You are on page 1of 8

ANG ALAMAT NG ALITAPTAP

Noong unang panahon, may isang makisig na binata na nais mag-asawa ng pinakamagandang
dilag. Siya ay mayabang at masyaong malaki ang pagkakilala sa sarili. Kung minsan tuloy,
nagdaramdam ang ilang mga dalaga s kanya dahil sa pamimintas niya kahit nakaharap ang
dalaga.
Isang araw, papunta na siya sa bundok upang manguha ng yantok nang masalubong niya ang
isang napakagandang dalaga na nakasuot ng putting-puti.
"Napakagandang dalaga," wika niya sa sarili at tuloy-tuloy na nilapitan niya ito.
Nang malapit na siya, nagtatakbo ang dalaga at nawalang parang bula. Hinanap niya ang dalaga
sa buong kagubatan ngunit hindi niya nakita.
Sa tagal at hirap na dinanas ng binata sa paghahanap sa dalaga, nagalit siya.
"Hindi ka talaga maganda. Ang ilong mo'y pango, ang mata mo ay duling at ang mga tenga mo
ay malalapad!" sigaw ng binata.
Dahil sa pagkahapo ay nahiga siya sa lilim ng punung-kahoy para magpahinga. Naidlip siya at
nang magising, nakita niya ang magandang dilag. Alam niyang maganda talaga ang dalaga at
hindi totoo ang sinabi niya.
Siya ng dalaga, "ininsulto mo ako, kaya mula ngayon, ikaw ay magiging isang kulisap.
Manunumbalik lamang ang anyo mo kapag naipakita mo sa akin ang isang dalagang mas higit
ang kagandahan sa akin. Humayo ka at hanapin mo ang dalagang sinasabi ko para mabalik ang
dati mong anyo," ang utos ng engkantadang babae.
Lumipad ang binatang naging kulisap upang hanapin ang babaeng mas maganda pa kaysa sa
engkantada. Naghanap siya gabi't araw. Upang makita niya ang babaing gaganda pa sa sumpa sa
kanya, nagdala siya ng ilaw tuwing gabi. Ang binatang yaon na naging kulisap ang tinawag natin
ngayong alitaptap.

BAKIT MAALAT ANG DAGAT?


Noong unang panahon ang mga tao sa silangan ay nagpupunta pa sa kanluran upang
makipagpalitan ng kalakal. Ang mga katutubo sa silangan ay maraming asukal na naimbak. Ito
ang ipinamamalit nila upang makakuha naman ng asin. Sapagkat higit na nangangailangan ng
asin ang silangan, ang mga katutubo na ang nagpupunta sa kabilang ibayo ng dagat. Ang
problemang pagpunta sa kabilang dagat ay iniinda ng mga katutubo. May nakapagpayong dapat
magpatulong na sila kay Ang-ngalo upang mabawasan ang kanilang kapaguran.
Isang higante si Ang-ngalo. Nakikita ang mga binti niya kapag nahiga at inilatag ang buong
katawan sa karagatan. Kapag tumayo naman ay tuhod lang niya ang pinakamatarik na bundok na
lapitan niya. Pero kahit isang dambuhalang higante, mabait at matulungin siya.
Napapayag ng mga tao na ilatag ni Ang-ngalo ang mga binti sa karagatan. Nanulay sa mga binti
ng higante ang mga katutubo upang ihatid ang saku-sakong asukal bilang pamalit ng saku-sako
ring asin na kinakailangan.
“O hayan, tumulay na kayo! Sisikapin kong hindi igalaw ang mga binti ko nang makatulay
kayong paroon at parito.”
Karga sa likod ang mga sako ng asukal, isa-isang tinalunton ng mga katutubo ang mga binti ni
Ang-ngalo. Maingat na maingat sila. Takot silang madulas at malunod sa gitna ng dagat.
Matagal-tagal din ang paglalakbay nila. Naibaba nila ang asukal sa ibayong dagat pero hindi
namalayan ng lahat na may ilang sakong nabutas kaya nabudburan ng asukal ang ilang bahagi ng
binti ng higante.
Totoo ang kasabihang kung saan naroon ang asukal, tiyak na patungo doon ang langgam.
Sa pagbalik ng mga katutubo ay masasaya na nilang dala-dala ang inangkat na mga sako ng asin.
