You are on page 1of 5

Castor, Karelle Manueli

10 – Sartre

Ang Lalaking Buffalo

Sa isang malayong lugar ay may mahirap na matandang mag-asawa. Hindi sila makakuha ng sapat
na pagkain at wala rin silang anak kaya’t wala silang makatulong sa paghahanap ng kanilang makakain.
Dahil sa kagutuman, lumabas ang matandang lalaki upang magbaka-sakali. Sa daan ay nakakita siya ng
bakas ng kawan ng buffalo. Sinundan niya ang bakas hanggang sa lugar kung saan huminto ang kawan.
Tanging namuong dugo lamang ang kanyang natagpuan, hinubad niya ang kanyang kamiseta at binalot ang
namuong dugo.
Nang gabing iyon, nagpakulo ng tubig ang matandang babae at inihulog ang namuong dugo sa
kaldero. Subalit bago pa kumulo ang tubig ay nakarinig silang mag-asawa ng iyak n isang sanggol na lalaki
mula sa loob ng kaldero. Kinuha niya ang sanggol at pinatuyo sa kanyang bisig at inari nila ito bilang tunay
na anak. Napansin ng mag-asawa ang mabilis na paglaki ng bata sa loob lamang ng ilang araw. Nagulat ang
matandang lalki sa kanyang natuklasan, napakahusay ng bata sa pagpana. Sinabi niya sa matandang babae
na bihasang mangaso ang kanilang anak at nais niyang utusan ito upang kumuha ng kanilang makakain.
Kinabukasan, inutusan ng matandang lalki ang batang mangaso. Mabilis at nananabik pang
tumalima ito s autos ng ama. Hindi naglaon ay bumalik siyang may dala-dalang hayop na mas malaki sa
daga. Niluto nila ito at kinain. Kinabukasan, muling nangaso ang bata at nakapag-uwi ng kuneho na siya
nilang ipinanghapunan. Ganoon uli ang ginawa ng bata nang sumunod na mga araw at nakahuli naman siya
ng mga hayop gaa ng badger, usa, elk, at marami pang iba na ginawa nilang pagkain.
Lumipas ang mga araw at naging ganap na binata ang ampon ng mag-asaawa. Nais niyang
bumisita sa isang lugar kung saan maraming tao ngunit bago siya umalis ay tiniyak niyang may sapat na
pagkain ang kinalakhang mga magulang hanggang sa mga huling sandal ng buhay ng mga ito.
Makalipas ang ilang araw ng paglalakbay, napadpad siya sa isang tribu. Nakaharap niya ang
pinuno at matapat niyang sinabing hinahanap niya ang kanyang kalahi ngunit hindi niya alam kung saan
siya nagmula. Sa habag ng pinuno ay kinupkop siya’t hinayaang mamalagi sa kanyang tribu. Hindi naglaon
ay umibig ang binata sa anak na dalaga ng pinuno. Dahil sa angking kagalingan sa pangangaso,
pinahintulutan siya ng pinunong makasal sa dalaga.
Isang gabi, sinabi ng lalaki sa buong tribu na may malaking bagyong parating. Ibinilin niyang itali
nang mahigpit ang kanilang mga tepee. Kinaumagahan, nakita nilang may mga patay na buffalo sa harapan
ng bawat tepee. Noon napagtanto ng lalaki na siya ay bahagi ng tribu ng buffalo ngunit labis niyang mahal
