You are on page 1of 3

Sittie Soraya L.

Ringia Januaray 6,
2021

1. Ano ang kaugalian sa pag-aasawa sa Ibaan, Batangas? Paano nila ito isinasagawa?

Naisahan ang tawag sa kasalang namamanhik ang mga magulang ng kalakihan sa mga
magulang ng kababaihan. Ito ay katumbas sa pamanhikan sa Bulakan. Ito ay isang matandang
kaugalian na nananatili at hindi naitaboy ng makinisasyon mula sa mga bakuran at bukirin ng
Ibaan. Nanatili ito tulad ng mga pangaral ng kanilang nanay at patuloy na sumisibol sa punlaan
ng mgatradisyon tulad ng pagsibol ng bagong henerasyon.
Sa pamamaisan ay hindi lamang ang mga magulang ng mga ikakasal ang nakokompromiso.
Lahat ng mga kamag-anak at kapatid ng mga lalaki ang inaasahang tutulong sa pagluluto at
paglilinis. Ang mga batang lalaki ang inaasahang iigib, ang mga dagalita at dalaga ang
namamahala sa paghahain at pag-iistima sa mga bisita. Ang mga eded ang mga nasa pagluluto
at ang iba ang maghuhugas ng mga pinggan. Hindi nila mahihiling tumulong kahit sinoman sa
partido ng kadalagahan sapagkat sila ang nanunuyo. Kaya kadalasan, kung may baisanan,
walang tao sa bahay ng mamamaisan sapagkat lahat sila ay buong sipag at pagpapasakit na
tumutulong sa ano mang gawain sa bahay ng binabaisan.
Ang baisanan ay isa ring okasyong pambaryo. Hindi lamang ang dalawang pamilya ng mga
ikakasal ang abala at nagagastusan, bagkus, pati na ang kanilang mga kaibigan, kamag-anak, at
mgakapitbahay. Maging ang mga tagamalayong lugar na nagkataong ninang o ninong ng
ikakasal ay kailangang dumalo o magpunta ng kanilang kinatawan. Gayunman, hindi sila uuwing
mabigat ang loob sapagkat tiyak namang ang kahon ng alaala ay nasa kanilang bahay bago pa
man ang kasalan.
Ang pamamaisan ay hindi natatapos sa isang araw lamang. Ito ay tulad ng pagpanhik sa hagdan
na may mga baitang. Patubigan ang unang hakbang. Ang mga kamag-anak ng lalaki ay pupunta
sa bahay ng mga pinsan ng babae upang punuin ng tubig ang kanilang tapayan. Hindi mahalaga
kung ang bahay ng naturang pinsan ay nasa kabilang bayan pa; basta rin lamang at mararating
ng mga namamaisan ay tiyak na puno ang kanilang tapayan. Ang pamilya ng lalaki ang
inaasahang pupuno sa tapayan ng babae. Dahil dito, hindi maiiwasang maging isang balita sa
buong bayan ang pamamamaisan. Ang lahat ng mga tumutulong sa patubigan ay tutuloy sa
bahay ng lalaki upang doon kumain. Mga ilang araw matapos ang patubigan, isusunod naman
ang bulungan. Sa hakbang na ito ay pupunta sa bahay ng babae ang mga magulang ng lalaki na
may dalang malaking isdang tambakol. Pag-uusapan na nila ang mga magiging ninong at ninang
at mga abay sa kasal, at petsa sa kasal at pati ang ihahanda sa araw ng kasal. Ngayon din
itatakda ang halaga ng pamaraka. Ang pamaraka ang perang ipambibili ng gagamitin ng babaing
ikakasal. Lahat ng bagay tungkol sa gagamitin ng babae, ay kailangang gastusan ng lalaki.
Sa pag-uusap tungkol sa handa, kung ano ang igagayak ng kalalakihan ay gayon din ang
igagayak ng kababaihan. Lagi silang hati sa pagkaing ihahanda, tulad ng bigas at mga hayop na
kakatayin. Ang naturang hayop ay buhay na dadalhin sa bahay ng nobya upang doon katayin at
lutuin. Ang pagluluto ay sisimulan sa ante-disperas (ikalawang araw bago ang kasal). Sa araw na
ito ipadadala ang mga kahon ng mga alaala sa mga ninong at ninang sa binyag, kumpil at kasal
ng mga ikakasal. Ito ay naglalaman ng sangkapat na putol ng hayop sa kinatay at labindalawang
