Professional Documents
Culture Documents
Nakasulat Na Ulat - MGA KAUGALIAN SA PAG AASAWA SA IBAAN BATANGAS Presillas
Nakasulat Na Ulat - MGA KAUGALIAN SA PAG AASAWA SA IBAAN BATANGAS Presillas
Ipinasa ni:
Hannah Grace R. Presillas
Ipinasa kay:
Ginoong Ryan Raran
Guro sa Filipino 67- E2A3
Introduksyon
Nilalaman
Baisanan (bai-sah-nan.)
Sa pamamaisan:
1. Patubigan
▪ Ang mga kamag-anak ng lalaki ay pupunta sa bahay ng mga pinsan ng
babae upang punuin ng tubig ang kanilang tapayan. Hindi mahalaga
kung ang bahay ng naturang pinsan ay nasa kabilang bayan pa; basta
rin lamang at mararating ng mga namamaisan ay tiyak na puno ang
kanilang tapayan.
▪ Ang pamilya ng lalaki ang inaasahang pupuno sa tapayan ng babae.
Dahil dito, hindi maiiwasang maging isang balita sa buong bayan ang
pamamaisan. Ang lahat ng mga tumulong sa patubigan ay tutuloy sa
bahay ng lalaki upang doon kumain.
2. Bulungan
▪ Sa hakbang na ito ay pupunta sa bahay ng babae ang mga magulang
ng lalaki na may dalang malaking isdang tambakol.
▪ Pag-uusapan na nila ang mga magiging ninong at ninang at mga abay
sa kasal, at petsa ng kasal at pati na ang ihahanda sa araw ng kasal.
Ngayon din itatakda ang halaga ng pamaraka.
▪ Ang pamaraka ang perang ipambibili ng gagamitin ng babaing
ikakasal.
▪ Lahat ng bagay, tungkol sa gagamitin ng babae, ay kailangang
gastusan ng lalaki.
Handa
Pagtatayo ng sibi
3. Sabitan
▪ Sa gabi, matapos maghapunan ang mga bisita, ang mga bangko ay
iaayos nang pabilog sa harap ng bahay ng babaing ikakasal. Ang
kabinataan at kadalagahan naman ay magsisiupo sa naturang bangko
upang pasimulan ang pasayaw.
▪ Sa saliw ng malambing na tugtog ng plakang nakatapat sa dalawang
ispiker, ang magnobyo ay sasayaw bilang pagbubukas sa pambisperas
na pagdiriwang.
▪ Sa kalagitnaan ng tugtog, sila ay sasabitan ng pera ng kani-kanilang
partido. Ang partido ng kalalakihan ang magsasabit sa babae at ang
kababaihan ay magsasabit sa lalaki.
▪ Dito ay magpaparamihan ng maisasabit ang dalawang partido at di
umano, ang halaga ng naisabit ang siyang batayan ng pagkagusto sa
nobya o nobyo ng magiging biyenan nito. Kaya kung marami ang
isinabit ng partido ng kalalakihan, sadyang gusto nila ang naturang
nobya para sa kanilang binata.
▪ Ang halagang masasabit ang magiging pasimulang pondo ng mga
ikakasal.
Paghiling ng mga awitin
4. Kasal
▪ Sa umaga ng kasal, ang lahat ay sa bahay ng babae mag-aalmusal.
Mula doon ay tutuloy sa simbahan para sa panrelihiyong seremonya.
▪ Pagbalik sa bahay, ang sasakyan ng mga bagong kasal ay
sasalubungin ng mga paputok. Sasabuyan sila ng bigas at bulaklak sa
puno ng hagdanan. Magpapakiramdaman kung sino ang unang
tatapak sa baitang sapagkat may pamahiin sila na kung sino ang
mauna ay siya ang mananaig sa disposisyon kapag sila ay nagsasama
na.
▪ Bago naman pumasok sa mismong kabahayan, may mag-aalay ng
kalamay at inumin. Susubuan ng lalaki ang babae at gayundin ang
gagawin ng babae. Pagkainom ng tubig ng lalaki ay saka pa lamang
iinom ang babae.
▪ Pagpasok nila sa kabahayan, lahat ng naroroong matatanda ay
pagmamanuhan ng mag-asawa bilang paghingi ng bendisyon.
Kainan
7. Pagbibihis
▪ Bilang huling hakbang, ang babae ay magbibihis na ng damit
pangkasal.
▪ Ang pagbibihis ay sa bahay ng lalaki ginagawa upang ipahayag na ang
lahat ng angkin ng babae ay ipinaiilalim na niya.
▪ Dito aktuwal na nagtatapos ang pamamaisan.
Tirahan
Wika
o Tagalog ang gamit na wika ng mga Batangueño. May pekyularidad din ito
depende sa komunidad na gumagamit nito dahil sa leksikon at ponolohiya,
morpolohiya at sa iba pang mga komponent ng speech act na batayan ni
Hymes (1975).
Kongklusyon
Bibliograpiya