ang kanyang asawa kaya’t ibinilin niya na upang manatili siya sa piling nito, hindi dapat bigkasin ang mga
katagang bisirong buffalo.
Pagkalipas ng ilang linggo, habang naghahanda ang mga tao sa panghuhuli ng buffalo, sa labis na
kasabikan sa gawain, nakalimutan ng babae ang tagubilin ng kanyang asawa. Malakas itong sumigaw ng
“Patayin ang bisirong buffalo!” Kagyat ay tumalilis ang lalaki palayo sa tribuo, nagpapalit-anyong buffalo
habang tumatakbo. Tinawag siya ng asawa upang bumalik ngunit hindi na siya lumingon. Namuhay siya sa
mga nalalabi niyang araw kapiling ang kanyang kauri – ang mga buffalo.
Hinding-hindi Ako Iibig Muli
  Isang magaling na iskultor ng Cyprus si Pygmalion. Labis na siyang namumuhi sa kababaihan at
naniniwala siyang ang ugat ng kasalanan ay ang mga babae kaya’t isinumpa niya sa sariling hnding-hindi
siya iibig at magpapakasal kaninuman. Sapat na sa kanya ang kanyang sining. Magkagayunpaman, ang
pinagbuhusan niya ng kanyang talino ay ang babae. Hindi niya maitatawag ang kinamumuhian ng kanyang
isip nang gayon kadali sa kanyang buhay ang hinuhubog niya at isang perpektong babae pa upang ipakita
sa ibang kalalakihan ang kakulangan ng kanilang mga kinahuhumalingan.
Nagbuhos siya ng panahon at kahusayan sa paghubog ng estatwa, hanggang sa makalikha siya ng
hindi matatawarang obra. Napakaganda na ng kanyang gawa ngunit hindi pa rin siya kuntento. Masinsin
niya itong pinakinis, hanggang sa ito’y maging pulido at perpekto. Nang matapos, pinagmasdan niya ang
napakagandang mukha nito. Walang babaeng maihahalintulad o anuman likhang sining ang maihahambing
ditto! Nang wala nang maiayos sa perpektong estatwang ito ay may kakaibang pangyayaring naganap na
sadyang hindi maipaliwanag – umibig ang manlilikha sa kanyang obra! Isang pag-ibig na matimyas. Labis
niyang minahal ang kanyang nilikha – malalim at masimbuyong pag-ibig. Kung mamasdan at susuriin, tila
hindi mapapansin o mapagkakamalang yari sa kahoy o mamahaling hiyas kundi isang tunay at mahimbing
na natutulog na nilalang ang kanyang obra. Isang kamangha-maghang gawa ng mapinong binate. Ang
tugatog ng pananagumpay ay nasa kanyang sining.
Magmula noon, ang isinumpang kasarian ang nagpahirap ng kanyang kalooban. Walang hihigit sa
kawalang pag-asa ng isang umiibig sa malumbay na si Pygmalion. Hinahagkan niya na mapang-akit na
mga labi ngunit walang katugon; hinahaplos niya ang mga kamay, at ang maamong mukha na wala naming
katinag-tinag; pinapangko niya sa kanyang bisig ngunit nananatiling malamig at walang tugon ang
kaulayaw. May panahong nagpanggap siyang batang naglalaro. Subukan niyang bihisan ng iba’t ibang
