Professional Documents
Culture Documents
Ang mga Mamanwa ay mga taong bundok na maitim, pandak,kulot ang buhok, at
sarat ang ilong na may maiti na mga mata. Sa Mindanao, ang mga Aeta ay tinatawag na
Mamanwa na naninirahan sa Hilagang-Silangan ng mg probinsiya ng Surigao at Agusan.
Gumagamit sila ng sariling wika na Mamanwan sa pakikipag-usap sa kapwa nila ngunit
nakapagsasalita rin sila ng wika ng mga taga ibang bayan.
Makikita sa ibaba ang kanilang populasyon.
Etimolohiya
Ang salitang Mamanwa ay may kahulugang first forest dwellers, galing sa
salitang man (first) at banwa (forest). Sila ay bantog sa tawag na kongking, dahil sa
kanilang buhok na kulot. Ang salitang ito ay galing sa salitang conquista na ang ibig
sabihin ay the conquered ones. Ang iba pa nilang katawagan ay ang Mamaw,
Amamanusa, Manmanua, Mamaua.
Kasaysayan
Ayon sa mga antropolohista at arkiyolohista, ang mga Mamanwa ay sumusunod
sa mga yapak ng unang tao sa pilipinas na dumating mla sa mga lugar ng Asya 50,000
aon na ang nakalilipas. Sila ang pinakamatandang pangkat na naninirahan sa Pilipinas
at pinapangalawahan ng mga Aeta sa Luzon.
Sila ay mga lagalag na naghahanap ng pagkain sa bawat lugar na kanilang
mapuntahan kaya wala silang permanenteng tahanan. Kumukuha sila ng mg orchids,
nuts, rattan, poles at honey upang ibenta sa bayan. May mga kagamitan din sila sa
pangangaso at pagtatanim.
Materyal na Kultura
A. Kasangkapan
Pagluluto
1. Clay pot o metal pot
2. Kayawan naman ang nilulutuan nila
kapag wala silang mga pots.
Pangangaso at pangingisda
6.
Kasuotan
1. Bark cloth
2. Girdle-kalalakihan
3. Grass skirt- kababaihan
4. Cotton G-strings
5. Bulaklak-nilalagay sa ulo ng mga kababaihan
6. Panyo sa ulo/ headband(kalalakihan)
7. Suklay na gawa sa kahoy
8. Armlets na gawa sa bristles ng baboy ramo para sa kababaihan
Palamuti sa bahay
1. Tropeyong bungo ng baboy ramo (display)
2. Panga ng ligaw na pusa
3. Ulo ng malalaking hipon
Bahay ng mga Mamanwa
Di-materyal na Kultura
Mga kaugalian at tradisyon, panitikan, musika, sayaw, paniniwala, at relihiyon,
pamahalaan at hanap-buhay ay sumasaklaw sa di-materyal na kultura.
PAG-AASAWA
-monogamy ang uri ng kanilang pag-aasawa.
Wala silang seremonya bago ang kasalan
Nagbibigay ng bigay o bogay ang mga lalaking gustong magpakasal.(pots,
pans, gongs, bolos, at pera atbpa.)
Kapag hindi mo kayang magbigay ng hinihinging bogay ay pagtrabahuan
mo ito sa ngalan ng iyong mapapangasawa.
Kapag malalamanng pamilya ng babae na may naiibigan ang kanilang anak
na babae ay kaagad na aayusin ng pamilya ng babae ang kasalan.
Ang pag-aasawa ay patri-local.
Malaya ang babae at lalaki sa pagpili ng mapapangasawa.
13 hanggang 16 taon sa mga Mamanwa ay karaniwang nag-aasawa na.
Hindi sila nag-aasawa ng kamag-anak.
Ang lalaki ay hihingi ng tulong sa kaniyang magulang upang mapuntahan
ang napupusuang babae- tinatawag itong pamadje.
Ang seremonya sa pag-aasawa ay ganito: ang dalawang ikakasal ay uupo
sa sahig na malapit sa isat isa na may kaharap na isang pinggan na puno
ng bigas. Kukuha sila ng bigas, hahawakan iyon at ang kabilang kamay ng
lalaki ay hahawak sa kabilang kamay ng babae at sasabihin ng barangay
kapitan na sila ay mag-aasawa na. ang pagtatapos ay tinatawag na
kombite.
Pinapayagang mag-asawa muli ang mga balo at pati na ang nag-divorce.
Hindi pinapayagang mag-asawa ng kapatid ng asawang namatay.
Hinid maaaring lumabas ng bahay ang babaeng engaged.
Gumagamit sila ng gayuma o love charm- lumay.
Kapag nagloko ang babae may karapatan ang lalaki na patayin ang
kalaguyo ng kaniyang asawa pati na rin ang mismong asawa nito.
