You are on page 1of 8

Takdang Aralin

sa Komunikasyon sa
Akademikong
Filipino
Isinulit ni : Marielle Umali
BSBA - I
Isinulit kay : Mrs. Norma Quidilig

Ritwal, paniniwala,
gawi, at
kostumbre ng mga
Kalinga

Kalinga
Ang Kalinga ay isang walang baybayin na lalawigan ng Pilipinas sa
Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera sa Luzon. Tabuk ang kapital nito at
napapaligiran ng Lalawigang Bulubundukin sa timog, Abra sa kanluran, Isabela sa
silangan, Cagayan sa hilagang-silangan, at Apayao sa hilaga. Bago ang 1995,
dating isang lalawigan ang Kalinga at Apayao na pinangalang Kalinga-Apayao,
hanggang naghiwalay ang dalawa upang mapabuti ang serbisyo at
pangangailangan ng indibiduwal na mga katutubong tribo sa mga lalawigan.
(Tugi) ( kakaw) (Butil) Palayok. Gumagawa rin sila ng kasangkapang yari sa metal.
tulad ng mga palakol,gulok at sibat. Nagkakaruon sila ng bakal sa pamamagitan
ng barter ng mga paninda sa mga ilokano. Ang ginagawa nilang mga
kasangkapang yari sa metal ay ipinagbibili nila sa katamtamang halaga at iyon
ay isa rin sa mga paraan ng pagkita ng kanilang ikinabubuhay. Ang mga
kalingang lalaki ay kilala rin sa pagiging mahusay na mangangaso. Nakatutulong
ito nang malaki sa kanilang kabuhayan.

Pag-aasawa
Sa mga Kalinga itinuturing na payak na bagay lamang ito.
Nagkakasundo na ang mga magulang kahit na ang mga anak ay bata pa. Lahat
halos ng mga batang Kalinga, kahit mga sanggol pa, ay may nakatakda nang
mapapangasawa pagdating ng araw. Dapat mas matanda nang kunti ang lalaki
kesa sa babae ng isa o dalawang araw. Maaari ring maganap ang pagkasundo ng
mga magulang habang nasa sinapupunan pa lamang ang mga anak. Ang
pagkakasundo ay tuluyan nang pinagtitibay kapag ang isinilang ng mga ina y
isang lalaki at isang babae. May mga pangyayari namang tinatanggihan ng mga
magulang ng babae ang pakikipagsundo ng mga magulang ng lalaki at ang
ibinibigay na dahilan ay baka hindi mabutihin ng kanilang anak ang kanilang
pakikipagsundo kung ang bata ay lumaki na. Mataas ang pagpapahalaga nila sa
kanilang karangalan kaya't ayaw nilang sila'y mapahiya. Iniiwasan nilang
makasugat ng damdamin o sila'y magdamdam kung ang bagay na pag-uusapan
ay ang pagpili ng mapapangasawa ng kanilang anak. Kapag nagkasundo na ang
dalawang pamilya sa pagpapakasal sa kanilang mga anak, sila'y nagpapadalahan
ng mga regalong katulad ng karne, mga gulay mga minatamis at diket
(kalamay). Ang Diket ay nangangahulugan sa kanila ng pagtitiyaga at katapatan.
tuwing may handaan, sila'y laging nagpapadalahan ng karne. Isang hitang
kalabaw ang laging ipinadadala. Ang pagbibigay ng karne ay isang matibay na
bigkis na bumubuklod sa pagsasamahan ng mga Kalinga.

Pananampalataya

Ang kinikilalang kataas-taasang diyos ay si " Kabunyan ", na minsan ay


tinatawag na " Kadaklan" o " pinakamakapangyarihan". Ang Kabunyan ay
nangangahulugan ng " Ang mga pag-aalay ay ginagawa para sa kanya." Malaki
ang kanilang paniniwala sa mga gumagalang na espiritu kaya't si Kabunyan ang
hinihingan nila ng tulong sa lahat ng kanilang mga pangangailangan. Sila'y nagiiwan ng mga pagkaing katulad ng bigas, karne, at saging sa kanilang mga
taniman bilang handog sa kanilang diyos sa mga espiritu.