naggagandahan roba at naiisip niyang nalulugod ang kapiling. Dinadalhan niya ng iba’t ibang regalo
katulad ng paghahandog ng isang nanunuyong binate sa dalaga, mga ibon, iba’t ibang bulaklak at nakikini-
kinita niya ang masayang mukhang tugon na may lakip na pag-ibig. Inihihiga niya ito sa malambot na
kama at kinukumutan pa upang hindi ginawin sa gabi – katulad ng ginagawa ng isang batang babae sa
kanyang manika. Ngunit hindi na siya bata, hindi siya makakapagpanggap nang matagal. Sa huli siya’y
sumuko, tunay na aba at kahabag-habag ang kanyang anyo – iginupo ng isang pag-ibig sa isang walang
buhay.
Ang marubdob na pag-ibig na ito’y hindi nalingid sa diyosa ng pag-ibig na si Venus. Nasaksihan
niya ang kamangha-manghang pag-ibig na iyon ng natatanging mangingibig at siya’y desididong tulungan
ang binatang lipos ng pag-ibig.
Ang pista ni Venus ay nagmula sa Cyprus kung saan siya kinikilalang diyosa. Ang mga handog na
makikinis at mapuputing sungay ng usa ay nasa kanyang altar. Ang usok ng insenso ay maaamoy mo sa
saanmang dako. Sa karamihan ng mga naroon sa kanyang temple ay makikita si Pygmalion na
nananalanging tulungan siya ng diyosa na makatagpo ng katulad ng kanyang obra ngunit talos na ng diyosa
ang nasa puso ng binate. Bilang tanda na dininig niya ang panalangin ni Pygmalion, tatlong ulit niyang
pinagningas ang apoy sa altar na mabilis bumulusok sa hangin. Ang lahat ng ito’y nasaksihan ng binate.
Ang palatandaang iyon ang nagsilbing alaala kay Pygmalion kaya’t nagmamadali siyang umuwi at
hinanap ang nilikhang pinaghandugan ng kanyang puso. Naroroon sa kanyang pedestal ang
nakamamanghang kagandahan. Hinaplos niya ito at ito’y tumugon. Natigilan si Pygmalion. Siya ba’y
nililinlang ng kanyang damdamin? O lubos ngang nararamdaman niya ang init ng kanyang halos? Siniil
niya ang labi ng kanyang obra nang buong pagsuyo at naramdaman niya ang mainit na pagtugon nito.
Hinawakan niya ang mga kamay, mga braso, at mga balikat nito. Ang katigasan nito’y nawala katulad ng
pagkalusaw ng kandila sa kainitan ng araw. Ginagap niya ang braso ng kanyang nilikha, may pulso ito at
pumipintig! Naisip niya kaagad si Venus. Ginawa lahat ito ng diyosa ng pag-ibig! Hindi kayang mamutawi
sa kanyang mga labi ang labis na pasasalamat at kaligayahan. Niyapos niya ang minamahal. Makikita sa
mga mata ni Pygmalion ang tugon: mabining ngiti at namumulang mukha.
Pinarangalan ang kanilang pag-iibigan at maging ang diyosa ng pag-ibig ay dumalo upang
masaksihan ang kanilang pag-iisang dibdib. Walang makapagsasabi kung ano ang nangyari pagkatapos,
maliban sa pinangalanang Galatea ni Pygmalion ang minamahal. Ang kanilang anak ay tinawag naman
niyang Paphos, sunod sa pangalan ng lugar kung saan ipinanganak si Venus.

