Professional Documents
Culture Documents
Unang Bersyon
Noong unang panahon sa bundok ng Cristobal ay may isang mabait na ina. Masipag at maalaga
sa kanyang mga anak. Talagang napakabuti niya at mahal na mahal ang kanyang mga anak.
Dahil sa sampu ang kanyang anak, talagang nahihirapan siya sa pag-aaruga sa mga batang ito.
Isang araw, nagkasakit ang ina at bigla na lamang namatay. Ang kaawa-awang mga bata ay nag-
iyakan at ang sabi nila ay ganito: “Sino na ang magapakain sa amin?” tanong ng
pinakamatandang anak.
Habang sila ay nag-iiyakan, may dumating na isang babae na di nila kilala. Siya’y maganda at
maputi.
“Huwag na kayong umiyak,” sabi niya. “Di kayo pababayaan ng inyong ina. Ilibing ninyo siya at
maghintay kayo sa kanyang libingan. Makikita ninyo na may tutubo roon na puno. Ang punong
iyon ay pagkukunan ninyo ng makakain araw-araw.
Biglang nawala ang maputi at magandang babae. Akala ng mga bata ay nananaginip lang sila.
Sumunod sampung mababait na mga bata. Pagkalibing sa ina nila, binantayan nila ang libing
araw at gabi at pagkatapos ng sandaling panahon ay may nakita na nga silang isang halaman na
tumubo.
Mabilis ang paglaki nito at kaagad naging isang mataas na puno. Nagtaka ang mga bata dahil sa
taas ng puno at sa dami ng bunga nito.
“Marahil aakyatin ko na lamang itong puno,” sabi ng pinakamatanda at dali-dali siyang umakyak
at pumitas ng bunga.
“Mga ulo ninyo,” ang sigaw niyang babala sa itaas. “Ibabagsak ko ito at buksan ninyo.”
Nang biyakin ng ikalawang anak ang bunga, nakita nilang may tubig ito.
“Naku! Ang puti at ang tamis ng tubig,” sabi nila. Tinikman nila ang laman at ang nasabi ay:
“Ang puti at kay sarap naman ng lasa ng bungang ito,” ang wika ng ikaapat na anak.
Nagkainan at nag-inuman at ngayon nakita nila na di nga sila magugutom pang muli. Ang mga
bungang iyon ay kauna-unahang niyog ditto sa daigdig.
Pangalawang Bersyon
May isang engkantadang naninirahan sa lawa ng Laguna. May gabing tila siya diyosa at may
gabing parang ordinaryong dalaga lamang siya. Napaibig siya ng isang makisig na mangingisda.
Ipinagsama siya nito sa pulo ng Talim.
Nagbunga ang nasabing pagmamahalan subalit takang-taka ang engkantada kung bakit tatlo ang
mata ng isinilang niyang sanggol. Hindi niya alam na isinumpa siya ng mga nayadas sa lawang
kaniyang pinananahanan. Hindi matanggap ng mangingisda na kakaiba ang anyo ng anak niya
kaya napilitan siyang takasan ang responsibilidad sa dalagang dati ay minamahal.
Ilang sandali lang ay parang hinihigop ang isang mangingisda sa kinalalagyan ng sanggol. Gulat
na gulat ang mangingisda nang matanglawan ng ilawan niya ang pobreng kaluluwa na may
tatlong mata na kaawa-awang nag-iiyak sa tindi ng lamig. Iniuwi niya kaagad ang bata sa
kaniyang asawa. Noong una ay nabahala sila na baka may sa impakto ang sanggol pero kapag
umiiyak na ay nadudurog ang mga puso nila. Sapagkat hindi sila biniyayaan ng sariling anak,
inisip ng dalawa na handog mula sa kalangitan ang sanggol.
Bagama’t may tatlong mata ay lumaking napakagandang dalaga ng anak-anakan nila. Laging
pinipiringan ng magandang laso ang ikatlong mata nito upang hindi magimbal sa takot ang
sinumang makakita dito.
Natutong umibig ang anak ng engkantada. Tulad ng inaasahan, naging napakalungkot itong
karanasan sa kanya. Nang malaman ng binatang may ikatlong mata siya ay iniwan nitong
nagdurusa ang dalaga.
Makalawang umibig ang dalaga. Ang masakit na karanasan ay naulit pa. Nagkasunud-sunod ang
mapapait na karanasan sa pag-ibig ng anak ng engkantada. Nag-usisa siya sa mga nakagisnang
magulang. Pilit niyang itinanong kung bakit kakaiba ang anyo niya sa ibang kadalagahan. Hindi
maipaliwanag ng dalawa kung bakit may tatlong mata ang anak-anakan nila.
“Ba… bakit dalawa lang ang mata ninyo samantalang ang akin ay tatlo?” nag-uumiyak sa
kalungkutang pagtatanong ng dalaga.
Mabilis na nagtatakbo ang dalaga papunta sa Lawa ng Laguna. Nanginginig ang mga tuhod na
sumunod ang dalawa. Kitang-kita ng mag-asawa na parang hinihigop ng mga awit ng mga
diyosa ang dalaga. Sila mismo ay hindi makapaniwala sa paglabas ng mga naggagandahang
diyosa.