Kahit pawisan ay natutuwa sila sapagkat makababalik ang bawat isa dala-dala ang produktong
labis na kinakailangan sa kabuhayan.
Hindi napansin ng lahat na sa pag-akyat nila sa binti ni Ang-ngalo ay kasabay nila ang
mapupulang langgam na nakaamoy ng matamis na asukal. Kung maraming katutubo ang
nanunulay na pasan-pasan ang mga asin ay marami ring langgam ang gumagapang at handang
kumagat sa sinumang mabalingan. Sapagkat lubos na sensitibo ang balat ng higanteng
maramdamin, napasigaw ito na ikinagimbal ng mga tao. “Ma…may mga langgam na kumakagat
sa binti ko. Magkapit-kapit kayo!”

ANG ALAMAT NG LUYA


Panahon noon ng mga Kastila ng maging mang-aawit sa simbahan ang dalagang si Meluya. Maganda at
kaaya-ayang pakinggan ang boses ni Meluya kaya naman kayrami niyang tagahanga.
Maganda si Meluya kaya maraming kababaryo ang nanliligaw sa kanya. Pero ang lahat ay binigo niya.
"Ang pangarap ko ay maka-pagsilbi sa Diyos," madalas ay sina-sabi niya sa mga kaibigan. "Binigyan
niya ako ng magandang tinig kaya naman iaalay ko ito sa kanya."
Dahil sa magandang tinig ay hindi na gaanong pinansin ang kapintasan ni Meluya. Mayroon kasi siyang
mabibilog na mga paa na bukul-bukol pa.
Araw-araw ay nasa simbahan ang dalaga. Nang lumaon ay hindi na siya kumakanta lang sa banal na misa
kung di nagtuturo narin ng mga batang aawit kasama niya.
Marami ang natuwa kay Meluya dahil karamihan sa mga dalaga ng panahong iyon ay mas nakapokus ang
atensiyon na makapag-asawa ng Kastila.
Nagtaka ang mga tao ng ilang araw na ay hindi pa rin nagpapakita si Meluya sa simbahan. Nag-alala sila
kaya pinuntahan ang dalaga sa bahay nito. Dinatnan nilang nagdi-deliryo na ang dalaga. Walang naka-
batid sa pagkakasakit ni Meluya kaya lahat ay nalungkot nang puma-naw ang dalaga.
Lumipas ang mga araw na damang-dama ng mga tao ang pagkawala ng kanilang cantora o mang-aawit.
Minsan ay dinalaw ang puntod ni Meluya ng mga batang tinuruan niyang umawit. Napansin agad ng mga
bata ang kakaibang halamang tumubo sa tabi ng puntod ni Meluya.
"Ano kaya ang halamang iyan? Ngayon lang ako nakakita ng ganyan," anang isang bata.
Ikinwento ng mga bata sa kani-lang mga ama't ina ang tungkol sa halaman.
Nang ganap nang magulang ang halaman ay hinukay nila ito at namangha sila sa bunga nitong nasa ilalim
ng lupa.
Paano ay parang mga paa ni Meluya ang itsura ng bunga niyon.
Natuklasan din ng mga tao na nakapagpapaluwag ng lalamunan ang sabaw ng bunga kapag inilaga.
Lumaon ay natuklasan pa nilang maganda sa boses ang pag-inom sa sabaw ng bunga.
Dahil doon ay tinawag na meluya ang bunga para sa alaala ni Meluya. Nang lumipas ang maraming mga
taon ay naging luya na ang pangalan nito.

ANG ALAMAT NG PALAKA


Sa gitna ng kaharian ng Renaia, isang dalaga ang nakatira sa munting palasyo. Siya si Helena, nag-iisang
anak siya nina Haring Bernardo at Reyna Lorena. Pinagmamalaki ng mag-asawa ang kanilang anak dahil
hindi lang maganda si Lorena kundi ay matalino at may mabuting kalooban din. Tuwing umaga ay hindi
sumasablay si Helena sa pagbati sa lahat ng taong makakasalubong niya ng “Magandang umaga po sa
iyo, nawa po ay maging maganda ang iyong araw”. Hindi rin siya pumapaliya sa pagpunta sa kanilang
hardin tuwing umaga at gabi sa kadahilanang meron siyang binibisitang mga alaga, ang kanyang mga
palaka. Tuwang tuwa siya sa mga palaka, para sa kanya ay nakakaakit ang mga malalaki at bilugang mata
ng mga ito.
