ALAMAT NG LANSONES
Sinasabing ang puno ng lansones
ay karaniwang makikita sa Luzon.
Gayunman, walang gaanong
pumapansin dito. Isang araw, isang
magnanakaw ng kalabaw
ang hinahabol ng mga
tao. Napagawi ito sa lansonesan at
doon nagtago. Sapagkat gutom na
gutom na rin ang magnanakaw sa
katatakbo, pumitas siya ng lansones at kumain. Nalason
siya. Dinatnan siya ng mga taong patay at may bakas pa ngbula sa
bibig. Mula noon, pinagkatakutan ang lansones.
Walang nangahas kumain nito.
Minsan, isang babaing nakaputi ang dumating. Palakad-lakad ito sa
may lansonesan. Pakanta-kanta ang babae kaya marami ang
nakatingin sa kanya pero nangangamba namang makipag-usap.
Nakita ng lahat na kumuha ng bunga ng lansones ang babae at
nagsimulang kumain. Inasahan ng mga nanonood na mamamatay
siya pero walang nangyari sa kanya. Kinambatan niya ang mga tao
para lumapit. "Alam kong nagugutom kayo, inalisan ko na ito ng
lason. Maaari na ninyong kainin." Takot pa rin ang mga tao.
Pero inabutan sila ng babae ng lansones. "Makikita ninyong may
bakas ng kurot ang prutas. Iyan ang tanda na inalisan ko na ito ng
lason. Kumain na kayo." At nawala ang babae.
Sinapantaha ng lahat na isang ada ang babae. Tinikman nilang lahat
ang prutas. At naroon nga ang bakas ng
kurot, wariy lalong nagpalinamnam sa lansones.
ALAMAT NG MANGGA
Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben.
Mabait at matulungin si Ben. Nagmanasiya sa kanyang mga
magulang na mababait din naman. Isang araw, isang
matandang pulubi ang kinaawaan ni Ben. Inuwi niya ang
pulubi sa bahay, ipinagluto at pinakain. Isang araw naman,
samantalang nangangahoy, isang matandang gutom na
gutom ang nasalubong niya. Pinakain din niya ito at binigyan
ng damit.
Makaraan ang ilang panahon, nagkasakit si Ben. Sa kabila
ng pagsisikap ng mag-asawa na pagalingin ang
anak, lumubha ito at namatay pagkatapos. Ganoon na
lamang ang iyak ng mag-asawa. Kinabukasan, habang
nakaburol ang kanilang anak, dumating ang
isang diwata. Hininginito ang puso ni Ben, Ibinaon ng diwata
ang puso sa isang bundok. Ito ay naging punongkahoy na
may bungang hugis-puso. Marami angnakikinabang ngayon
sa bungang ito.
ALAMAT NG NIYOG
Noong unang panahon may mag-asawang taimtim na
nagdarasal upang magkaroon ng anak. May dalawang taon nang
nagsasama ang mag-asawang Juan at Maria ngunit wala pa rin
silang mga supling.
Lahat na halos ng mga alam nilang paraan upang magka-anak
ay kanila ng sinubukan. Nagawa na nilang magsayaw sa kalye
kasama ng iba pang mga mag-asawang hindi rin magka-anak;
nasubukan na rin nilang uminom ng ibat ibang dahon-dahon na
ayon sa matatanda ay makapagbibigay ng kanilang ninanais at
kung ano-ano pang mga seremonyas. Ngunit wala pa ring supling
ang nabuo sa sinapupunan ng babae.
Nawawalan na ng pag-asa ang mag-asawa nang sa wakas ay
nabuntis din si Maria. Ngunit maselan siyang magbuntis. Halos buong
maghapon ay nakahiga lamang ito sapagkat palagi siyang nahihilo
at naduduwal. Hindi lamang iyon, marami din siyang hinihiling na
kainin o di kayay pagmasdan.
Dahil sa matagal nilang inantay ang magkaroon ng anak,
ibinibigay ni Juan ang lahat ng pinaglilihian ng kanyang asawa maski
pa mahirapan ito sa paghahanap. Lahat ng mga kakaibang prutas,
ibat ibang luto ng pagkain at kung ano-ano pang hinihiling ni Maria
ay pinipilit na hanapin ni Juan upang hindi magdamdam ang asawa
at hindi mapasama ang bata sa kanyang sinapupunan.
Isang araw, may iba na namang pinaglilihian si Maria. Gusto
raw niya ng prutas na bilugan ang hugis at sa loob nito ay may tubig
at may puting laman na parehong ubod ng sarap at nakakabusog.
Naghanap si Juan ng prutas na sinasabi ng kanyang asawa ngunit
wala siyang makita na may ganoong paglalarawan. Maging ang
mga kapitbahay na kanyang pinagtanungan ay walang alam na
prutas na may ganoon bunga. Umuwi si Juan na bigo sa paghahanap
ng nasabing prutas.
