You are on page 1of 15

PARABULA

PARABULA
 Ay isang maikling salaysay
may aral na kalimitang
hinahango mula sa Bibliya.
 Ang parabula ay nanggaling sa English word na
“parable” na nanggaling naman sa Greek word na
“parabole” na ang ibig sabihin ay maiksing sanaysay
tungkol sa buhay na maaring mangyari o nangyayari
na kung saan nagtuturo tungkol sa ispiritwal o
kagandahang asal na magiging gabay ng isang
taong nahaharap sa pangangailangang mamili o
magdesisyon. Ito ay maaaring nasa anyong patula o
prosa na malimit mangaral o magpayo.
 Taliwas sa pabula, ang parabula
ay walang inilalahok na tauhang
hayop, halaman, bagay, at
puwersa sa kalikasan na pawang
kumikilos at nagsasalita gaya ng
tao.
Parabula ng Sampung Dalaga
Ang “Parabula ng Sampung Dalaga” ay hango sa Bibliya
na matatagpuan sa aklat ng Mateo kabanata 25 talata
1 hanggang 13 (Mateo 25:1-13).

Ang pagpasok sa kaharian ng Diyos ay maitutulad


sa talinghagang ito.

Mayroong sampung dalaga na lumabas upang


sumalubong sa lalaking ikakasal. Lahat sila ay may
dalang ilawan. Lima sa mga dalaga ay matatalino
samantalang ang lima ay hangal.
Bagama’t may dala-dalang ilawan
ang limang dalagang hangal, wala
naman silang baon na langis na
reserba. Kabaligtaran naman ng limang
dalagang matatalino dahil bukod sa
kanilang ilawan na dala ay mayroon pa
silang baong langis.
Naantala ang pagdating ng
lalaking ikakasal kaya naman
ang mga dalaga ay inantok at
nakatulog sa paghihintay.
Nang maghatinggabi na ay
may sumigaw at sinabing, “Narito na
ang lalaking ikakasal! Lumabas na
kayo upang salubungin siya!”
Mabilis na bumangon ang sampung dalaga at
agad na inayos ang kani-kanilang ilawan.
Napansin ng mga dalagang hangal na
aandap-andap na kanilang ilawan kaya naman
sila’y humingi ng langis sa mga dalagang
matatalino.
Ngunit pinayuhan ng mga matatalino na
pumunta na lamang ang mga hangal sa tindahan
upang bumili ng langis dahil baka hindi magkasya
sa kanilang lahat ang dala nilang langis.
Kaya naman agad na lumakad ang
limang babaeng hangal upang bumili
ng langis.
Di nagtagal ay dumating ang
lalaking ikakasal at ang nasumpungan
niyang limang dalaga ay kasama niyang
pumasok sa kasalan saka isinara ang
pinto.
Pagkaraan ay dumating ang limang
dalagang hangal at nakiusap ng, “Panginoon,
panginoon, papasukin po ninyo kami!”
Ngunit tumugon ang lalaking ikakasal at
sinabing, “Sino ba kayo? Hindi ko kayo kilala.”
Pagkatapos nito’y sinabi ni Jesus, “Kaya
magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam
ang araw ni ang oras.”
ELEMENTO NG PARABULA

 Tauhan – Sampung Dalaga at


ang lalaking ikakasal.
 Tagpuan – Sa simbahan.
 Banghay
Simula: May sampung dalagang naghihintay sa
pagdating ng lalaking ikakasal. Bawat Isa sa
kanila ay may dala-dalang ilaw.
Pangalawa: Dahil sa naalintala ang pagdating ng
lalaki, ay unti-unting humihinay ang apoy na
dala ng limang babae, may dala mang langis ang
ibang limang babae ay hindi ito sasapat kaya’t
naisipan nilang bumili sa kalapit na tindahan.
Wakas:
Pagdating ng limang babaeng
bumili sa tindahan ay sarado na
ang pintuan ng simbahan. Hindi
sila pinapasok sapagkat hindi sila
kilala ng lalaki.
Aral:
Walang nakaaalam ng araw o
ng oras sa pagbabalik ng
Panginoon kaya naman dapat
nating ugaliing maging handa
ng lahat ng pagkakataon.

You might also like