Isang umaga habang siya ay naglalakad patungo sa kanilang hardin ay may nakasalubong niya ang isang
binata. Binati niya ito ng “Magandang umaga sa iyo”. Natuwa ang binata sa kanya at nagwikang
“Magandang umaga din sa iyo. Mukang masaya ka ata, saan ka ba patungo at maaari ko bang malaman
ang iyong pangalan?” “ako nga pala si Helena, ikaw? papunta ako sa aming hardin” tugon ng dalaga.
“ako nga pala si Nicolas, kinagagalak kitang makilala. Ano naman ang gagawin mo sa inyong hardin?"
wika ng binata. “Dadalawin ko ang aking mga alagang palaka” sagot ng dalaga. “Palaka?” nagtatakang
tanong ng binata. “Paborito ko kasi ang mga iyon. Tara! Sumama ka sa akin para makita mo kung gaano
sila kaganda.” Nakangiting sagot ni Helena sa binata. Namangha si Nicolas sa kanyang narinig sapagkat
unang beses lang siyang nakarinig ng dalagang natutuwa sa mga palaka. Napangiti na lang ang binata at
sumama sa dalaga , simula ng araw na iyon ay lagi na silang nagkikita.
Sa araw araw na pagkikita ng dalawa ay nahulog na ang loob nila sa isat’isa. Hindi tumutol ang mga
magulang ni Helena sa pag-iibigan nila ni Nicolas sa kadahilanang kampante na ang loob nila sa binata
dahil nga sa halos araw araw na pagpunta ng binata sa palasyo, nakakatiyak na sina Haring Bernardo na
mabuti ang intensiyon ng binata sa kanilang anak. Laging pinapasaya ni Nicolas si Helena kaya tuwang
tuwa ang mga magulang nito sa kanya, itinuring na siyang kapamilya ng mga ito.
Dumating na ang araw ng pasukan. Nakatanggap si Nicolas ng sulat galing sa ninanais niyang paaralan,
siya ay nakapasa dito. Ang problema niya nga lang ay sadyang malayo ang paaralan sa palasyo kaya
kinausap niya si Helena tungkol sa bagay na iyon. “Natutuwa ako sa balitang iyan mahal ko.
Naiintindihan kita, alam kong gustong gusto mong pumasok doon kaya’t sige humayo ka at tuparin mo
mga pangarap mo basta’t ipangako mo lang sa akin na hindi mawawala ang komunikasyon sa pagitan
nating dalawa, lagi kang susulat at dadalaw” sabi ng dalaga sa kanya.
Umalis na si Nicolas patungo sa paaralan. Nang simula ay hindi napuputol ang komunikasyon ng
magkasintahan, araw araw na sumusulat ang binata sa dalaga at ganoon din naman ang dalaga. Tuwing
sabado ay pumupunta si Nicolas sa palasyo para dalawin si Helena. Biglang dumating ang araw ng
kanyang pagsusulit, naging abala si Nicolas sa kanyang pag-aaral kaya hindi siya nakakasulat at
nakakadalaw sa dalaga. Nagtampo ang dalaga. Nang natapos ang araw ng pagsusulit, gumawa ng paraan
ang binata para makabawi sa dalaga. Tulad ng dati ay araw araw siyang sumusulat kay Helena ngunit
bihira ng sumagot ang dalaga sa mga sulat niya. Hindi rin niya inaabutan ang dalaga sa palasyo sa tuwing
dadalawin niya ito.
Isang araw, naabutan ni Nicolas si Helena sa palasyo. Ang payat at namumutla ang dalaga kaya nag-alala
ang binata. "Ayos ka lang ba mahal ko, bakit parang namumutla at namamayat ka?” tanong ng binata.
“Ayos lang ako. Wag kang mag-alala” iyon lang ang sagot ng dalaga sa kanya. Hindi sila masiyado
nakapagusap dahil nagpaalam agad ang dalaga na kailangan na niyang matulog. pagkatapos nila mag-
usap at pagkapasok ni Helena sa kanyang kwarto ay nilapitan ni Haring Bernardo ang binata at kinausap
ito. “Ako ay may ipagtatapat sa iyo, may sakit sa puso si Helena. Ayaw niya sanang ipaalam ito sa iyo
dahil ayaw niyang mag-alala at maawa ka sa kanya.” Wika ng hari. Dahil sa pagkabigla ay hindi na
nakapagsalita ang binata at ito ay napaluha na lang. Pagkatapos siyang kausapin ng hari ay dumeretso si
Nicolas sa simbahan at siya ay nagdasal “ Panginoon, nawa po ay pagalingin Mo si Helena. Marami pa
siyang mga pangarap sa buhay at kailangan ko pa po siya. Pawiin Mo po sana ang kanyang karamdaman.
