You are on page 1of 8

TRENDS SA PAGTUTURONG WIKA

 Malusog at masigla ang wikang Filipino sa kabila ng malaking krisis na


idinulot ng CHED Memo No. 20. (CHED on removal of Filipino from the New
General Education Curriculum)
 Nahihirapan ang mga rehiyonalistang igiit ang kaniláng makitid na pananaw
dahil sa matatag na kampanya at programang pangwika ng Komisyon
sa Wikang Filipino (KWF) na napapatnubayan ng isang organisado’t sistematikong
Medyo Matagalang Planong Pangwika.
 Pangwakas na hatol ng Korte Suprema nitong 5 Marso 2019
 mga guro sa kolehiyo ay sapilitang inilipat sa senior high school o nawalan ng
tiyak na trabaho
 Naorganisa ang maraming guro para manghingi ng TRO laban sa CMO 20 at
muling nagisíng sa halaga ng sáma-sámang pagkilos para maipagtanggol ang wikang
Filipino at ang kanilang sariling kapakanan.
 Naituro sa KWF ang malakíng limitasyon ng R.A. No. 7104 at ang katotohanan
na ang tadhanang pangwika sa 1987 Konstitusyon ay non-self executory.
 Ang huling nabanggit na aral mula sa CMO 20 ay nagbigay ng bagong uri ng
adhika para sa KWF para isagawa agad sa loob ng 2019.
 Dalawang antas at sanga ang naging kampanyang pangwika ng KWF sa loob
ng nakaraang panahon: una, ang estandardisasyon ng Filipino simula 2013, at
idinugtong ang intelektuwalisasyon o kultibasyon ng Filipino simula 2016.

Mahigpit na magkaugnay ang dalawang kampanya, at kailangan para sa


dalawang malakíng tungkulin ng KWF:

1. Upang makalaya ang wikang Filipino sa mga kasalukuyang problema sa loob


at labas ng edukasyong pangwika
2. Upang maitulak ang pagtupad sa atas ng 1987 Konstitusyon na paunlarin at
palaganapin ang wikang Filipino bílang opisyal na wika ng pamahalaan at ng buong
sistema ng edukasyong pambansa.

Pangunahing diin naman sa buong kampanya ang oryentasyong “katutubo.”


Nakaangkla ito sa dalawang batayang katotohanang itinataguyod ng KWF:

1. Ang Filipino ay isang wikang katutubo dahil nakabatay sa isang wikang


katutubo ng Filipinas.
2. Nakasaad sa 1987 Konstitusyon na kailangang payabungin ang Filipino at
pangunahing pampayabong ang mga wikang katutubo ng Filipinas.
 Pansalungat ang unang batayang katotohanan sa mahihiwatigang turing ng mga
rehiyonalista sa Filipino bílang isang wikang kaaway ng mga katutubong wika ng
bansa. Adhika namang salungatin ng ikalawang batayang katotohanan ang umiiral sa
kasalukuyang lansakan at walang-patumanggang panghihiram ng salitâ mula sa Ingles
at ibáng wikang banyaga’t pandaigdig.
 Buong oryentasyong katutubo ng kampanya ng KWF ay nakapaloob mismo sa
pamagat ng programang Uswag: Dangal ng Filipino na inumpisahan noong 2013.
 Pinalalaganap nito ang isang Ortograpiyang Pambansa (OP)
 Ibinukas ng OP ang Filipino sa paglalahok ng mga katangiang ortograpiko na
wala sa Tagalog ngunit taglay ng karamihan sa mga wikang katutubo.
 Pagtawag ng KWF ng mga forum at seminar upang baguhin ang balarila tungo
sa pagsasanib ng mga katangiang panggramatika ng ibáng mga katutubong wika sa
bagong Gramatikang Pambansa (GP)
 Sa unang pagkakataon din, noong 2015, pinagtuunan ng saliksik at fildwork ng
KWF ang mga wika ng maliliit na pangkating etniko, upang matanto ang halaga ng
pagbuo ng isang programa para sa pagsagip ng mga nanganganib maglahong wika.

