You are on page 1of 4

ALAMAT NG GANSA

Ang mga gansa ay may hawig sa ng mga pato ngunit sila ay


may mahahabang mga leeg. Subalit noon ang mga gansa ay kahawig
na kahawig ng mga pato. Ang kanilang mga leeg ay maliliit din. Ito ang
kuwento kung paano nakuha ng gansa ang kaniyang mahabang leeg.
May isang gansa ang bagong kasal. Ang dalawang mag-asawa
ay nagpasya na itayo ang kanilang pugad sa malapit sa ilog upang sa
gayon, paglabas ng kanilang mga bibe ay maturuan agad ang mga ito
na lumangoy.
Masayang-masaya sa napiling lugar ang mag-asawa. Tago ito
upang hindi agad mahanap ng mga maaaring kumain ng kanilang
itlog. Isa pa, ,ababait ang kanilang mga kapit-bahay. Agad na
nakahanap ang lalaking gansa ng kaibigan. Ito ay ang isa pang
lalaking gansa, isang pato at isang maingay na palaka. Tuwing gabi
sila ay nagsasama-sama upang mag-usap usap tungkol sa
nangyayari sa paligid hanggang sa mag-sawa ang lahat at wala nang
maikwento.
Minsan, nang magkita ang magbabarkada, masayang
ikunuwento ng lalaking gansa na nangitlog na nga ang kanyang
asawa at ano mang araw malapit na rin siyang maging tatay. inati
nila ang kaibigan at sinabi sa kanya na mababawasan na kung gayon
ang kanyang paglabas-labas sa gabi. Siyempre, ani nila,
kinakailangan niyang tulunganng bantayan ang kanilang mga itlog.
Ngayon lang naisip ng lalaking gansa na kinakailangan nga rin naman
niyang bantayan ang mga itlog. !muwi siya na iyon pa rin ang nasa
isipan.
Isang gabi, nakita ng lalaking gansa ang kanyang asawa na
pagod at inaantok na. uong maghapon itong nakaupo at nakalimlim
sa mga itlog upang masigurong naiinitan ang mga ito ng pantay-
pantay. Naawa ng lalaki at sinabi sa asawa na pwede na itong mag-
pahinga ngayong gabi. Siya daw muna ang bahalang mag-babantay
at maglilimlim sa mga itlog. Natutuwang pumayag ang babae. "ali-
daling tumayo ang babae mula sa pugad. Maganda daw ang naisip ng
asawa at namamanhid na ang kanyang puwetan.
Naupo na nga ang lalaking gansa at nang unang oras ay
masaya pang naglilimlim sa kanilang pugad. Ngunit bigla siyang may
narinig mga boses na kilalang-kilala niya. Iyon nga ang boses ng
kanyang mga kaibigan na malakas na nagkukuwentuhan at
nagtatawanan. iglang naiingit ang lalaking gansa. Naisip niya na
sana ay kasama siya dun na nakikipagkuwentuhan.
Ninais nitong makisalamuha o kahit man lang ay marinig ang
mga pinagkukuwentuhan ng mga kaibigan. Muntik na itong napatayo
mula sa pugad ngunit naalala niya ang mga itlog. #ung kaya$t iniunat
na lamang nito ang kanyang munting leeg upang makita ang barkada.
"ahil sa mataas ang talahib kung saan natago ang pugad, hindi pa rin
niya nagawang makita ang mga maiingay na nagkukuwentuhan.
%indi pa rin sumuko ang lalaking gansa. Iniunat niya ng iniunat
ang kanyang munting leeg hanggang sa nakita niya ang ulo ng mga
kaibigan. Subalit tapos ng mag-usap ang mga ito at papauwi na sa
kanilang mga bahay. &ilit niyang binaba ang kanyang ulo subalit
napansin nitong hindi na maibalik sa dati ang anyo ng kanyang leeg.
#inaumagahan ng bumalik ang babaeng gansa upang humalili
sa asawa, nakita niya ang munting leeg ng asawa na humaba sa
kaka-unat nito upang makinig sa usapan ng kanyang mga kaibigan.
Simula noon ay naging mahaba na ang leeg ng mga gansa.