Handa ko pong gawin ang lahat para lang tuparin Mo po ang aking kahilingan. Maraming salamat po”.
Araw araw niyang dinadasal ito.
Isang umaga habang si Nicolas ay nasa paaralan ay nabalitaan niya na paalis na sina Helena papunta sa
ibang bansa mamayang hapon. Dali-daling umalis ang binata patungo sa palasyo. Hindi na siya pumasok
para maabutan lang ang dalaga, ngunit, sa kasamaang palad hindi niya ito inabutan. Kung napaaga ng
tatlumpung segundo sana ang dating niya ay naabutan pa sana niya ang karwaheng sinasakyan nina
Helena. Napaluhod nalang siya sa harap ng palasyo at umiyak. Lagi na siyang tulala, hindi na siya halos
nakakapasok sa paaralan at lagi lang siyang nasa simbaha’t nagdarasal.
Pagkalipas ng dalawang linggo ay nakatanggap si Nicolas ng sulat galing kay Haring Bernardo. ( ang
laman ng sulat ay...) “ Kami ay umalis ng kaharian para ipagamot si Helena. Pinaoperahan namin siya,
naging matangumpay naman ang operasyon, ngunit hindi na ito kinaya ng kanyang katawan. Hindi ko
alam kung pano ito sasabihin, hindi na ako magpapaligoyligoy pa, si Helena ay wala na. Kaninang umaga
ay bumigay na ng tuluyan ang kanyang katawan, wala ng nagawa ang mga doktor. Kami ay pabalik na
diyan sa kaharian, pasensiya na sa masamang balita.” Pagkatapos mabasa ni Nicolas ang sulat, umiyak ito
at sumigaw “wwaahh!!! bakit Mo siya kinuha?!! Lahat naman ng gusto mo ay ginawa ko!! Bakit ito pa
ang isinukli Mo sa akin?!! walang tigil sa pag-iyak si Nicolas hanggang sa sumapit na ang gabi. Siya ay
nagpunta sa simbahan, lumuhod, at nagdasal “Panginoon, ako po ay patawarin niyo sa mga hindi kaaya-
ayang salitang nasabi ko kanina. Siguro po ay masyado lang po akong nabigla sa nangyari” habang siya
ay nagdarasal ay bigla siyang nakarinig ng “Kokak! kokak!”. Paglingon niya, nakakita siya sa kanyang
tabihan ng isang munting palaka na parang nakatinging sa kanya. Bigla niyang naalala si Helena,
napatigil siya sa kanyang pag-iyak at napangiti na lang ang binata. Simula nung gabing iyon ay bumalik
na ang sigla ni Nicolas at nagsimula na siyang manilbihan sa Panginoon.
"Hindi ibibigay ng Panginoon sa iyo ang isang pagsubok kung hindi mo ito kaya, magtiwala at maniwala
ka lang sa Kanya."
ANG ALAMAT NG KARAGATAN
Nainip sa ilalim ng karagatan si Amansinaya, ang bathala ng tubigan, noong musmos pa ang
daigdig. Wala siyang makitang kaaya-aya, kundi ang malalamig na bato sa pusod ng dagat; o ang
mapuputing buhangin sa gilid ng pasigan. Wala siyang makausap, at nayamot siya sa paglipas ng
mga araw. Umulan man at umaraw, ang kaniyang kapangyarihan ay nanatiling nakapaloob sa
tubigan. Tubig, tubig, tubig ang kaniyang kapangyarihan at ang malimit niyang
bukambibig.Ngunit ano ang silbi ng kapangyarihan kung siya lamang—si Amansinaya—ang
nakababatid? Kailangang subukin niya ang hanggahan ng kaniyang lakas, talino, at loob.
Kailangan niyang ilabas ang kapangyarihan sa loob ng kaniyang katauhan. Nag-isip siya ng mga
paraan, at nilibot niya ang kaniyang nasasakupan: ilog, lawa, tangway, dagat, at iba pang
malalalim na guwang ng lupang nagsilbing imbakan ng tubig-ulan.
