You are on page 1of 1

LA SALLE COLLEGE ANTIPOLO

FILIPINO 10
Panuruang Taon 2021-2022

Handout 1.2

Blg. ___ Pangalan: _________________________________ Pangkat: _____


Guro:Gng. Delia Callueng / Gng.Maria Fe DC. Yen Petsa: _______
Paksa: Ang Parabula ng Sampung Dalaga

Ang Parabula ng Sampung Dalaga

Isang malaking kasalan ang inihahanda. Tulad ng nakagawian ng mga Hudyo sa


Israel, maringal at Malaki ang kasalan. Mahaba ang panahon ng paghahanda.
Nagsimula ito sa pag-uusap at pagkakasundo ng ama ng binata at ama ng dalagang
ikakasal na sinundan ng pagtanggap ng dalaga sa panunuyo ng kanyang mangingibig.

Sunod na pinag-usapan ang mga detalye ng kasalan, kung saan ito gaganapin, ano-
ano ang mga paghahandang gagwin, at kung magkano ang dote o bigay-kayang
ipinagkakaloob sa dalaga. Nang matapos ang kasunduan ay tumayo muna ang binate
upang maihanda ang kanilang magiging tahanan. Halos isang taon ang pagkakalayong
ito na sumubok din sa katatagan ng pag-ibig ng binate at dalaga sa isa’t isa.
Kaugalian ng mga Judio na pumunta ang kasintahang lalaki sa bahay ng kanyang
kasintahan sa gabi, kung saan naroroon din ang mga abay nito. Nang ipaalam na ang
pagdating ng kasintahang lalaki, lumabas ang mga dalaga dala ang mga ilawan para
tanglawan ang kanyang daan papasok sa bahay para sa pagdiriwang.

Mayroong sampung dalaga na lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal.


Lahat sila ay may dalang ilawan. Lima sa mga dalaga ay matatalino samantalang ang
lima ay hangal.Bagama’t may dala-dalang ilawan ang limang dalagang hangal, wala
naman silang baon na langis na reserba. Kabaligtaran naman ng limang
dalagang matatalino dahil bukod sa kanilang ilawan na dala ay mayroon pa silang baong
langis.
Naantala ang pagdating ng lalaking ikakasal kaya naman ang mga dalaga ay inantok
at nakatulog sa paghihintay. Nang maghatinggabi na ay may sumigaw at sinabing,
“Narito na ang lalaking ikakasal! Lumabas na kayo upang salubungin siya!” Mabilis na
bumangon ang sampung dalaga at agad na inayos ang kani-kanilang ilawan.
Napansin ng mga dalagang hangal na aandap-andap na kanilang ilawan kaya naman
sila’y humingi ng langis sa mga dalagang matatalino.

Ngunit pinayuhan ng mga matatalino na pumunta na lamang ang mga hangal sa


tindahan upang bumili ng langis dahil baka hindi magkasya sa kanilang lahat ang dala
nilang langis. Kaya naman agad na lumakad ang limang babaeng hangal upang bumili
ng langis. Di nagtagal ay dumating ang lalaking ikakasal at ang nasumpungan niyang
limang dalaga ay kasama niyang pumasok sa kasalan saka isinara ang pinto. Pagkaraan
ay dumating ang limang dalagang hangal at nakiusap ng, “Panginoon, panginoon,
papasukin po ninyo kami!”

Ngunit tumugon ang lalaking ikakasal at sinabing, “Sino ba kayo? Hindi ko kayo
kilala.” Pagkatapos nito’y sinabi ni Jesus, “Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo
alam ang araw ni ang oras.”

Ang kaharian ng langit ay maihahalintulad sa parabulang ito. Kinakailangan nating


maghanda at magbantay, sapagkat hindi natin alam ang araw o ang oras man ng
kanyang muling pagparito.

You might also like