You are on page 1of 2

Parabula ng Sampung Dalaga

Ang “Parabula ng Sampung Dalaga” ay hango sa Bibliya na matatagpuan sa aklat ng Mateo kabanata 25
talata 1 hanggang 13 (Mateo 25:1-13).

Ang pagpasok sa kaharian ng Diyos ay maitutulad sa talinghagang ito.


Mayroong sampung dalaga na lumabas upang sumalubong sa lalaking
ikakasal. Lahat sila ay may dalang ilawan. Lima sa mga dalaga ay matatalino
samantalang ang lima ay hangal.
Bagama’t may dala-dalang ilawan ang limang dalagang hangal, wala naman
silang baon na langis na reserba. Kabaligtaran naman ng limang dalagang
matatalino dahil bukod sa kanilang ilawan na dala ay mayroon pa silang
baong langis.
Naantala ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya naman ang mga dalaga ay
inantok at nakatulog sa paghihintay.
Nang maghatinggabi na ay may sumigaw at sinabing, “Narito na ang lalaking
ikakasal! Lumabas na kayo upang salubungin siya!”
Mabilis na bumangon ang sampung dalaga at agad na inayos ang kani-
kanilang ilawan.
Napansin ng mga dalagang hangal na aandap-andap na kanilang ilawan kaya
naman sila’y humingi ng langis sa mga dalagang matatalino.
Ngunit pinayuhan ng mga matatalino na pumunta na lamang ang mga hangal
sa tindahan upang bumili ng langis dahil baka hindi magkasya sa kanilang
lahat ang dala nilang langis.
Kaya naman agad na lumakad ang limang babaeng hangal upang bumili ng
langis.
Di nagtagal ay dumating ang lalaking ikakasal at ang nasumpungan niyang
limang dalaga ay kasama niyang pumasok sa kasalan saka isinara ang pinto.
Pagkaraan ay dumating ang limang dalagang hangal at nakiusap ng,
“Panginoon, panginoon, papasukin po ninyo kami!”
Ngunit tumugon ang lalaking ikakasal at sinabing, “Sino ba kayo? Hindi ko
kayo kilala.”
Pagkatapos nito’y sinabi ni Jesus, “Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo
alam ang araw ni ang oras.”
Aral:
• Walang nakaaalam ng araw o ng oras sa pagbabalik ng Panginoon kaya
naman dapat nating ugaliing maging handa ng lahat ng pagkakataon.

You might also like