Napansin siya ni Araw at nagwikang, “Kay-lungkot mo naman, kaibigan, nag-iisa ka riyan at tila
walang kabuluhan!” Nagpanting ang tainga ni Amansinaya. Walang sinuman ang nakauuyam sa
kaniya noong una pa man. “Ipakikita ko sa iyo ang aking kapangyarihan,” mabilis na sambit ni
Amansinaya kay Araw. Sumigaw nang malakas si Amansinaya at ang kaniyang sigaw na
umalingawngaw ay nagpaalimbukay ng mga alon. Lumitaw ang matitinding daluyong na
nagpabaha sa mga baybayin at nagpalubog ng ilang pulo. Paulit-ulit na sumigaw si Amansinaya
at nagdulot iyon ng dambuhalang ipuipo sa laot. Pagdaka’y umahon sa tubigan ang marahas na
buhawi na pumuwing sa mabibilog na mata ni Araw. Nagulantang si Araw. Humingi siya ng
paumanhin kay Amansinaya.
Mula noon, ang kinaugaliang-anyo ni Araw ay tila umaahon siya sa silangang dagat tuwing
umaga, at lumulubog naman sa malalim na kanlurang dagat tuwing dapithapon. Paulit-ulit
ginagawa yaon ni Araw ayon sa takdang panahon upang ipagunita sa sinumang makasasaksi ang
anyo ng nagkakasundong tubig at liwanag. Hindi na muling biniro ni Araw si Amansinaya. At
hindi na rin kinayamutan ni Amansinaya si Araw.
Gayon man ay hindi pa rin nasiyahan si Amansinaya. Sa ibabaw ng kaniyang mga palad, nilikha
niya ang dalawang saray ng tubig sa karagatan. Ang kaliwang kamay niya ang nagpabukal ng
ibabang saray: malamig, mabigat, at hindi kayang arukin ng liwanag. Samantalang ang kanang
kamay ay nagpabukal ng itaas na saray: mainit-init, magaan, at yaon lamang ang hanggahan na
kayang abutin ng sinag ng araw. Hindi kailanman naghahalo ang dalawang uri ng tubig. Isang
paalala rin iyon na hindi kailanman mababatid o maaarok ng sinag ng araw ang hiwaga ng
tubigan. Kung ibig ni Amansinaya na matulog ay darako siya sa ibabang saray. At kung ibig
magpaaraw ay tutungo sa itaas na saray. Gayon ang paulit-ulit niyang ginagawa sa paglipas ng
panahon.
Napansin ni Ulap ang gawi ni Amansinaya. Si Ulap, na nag-iingat ng maraming abram at
bangang puno ng asin, ay biniro ang bathala ng tubigan. “Kaya kong sakupin ang pook mo!”
pahaging ni Ulap. Maya-maya’y nagdilim ang paligid. Mabilis na bumaba si Ulap at
nagkunwaring sasakupin nga ang lunan ni Amansinaya. Bumalikwas si Amansinaya na
naniwalang tototohanin ni Ulap ang banta. Biglang pumalakpak si Amansinaya nang
napakalakas at nagdulot iyon upang umalimbukay ang mga alon. Sinalpok ng mga alon ang
katawan ni Ulap; at nayanig at nagbagsakan ang mga abram at bangang nakapatong sa kaniyang
ulo. Nabigla si Ulap; at hindi niya napigilan ang pagtapon ng napakaraming asin sa karagatan, at
yaon ang simula kung bakit umalat ang mga dagat sa daigdig. Natakot na rin si Ulap na muling
biruin si Amansinaya.
Pagkaraan niyon, lumikha ng sariling pamantayan si Amansinaya sa loob ng kaniyang sarili: ang
pamantayan na kakaiba sa pamantayan ng iba pang bathala ng kalawakan. Binunot niya ang
ilang hibla ng kaniyang buhok at ipinukol sa karagatan. Ang mga buhok ay kahanga-hangang
naghunos na makukulay na damong-dagat, pagang, at halamang-tubig. Bumunot ng balahibo si
Amansinaya sa kaniyang bisig at dibdib; at ang mga balahibo-nang ihagis niya sa dalampasigan-
ay naghunos na matitigas na bakawan. Dumami nang dumami ang kaniyang likha, at naibigan
niya ang nasaksihan.