“Anak ko,” sabi ng isa sa mga nimpa. “Ako ang ina mo. Alam kong naging malungkot ang
buhay mo sa daigdig. Halika.”
Ilang sandali lang ang lumipas ay nagdilim na ang langit. Kumulog at kumidlat sa paligid. Maya-
maya pa ay bumuhos na ang malakas na ulan. Kung may iilang nagsisunod sa mag-asawa ay
marami namang masasama, mapang-api at mapagsamantalang parang nang-uuyam pa sa
pagtawa.
Laking pagtataka nila nang balatan ang bunga. Bumulaga sa kanila ang isang animo ulo na may
tatlong mata.
Napakagat ng labi ang dalawa sa lungkot at saya. Wala na ang anak-anakan nila pero heto at may
bungang kahawig ng anak ng engkantada.
Mula sa Lawa ng Laguna ay naulinigan ng mag-asawa ang matatamis na awit ng mga nimpa.
Ikatlong Bersyon
Noong unang panahon may mag-asawang taimtim na nagdarasal upang magkaroon ng anak.
May dalawang taon nang nagsasama ang mag-asawang Juan at Maria ngunit wala pa rin silang
mga supling.
Lahat na halos ng mga alam nilang paraan upang magka-anak ay kanila ng sinubukan. Nagawa
na nilang magsayaw sa kalye kasama ng iba pang mga mag-asawang hindi rin magka-anak;
nasubukan na rin nilang uminom ng iba’t ibang dahon-dahon na ayon sa matatanda ay
makapagbibigay ng kanilang ninanais at kung ano-ano pang mga seremonyas. Ngunit wala pa
ring supling ang nabuo sa sinapupunan ng babae.
Nawawalan na ng pag-asa ang mag-asawa nang sa wakas ay nabuntis din si Maria. Ngunit
maselan siyang magbuntis. Halos buong maghapon ay nakahiga lamang ito sapagkat palagi
siyang nahihilo at naduduwal. Hindi lamang iyon, marami din siyang hinihiling na kainin o di
kaya’y pagmasdan.
Dahil sa matagal nilang inantay ang magkaroon ng anak, ibinibigay ni Juan ang lahat ng
pinaglilihian ng kanyang asawa maski pa mahirapan ito sa paghahanap. Lahat ng mga kakaibang
prutas, iba’t ibang luto ng pagkain at kung ano-ano pang hinihiling ni Maria ay pinipilit na
hanapin ni Juan upang hindi magdamdam ang asawa at hindi mapasama ang bata sa kanyang
sinapupunan.
Isang araw, may iba na namang pinaglilihian si Maria. Gusto raw niya ng prutas na bilugan ang
hugis at sa loob nito ay may tubig at may puting laman na parehong ubod ng sarap at
nakakabusog. Naghanap si Juan ng prutas na sinasabi ng kanyang asawa ngunit wala siyang
makita na may ganoong paglalarawan. Maging ang mga kapitbahay na kanyang pinagtanungan
ay walang alam na prutas na may ganoon bunga. Umuwi si Juan na bigo sa paghahanap ng
nasabing prutas.
Dahil hindi nakakain ng pinaglilihian niyang prutas ay dinamdam ito ni Maria. Ayaw niyang
kumain ng kahit ano maliban sa pagkaing kanyang inilalarawan. Siya ay unti-unting nanghina at
nagkasakit. Nagmakaawa si Juan na kumain ang asawa dahil sa buntis pa man din ito ngunit
ayaw talagang kumain ni Maria hangga’t matikman niya ang hinahanap na prutas.
Patuloy na nanghina si Maria at di kalaunan ay namatay. Dahil sa lungkot, inilibing ni Juan ang
asawa sa kanilang bakuran. Ilang buwan ang nagdaan at may kakaibang halamang umusbong sa
pinaglibingan kay Maria. Inalagaan ito ni Juan dahil naaalala niya ang yumaong asawa sa
halamang ito.
Dumaan pa ang dalawang taon at nagkabunga ang halaman na ngayon ay isa ng matayog na
puno. Kumuha ng bunga si Juan at nang biyakin niya ito ay may laman itong parang tubig at
puting laman. Tinikman ni Juan ang prutas at ito ay ubod sarap. Muli niyang naalala ang prutas
na pinaglilihian ni Maria noon na ganoong-ganoon nga ang paglalarawan. Sa pagkakataong iyon,
alam niya na ang puno ay ang kanyang namayapang asawa na si Maria.
Proyekto
sa Filipino
Ipinasa kay:
Gng. May Anne Saulo
Ipinasa ni:
Jury Chore S. Bautista
Different
Types of
Orchids
Submitted to:
Ms. Kathleen B. Lacanilao
Submitted by
Jury Chore S. Bautista
1. Monopodial Orchids
Is a plant type base on growth characteristics. It has a
single stem tha grows in one direction from a shoot,
year after year.
2. Sympodial Orchids
Is the other type based on growth. The plants send out
shoots from previous rhizomes.
3. Terrestrial Orchids
Some Types of orchids are defined by where they grow.
They grow along the ground.