klase ng tinapay na ipinasadya at ihahatid ito sa kani-kanilang tahanan ng mga kamag-anak ng
ikakasal kundi man ng mga magulang nila. Ang kasangkapang gagamitin ay nasa responsibilidad
din ng kalalakihan. Kailangan dalhin nila sa bahay ng nobya ang talyasi, kawali, kaldero at
tinidor, at maging ang mga basahang ipamumunas. Sa bakuran ng nobya ay magtatayo pa sila
ng sibi, na siyang magiging lugar ng kainan sa bisperas at araw ng kasal. May mga yerong
sadyang pinauupahan para sa ganitong layunin kaya hindi na sila kailangang bumili. Bukod sa
yero, aarkila pa rin ang mga kalalakihan ng mikropono na may dalawang ispiker at radyong
ponograpo na gagamitin sa bisperas ng kasal. Ang pagpapatugtog ng mga plaka at
pagsasahimpawid ng imbitasyon para sa mga kababaryo ay sisimulan sa umaga at
magpapatuloy ito hanggang sa kinabukasan. Sa gabi, matapos maghapunan ang mga bisita, ang
mga bangko ay iaayos nang pabilog sa harap ng bahay ng babaing ikakasal. Ang kabinataan at
kadalagahan naman ay magsiusiupo sa naturang bangko upang pasimulan ang pasayaw. Sa
saliw ng malambing na tugtog ng plakang nakatapat sa dalawang ispeker, ang magnobyo ay
sasayaw bilang pagbubukas sa pambisperas na pagdiriwang.
Sa kalagitnaan ng tugtog sila ay sasabitan ng pera ng kani-kanilang partido. Ang partido ng
kalalakihan ang magsasabit sa babae at ang kababaihan ay magsasabit sa lalaki. Dito ay
magpaparamihan ng maisasabit ang dalawang partido at di umano, ang halaga ng naisabit ang
siyang batayan ng pagkagusto sa nobya o nobyo ng magiging biyenan nito. Kaya kung marami
ang isinabit ng partido ng kalalakihan, sadyang gusto nila ang naturang nobya para sa kanilang
binata. Ang halagang masasabit ang magiging pasimulang pondo ng mga ikakasal. Matapos ang
sabitan, isusunod naman ang paghiling ng mga awitin sa mga kamag-anak at kaibigan upang
bigyang-aliw ang mga nagtitipon at upang mapanatiling gising ang mga tagaroon sa buong
magdamag. Sa umaga ng kasal, ang lahat ay sa bahay ng babae mag-almusal. Mula doon ay
tutuloy sa simbahan para sa panrelihiyong seremonya. Pagbalik sa bahay, ang sasakyan ng mga
bagong kasal ay sasalubungin ng mga paputok. Sasabuyan sila ng bigas at bulaklak sa puno ng
hagdanan. Magpapakiramdam kung sino unag tatapaksa baiting sapagkat may pamahiin sila na
kung sino ang mauna ay siya ang mananaig sa disposisyon kapag sila ay nagsasama na. Bago
naman pumasok sa mismong kabahayan, mag-aalay ng kalamay at inumin. Susubuan ng lalaki
ang babae at gayundin ang gagawin ng babae. Pagkainom ng tubig ng lalaki ay saka pa lamang
iinom ang babae. Pagpasok nila sa kabahayan, lahat ng naroroong matatanda ay
pagmamamanuhan ng mag-asaw bilang paghingi ng bendisyon.
Ang kainan ay ginagawa sa ibaba ng bahay, doon sa itinayong sibi. Sa unang hain, pupunuin ang
mesa ng mga gumanap sa kasalan, mula sa ninong at ninang hanggang sa batang nagsala at
nagsaboy ng bulaklak sa simbahan. Sa susunod na hain ay ang lahat naman ng kasapi sa partido
ng kababaihan. Walang miyembro ng pamilya ng kalalakihan ang makikitang nakadulog sa
mesa. Lahat sila ay inaasahang magsisilbi sa mga kumakain. Kung wala nang iba pang kakain ay
saka na lamang sila maaaring dumulog. Pagkakain ay magkakaroon ng pagtitinda. Ang mag-
asawa ay pauupuin sa isang mesita na may lamang suman, sigarilyo, at iba’t ibang uri ng puto at
minatamis na pagkain. Ang mag-aasawa ang tatayong tindera at ang mga bisita ang magiging
mga mamimili. Ang mga naturang paninda ay may mga halagang mapagkakasunduan ng mga