 Nitong 2018, tatlong malalaking gawain ang tinupad ng KWF sa tulong ni


Senador Loren Legarda
 Inilunsad ang Lingguwistikong Etnograpiya ng Filipinas (LEF) at ang
Bantayog-Wika
 Naibukas ang Bahay-Wika para sa Ayta Magbukun ng Barangay Bangkal,
Abucay, Bataan
 Ang LEF ang pinakaambisyoso ngunit lubhang kailangang programa sa
saliksik ng KWF
 Ngayon nakakalat at walang komprehensibong saliksik sa alinmang katutubong
wika at sa mga dominyo ng ICH ng alinmang pangkating etniko, kaya walang
pambansang programa upang maprotektahan ang buong ICH ng bansa
 Bagaman pangunahing layunin ng LEF ang higit na matalik at masinop na
kaalaman hinggil sa umaabot sa 130 katutubong wika ng bansa, kinikilala nito ang
kabuluhan ng komprehensibong dokumentasyon hinggil sa mga pangkating etnikong
nag-aari ng naturang mga wika at ang kaugnay na mga katutubong karunungan at
karanasang pinagmumulan ng bawat wika
 Noong 2017, nagpalabas ng panawagan para sa mga panukalang saliksik wika
ang KWF sa pamamagitan ng pondong kaloob ni Senador Legarda
 Sa mga panukalang dumating, 32 (na sasaliksik sa 24 wika sa Luzon, 2 sa
Visayas, at 6 sa Mindanao) ang pinilìng bigyan ng indibidwal at institusyonal na
pondo para sa taong 2018
 19 sa nabigyan ng grant ang nakapagsumite ng kailangang impormasyon
pagkaraan ng isang taon
 19 wika ang magiging simula ng artsibo sa 2019 hábang patuloy ang saliksik sa
ibá pang wikang katutubo at samantalang gumagawa ng mga hakbang upang
madagdagan ang dokumentasyon sa 19 wika
 Nakalikom din ng karanasan ang KWF upang makabuo ng higit na mabisang
sistema upang isagawa ang LEF
 Nagkaroon din ng mahalagang tungkulin ang mga Sentro ng Wika at Kultura
(SWK) ng KWF sa oryentasyong katutubo. May 41 SWK na sa mga state universities
and colleges (SUC) sa buong bansa. Nagdaraos ang mga ito ng tertulya, lalo na kapag
Buwan ng Wika at Buwan ng Panitikan, at nakaukol ang bawat ganitong pagtitipon sa
pagsusuri o pagtatanghal ng wika at kulturang katutubo sa lalawigan o rehiyon ng
SWK.
  Sa pamamagitan ng tuon sa mga wikang katutubo ay nalalantad mismo ang
wikang Filipino sa mga salita at konsepto na nagpapalawak sa batayang pangkultura
nito. Naaakit din ang partisipasyon ng mga pangkating etniko tungo sa mga gawaing
pambansa
 Samantala, naididiin ang kabuluhan ng malawakan at sistematikong saliksik
wika, bílang makabuluhang bahagi ng pambansang adyenda sa saliksik pangkultura,
at dahil hindi ito nabibigyan ng kaukulan at nararapat na pansin kahit sa pagkakaloob
ng research grants sa mga kolehiyo at unibersidad
 Kung umaasa lamang ang saliksik sa kaalamang banyaga, natural lamang na
lumikha ito ng agham at teknolohiyang naglilingkod sa banyagang pangangailangan.
Samantala, ang agham at teknolohiyang sumibol mula sa isang katutubong kultura ay
higit na maaasahang may oryentasyong sumagot sa pangangailangan ng sariling
lupain at magdulot ng pagbabagong batay sa nasaliksik na pangangailangan ng
sariling bansa.
 Ang Filipino bílang wikang “katutubo” ay inaasahang magtaglay ng
karunungang bumukal mula sa sariling kasaysayan at karanasan ng mga Filipino at
higit na awtentiko kung hinango mula sa karanasang bago dumatíng ang mga
pananakop na Kanluranin. Ang ibig sabihin, nása wikang “katutubo” ang sinaunang
karunungang pinanday sa pakikipagtunggali ng mga ninuno natin sa bawat hamon ng
kalikasan—maging iyon ay lindol, bagyo, daluyong, buhawi, baha, tagtuyot, atbp—
kaya may ganap na pag-unawa at paggalang sa sungit ng panahon at sa biyaya ng
dagat, ilog, danaw, bundok, bulkan, at kagubatan
 May sapat na karunungan ang wikang katutubo upang mabuhay ang tao sa
gitna ng anumang panganib at matamasa ang mga malikhaing damdamin at karapatan
ng taong malaya, nagsasarili, at umuunlad alinsunod sa kaniyang pangangailangan
 May mga leksiyon ang idinulot na krisis ng CMO 20 na magandang iugnay sa
kampanya tungo sa intelektuwalisasyon ng Filipino. Una, napagtuonan ng puna ang
nilalaman ng karaniwang anim na yunit sa Filipino para sa mga estudyante sa
kolehiyo. May pumuna na ang nilalamang panitikan at gramatika sa mga naturang
sabjek ay maaari nang ituro sa senior high (at siyáng nangyari), at kung gayon ay
hindi kailangang ulitin sa kolehiyo. Ngunit ikinatwiran ng mga nagtatanggol sa
naturang mga sabjek na napakalawak ng panitikan at kung tutuusin ay kulang ang
isang semetre upang masaklaw ang kabuoan nito
 Iminungkahi din na panatilihin ang anim na yunit ngunit lagyan ng ibang
nilalaman. Iminungkahi naman ng KWF na ituro ang mga panukalang bagong GEC
ng CHED gámit ang Filipino upang hindi mawalan ng trabaho ang mga guro
 Subalit tila ba hindi pa handa ang mga guro para rito
 Kung lumitaw na hindi handa ang mga guro, ikalawang dapat suriin ay ang
edukasyong normal. Kailangang bigyan ng mga bago’t dagdag na nilalaman ang
programang BS at AB para sa mga magiging guro sa Filipino
 Ang intelektuwalisasyon ng wikang Filipino ay kailangang maisulong sa silid-
aralan at sa pamamagitan ng mga intelektuwalisadong guro sa Filipino
 Kailangan sa gayon ang kaukulang reoryentasyon at muling-pagsasanay sa mga
guro sa kasalukuyan upang magampanan ang kanilang tungkulin
 Panahon nang maging demokratisado ang karunungang siyentipiko at upang
pakinabangan ito ng nakararaming mamamayan
1
2
3
4
5