'
ALAMAT NG LANSONES
Noong unang panahon, sa isang bayan sa Laguna matatagpuan ang
napakaraming mga puno na may mga bilog-bilog na bunga. Mukhang masarap ang
prutas ngunit wala sino man ang mangahas na kumain nito sapagkat ang mga bunga
ay lason. Ni lumapit sa nasabing puno ay ayaw gawin ng mga taong bayan.
Napatunayan nilang lason ang mga bunga nang isang araw ay may napadpad
na manlalakbay sa kanilang bayan. "ahil sa pagod, naupo ang matanda sa ilalim ng
nasabing puno upang makapagpahinga. Nang makita ng manlalakbay ang mga
nakasabit na bunga ay bigla niyang naalala ang kanyang gutom at pumitas ng mga ito.
May isa sa mga taong bayan ang nakakita nang isubo ng matanda ang bunga.
Tinangka niya itong pigilan ngunit huli na ng naabutan niya ang matanda. Nakain na
nito ang lasong bunga at unti-unti na itong nangingisay at bumubula ang bibig. "ahil sa
pangyayaring ito, mas lalong natakot ang mga taong bayan na lumapit sa puno.
Sumapit ang isang matinding tagtuyot sa lugar. Namatay ang mga pananim at
ang tanging natira ay ang mga lasong puno na hitik na hitik sa bunga. Taimtim na nag-
dasal ang mga taong bayan na matapos na sana ang tagtuyot upang sila ay muling
makapagtanim at makapag-ani ng makakain sapagkat malapit ng maubos ang naka-
imbak nilang pagkain.
Isang araw sa kainitan ng tanghali, isang mahiwagang babae ang dumating at
kumatok sa mga pintuan ng mga taong bayan. Nanlilimos ang magandang babae ng
makakain. Ngunit walang maibigay ang mga tao sapagkat salat din sila sa pagkain.
Isang bata ang lumapit sa magandang babae at nagbigay ng kapiranggot na makakain.
&agpasensyahan na daw niya ito dahil iyon na lamang ang natitira niyang pagkain.
Napangiti ang babae at kinuha ang pagkaing inabot ng bata. &inanood ng bata
ang babae habang ito ay kumakain. &agkatapos kumain, tinanong ng babae ang bata
kung bakit nila nasabing salat sila sa pagkain samantalang marami namang bunga ang
kanilang mga punong-kahoy. Ikinuwento ng bata sa babae na lason ang mga bungang
ito. Napangiti ang babae at umiling ito.
&umitas siya ng bunga at pinisil ito hanggang sa lumabas ang laman. ago pa
man napigilan ng bata ang babae ay naisubo na nito ang puting laman ng bunga.
Nagtaka ang bata sapagkat walang nangyari sa babae( sa halip nakangiti nitong
ibinigay ang prutas sa bata na siya namang tinikman din ang bunga.
Masarap at manamis-namis ang prutas. Sa tuwa ng bata ay napasigaw ito at
tinawag ang mga kapitbahay upang matikman din nila ang prutas. Nagsilabasan ang
mga taong bayan. Noong una ayaw nilang paniwalaan ang bata ngunit di naglaon ay
tinikman din nila ito at napag-alaman ngang matamis ang bunga. %inanap nila ang
magandang babae upang pasalamatan ngunit wala na ito.
Naniniwala silang tinanggal ng mahiwagang babae ang lason sa mga bunga.
Simula ang dating )lason) ay naging )lansones).
PROYEKTO
SA
A.P.
sUBMITTED BY: vINCE RYAN ARANDA
SUBMITTED TO: gINA qUIMAN

You might also like