You are on page 1of 3

Character that I want to tell the story: Aphrodite

Character:The Goddess of Beauty and sexual love at may mausisang kaisipan

Flow: naay na meet si aphrodite na lalaki

Nagmahalan sila

Binigyan ito ng regalo ni aphrodite

Binigo ng lalaki ang kanilang pagmamahalan

Aphrodite cursed the mirror that evrytime he looks into it mawawalan papangit siya at mawawalan ng
pag asa or;

Babalik siya sa kanyang pangit na anyo

Lesson to this story: Love is the powerful thing on earth pero kapag inaabuso na eto at hindi na
pagmamahalan ang gawa nito maari itong makasaira ng kaisipan, lalong lalo na ang pag tira mo
dito sa mundo at mawawalay ang saysay sa iyong buhay

Or

Don’t love someone kung naa kay kinahanglan sa iya, love him beause that’s what your heart felt.

Maging makuntento ka kung anong meron sa iyo

Noong unang pinakamahiwagang panahon may isang tagong lawa na nagngangalang


Caspian, makikita dito ang mga iba’t ibang uri ng bulaklak at kulay nito, hayop, klaseng-klaseng
halaman , makinang at malinaw na tubig galing sa lawa, may isang dalaga na naninirahan na
nagngangalang Aphrodite. Siya ay tinaglayan ng pinaka may magandang mukha, siya din ang
tinaglayan na tagapangalaga sa lawa ng Caspian. Siya ay mausisa sa mga bagay-bagay sapagkat
hindi siya maka gala sa ibang lugar dahil sa sumpa o proteksiyon lang ba na ibinigay ni Zeus.
Tinalagyan siya ng kanyang ama na si Zeus ng kapangyarihan na makapagbago ng anyo ng isang
tao at makakita ng pangyayari na hinaharap ng isang tao.

Sa isang nayon may isang kastilyo, hindi malayo sa lawa ng Caspian, may nakatirang isang
hindi ka-ayaaya na mukha at may masamang uri na ugali. Siya ay isang anak ng hari sa kaharian
ng Barbanian na nagngangalang Alphonse. Labis na pagkadismaya ang mga magulang nito dahil
sa kanyang pangit na ugali at dahil nakaka-abala na siya sa mga tao lalo na ang mga kasambahay
sa palasyo. Hindi siya makuntento sa mga bagay na ibinibigay ng mga tao sa kanya, iginiit din
niya na gusto niyang maging hari na sa palasyo kahit ang kanyang ama ay hindi pa patay.

Isang araw, napagisipan ng kanyang magulang na ipalakbay siya sa malayong lugar upang sa
tungo niya sa paglalakbay maisip niya ang kaniyang mga ginagawa at lalaki siya bilang isang tao na may
puso at may kamuwang-muwang sa paligid niyang ginagalawan, “Ama, bakit mo naman akong
ipinapatapon kung saan saan? Mukhang anak lang ako sa labas na kaya mong ipagtabuyan, nararapat ba
sa akin ang parusa na ipinapatawan mo para ako’y magdusa ng gan’to?” saad niya na paiyak, “Anak,
masakit man sa damdamin na kailangan kita pakawalan, ngunit ito’y nararapat upang lumaki ka ng may
isip, malasakit, at higit sa lahat may puso. Isa ka mang pasaway at sanhi ng sakit sa ulo, ngunit hindi pa
din magbabago ang katotohanan na anak kita”, sagot ng ama. Walang magawa ang kaniyang anak dahil
sa labas na pagtabuyan ng ama nito. Umiyak at humahagolgol siya habang umaalis sa palisyo ng
kaniyang tinitirhan