Dahil hindi nakakain ng pinaglilihian niyang prutas ay
dinamdam ito ni Maria. Ayaw niyang kumain ng kahit ano maliban
sa pagkaing kanyang inilalarawan. Siya ay unti-unting nanghina at
nagkasakit. Nagmakaawa si Juan na kumain ang asawa dahil sa
buntis pa man din ito ngunit ayaw talagang kumain ni Maria
hanggat matikman niya ang hinahanap na prutas.
Patuloy na nanghina si Maria at di kalaunan ay namatay. Dahil
sa lungkot, inilibing ni Juan ang asawa sa kanilang bakuran. Ilang
buwan ang nagdaan at may kakaibang halamang umusbong sa
pinaglibingan kay Maria. Inalagaan ito ni Juan dahil naaalala niya
ang yumaong asawa sa halamang ito.
Dumaan pa ang dalawang taon at nagkabunga ang halaman
na ngayon ay isa ng matayog na puno. Kumuha ng bunga si Juan at
nang biyakin niya ito ay may laman itong parang tubig at puting
laman. Tinikman ni Juan ang prutas at ito ay ubod sarap. Muli niyang
naalala ang prutas na pinaglilihian ni Maria noon na ganoong-
ganoon nga ang paglalarawan. Sa pagkakataong iyon, alam niya na
ang puno ay ang kanyang namayapang asawa na si Maria
ALAMAT NG KAMOTE
Ilang daang taon na ang nakalipas nang magkaroon ng matinding
tagtuyot sa mundo. Mainit ang panahon at walang ulan. Ang mga
pananim ay nanuyot at ang mga alagang hayop ay nagkasakit at
namatay. Dahil dito, halos walang makain ang mga tao.
Nagsipaghanap sila ng mga paraan upang matustusan ang kanilang
pangangailangan sa pagkain. Isa sa nahanap nilang paraan ay ang
pangangaso.
May isang kagubatan ang hindi naapektuhan ng tagtuyot. Ito ay ang
mahiwagang gubat ng Kamu. Wala itong pinagbago at punong-
puno pa rin ng likas na yaman. Sagana ang puno at ng mga hayop
na puwedeng hulihin upang makain. Dito nagpupunta ang mga
taombayan upang mangaso.
Dalawang magkapatid ang nagpasyang mangaso sa mahiwagang
kagubatan. Maagang nagpunta ang magkapatid upang makarami
ng mahuhuling hayop. Ngunit kabaliktaran ng kanilang inaasahan,
maghahapon na ay wala pa silang nahuhuling kahit isang hayop.
Gutom na gutom na ang magkapatid kayat nagpasya silang
magpahinga muna bago umuwi. May nakita silang isang ibon na
dumapo sa puno kung saan sila umupo para magpahinga. Agad
pinana at tinamaan ng nakatatandang kapatid ang ibon. Gumawa
sila ng siga upang iluto ang nahuli. Nang maluto ang ibon at kakainin
na sana nila ito ay may lumapit na isang magandang babae. Sinabi
ng babae na siya ay naliligaw sa kagubatang iyon at ilang araw ng
hindi pa nakakakain. Gutom na gutom na rin daw ito.
Naawa ang magkapatid sa magandang babae. Bagamat gutom na
sila ay ibinigay nila sa kanya ang nilutong ibon. Pinanood nilang
kumain ang babae. Kibit labi sila nang ubusin ng magandang babae
ang pagkain.
Pagkatapos kumain ay nagpasalamat ang babae sa magkapatid.
Natutuwa daw siya sa kanila dahil nagawa pa nilang ibigay ang
nag-iisang pagkain nila sa kanya kahit na sila mismo ay nagugutom
na. Pinayuhan niya ang mga ito na umuwi na sa kanilang pamilya.
Bumalik na lang daw sila bukas sa lugar ding iyon at may ibibigay
siya sa kanila.
Sinunod ng dalawa ang sinabi ng magandang babae. Umuwi ang
magkapatid ngunit sila ay malungkot sapagkat walang bitbit na
mailuluto para sa hapunan ng mag-anak.
Kinabukasan, nagbalik ang magkapatid sa parehas na lugar kung
saan nila nakilala ang babae. Ngunit wala dun ang babae na
kanilang inaasahan. Hinanap nila ang abo ng kanilang pinagsigaan
kung saan nila niluto ang ibon ngunit sa halip ay may nakita silang
kakaibang halaman na tumubo sa lugar na iyon. Nagtaka sila
sapagkat nakakasiguro silang wala pa ang nasabing halaman
kahapon ng sila ang nagpapahinga. Marahil ito na ang sinasabi ng
maganda at mahiwagang babae na ibibigay niya sa kanila.
