang umaga, Jeanne."
Hindi agad nakilala ni Ginang Forestier si Ginang Loisel. Nabigla pa nga ito dahil
sa kapangahasan ng pobreng babae.
"Ngunit Ginang" pautal na sabi ni Ginang Forestier. "Hindi kita kilala
Nagkakamali ka"
"Hindi Ako si Matilda Loisel."
Nabigla ang kanyang kaibigan.
"Ay! Ikaw pala 'yan, Matilda! Ang laki ng ipinagbago mo!"
"Oo Naghirap kasi ako mula nang huli tayong nagkita. At marami akong
dinanas na kalungkutan Dahil sa iyong kagagawan"
"Kagagawan ko!? Paano nangyari iyon?"
"Naaalala mo ba 'yung diamanteng kuwintas na ipinahiram mo sa akin para sa
kasayahan noon sa Ministro?"
"Oo. Ano'ng kinalaman noon?"
"Naiwala ko iyon."
"Hindi ba't ibinalik mo naman iyon sa akin?"
"Ang ibinalik ko sa iyo ay kawangis lamang noon At pinagbayaran namin iyon
sa loob ng sampung taon. Alam mo namang hindi ganoon kadali para sa amin
ang magbayad ng utang. Wala kaming pera Pero bayad na iyon ngayon At
natutuwa ako dahil tapos na ang aming obligasyon."
Epiko ni Gilgamesh
Ang kuwento ay nagsisimula sa pagpapakilala kay Gilgamesh na hari ng Uruk. Si
Gilgamesh na 2/3 diyos at 1/3 tao ay umaapi sa kanyang mga tao na umiiyak sa
mga diyos para tulungan. Para sa mga babae ng Uruk, ang pang-aaping ito ay
may anyong droit de seigneur o "karapatan ng panginoon" na makipagsiping
sa mga bagong ikinasal na babae sa kanilang gabi ng kasal. Para sa mga lalake
(ang tableta ay napinsala sa puntong ito), ipinagpalagay na ang mga ito ay
pinapagod ni Gilgamesh sa pamamagitan ng mga laro, pagsusubok ng lakas o
marahil ay pwersahang pagtatrabaho sa mga proyekto ng pagtatayo. Ang
mga Diyos ay tumugon sa mga pagsusumamo ng mga ito sa pamamagitan ng
paglikha ng isang katumbas kay Gilgamesh upang lituhin ito. Ang mga diyos ay
lumikha ng isang primitibong tao na si Enkidu na natatakpan ng buhok at
nabubuhay sa parang kasama ng mga hayop. Siya ay nakita ng isang
tagapagbitag na ang kabuhayan ay nawasak dahil binubunot ni Enkidu ang
kanyang mga bitag. Sinabi ng tagapagbitag kay Gilgamesh ang tungkol sa lalake
at inihanda kay Enkidu para akitin ang isang patutot. Ang pang-aakit kay Enkidu
ni Shamhat na isang patutot ng templo ang kanyang unang hakbang tungo sa
kabihasnan at pagkatapos ng pitong araw ng pakikipagtalik sa kanya, siya ay
nagmungkahi na ibalik siya sa Uruk. Samantala, si Gilgamesh ay nagkaroon ng
mga panaginip na nauukol sa malapit na pagdating ng isang minamahal na
bagong kasama.
Pagkatapos magsiping nina Enkidu at Shamhat, ang mga mabangis na hayop ay
hindi na tumutugon kay Enkidu gaya ng nakaraan. Inihayag ni Shamhat na si
Enkidu ay naging tulad ng isang diyos. Tinuruan ni Shamhat si Enkidu kung
Sa panaginip ni Enkidu, ang mga diyos ay nagpasya na ang isa sa mga bayani
ay dapat mamatay dahil kanilang pinatay si Humbaba at ang Toro ng langit. Sa
kabila ng mga pagpoprotesta ni Shamash, si Enkidu ay minarkahan para sa
kamatayan. Sinumpa ni Enkidu ang dakilang pinto na kanyang hinugis para sa
templo ni Enlil. Kanya ring sinumpa ang tagabitag at si Shamhat dahil sa pagaalis sa kanya mula sa parang. Pinaalalahanan ni Shamash si Enkidu na si
Gilgamesh ay magkakaloob ng mga dakilang parangal sa kanya sa kanyang
puneral at gagala sa parang na nalamon ng lungkot. Nalungkot si Enkidu sa
kanyang mga sumpa at pinagpala si Shamhat. Gayunpaman, sa ikalawang
panaginip, nakita niya ang kanyang sarili na nabihag sa daigdig ng mga patay ng
isang nakakatakot na anghel ng kamatayan. Ang daigdig ng mga patay ay isang
bahay ng alikabok at kadiliman na ang mga naninirahan dito ay kumakain ng
putik at nadadamitan ng mga balahibo ng ibon at pinangangasiwaan ng mga
nakakatakot na nilalang. Sa loob ng 12 araw, ang kondisyon ni Enkidu ay lumala.