Mga Pananim at Industriya


Ang Mga Kalinga ay masisipag. Sila'y nagtatanim at umaani ng palay
makalawa isang sapagkat mataba ang kanilang lupa. Sinasabing ang mga
Kalinga ang pinakamagaling na manananim ng palay. Nagtatanim sila ng ubi,
kape, tugi, kakaw at mga binutil. Ang mga babae ang gumagawa sa bukid
samantalang ang mga lalaki ay naiiwan sa tahanan upang magalaga ng mga
anak. Industriya nila ay paggawa ng mga palayok at iba pang mga kasangkapan
ari sa luwad. Nag-aalaga sila ng mga kalabaw na kanilang ipinagbibili.
Gumagawa rin sila ng mga baskets na gawa sa kawayan at yantok.kinukuha nila
ito sa kagubatan sa dakong kanluran ang mga ito dahil dun sa gubat na iyon
lamang ang may sariwang sibol ng kakahuyan.

Paniniwala
Mangangaso isang paniniwala sa isang diyos o mga diyos o sa mga
doktrina o mga katuruan ng isang relihiyon.
Kidul
- diyos ng kulog

Kidlat

- diyos ng kidlat

Dumanig
- isang makapangyarihan na nag-uutos sa buwan (Bolan)
na awayin niya ang kanyang asawang araw (Ageo)

Ayon sa mga ibang Kalinga ay hindi na nila itinuturing mga diyos ang
mga ito. Nagbibigay lamang sa kanila ng babala ang buwan. Ang kasunduan sa
pag-aasawa ay mayaman sa mayaman at mahirap sa mahirap. Bihira lang ang
mayaman sa mahirap. Pagsapit ng mga lalaki at babae sa gulang na sampung
taon, sila'y nahihiya nang matulog sa tahanan ng kanilang mga magulang. Isang
bahay ang nagsisilbing dormitoryo nila. Ang bahay ay tinatawag na "Obog",
isang malaking kaabalahan sa may-ari ng bahay ang pagtulog doon ng mga
batang babae ngunit hindi siya tumututol sapagkat kaugalian. dinadalaw ng mga
lalaki ang mga babae dito. inaawitan at kinukuwentuhan nila ang mga iyon. Ang
may-ari ng bahay ay siyang nangangalaga sa kapurihan ng mga babae. hindi sila
maaaring lumabag sa kagandahang asal. Kapag naagaw ang pag-ibig ng dalaga
ng ibang lalaki, ang taong nagkasala ay hindi ang umagaw kundi ang
ipinagkasundong lalaki ng mga magulang nito, sapagkat wala siyang
kakayahang mapanatili ang pag-ibig ng babae sa kanya. Para sakanila, magwagi
ang tunay na lalaki at magbayad ang natalo. Ang babayaran ng natalong lalaki sa
mga magulang ng babae ay ang halagang nagugol nila sa handa nang tanggapin
nila ang pamamanhik ng mga magulang ng lalaki. May mga magulang namang
pinipilit ang kaniang anak na pakasalan kahit walang pag-ibig sa isa't isa,
inaasahan nilang maiibig din ng mga iyon ang isa't isa sa pagkalipas ng
panahon. Isang batas nila na kapag ang mag-asawa'y hindi makasupling, sila'y
dapat na maghiwalay. Maaaring maging dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa
ay ang pagpapakita ng masamang ugali ng babae sa mga kaanak ng lalaki at
pagpapakita ng kagaspangang ugali sa mga panauhin. Kapag naghiwalay ang
mag-asawa, ang mga anak ay sa piling ng ina maninirahan habang sila'y maliliit
pa ngunit kung sumapit na sa walo o siyam na taong gulang ang mga batang
lalaki, sila'y paminsan-minsang naninirahan sa piling ng ama. Kapag
nagdadalang-tao ang isang babae, iniiwasan nilang tumanggap ng panauhing
mula sa ibang pook. kung sakali namang hindi maiiwasang magkaroon sila ng

panauhin taga- ibang bayan, ito'y tinatanggapp nila sa ibang bahay. Ang
tinatanggap lamang nilang mga panauhin sa kanilang bahay ay ang kanilang
mga kapitbahay. Hindi pwedeng magtungo sa malalayong lugar ang asawa ng
babae at kung maaari ay mamalagi na lamang siya sa bahay. Ang dahilan ay
naniniwala sila na kapag nilabag nila ang mga ito, ang sanggol ay maaaring
malaglag mula sa sinapupunan ng ina. kung sakali namang magtuloy ang
pagdalang tao ng babae, ang sanggol ay magiging masasakitin kung maisilang
na : mahina ang katawan, payat at maaaring tubuan ng mga sakit sa balat. Kapag
ang isang babae'y nagdadalang tao, kailangang iwasan niyang makipagusap sa
isang taong dayuhan sa kanilang lugar. kung ang kanilang bahay ay malapit sa
lansangan, kailangan pansamantalang ilipat ito sa ibang lugar. kapag nilabag nila
ito, ang masasamang espiritu ay magdadala ng masamang kapalaran sa kanya at
sa janyang sanggol. Kung ang sanggol ay isinilang na, agad na putulin ng hilot
ang pusod. kailangang mahaba ang putol nito upang magkaroon ng mahabang
buhay ang bata. pinagiingatan nilang maputol nang maikli ang pusod sapagkat
may paniniwala silang magiging maikli ang buhay nito. Sa sandaling maisilang
na ang sanggol, agad silang magsusunog ng basahan upang maitaboy ang
masasamang espiritu dadalaw sa bagong silang. ayaw kasi ng mga espiritu ang
amoy nato.