Amaterasu
Ayon sa Kojiki, noong unang panahon, ang mag-asawang Izanagi at Izanami ay masayang
nagsasama. Sila ang diyos at diyosang responsible sa paglikha ng kapuluan ng Japan. Nagkaroon sila ng
walong anak. Sa kasamaang palad, nasawa sa panganganak si Izanami sa bunsong si Kagutsuchi. Dahil sag
alit, piñata ni Izanagi ang sanggol.
Nalungkot nang husto si Izanagi sa pagkawala ng asawa kaya’t pinuntahan niya ito sa Yomi, ang
madilim na lupain ng mga patay. Natagpuan niya si Izanami at pinilit na isama pabalik sa kanilang tahanan
sa daigdig ng mga buhay. Pumayag ang diyosa subalit nagsabi itong mammahinga na muna sa kanyang
silid.
Nainip sa paghihintay si izanagi kaya’t lihim niyang pinuntahan ang asawa. Pagpasok niya sa
kuwarto, tumambd sa kanya ang naaagnas at iinuuod na katawan ng dating maganda at kahali-halinang si
Izanami. Napatakbo sa takot si Izanagi at nagmamadaling nilisan ang Yomi.
Pagdating ni Izanagi sa kanyang tirahan, agad niyang nilinis ang sarili. Nang siya ay naghilamos,
isang diyosa at dalawang bathala ang lumabas mula sa kanyang mukha. Si Amaterasu-omikami, ang diyosa
ng araw, ay nanggaling sa kanyang kaliwang mata. Si Tsukuyomi, ang diyos ng buwan ay nagmula naman
sa kanang mata ni Izagani. Lumabas sa ilong si Susanoo, ang diyos ng bagyo at dagat. Itinalaga ni Izagani
ni Amaterasu na mamuno sa kalangitan at ipinagkaloob ditto ang sagradong kuwintas niya. Nagalit si
Susanoo sa ginawang ito ng ama. Nagreklamo ito at dahil doon, pinarusahan siya ni Izanagi. Sa halip na
[amunuan ang katubigan, ipinatapon niya si Susanoo sa Yomi. Bago umalis, nagtungo siya sa kalangitan
upang umano’y magpaalam kay Amaterasu.
Gayunpaman, naghihinala si Amaterasu na nais lamang ng kanyang kapatid na agawin ang
kanyang kaharian kaya’t pinaghandaan niya ang isang digmaan. Dala ang sandatang busog at palaso,
naghamon siya ng pakikipagtunggali at pumadyk sa mundo na nasa kanyang paanan. Sinabi ni Susanoo na
wala siyang balak agawin ang kapangyarihan kay Amaterasu at sa halip ay sinabi niyang patunayan nila
kung sino ang lubos na makapangyarihan sa pamamagitan ng paglikha ng mas maraming diyos.
Sinimulan ni Amaterasu ang tunggalin sa pagbali ng espada ng kapatid sa tatlo; nginuya niya ito at
inuluwa. Lumabas ang ulap mula sa kanyang bibig at nabuo ang tatlong diyosa. Kinuha ni Susanoo ang
kuwintas ng buhay na nakatali sa buhok at braso ni Amaterasu. Kinagat niya ang beads ng kanyang ngipin
at mula rito ay lumabas na limang diyos. Ipinahayag ni Susanoo ang kanyang pagkapanalo subalit hindi
pumayag ang kapatid at sinabing siya ang nanalo dahil nagmula ang mga ito sa kanyang alahas. Hindi
pinansin ni Susanoo ang pagtutol ni Amaterasu at sa halip ay nagdiwang ito sa pamamagitan ng pagdadala
ng napakalaking kasiraan sa daigdig. Winasak niya ang mga palayan at ang mga irigasyon ng tubig. Nagalit
nang lubusan si Amaterasu nang balatan ni Susanoo ang isang kabayo at ihagi ito sa lugar kung saan
naghahabi ang kapatid at kanyang mga utusan. Isa sa mga utusan ni Amaterasu ang namatay sa matinding
takot. Dahil sa pangyayaring ito, idagdag pa ang ginawa ni Susanoo sa kabayo na itinuring na sagrado ng
diyosa, nagpupuyos sa galit na umalis si Amaterasu at nagtago sa kuweba ng Iwayado. Bunga nito, binalot
ng kadiliman ang buong daigdig.
Ang mga diyos ng kasamaan ay lubos na nagdiwang dahil magagawa nila ang masasamang balak
nang hindi makikilala. Ngunit ang mabubuting diyos ay nakiusap sa diyosa ng araw na bumalik na sa
daigdig ngunit hindi sila pinakinggan nito. Nagplano ang mga diyos at diyosa. Nakakita sila ng tatyaw na
tumitilaok sa pagbubukang-liwayway. Gumawa sila ng salamin sa pamamagitan pagsasabit ng mga hiyas.
Pagkaraang maihanda ang tatyaw at salamin sa labas ng kuweba ni Amaterasu, pinakiusapan nila ang
diyosa ng bukang-liwayway na si Ameno-uzume na sumayaw nng pabaligtad.
Nagsimulang tumilaok ang tatyaw at sumayaw ang diyosa, ang kanyang paa’y lumikha ng
napakalakas na ingay. Hanggang sa madala ang diyosa ng kanyang sayaw at hinubad  ang kanyang
kasuotan. Lahat ng mga diyos na lalaki ay nagtawanan. Hindi napigilan ni Amaterasu ang sarili na usisain
ang nagyayari kaya’t lumabas siya. Bumungad sa kanya ang sariling anyo sa salamin at nabihag siya ng
kanyang sarili. Noon lamang niya nakita ang kanyang maringal na kagandahan. Nawala ang kalungkutan ni
Amaterasu. Muli niyang niliwanagan ang daigdig at nakipamuhay muli.