Kapag lalaki naman ang nagloko, magbabayad naman siya sa babae.
PAGBUBUNTIS
Ang isang buntis ay di pwedeng kumain ng ipinagbabawal sapagkat
makaka-apekto ito sa bata sa sinapupunan.
Bawal kainin ng babaeng buntis ang dwarf deer, tuko at baboy ramo.
May sariling midwife ang mga kababaihang buntis
Pinuputol ang pusod ng bagong silang na sanggol at huhugasan ng
malinis na tubig.
B. Paniniwala
RELIHIYON
Naniniwala sila sa isang Magbabaya.
Sila ay mga nomadic na tao.
Sinasamba nila ang mga lugar at bagay na pinagkukuhanan nila ng
pagkain.
Naniniwala silang ang buwan o ang araw ay tahanan ng manlilikha nila.
KAMATAYAN
Takot mamatay ang mga Mamanwa. Kung may patay ay ililibing kaagad.
Hindi sila mag-iingay o iiyak dahil baka magalit daw sa kanila ang mga
engkanto. Habang inililibing ang kamag-anak nilang namatay ang iba
naman ay naghahanda para sa paglisan sa lugar na iyon.
Magbasag ng pinggan sa kabaong upang mapahinto ang susunod na
kamatayan o walang susunod sa kanilang mamamatay.
Hindi kailangan magpaalam ang mga bisita kung aalis na pagkatapos
bumisita sa patay para sa katahimikan ng namatay.
Hindi dapat magwalis ng sahig kung may patay pa sa bahay para maiwasan
ang sunod-sunod na pagkamatay.
Pagtangon- ang mga nagbabantay ay hindi matutulog dahil maaaring
dumating ang masamang kaluluwa at palitan ang patay.
Kung may balak na dumalaw ang magsakit ay hindi pinahihintulutan upang
hindi lumubha ang kanyang sakit.
C. Ritwal at pagdiriwang
Pagdidiwatahan
Nanalangin sila tuwing full-moon. Isa itong community prayer na
pinangungunahan ng tambayon.
Moon- prayer
Isang dasal na pasalita na may kasamang tugtog at sayaw ng mga katutbo.
Magsisimula ito sa pagpapakita ng buwan at magtatapos sa kadiliman ng
gabi ang pagdarasal.
Bakayag- pagdiriwang para sa kaluluwa ng namatay pagkatapos ng libing.
Maaari ring ipgdiwang para sa masaganang ani.
IBA PANG PANINIWALA
Ang napaka-pulang bahaghari ay nangangahulugan ng kamatayan.
Ang lindol ay pinaniniwalaang dahil sa isang higanteng ahas.
Ang kulog at kidlat ay ang galit ni magbabaya.
D. Pamahalaan
Ginagalang ang mga asawa ng isang lalaking lider sa pamayanan ng mga
Mamanwa.
Ang pagiging lider ay hindi namamana bagkus ay pinagsusumikapan.
Maaaring maging lider ang isang babae.
E. Hanap-buhay
Gumagamit sila ng lason sa pangangaso (tigao, tuba, tubli at lagtang)
Sa pangangaso ay gumagamit sila ng net pero sa pangingisda ay wala.
May tinatawag silang habongan o isang uri ng balsa na gamit sa
pangingisda.
Dumpil naman ang tawag sa isang fish trap
Sa pangangaso kung sino man ang makahuhuli ng isang hayop ay sa kanya
mapupunta ang ulo ng hayop.
Gumagawa sila ng basket, banig at mga bitag sa pangangaso.
SANGGUNIAN:
http://www.tribemission.com/images2/Mamanwa-settlement-2b.jpg
http://www.ourpacificocean.com/oceania_mamanwa/index.htm
https://www.google.com.ph/imgres?imgurl=http%3A%2F%2Ffootage.framepool.com%2
Fshotimg%2F328525367-arco-y-flecha-tiro-con-arco-arco-arma-
taparrabo.jpg&imgrefurl=http%3A%2F%2Ffootage.framepool.com%2Ffr%2Fshot%2F23
8479941-foot-de-rue-cameroun-sportif-amateur-football-
balle&docid=nWdbgerqAtIv3M&tbnid=inTjN-
qviZkLdM%3A&w=360&h=203&ved=0ahUKEwiUs5vHw6jJAhVIHo4KHVliCY0QxiAIBTA
D&iact=c&ictx=1
https://newcapp.files.wordpress.com/2014/07/mamanwa-manobo1.jpg
http://www.mindoro.com/i/misc/MIO-NR-Apr-2-08-
photo2.jpghttp://www.jacobimages.com/home/wp-
content/uploads/2011/06/Mindanao_Surigao_Mamanwa.jpg
Ang Isla ng Siquijor: Kaligirang Kasaysayan at Ilang
Impormasyon
Ang
ugali ng
mga
San Juan 15
7 kilometro ang Si St. Aurelius 11, 371 ang
layo mula sa Agustin of naninira-han,
bayan ng Hippo ang marami rito ay
siquijor. pangunahing mga ninuno
patron, ( ika- buhat sa
21 Oktuber). nasabing bayan.
Materyal na Kultura
A. Bahay ng taga Siquijor
B. Gamit sa Panggamot at Pangkukulam
C. Lumay at Anting-Anting
Ito ay ayon kay Sopio Sumalpong:
Panliligaw o pang-aakit ng babaeo lalaki
Mababango ang lumay. Kung manlulumay sa babae, ang mga pinaghalong
sangkap nito ay ibat ibang uri ng bulaklak, ugat ng kahoy at lalo na ang matinik. Ang mga
mababango ang siyang kinahihiligan ng mga babae
Itoy kinukuha sa punongkahoy na kakikitaan ng alitaptap at kukuha ng kaunti lamang
dahil may nagmamay-aring ispiritu at itoy espesyal.
Kumuha ka ng panyo at lagyan ang bawat gilid nito ng lumay at tiklupin ipalo.
Di-materyal na Kultura
Mga kaugalian at tradisyon, panitikan, musika, sayaw, paniniwala, at relihiyon,
pamahalaan at hanap-buhay ay sumasaklaw sa di-materyal na kultura.
A. MGA PANINIWALA/KAUGALIAN
Masasabing rin na ang paniniwala ang sanlingan ng iba sa katotohanan, katunayan at sa
katarungan. Isang patunay na nakaugat sa mga Pilipino ang ganitong kultura at hindi
kailan man mababago dahil sa pag-unlad din ng panahon. Ang epekto ng pagbabago ay
pahapyaw lamang kahit pa naimpluwensyahan ng ibang grupo o karatig pulo.
Ang pagsangguni sa mananambal o sa tinatawag na albularyo ay isa sa mga paniniwala
at kaugalian patuloy na ginagawa nila magpahanggang ngayon. Ito ang mga
sumusunod:
Sa Pagtatanim o Paghahanapbuhay
Ayon kay Generosa Balos, may mga paniniwala sila at seremonya na kadalasang
isinasagawa sa pagtatanim at pag-aani. Ang pagsunod nila ditto ay nagbubunga ng
masaganang saging, mais, at kamote. Narito ang kanyang mga pahayag:
Kung magtatanim ng saging dapat bilog ang buwan, magsumbrero ng malaki,
magpakabusog, kumain ng marami at huwag tumingala para magkabunga ng
malaki at hindi matayog ang bunga nito.
Mula sa punong mais kumuha ng tatlong bunga. Manalangin para ang ani ay
matagumpay. Sa panalangin, kinakailangan na mula sa puso upang di magalit ang
mga diwata at para mabigyan ng masaganang ani.
Sa pagtatanim ng mais, magluto ng mais na nalalakipan ng tabako, tuba at tubig
dahil may pausok na gagawin. Maggiling din ng mais para gawing pintos.
Magpintos ka ng dalawa. Manalangin, pagkatapos ay ilagay sa baul.
Sa pagtatanim ng kamote, ginagamit ang mga tuhod at kamay. Gumagapang
habang nagtatanim at sinasabayan ng pagdarasal upang sinlaki ng tuhod ang
magiging bunga nito.
Aswang
Ang mga nakakatakot na mga di karaniwang nilalang ay nakaugat sa ating
paniniwala. Mula pa sa mga lolot lola, amat ina, tiyot tiya ang paniniwalang ito ay may
malaking epekto sa ating pananaw sa buhay. Hindi man natin sila nakikita, naniniwala pa
rin ang mga tao na may ganitong uri ng nilalang. Narito ang sinabi ng mga albularyo
tungkol sa aswang.
Ang aswang ay tao lamang na may kapangyarihan.
Mahal na araw kung sila ay nagsisilabasan dahil wala si Kristo.
Ispiritu o Anito
Isang malaking impak sa tao ang ispirtwalismo. Isang teorya na binigyang-diin sa
direk na interbensyon ng ispiritwal at supernatural na lakas sa pang-araw-araw na
pangyayari sa buhay ng tao. Ang termino ay bumabalot sa penomenang di magkaunay
tulad ng extrasensory perception, telekenesis at ibat ibang kondisyon na kaanib ng
religious ecstasy.
Narito ang ilang halimbawa na nagbibigay paliwanag sa paniniwala ng mga
albularyo:
Kung may malapit nang mamatay lalo na kung naghihingalo diyan nagsisilabasan ang
masasamang ispiritu
Kung umuulan, naglalabasan ang mga anito
Panganganak
May paniniwala ang nga mananambal na sinusundo para hindi mahirapan sa
panganganak ang pinapanganak. Ito ang mga sinabi nina Sopio Sumalpon at Maximo
Supol tungkol dito na sila mismo ang mananabang o ang nagpapanganak.