Seremonya
Tuwing hapon ang bakuran ng tahanang may sanggol ay kailangan
sabuyan ng abo, lalunlalo na sa harapan ng bahay. naniniwala na lalayo ang
masamang espiritukapag ginawa ito. Kapag nakatuwaan daw ng masasamang
espiritu ang bata, ito'y nangangahulugan ng kanyang kamatayan.
Gabbok: Ang Pagbibinyag Ng Kalinga
May seremonya sa pagbibinyag ng kanilang unang sanggol. tawag dito ay
"Gabbok". Ang unang anak ay maaaring babae o lalaki ngunit hindi ito ang
mahalaga. Ang mahalaga'y ang seremonya na siyang mag-aakay sa sanggol sa
maligayang pamumuhay pati nari yun mga kasunud nitong mga kapatid. Ang
seremonyang ito'y magpapakilala sa sanggol sa mga espiritung naninirahan sa
mga panungkahoy, sa mga ilog, sa mga bundok at sa mga kabatuhan. Ang
ganitong pagpapakilala ay magbubunga ng kabutihan sa bata. tungkulin ng

mgmagulang ang pagpapakilala ang bata sa mga espiritu. pag hindi ipinakilala,
magkakasakit ang bata. Pagkasilang ng sanggol ang mga magulang at kamaganak nito ay maguusap kung kailan idaraos ang seremonya. sila'y maghahanda
ng mga kakanin at ito'y ilalagay sa mga dahon ng halamang kung tatawagin
nila'y " inandila "
" Inandila"
Ang mga kakanin ( palitaw sa Tagalog) ay iaayos na isa-isa sa dahon na
anyong hugis-dila. Ang mga puto ay ipamimigay sa mga kapitbahay at sa
malalapit na kamg-anak ng bata. Pagkaraan nito ay pag-uusapan ang takdang
araw ng seremonya. Sa nasabing seremonya, ang apat na haligi ng tahanan ay
tatalian ng yantok upang makabuo ng titik "E" nangangahulugan ito ng
pagnanais ng naghahandog ng gabbok na magkaroon ng maraming anak na
pupuno sa apat na sulok ng bayan- bayanan. Maglalagay rin sila ng mga putong
patopat (suman sa tagalog) sa mga basket at isasabit ang mga iyon sa apat na
haligi ng tahanan. Ang paglagay nito ay nangangahulugan ng maraming pagkain
sa isang banig sa gitna ng kabahayan at ilalagay ang sanggol sa harap nila. sama
sama silang tatalukbungan ng isang magandang kumot.Ang mga magulang ay
pahaharapin sa dakong pintuan. nangangahulugan ang ganoon ng pagnanais
nilang laging susundan ang tuwid na landas. Apat na bigkis ng palay ang
ilalagay sa dakong likuran ng mag-anak.
Maglalagay rin ng mga baging ng halamang gumagapang at ng isang
babasaging mangkok na malapit sa tatlo. Magtatali rin sila ng isang baboy na
buhay. Sa gabbok may isang matandang babae na papasok na siyang
magsasagawa ng seremonya. ang kanyang pagpasok ay sasabayan ng tugtog ng
" Tongatong" isang instrumentong ri sa kawayan na ginagamit ng mga Kalinga.
" Tongatong" magpapatuloy ang matandang babae sa marahang paglakad
hanggang sapitin niya ang kinalalagyan ng baboy. bubutusan nya ang isang
tainga ng baboy sa pamamagitan ng isang punyal. Pagkataposay kukuha ng
tubig at babasain ang taingang sinugatan. masasaktan ang baboy kaya't
pakikilusin ang tainga. Maliksin kikilos ang matandang babae at sasalukin sa
kanyang kamay ang tubig mula sa tainga ng baboy. tapos kukunin nya ang
halaman at iwawalis sa harapan ng mag-anak habang bumibigkas ng pakiusap.
Tatawagin nya ang espiritu upang dumalo at makita ang bagong silang na
sanggol. Ipapakiusap niyang huwag pipinsalain ang bata. Babanggitin nya ang
mga alay na mga pagkain ng mga inihanda ng magulang ng sanggol, at iyaya
nya ito makisalo sa kanila sa pagkain. Pagkatapos ng pakikiusap,kukunin ng