Patuloy na nag-isip si Amansinaya hinggil sa susunod na hakbang. Nakapangalumbaba siya
habang nagbubulay; at nakatitig man siya sa malayo’y ni walang ibang nakikita kundi ang
kawalan. Magdamag niyang binalangkas ang susunod na hakbang. Ngunit walang pumasok sa
kaniyang noo. Sa labis na kaiisip ay kumalam ang kaniyang sikmura. Kumalam nang kumalam
ang sikmura ng bathala. Di-kawasa’y naramdaman niyang tila lalong tumindi ang kaniyang
kapangyarihan at sasabog ang kaniyang tiyan. Iniluwa ni Amansinaya ang laman ng kaniyang
tiyan; at ang anumang bagay na lumabas sa kaniyang bibig ay naging isda, balilan, at page.
Nabuo ang pating, buwaya, at pagong. Kumislot ang alimango, hipon, at salabay. Sumuka nang
sumuka si Amansinaya at nabuhay ang kabibe, palos, at dugong. Dumami nang dumami ang
lamandagat, at walang ano-ano’y naglaho ang paghilab ng tiyan niya. Natuwa si Amansinaya sa
naganap. Bagaman waring nagasgas ang kaniyang lalamunan, ilong, gilagid, at dila ay hindi niya
inalintana ang gayong karanasan. Gumaan ang pakiramdam ni Amansinaya sa unang
pagkakataon, at iyon ang kaniyang higit na kinalugdan.
Nilibot ni Amansinaya ang kaniyang nasasakupan. Sumakay siya sa mga alon, at nakita niya
mula sa malayo ang ilang tao doon sa gilid ng dalampasigan. Tinitigan niya ang kanilang
hulagway, ang hulagway na tila nag-iisip nang malalim doon sa hiwaga ng karagatan. May
pumitlag na pagmamahal sa dibdib ng bathala. Walang ano-ano’y pinaahon niya sa
dalampasigan ang mga pusit at natuwa ang mga tao. Pinalapit ng bathala sa mga baybayin ang
mga isda at lalong natuwa ang mga tao. Natutuhan ng mga tao na iluto at kainin ang bigay ng
mapagpalang mga agos. Hindi na sila nagutom nang panahong iyon. Mula noon, kinilala nila ang
angking kapangyarihan ni Amansinaya at ang lahat ng kaniyang likhang nananahan sa tubigan.
Ngunit dumating ang panahong naging tamad ang mga tao. Hindi nila pinahalagahan ang mga
ilog, lawa, at dagat. Binalewala rin nila ang maylikha ng mga lamandagat. Hindi nagtagal,
nagalit si Amansinaya sa mga tao at tiniyak na kailangan munang magpawis ang sinumang
mangingisda at magdaragat bago makatikim ng kaniyang mga likha. Dumanas ng taggutom ang
mga tao nang dumating ang di-inaasahang mga bagyo at mahahabang tag-araw. At ang mga tao,
natauhan sila sa kanilang maling asal at nagbalik-loob sa bathala ng tubigan.
Mula noon, nagsikap at natuto ang mga mangingisda at magdaragat na sumakay sa mga alon
samantalang ginagamit ang palatandaan ng mga bituin, simoy, at agos sa paglalayag;
nagpakadalubhasa sa paglutang, paglangoy, o pagsisid sa tubigan gaya ng ibang lamandagat.
Tinangka rin nilang bumuo ng kani-kanilang bangka, balangay, at benawa; tinuklas ang
paghahayuma ng lambat at ang bisa ng kawil o pana; at pinag-aralan ang paggawa ng gaya ng
salakab, baklad, at palaisdaan. Nakabuo ang mga tao ng mga pananalig habang pinagpupugayan
si Amansinaya. Lumikha ng mga tula o awit ang mga magdaragat at mangingisda; at
pinarangalan ang nagbibigay sa kanila ng ginhawa habang nabubuhay. Iginalang nila at
pinangalagaan ang tubigan; at itinuturing na ang kanilang mga buhay ay kaugnay ng buhay ng
tubigan.Umapaw nang umapaw ang kaligayahan sa puso ni Amansinaya sa nasaksihan. At
itinakda niya nang sandaling yaon ang pantay-dagat sa buong daigdig upang maging batayan sa
pag-iral ng sangkatauhan.

You might also like