You are on page 1of 2

Ang Alamat ng Palaka

DELIGHT SATISFACTION DEMOCRACY


Sa gitna ng kaharian ng Renaia, isang dalaga ang nakatira sa munting palasyo. Siya si
Helena, nag-iisang anak siya nina Haring Bernardo at Reyna Lorena. Pinagmamalaki ng
mag-asawa ang kanilang anak dahil hindi lang maganda si Lorena kundi ay matalino at may
mabuting kalooban din. Tuwing umaga ay hindi sumasablay si Helena sa pagbati sa lahat ng
taong makakasalubong niya ng “ Magandang umaga po sa iyo, nawa po ay maging maganda
ang iyong araw”. Hindi rin siya pumapaliya sa pagpunta sa kanilang hardin tuwing umaga at
gabi sa kadahilanang meron siyang binibisitang mga alaga, ang kanyang mga palaka.
Tuwang tuwa siya sa mga palaka, para sa kanya ay nakakaakit ang mga malalaki at bilugang
mata ng mga ito.

Isang umaga habang siya ay naglalakad patungo sa kanilang hardin ay may nakasalubong
niya ang isang binata. Binati niya ito ng “ Magandang umaga sa iyo”. Natuwa ang binata sa
kanya at nagwikang “Magandang umaga din sa iyo. Mukang masaya ka ata, saan ka ba
patungo at maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?” “ako nga pala si Helena, ikaw?
papunta ako sa aming hardin” tugon ng dalaga. “ako nga pala si Nicolas, kinagagalak kitang
makilala. Ano naman ang gagawin mo sa inyong hardin?" wika ng binata. “Dadalawin ko ang
aking mga alagang palaka” sagot ng dalaga. “Palaka?” nagtatakang tanong ng binata.
“Paborito ko kasi ang mga iyon. Tara! Sumama ka sa akin para makita mo kung gaano sila
kaganda.” Nakangiting sagot ni Helena sa binata. Namangha si Nicolas sa kanyang narinig
sapagkat unang beses lang siyang nakarinig ng dalagang natutuwa sa mga palaka. Napangiti
na lang ang binata at sumama sa dalaga , simula ng araw na iyon ay lagi na silang nagkikita.

Sa araw araw na pagkikita ng dalawa ay nahulog na ang loob nila sa isat’isa. Hindi tumutol
ang mga magulang ni Helena sa pag-iibigan nila ni Nicolas sa kadahilanang kampante na
ang loob nila sa binata dahil nga sa halos araw araw na pagpunta ng binata sa palasyo,
nakakatiyak na sina Haring Bernardo na mabuti ang intensiyon ng binata sa kanilang anak.
Laging pinapasaya ni Nicolas si Helena kaya tuwang tuwa ang mga magulang nito sa kanya,
itinuring na siyang kapamilya ng mga ito.

Dumating na ang araw ng pasukan. Nakatanggap si Nicolas ng sulat galing sa ninanais


niyang paaralan, siya ay nakapasa dito. Ang problema niya nga lang ay sadyang malayo ang
paaralan sa palasyo kaya kinausap niya si Helena tungkol sa bagay na iyon. “Natutuwa ako
sa balitang iyan mahal ko. Naiintindihan kita, alam kong gustong gusto mong pumasok doon
kaya’t sige humayo ka at tuparin mo mga pangarap mo basta’t ipangako mo lang sa akin na
hindi mawawala ang komunikasyon sa pagitan nating dalawa, lagi kang susulat at dadalaw”
sabi ng dalaga sa kanya.