Si Indra at Ang Mga Langgam


Si Indra ang kinikilalang diyos ng bagyo at digmaan. Mababasa sya RigVeda bilang hari ng mga
diyos na kulay ginto o pula, malaki at nakatatakot na mandirigma. Sa kanyang kanang kamay naroroon ang
kidlat na ginagamit niya upang puksain ang kaaway o upang buhayin ang mga namatay sa digmaan.
Mula sa kuwentong nakapaloob sa Brahma Vaaivarta Puran, natalo ni Indra si Vistra at
nagpakawala ng tubig, Nang maging hari ng mga diyos, inutusan ni Indra ang manggagawang si
Vishvakarma na ipagayo siya ng maringal na palasyo. Puno ng kahambugan, patuloy niyang inuutasan ang
manggagawa upan maging pinakamaringal ang kanyang palasyo, sa huli ay nagsawa na ito sa kasusunod
kay Indra kaya’t himnig n ito ng tulong kay Brahma, ang manlilikha. Lumapit si Brahma sa pinkamataas na
diyos na si Vishnu at humingi ng tulong.
Dumalaw si Vishnu kay Indra sa katauhan ng isang batang Brahma at malugod naman siyang
tinanggap nito. Pinuri ni Vishnu ang napakaringal na palasyo ni Indra at sinabing wala pang naging hari
ang nagkaroon ng gayong karingal karingal na palasyo. Sa simula ay nagmalaki si Indra sa kagandahan ng
kanyang palasyo at nalilibang sa kaalaman ng bata sa mga ninuno ng hari ngunit siya’y nanghilakbot nang
magkuwento ang bata ukol sa paglikha at kamatayan ng kanyang mga ninuno, maging ang hindi mabilang
na daigdig na may kani-kaniyang Indra. Sinabi ng batang nakita na niya ang lahat ng iyon. Habang
nagsasalita, nakita ng bata ang isang hanay ng mga langam na naglalakad sa bulwagan. Tumawa ito nang
malakas. Nagtanong si indra nang may kababaang loob kung bakit siya nagtatawa at sinabi ng bata na ang
mga langgam na kanilang nakikita ay mga dating Indra. Isa pang panauhin ang dumating sa bulwagan, si
Shiva, na nag-anyong ermitanyo. Sa kanyang dibdib ay nakapaikot ang mahabang buhok ngunit may
puwang sa gitna. Ipinagtapat ni Shiva na ang bawat hibla ng buhok ay katumbas ng buhay ng isang Indra,
kapag nahulugan ito ng isang buhok, isang Indra ang mamamatay at papalitan ng iba.
Nawalan ng paghahangad sa kayamanan at karingalan si Indra. Ginantimpalaan niya si
Vishvakarma at hindi na pinagawa pa angkanyang palasyo. Napagpasyahan niyang talikuran ang maluhong
pamumuhay upang maging ermitanyo at hanapin ang karunungan. Nanghilakbot ang kanyang asawang si
Shuchi nang malaman ito kaya’t agad siyang dumulong sa paring si Brihaspati upang mapagbagoang isipng
asawa. Itinuro ng pari kay Indra ang kabutihan ng dalawang pamumuhay: ang espiritwal at makamundong
pamumuhay. Sa huli, natutuhan ni Indra na ipagpatuloy ang paghahanapsa karunungan habang
ginagampanan ang tungkulin ng isang hari.

Anubis
Si Anubis ay isa sa mga diyos ng patay. Sinasabing siya ang ikaapat na anak ni Ra, ang diyos ng
araw. Subalit ayon sa bagong natuklasang kasulatan, si Anubis ay anak ng diyosa ng kamatayan na si
Nephthys, kundi kay Osiris na diyos ng kamatayan ay kay Set,ang diyos ng kasamaan na kapatid ni Osiris.
May kakaibang anyo si Anubis. Ang katawan niya ay sa tao ngunit ang ulo niya ay sa jackal,
katulad ng isang mabangis na aso. Nang maglibot sa mundo si Osiris, sinamahan siya ni Anubis. Ngunit
nang patayin ni Set si Osiris, si Anubis ang tumulong kina Isis at Nephthys na isaayos ang bangkay.
Napagdesisyunan niyang ibalot ng tela ang buong katawan ni Osiris upang hindi masira ng hangin. Ito sa
kasalukuyan kilala bilang mummification. Siya rin ang pinaniniwalaang kasama ng mga namamatay sa
bago nilang daigdig, ang Tuat o underworld. Makikita ang mga imahe ni Anubis na nagbabantay sa
libingan ng ma paraon.
Ayon sa Aklat ng mga Patay, dapat na inaalis ang mga lamang loob ng mga namayapa, maliban sa puso na
pinangangalagaan ng scarab beetle. Si Anubis ay kasama rin sa mga nagpapasya kung saan mapupunta ang
mga namamatay.

You might also like