Sa kaniyang paglalakbay sa kapaligiran, may nakita siyang paroparo na mukhang mahiwaga na


nilalang dahil sa laki, kulay, at porma nito. Agad niya itong sinundan at ito’y nagtungo sa lawa ng
Caspian, agad din siya namanghawa sa mga kapaligiran nito, parang ngayon lamang siya nakakakita ng
kamangha-mangha na lugar na nagtungo sa kanyang malaking ngiti at pagkalula niya, “Papaano kong
ngayon lamang kita natuklasan mahal kong lawa, ikaw ang nag buhay at nagpasaya sa akin simula nung
ako’y tinaboy ng aking ama”. Sa kaniyang pagmamasid may isang babae na napakaganda, siya ang
pinakamagandang babae nakita sa balat ng buong mundo at ito pala ay si Aphrodite. Habang umuupo si
Aphrodite sa bato ng Caspian at nagsusuklay sa kanyang malaginto na buhok, at saka siya naglakad ng
napakabagal habang namamanghaan niya ang ganda ng mukha ni Aphrodite.

Laking gulat nilang dalawa dahil sa kanilang pagkita, “Magandang Binibini, ba’t ka nandito sa isang
magandang lugar? Tila ba’y ikaw nay nawala dito sa at iyong natagpuan binibini? Kung gayon parehas
lang tayo ng karanasan binibini” tila ba’y nagbago ang pagkatao ni Alphonse ng makita ang dalagang
babae. Saad naman ni Aphrodite na para bang , “Abay ginoo isa akong tagapangalaga ng lawa dito, dito
din ako nakatira sa Caspian” sagot niya na para bang nanguuyam. Dahil sa ganda ni Aphrodite nabihag
ang mga mata nito sa kanya at itoy niligawa, pinupuntahan siya araw araw at hinaharanahan ito ng
kaniyang mga kanta, sinusulatan ng mga tula kung saan nababahagi at makakalikip na damdamin nito.
Dahil sa mga gawain ni Alphonse nabihag na din ang puso ni Aphrodite kahit ang kaniyang mukha at di
ka aya-aya dahil nakita niya kung ano ang intention ni Alphonse kay Aphrodite, kaya niya ito sinagot sa
pagpanliligaw kay Aphrodite.

Noong makalipas ang isang taon sa anibersaryo ng kanilang pagmamahalan, may ineregalo si
Aphrodite kay Alphonse isa itong ginto na salamin na hindi alam ni Alphonse isa hindi itong
pangkaraniwang salamin ngunit may taglay itong kapangyarihan na makapagbago ng anyo at makikita
ang kasalukuyan (mukhang isang camera kung baga), nagtataka si Alphonse kung bakit binigyan siya ng
salamin ngunit ito pa din ay nagpapasalamat. Noong umalis si Alphonse sa lawa habang daladala niya
ang salamin may nakita siyang isang magandang babae na nagngangalang Vian, siya ay isang anak ng
magsasaka sa baranggay Christina isang mabait, masipag, mala-manika ang kaniyang kutis at porma ng
kanyang mukha.

Dahil natamaan siya ng pag-ibig sa unang tingin hinahangaan niya ito mula sa malayo dahil na alala
niya na may nagmamay ari na sa kanya na walang iba na si Aphrodite, naisip niya din na kung maganda
ang kaniyang uri o mukha makuha niya din si vian ng walang pagsisikap o pagtrabaho sa kanya. “Kung
may isang bagay na maari kong hihilingin sana magbago ang aking anyo at maging ka aya-aya ang aking
mukha”. Sabay nang pagsabi nito, kuminang ang salamin na ibinigay ni Aphrodite at sabay itong nagulat
si Alphonse at nabitawan niya ito, kinuha niya ang gintong salamin at nakita niya ang dipamilyadong
mukha “Si- Sino ka” saad niya ngunit batid niya din na isa itong replkesyon ng kaniyang mukha. “P-Pano
nangyari to? Bakit umiba anyo ko? Ako bato?” batid niya sa kaniyang sarili, napagtanto niya ito ay
dahilan sa kaniyang hiling at isa itong mahiwagang gintong salamin. Agad niyang naisip ang kaniyang
magandang pakinabang nito

You might also like