You are on page 1of 2

Parabula ng Sampung Dalaga

Mateo 25: 1-13


Philippine Bible Society

Isang malaking malaking kasalan ang inihahanda. Tulad ng nakagawian ng mga Hudyo
sa bayan ng Israel. Maringal at Malaki ang kasalan. Mahaba ang panahon ng paghahanda.
Nagsimula ito sap ag-uusap at pagkakasundo ng ama ng binata at dalagang ikakasal na
sinusundan ng pagtanggap ng dalaga sa panunuyo ng kanyang mangingibig.
Kasunod na pinag-uuspan ang mga detalye ng kasalan, kung saan ito gaganapin, ano-ano
ang mga paghahandang gagawin at kung magkano ang dote o bigay-kayang ipagkakaloob sa
dalaga. Nang matapos ang kasunduan ay lumayo muna ang binata upang maihanda ang kanilang
magiging tahanan. Halos isang taon ang pagkakalayong ito na sumubok din sa katatagan ng pag-
ibig ng binata at dalaga sa isa’isa.
Ang kasalan ng mga Hudyo ay karaniwang ginaganap sa gabi. Sa wakas , sumapit na ang
gabing pinananabikan ng lahat. Unang nagpunta ang lalaking ikakasal sa tahanan ng kanyang
kasintahan upang siya’y sunduin at saka sila tutuloy sa tahanan ng binata upang doon idaos ag
maringal na kasalan.
Sa labas ng tahanan ng binatang ikakasal ay sampung dalagang may dala-dalang ilawan
ang itinalagang maghihintay sa pagdating ng lalaking ikakasal. Ang lima sa mga dalagang ito ay
matatalino. Inasahan na nilang maaaring maantala ang pagdating ng ikakasal kaya’t nagdala sila
ng sobrang langis para sa ganitong pangyayari. Ang lima naman ay hangal sapagkat nagdala nga
sila ng ilawan ay hindi naman sila nagbaon ng karagdagang langis. Naghintay nang naghintay
ang mga dalaga subalit gabi na’y wala pa ang ikakasal kaya’t sila’y nakatulog sa kahihintay.
Nang maghahating-gabi na ay dumating ang isang tagapagbalitang nagsasabing
paparating na ang lalaking ikakasal. “Paparating na ang lalaking ikakasal! Lumabas na kayo at
maghanda upang salubungin siya!” Masayang nagsigawan ang mga tao. Agad bumangon ang
sampung dalaga at iniayos ang kani=kanilang ilawan at humilera sa magkabilang gilid ng daan
upang maging handa sa paparating na ikakasal. Subalit ang ilawan ng limang dalagang hangal ay
aandap-andap na. Dahil sa matagal na paghihintay ay naubos ang langis ng kanilang ilawan.
“Bigyan naman ninyo kami kahit kaunting langis. Aandap-andap na ang aming ilawan”, ang
pakiusap nila sa matatalinong dalaga. “Pasensiya na, subalit ang dala naming langis ay sapat
lamang sa aming ilawan. Hindi ito magkakasya sa ating lahat. Mabuti pa’y pumunta muna kayo
sa tindahan at bumili ng para sa inyo,” tugon naman matatalino. Kaya’t dali-daling lumakad ang
limang hangal na dalaga upang bumili ng langis.
Habang bumibili sila ay siya namang pagdating ng lalaking ikakasal. Ang limang
nakahanda ay kasama agad niyang pumasok sa kasalan at saka isinara ang pinto. Kaugalian kasi
noong tanging ang mga taong nasal abas pagdating ng ikakasal ang papapaskin sa piging upang
maiwasang makapasok ang mga taong hindi naman imbitado at hindi kilala ng ikakasal.
Nang nasa loob na ang lahat ay humahangos na dumating ang limang hangal na dalaga.
“Panginoon, panginoon, papasukin po ninyo kami” sigaw ni;a. Hindi na sila pinapasok at sa
halip ay tumugon ang binatang ikakasal na siya rin nilang panginoon: “Hindi ko kayo
nakikilala.” Walang nagawa ang mga hangal na dalaga kundi buong panlulumong pinagsisihan
ang hindi nila paghahanda para sa pangyayaring ito.
Ang kaharian ng langit ay maihahalintulad sa parabulang ito. Kinakailangan nating
maghanda at magbantay, sapagkat hindi natin alam natin ang araw o mga oras man ng kanyang
muling pagparito.

You might also like