nasa harapang yaon. Unang tatawagin na mikropono, upang bumili, ang ninong sa binyag ng
lalaki, susunod ang ninang at saka lilipat sa ninong at ninang sa binyag ng babae. Pangalawang
tatawagan ang mga ninong at ninang sa kumpil at ihuhuli ang ninong at ninang sa kasal. Ang
mga taong ito ang inaasahang makapamimili ng pinakamalaking halaga lalo na ang ninong at
ninang sa kasal. Ang halaga ng kanilang mabibili ay itatawag din sa mikropono, nahahaluan ng
panunudyo kung ang mga taong nakaharap ay hindi nasisiyahan sa halagang kanilang binitiwan.
Ang pagtatapos ng pagtitinda ay hudyat upang ang ibang mga bisitang malayo ang uuwian ay
makauwi na nang hindi maghihinakit ang may pakasal. Ang halagang mapagbibilhan ay
magiging dagdag sa pondo ng mag-asawa. Samantala, ang mga kamag-anak ng kalalakihan ay
magsisimula nang magligpit ng mga kasangkapan at maglinis ng bahay at bakuran ng babae.
Kung handa na ang lahat, isasagawa naman ang dapit. Sa dapit unang makatutuntong ang
babae sa bahay ng kanyang biyenan. Suot ang damit pangkasal, pangungunahan ng mag-asawa
at ng mga magulang ng lalaki ang munting parada mula sa bahay ng babae patungo sa bahay ng
lalaki. Bitbit nila ang kasangkapang ginamit, sunong ang mga talyasing pinaglutuan at kipkip ang
balutan ng mga basahang ginamit sa buong panahon ng pamamaisan.
2. Anong kaugalian nila sa pagaasawa ang masasalamin sa inyong kultura?
Mga kaugalian na aking nabasa na mayroong pagkakahawig o pagkakatulad sa aming kultura ay
ang pamamanhikan ng isang lalaki kung saan ang mga kamag-anak ng lalaki ay tutulong sa mga
gastusin o anumang suporta na kinakailangan ng isang lalaki sa tuwing siya ay mamamanhikan o
mag-aasawa. Sa ibalan, Batangas tinatawag nila itong Baisanan. Sa kultura naming mga
meranao kung ang isang lalaki sa amin ay mag-aasawa, ang mga magulang ng babae ang
magdedesisyon kung magkano o anong halaga ang kinakailangan ibigay ng isang lalaki para sa
babae. Tinatawag nila itong ‘dowry. Ang dowry sa mga meranao ay kinakailangan sapagkat ito’y
pahiwatig na mahalaga ang babae at gayunpaman ay makakatulong ito sa kanilang mag-asawa
kung sakali man na sila ay tatayo ng bahay o gagawa ng puhunan bilang panghanap buhay.
Subalit sa oras na ibinigay ng isang lalaki ang kanyang dowry sa mapapangasawa nito ay wala na
siyang karapatan pang panghawakan ang pera o anumang halaga na ibinigay niya sa
mapapangasawa nito sapagkat ito’y pag-aari ng ng kanyang mapapangasawa. At nasa desisyon
na ng babae kung paano niya palalakarin ang halagang naibigay sa kanya.
Pangalawa na mayroong pagkakatulad sa aming kultura ay ang kung anong ikagagayak ng
kalalakihan ay gayundin ang babae subalit ito’y baliktad nga lang sa amin. Sa amin ay dapat
nasa panig ng babae ang mga desisyon katulad lamang ng saan igaganap ang kasal, ano ang
tema ng kasal o ilan ang ma-aari na makakadalo sa magaganap na kasalan.
Pangatlo ay ang kaugalian na ‘kainan’ ngunit kaunti lamang ang pagkakatulad nito sa aming
kultura. Sa aming kultura pagkatapos ng kasalan ay magkakaroon ng ‘pugad’ o celebrasyon para
sa mag-asawa. Ito’y magaganap sa mismong araw ng kasal ngunit sa gabi ito mangayayari
lamang. Ang pugad ay celebrasyon para sa bagong kasal at ang mga dadalo ay mga kamagnak
lamang ng babae at lalaki. Ang mga magulang ng lalaki at babae ay magbibigay ng talumpati sa
harap ng mga dumalo at kaunti ring mga ‘osyat’ galling sa mga kamaganak na mga Imam.

You might also like