Kung malapit na ang panganganak, isinturon sa may uson ang habak na galling sa kupo
o sa unggoy para hindi mahirapan sa panganganak.
Pag-aalaga at pagdidisiplina sa anak
Kailangang ilagay sa may pintuan ang pusod ng bata upang lumaki siyang hindi
mahiyain.
Huwag pigain ang lampin sa unang laba para ang bata ay hindi lumaking malikot.
Sorcerers
Ang ilan sa mga kilalang ritwal na isinasagawa ng mga sorcerers ay ang barang at paktol.
Nagaganap ang pambabarang kapag ginamitan ng mahika ng isang sorcerer ang mga
insektong gaya ng ipis at uwang upang atakihin ang sikmura ng kanyang biktima.
Lumulobo ang tiyan nito at kinalaunan ay sumasambulat. Ang paktol ay nakikiusap at
lumuluhod sa espiritu ng nungo upang bigyan ng kamatayan ang kaaway. Karaniwang
isinasagawa sa lugar na may mga engkanto gaya ng puno ng balite o ng mga yungib ang
ritwal kung saan pinaniniwalaang pinamumugaran ito ng masasamang espiritu.
Shamans
Kilala ang mga Shamans bilang mananambal. Sila ang mga lokal na manggagamot na
gumagamit ng mahika upang makapagpagaling ng mga sakit na gawa ng mga
pangyayaring mahiwaga. Ayon pa rin sa Dumagueteinfo.com, ipinahahayag ng lahat ng
mananambal na ang kanilang kapangyarihan ay nagmumula sa pwersa ng himala at
kababalaghan gaya ng mga santo at espiritu ng mga namatay.
Subalit pinaniniwalaan pa rin ng karamihan na buhay pa rin at hindi maiiwasan ang mga
tradisyunal na paraan ng panggagamot. Tulad ng mga herbal medicine na inirereseta ng
mga albularyo na isang epektibong gamot dahil sa puro at walang halong kemikal.
KAMATAYAN
Hindi dapat tinutulungan ang patay dahil hindi maganda ang pag-alala sa
kanya.
Pag may patay sa bahay, huwag maglinis ng bahay. Hintayin nalng ang
ikarlong araw bago mag linis.
PAGLILIBING
Dadaan sa ilalim ng ataul ang lahat ng miyembro ng namatay upang hindi sunod-
sunod ang mamamatay sa pamilya.
Pamahiin
Ang isla ng Siquijor hanggang ngayon ay patuloy na nakagapos sa mga pamahiin na
may malalaking papel na ginagampanan sa kanilang buhay. Nagbigay si Candida
Paculba ng ilang mga pamahiin:
Pag hindi kasal, hindi dapat na pumunta sa malalayong lugar ang ikakasal dahil
may mangyayaring masama. Kailngan maghintay ng tatlong araw bago umalis.
Sa pagtatayo ng bahay, tiyakin na nasa tamang buwan at tamang petsa. Lagyan
ng agnos ang bahay, kung walang agnos ay pera ang ilalagay sa ilalim o haligi ng
bahay.
Magahanda ng tubig sa baso at ilagay sa pintuan o bintana upang mamalayang
may magnanakaw na papasok sa bahay.
Pagkatapos ng kasal, kailangan na matulog sa bahay ng babae ang bagong kasal
para maayos ang kanilang buhay mag-asawa.
Pagkagaling sa simbahan, patuluyin ang bagong kasal, suklayan at painumin ng
bulaklak ng dapo o orkids na kulay puti.
SANGGUNIAN:
http://thepoc.net/index.php/ang-misteryo-at-mahika-ng-siquijor/
https://www.google.com.ph/search?q=siquijor&sa=X&biw=1138&bih=551&tbm=isch&im
gil=ruG3tIS5IEy8oM%253A%253Bc7OJYg0Fi7V9YM%253Bhttp%25253A%25252F%2
5252Fwww.siquijor.gov.ph%25252F&source=iu&pf=m&fir=ruG3tIS5IEy8oM%253A%25
2Cc7OJYg0Fi7V9YM%252C_&usg=__KDRv-qhEgk-
mbuc34Hya7tEDbKo%3D&ved=0ahUKEwiLrsbJiK3JAhWUUogKHbvxDyEQyjcIMA&ei=
wHFWVovOBpSloQS747-IAg#imgrc=ruG3tIS5IEy8oM%3A&usg=__KDRv-qhEgk-
mbuc34Hya7tEDbKo%3D
http://www.symbianize.com/archive/index.php/t-859456.html