matanda ang babasaging mangkok at iwawasiwas iyon nang pataas at pababa sa


harap ng mag-anak. pagkaraan ay uupo siya at magsisimulang umawit. Habang
umaawit lalagyan nya ng mga puto ang basket, ang bilang ng mga puto ay kung
ilan ang bilang na ibig ng mga magulang ng bata na magiging anak nila.
Pagkatapos ay idaraan niya sa tapat ng ulo ng mag-asawa ang basket at
patatayuin ang mga iyon. ito oay nangangahulugan ng pagiging handa nila sa
pagharap sa mga suliranin sa buhay. Magpapatuloy ang seremonya hanggang
katanghaliang tapat. ang sugatang baboy ay kakatayin na. Ang bitukang laman
nito ay ilulutoat ihahain sa matatandang babae at lalaki. Ang mga laman ng
baboy ay hihiwain nang pirapiraso at ipamimigay sa mga ama ng mga
pamilyang nanduon. Ang pagpapamigay ay ibabatay sa kabuhayan at katayuan
ng taong bibigyan. Isang baboy pa ang kakatayin at ito naman ang ihahanda para
sa madla. Isang kaugalian ng mga Kalinga ang magbigay ng handog ng
anumang alaala sa batang bibinyagan katulad ng salapi, kumot at iba pa.
Kinahapunan, pinakamahalagang bahagi ng Gabbok ay isasagawa kapag malapit
nang lumubog ang araw, isang bahay-bahayan ang itatayo sa tabi ng mag-anak.
Mga bagong putol na kawayan ang gagamitin upang ipakilala ang panibagong
buhay para sa bata. Isasabit sa gitna ng bahay bahayan ang isang puso ng
saging. Ilalagay sa malapit dito ang isang baso at palaso kapag ayos na ang lahat
, ang matandang babae ay mananaog. Dala nya ang babasaging mangkok at
ikinakalantog ito habang nananaog.Susunod sa kanya ang ina ng bata. Dala niya
ang sanggol na balot ng kumot na ginamit nila sa unang bahagi ng seremonya.
Ang ina ng sanggol ay may dalang isang basket na may lamang isang manok at
mga sisiw. nangangahulugan ito ng masaganang pamumuhay ng kanilang
pamilya. Kasunod ng ina ang isang batang lalaki at isang batang babae. Ang
batang lalaki ay may dalang basket ( pasikin) na puno ng patopat (suman). Ang
lima'y liligid nang limang ulit sa bahay. Pagkatapos ay aakyat sa bahay ang ina
ng sanggol. Habang umaakyat ang mag-ina . kukunin ng matandang babae ang
inahing manok at mga sisiw. pawawalan nya ito. pagkatapos ay aakyat rin ito.
Dala parin ng matanda ang ang puno ng mga puto. Kukunin ng namn ng batang
lalaki ang pana at akmang papanain ang puso ng saging. Pagkatapos panain ng
batang lalaki ang puso ay pagaagawan ng mga iba pang bata ang basket na puno
ng patopat at kung sino ang mga makakakuha nitong basket ay ang kakain ng
mga ito at duon nagwawakas nga Gabbok.
Ang Pagtatanggap Sa Panauhin

Kilala ang mga Kalinga sa pagiging magalang sa pagtanggap ng ga


panauhin. Pinapakain nila ito. Pagtinanggihan ng panauhin ang pagkain,
nangangahulugan ng paghamak. Magagalit sakanya ang may-ari ng tahanan at
hahantong sa hindi mabuti ang kanyang pagtanggi. Kapag may dayuhang
dumating sa isang bahay, iniaalok ito ng tubig o pagkain. sa sandaling siya'y
makainom o makakain ang kaligtasan niya'y nasa pangangalaga ng may-ar ng
bahay. May pinaniniwala sila kapag humingi ng inumin o pagkain ang isang tao,
iyon ay paghihingi ng tulong. Ang isang panauhing may nagawang pagkakasala
sa kalingang hanggang ang kinain ng panauhin ay hindi pa natutunaw.

Pananamit
Tinaguariang Peacock of the North ang mga katutubo dito dahil sa
kanilang kasuotan at mga dekorasyon.

You might also like