Umalis na si Nicolas patungo sa paaralan. Nang simula ay hindi napuputol ang komunikasyon
ng magkasintahan, araw araw na sumusulat ang binata sa dalaga at ganoon din naman ang
dalaga. Tuwing sabado ay pumupunta si Nicolas sa palasyo para dalawin si Helena. Biglang
dumating ang araw ng kanyang pagsusulit, naging abala si Nicolas sa kanyang pag-aaral
kaya hindi siya nakakasulat at nakakadalaw sa dalaga. Nagtampo ang dalaga. Nang natapos
ang araw ng pagsusulit, gumawa ng paraan ang binata para makabawi sa dalaga. Tulad ng
dati ay araw araw siyang sumusulat kay Helena ngunit bihira ng sumagot ang dalaga sa mga
sulat niya. Hindi rin niya inaabutan ang dalaga sa palasyo sa tuwing dadalawin niya ito.
Isang araw, naabutan ni Nicolas si Helena sa palasyo. Ang payat at namumutla ang dalaga
kaya nag-alala ang binata. "Ayos ka lang ba mahal ko, bakit parang namumutla at
namamayat ka?” tanong ng binata. “Ayos lang ako. Wag kang mag-alala” iyon lang ang sagot
ng dalaga sa kanya. Hindi sila masiyado nakapagusap dahil nagpaalam agad ang dalaga na
kailangan na niyang matulog. pagkatapos nila mag-usap at pagkapasok ni Helena sa
kanyang kwarto ay nilapitan ni Haring Bernardo ang binata at kinausap ito. “Ako ay may
ipagtatapat sa iyo, may sakit sa puso si Helena. Ayaw niya sanang ipaalam ito sa iyo dahil
ayaw niyang mag-alala at maawa ka sa kanya.” Wika ng hari. Dahil sa pagkabigla ay hindi
na nakapagsalita ang binata at ito ay napaluha na lang. Pagkatapos siyang kausapin ng hari
ay dumeretso si Nicolas sa simbahan at siya ay nagdasal “ Panginoon, nawa po ay pagalingin
Mo si Helena. Marami pa siyang mga pangarap sa buhay at kailangan ko pa po siya. Pawiin
Mo po sana ang kanyang karamdaman. Handa ko pong gawin ang lahat para lang tuparin
Mo po ang aking kahilingan. Maraming salamat po”. Araw araw niyang dinadasal ito.

Isang umaga habang si Nicolas ay nasa paaralan ay nabalitaan niya na paalis na sina Helena
papunta sa ibang bansa mamayang hapon. Dali-daling umalis ang binata patungo sa
palasyo. Hindi na siya pumasok para maabutan lang ang dalaga, ngunit, sa kasamaang palad
hindi niya ito inabutan. Kung napaaga ng tatlumpung segundo sana ang dating niya ay
naabutan pa sana niya ang karwaheng sinasakyan nina Helena. Napaluhod nalang siya sa
harap ng palasyo at umiyak. Lagi na siyang tulala, hindi na siya halos nakakapasok sa
paaralan at lagi lang siyang nasa simbaha’t nagdarasal.

Pagkalipas ng dalawang linggo ay nakatanggap si Nicolas ng sulat galing kay Haring


Bernardo. ( ang laman ng sulat ay...) “ Kami ay umalis ng kaharian para ipagamot si Helena.
Pinaoperahan namin siya, naging matangumpay naman ang operasyon, ngunit hindi na ito
kinaya ng kanyang katawan. Hindi ko alam kung pano ito sasabihin, hindi na ako
magpapaligoyligoy pa, si Helena ay wala na. Kaninang umaga ay bumigay na ng tuluyan ang
kanyang katawan, wala ng nagawa ang mga doktor. Kami ay pabalik na diyan sa kaharian,
pasensiya na sa masamang balita.” Pagkatapos mabasa ni Nicolas ang sulat, umiyak ito at
sumigaw “wwaahh!!! bakit Mo siya kinuha?!! Lahat naman ng gusto mo ay ginawa ko!! Bakit
ito pa ang isinukli Mo sa akin?!! walang tigil sa pag-iyak si Nicolas hanggang sa sumapit na
ang gabi. Siya ay nagpunta sa simbahan, lumuhod, at nagdasal “Panginoon, ako po ay
patawarin niyo sa mga hindi kaaya-ayang salitang nasabi ko kanina. Siguro po ay masyado
lang po akong nabigla sa nangyari” habang siya ay nagdarasal ay bigla siyang nakarinig ng
“Kokak! kokak!”. Paglingon niya, nakakita siya sa kanyang tabihan ng isang munting palaka
na parang nakatinging sa kanya. Bigla niyang naalala si Helena, napatigil siya sa kanyang
pag-iyak at napangiti na lang ang binata. Simula nung gabing iyon ay bumalik na ang sigla ni
Nicolas at nagsimula na siyang manilbihan sa Panginoon.

"Hindi ibibigay ng Panginoon sa iyo ang isang pagsubok kung hindi mo ito kaya, magtiwala
at maniwala ka lang sa Kanya."

You might also like