Sa huli, pagkatapos managhoy na hindi niya matatagpo ang isang kamatayang
pang bayani sa labanan, siya ay namatay.
Si Gilgamesh ay naghatid ng isang panaghoy para kay Enkidu kung saan ay
tumawag siya sa mga kabundukan, mga kagubatan, mga parang, mga ilog, mga
mababangis na hayop at sa lahat ng Uruk upang magdalamhati para sa kanyang
kaibigan. Sa pag-alala sa kanilang magkasamang paglalakbay, hinatak ni
Gilgamesh ang kanyang buhok at nagdamit sa pagdadalamhati. Siya ay
nagkomisyon ng isang estatwang puneraryo at nagbigay ng mga regalo sa
libingan mula sa kanyang lalagyan ng kayamanan upang masiguro na si Enkidu
ay may isang kanais nais na pagtanggap sa sakop ng mga namatay. Ang isang
malaking piging ay idinaos kung saan ang mga kayamanan ay inalay sa mga
diyos ng daigdig ng mga patay. Bago ang patid sa teksto, may mungkahi na ang
ilog ay sinumpa na nagpapakita ng isang paglilibing sa isang kama ng ilog gaya
ng sa tumutugong tulang Sumeryo na Ang Kamatayan ni Gilgamesh.
Ang tabletang siyam ay nagbubukas kay Gilgamesh na gumagala sa parang na
nadadamitan ng mga balat ng hayop at nagdadalamhati kay Enkidu. Sa takot sa
Si Gilgamesh ay nagreklamo kay Enkidu na ang kanyang iba ibang mga pag-aari
(ang tableta ay hindi maliwanag, ang iba ibang salin ay nagsasama ng isang
tambol at bola) ay nahulog sa daigdig ng mga patay. Nag-alok si Enkidu na
muling ibabalik ang mga ito. Sa pagkagalak, sinabi ni Gilgamesh kay Enkidu
kung ano ang kanyang dapat at hindi dapat gawin sa daigdig ng mga patay kung
siya ay babalik. Ginawa ni Enkidu ang lahat na sinabi sa kanyang huwag gawain.
Pinanatili siya ng ilalim na daigdig. Si Gilgamesh ay nanalangin sa mga diyos na
ibalik ang kanyang kaibigan. Sina Enlil at Suen ay hindi tumugon ngunit sina Ea
at Shamash ay nagpasyang tumulong. Si Shamash ay gumawa ng isang biyak
sa daigdig at ang multo ni Enkidu ay lumandog mula dito. Ang tableta ay
nagwawakas kay Gilgamesh na nagtatanong kay Enkidu ng tungkol sa kanyang
nakita sa daigdig ng mga patay.
Ayon sa tabletang ito, ang langit at lupa ay hiniwalay at ang mga tao ay nilikha.
Pinili nina Anu at Enlil ang langit at lupa para kanilang tirhan. Si Ereshkigal ay
binigyan ngmundong ilalim at si Enki ay tumungo sa isang kalalimang matubig sa
ilalim ng mundo. Ang isang puno (tree) ay itinanim sa isang pampang ng
Ilog Euphrates na hinipan ng hangin at tinangay sa ilog. Nakita ni Inanna na
Reyna ng Kalangitan ang puno at inuwi ito sa kanyang "banal na hardin" at
itinanim at inalagaan na umaasang mula dito ay makakagawa siya ng isang
kama at trono. Nang ang puno ay lumago, si Inanna ay napigilan sa paggamit ng
puno dahil ang ahas ay tumira sa ugat ng puno, ang isang ibong Z ay gumawa
ng isang pugad sa tuktok ng puno at ang isang ki-sikil-lil-la-ke na isinalin
bilang Lilith ay gumawa ng bahay sa gitna ng puno. Pumasok si Gilgamesh sa
hardin ni Inanna at pinatay ang ahas ng kanyang palakol na sumindak sa ibon at
ki-sikil-lil-la-ke. Kinalag ni Gilgamesh ang mga ugat ng puno at pinutol ito ng
kanyang mga kasama. Mula sa sanga ng puno ay gumawa si Gilgamesh ng
kama at trono para kay Inanna. Gumawa si Inanna ng dalawang bagay mula sa
puno, ang pukku mula sa mga ugat nito at mikku mula sa korona at ibinigay niya
ito ay kay Gilgamesh na hari ng Uruk. Isang araw, ang mga regalong ito ay
nahulog sa mundong ilalim at si Gilgamesh ay nabagabag na hindi niya ito
Epiko ni Gilgamesh