Ngayon lang nila nakita ang halamang iyon at nang bunutin nila ito
ay nakita nila na ang ugat nito ay matataba na parang mga bunga.
Nag-uwi sila ng nasabing halaman upang itanong sa mga
taombayan kung may nakakaalam sa halamang ito. Ngunit wala ni
isa ang makapagsabi kung ano ito.
Niluto nila ang bunga at tinikman ito. Masarap ang bunga at
nakakabusog ito maski konti lamang ang kakainin. Natuwa ang
taombayan dahil sa may pantawid gutom na sila hanggang sa
matapos ang tagtuyot. Tinawag nilang kamote ang bunga dahil
galing ito sa mahiwagang kagubatan ng Kamu.
ALAMAT NG GAGAMBA
Noong unang panahon, may isang
mag-asawa na biniyayaan ng isang
magandang anak na babae. Ang
kanilang anak ay tinawag nilang
Amba.
Ang mag-asawa ay may hanapbuhay
na paghahabi ng mga tela. Parehas na
galing sa angkan ng mga mahuhusay
humabi ang mag-asawa. Kayat tama
lamang na ito rin ay kanyang
ipapamana sa nag-iisang anak.
Habang maliit pa ang bata ay itinuro na ng mag-asawa kung paano
ang humabi. At habang lumalaki na nga ang bata ay unti-unti itong
naging bihasa sa paghahabi ng mga tela. Maging ang mga mahihirap
na disenyo ay kaya ng gawin ng bata sa murang edad. Nahigitan na
nito ang kakayanan ng kanyang ama at ina.
Dahil sa kanyang natatanging kakayanan, naging tanyag ang bata
sa ibat ibang lupalop. Marami ang dumarayo hindi lamang para
bumili ng mga disenyo kundi upang makita rin ang paggawa ng
bata. Naging mayaman din ang mag-anak dahil sa mga bentang
tela na ginagawa ng bata.
Ngunit ang bata ay naging mayabang. Dahil sa alam nito na
magaling siya sa kanyang kakayanang paghahabi hinamon nito ang
sino man na magkipagtagisan sa kanya. Maraming mga mahuhusay
na maghahabi ang tumaggap sa hamon ng batang si Amba. Gusto
rin nilang patunayan kung siya nga ay magaling tulad ng
napabalita.
Nagtagisan ng galing ang mga maghahabi. Napakahusay nga ang
bata. Lahat ng magagaling na maghahabi ay napakahanga sa
kakayanan ni Amba. Nilaos sila ng bata at dahil dito, mas lalong
yumabang ang bata.
Ani niya, wala nang makakatalo sa kanyang kakayanan. Maging
ang mga diyosa ay kanyang hinamak na wala na ngang makahihigit
pa sa galing niya. Narinig ng mga diyosa ang kayabangan ng bata.
Hindi na sila nasisiyahan sa nagiging asal ng bata.
Isang araw, isang matanda ang nagpunta sa bahay ng bata at
hinamon niya ito. Natawa ang bata ngunit pumayag din ito. Mukha
namang pangkaraniwan lang ang matanda at baka nga hindi pa
nito alam kung paano humabi. Sigurado na siyang walang panalo sa
kanya ang matanda.
Nag-umpisa ang paligsahan. Maraming tao ang dumalo upang
manood kung mananalo ang matanda sa batang si Amba. Naging
napakaganda ng telang hinabi ng matanda. Maging si Amba ay
natulala sa mahirap na disenyong nagawa ng matanda. Ang pasya
nang pagkapanalo ay sa tela ng matanda.
Nagngingit-ngit ang bata. Paano daw siya natalo ng isang matanda
na mahina na ang mata at uugod-ugod pa. Pinagalitan niya ang
matanda at tinulak-tulak ito. Igigiit nito na ang matanda ay
nandaya at baka ipinalit lamang ang isang nagawa nang tela sa
ginagawa nito. Baka nga si Amba pa gumawa ng tela aniya.
Tangka na niyang pagbubuhatan ng kamay ang matanda nang
biglang lumiwag ang damit ng matanda at nagbago ang kanyang
anyo. Iyon pala ay isang diyosa na nagpapanggap lamang.
Hindi na maganda ang asal ng bata ayon sa diyosa. Naging
masyadong mayabang ang bata at nararapat daw itong parusahan.
Nagbago ang anyo ng bata. Lumiit ito at nagkaroon ng mga
mahahabang paa. Umiiyak ang kanyang mga magulang ngunit
alam nilang wala na silang magawa para sa bata.
Simula noon ang batang si Amba ay naging unang gagamba. Sa
ngayon, makikita pa rin ang kahusayan ng mga gagamba sa
paghahabi ng kanilang mga bahay.
PROYEKTO SA FILIPINO
MGA ALAMAT
IPINASA NI:
Richard Benedict M. Acero
3 Vigan
IPINASA KAY:
Teacher Edna