MGA NAPAPANAHONG
TEKNOLOHIYA AT KAGAMITAN SA
PAGTURO NG WIKA
 BATAYANG AKLAT – isang masistemang pagsasaayos ng paksang aralin
para sa isang tiyak na asignatura at antas.
 MANWAL NG GURO – kalipunan ng mga araling nakakaayos ayon sa
layunin at mga mungkahing paraan o istratehiya kung paano itong ituturo sa mga
mag-aaral.
 SILABUS – balangkas ng mga layunin, paksang aralin na nauukol sa isang
particular na kurso o asignatura na nakaayos nang sunod-sunod ayon sa
kinabibilangang yunit at inilalaan para sa isang markahan o semester.
 WORKBUK – gawaing pagsasanay ng mga mag-aaral kaugnay na
tinatalakay mula sa teksbuk.
 KOPYA NG BALANGKAS (DUPLICATED OUTLINES) – Ito ay dagdag
na sipi ng mga ng mga binabalangkas na aralin. Ito ay ginagamit na gabay sa
pagpaplano at pagbubuo ng araling tatalakayin.
 HAND OUTS – madalas inihahanda ng tagapagsalita para sa kanyang
tagapakinig. Nababalikang babasahin ng guro para sa ikalilinaw ng isang lugar.
 PAMPLETS / SUPLEMENTAL MAGASIN / BABASAHIN – mga set ng
impormasyon mula sa ibang materyales na idinadagdag sa tinatalakay.
 ARTIKULO – naglalaman ng iba’t ibang paksa na napapanahon na
magagamit na pantulong sa isang aralin.
 PAHAYAGAN – naglalaman ng mga pangyayari sa loob at labas ng
bansa. Ito ay ginagamit bilang suportang impormasyon na kaugnay sa aralin
 JOURNAL – isang balangkas na sipi ng kinalabasan na isang pananaliksik
 INDEX – isang material na pinagmumulan at pinagkukuhanan ng mga
sanggunian at impormasyon
 WORKSHEET AT WORKCARDS – kagamitang pinagsusulatan ng mga
impormasyon at kaalaman upang madaling maisaayos
 MODYUL – binubuo ng iba’t ibang gawaing pangkatuto na kadalasan ay
nasa anyong babasahin
 BANGHAY ARALIN – balangkas ng mga layunin, paksang aralin,
kagamitan at mga hakbang sa sunod-sunod na isasagawa upang maisakatuparan ang
mga layunin o inaasahang bunga ng isang aralin
 PATNUBAY SA GAWAING PANG MAG-AARAL – Set ng mga panuto at
tanong na makakatulong sa pagtalakay ng mga bagong aralin
 PAGSUSULIT – sumusukat ang natutunan ng mag-aaral
 TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON – sa paghahanda ng guro ng
pagsusulit makikita ang lawak ng nilalaman, bilang ng aytem at uri ng pagsusuring
gagawin
MGA TEKNIK AT ESTRATEHIYA SA
PAGTUTURO NG FILIPINO

ng pagbasang pampanitikan ayon kina Evasco et. al (2011) ay may apat (4) na


antas ng pagbasa:

1.) TEKSTWAL
 Pinipisil ang teksto sa anyong kinapapalooban ng elemento ng isang genre.
 Pinatitingkad nito ang genre sa kanyang malikhaing porma na sadyang
pinalalalim ng pananaw ng pormalismo

2.) KONTEKSTWAL

 Kinikilala bilang produkto ng mga nakalipas na pangyayaring nagpapalawak ng


butil ng isipan ng mambabasa
 Tipong babasahin na iniintindi ang kalagayan ng panipunan na nabubuhos sa
nayo
ng pagsulat ng panitikan
 Isang salamin ng lumipas at ang epekto ng nitong masisilayan sa kasalukuyan

3.) SUBTEKSWAL

 Uri ng pagbasa na tinitirik ang lihim ng manunulat sa kanyang mga akdang


isinusulat
 Ang pagbasang ito ay magiging makabuluhan ang paggamit ng moralismong
pananaw ng panitikan

4.) INTERTEKSTWAL

 inihahalintulad ang binasa sa iba pang akdang may kaugnayan sa binabasang


akda

IKA – 21ST SIGLONG LITERASI

 MEDIA LITERASI – ang paggamit ng video at social media sa


responsableng pagpapaksil at paglalathala ng impormasyon upang ilabas ang
katotohanan
2.) GLOBAL NA LITERASI – pagiging maalam sa kultura ng iba bilang
pag-unawa at pag-iiwas sa paghuhusga

3.) TEKNOLOHIYANG LITERASI – paggamit ng responsible sa mga


teknolohiya gaya ng cellphone, tablets, para sa kabutihan

ANG MGA NAGSASANIB NA LITERASI

MGA HALIMBAWA:

 Ang paggamit ng e-book sa pagbabasa na may komprehensiyon


 Ang paggawa ng digital na kuwento sa kakayahan sa yugto ng pagsulat
 Ang paggamit ng game application sa pagkatuto ng wika
 Pagkatuto ng pagbabasa sa pamamagitan ng videoke o ng youtube

BLENDED LEARNING

 Ang pagtuturo ng wika na gamit ang tradisyonal na pamamaraan at ang


awktentikong pamahalaan
 Kombinasyon ng dalawang pamamaraan ng pagtuturo upang matamo ang
interaksyon ng guro sa klasrum at magamit din ang teknolohiya bilang bahangi ng
mga gawain sa klase

RESIPROKAL NA PAGTUTURO SA PAGBASA

 Ang pagtuturong resiprokal ay isang metodo ng pagbabasa na gumagamit ng


apat na pamamaraan ng pagbasa na may komprehensyon: Pagtatanong, Paglalagom,
Paglilinaw, at Paghuhula
 Ito ay nakakatulong sa paglinang ng abilidad ng pagbasa lalo na sa mga
mahihina at kailangan pang mas idebelop (Carter, 1997)
 Ito ay mula sa Vygotsky’s theory na may pundamental na tungkulin sa
interaksyong sosyal, ito ay iniuugnay sa debelopment ng kaisipan
 Ang pagtuturong resiprokal ay epektibo sa mga babasahing may kinalaman sa
humanidades at mga kaugnay na agham panlipunan gaya ng edukasyon, sikolohiya,
kalakalan at iba pa (Lederer, 2000)
ANG KULTURA NG LITERASI SA PAGTUTURO NG PAGBASA AT
IBA’T IBANG TEKSTO

 Mainam na bigyang halaga ang kultural na literasi bilang kasangkapan upang


maipagtanggol ang sariling kultura ng bayan at bansa
 Hindi sakop ang paglalawig sa iba pang nasyon bagkus pagpapatatag ng
kultural na literasi sa sariling lugar at ang pagiging Pilipino
 Mainam na pagtuturo ng teksto na may integrasyon ng kultura ng lugar upang
mapahalagahan ang pagkatao ng isang mag-aaral at maipagmalaki ang sarili bilang
kasapi ng isang pangkat-etniko at ng bansa (Paz, 2017)
1

You might also like