You are on page 1of 6

Pambansang Mataas na Paaralan ng Silangang Dasmarias San Simon, Lungsod ng Dasmarias, Cavite

Panahunang Ulat na Dapat Tuparin sa Filupino III Lingguhang Suring Tula

Iniharap kay: G. Jay-R Delos Santos Gajilan Guro sa Filipino III

Iniharap ni: Pangalan: BAGRO, Melvhic A. Taon at Pangkat: 3-ARGON

Petsa ng Pagpasa: Septyembre 7, 2012

A. Pamagat: Magkano ang Inyong Boto? B. May-akda: Rolando A. Bernales C. Pagsusuri sa Elemento: C.1. Saknong: dalawang(2) saknong C.2. Tugma: Di-Ganap C.3. Sukat: 1- (11, 11, 13, 15, 13, 12, 15, 14, 13) 2-( 17, 13, 15, 15, 15, 16) C.4. Interpretasyon ng Nilalaman ng Tula: Ipinapahayag ng tula ang kahalagahan ng ating boto, at dapat natin itong ingatan sapagkat sa isang botong ito nakasalalay ang ating kinabukasan. C.5. Mensahe: Ang pagbebenta ng boto ay isang napakalaking pagkakamali, sapagkat ang ating sariling kinabukasan an gating ipinagbibili sa paggawa ng gayong bagay.

D. Kopya ng Tula:

Magkano ang inyong boto, Mang Juan? Sapat na ba ang isang kilong bigas at isang maliit na lata ng sardinas? Aling Maria, inyo rin bang ipinagbibili, ang inyong pangarap at maging inyong bukas? Ano o magkano ang dagdag na bayad na inyong hinihingi kung pati kinabukasan nina Boy at Nene ay kasamang babayaran? Sapat na marahil ang ilang dadaanin pambili ninyo ng asin, kamatis at daing Hindi nyo ba naiisip, Aling Maria at Mang Juan: Kapag naluklok, mga buwayang kandidato lalo nilang padudukhain, abang buhay ninyo? Sapagkat, kung uunlad ang lahat ng mahihirap baka ni isang boto, wala na silang matanggap dahil wala na ring sa patalim nila ay yayakap!

A. Pamagat: Ang Aking mga Panauhin B. May-akda: Salvador R. Barros C. Pagsusuri sa Elemento: C.1. Saknong: anim (6 na saknong) C.2. Tugma: Di-Ganap C.3. Sukat: 1- ( 18, 18, 18, 18, 6, 6, 18, 18 ) 2- ( 18, 18, 18, 18, 6, 6, 18,18 ) 3-( 18, 18, 18, 18, 6, 6, 18, 18 ) 4-( 18, 18, 18, 18, 6, 6, 18, 18 ) 5-( 18, 18, 18, 18, 6, 6, 18, 18 ) 6-( 18, 18, 18, 18, 6, 6, 18, 18 ) C.4. Interpretasyon ng Nilalaman ng Tula: Ikinukwento ng may-akda ang tungkol sa kanyang mga panauhin na bumisita sa kanya at pumasok sa kanyang katawan at nagdiwang, sa pamamagitan ng pagkain sa kanyang malusog na baga, at pagkakabusog ng mga ito na ang siyang dulot ay ang kasawian ng manunulat. C.5. Mensahe: Ang pagkabusog ay sa umpisa, nagbibigay lakas at ligaya sa mga tao, ngunit kung itoy sumobra, ang lahat ng buhay ay maaaring mawala sa mga taong labis ang pagpapakabusog at pagpapakasaya.

D. Kopya ng Tula: Minsay nangagbalak magdaos ng pista ang mga mikrobyo, Bakit, sabi nila, ang pagdiriwang bay sarili ng tao? Daming nagpaunlak sa pulong na tawag ng tila pangulo Nalagay sa hapag ang mga mungkahi at silay nagtalo. Ngunit ang mainam At masayang tunay Nang magkasundo na ay lumakad silang sa akin ang tungo! Pinagkayariay idaos ang piging sa mga baga ko! Walang pasintabi na pinasok nila ang aking katawan At sa loob, kahit dilim-hatiggabiy di sila naligaw. Ang mga mikrobyoy pagkasaya-saya! Nangagtatawanan, At pag may natalo, na kawal dugo ko, ay napapasigaw. Nang silay dumating Sa pook ng piging Ang namanghang lahat: kay gagandang baga, sariwat malaman! At napakasarap! Biro pa ng isat silay nasisayaw. Lubhang kakatuwa ang nakatatawang nangyari sa akin,

Di nagpaanyayay nilusob ng yutang mga panauhin, Hukbo-hukbong hayop na pawing marumi, matakaw kumain At ang tabat buhay na isinisiglay sa tao nanggaling. Hindi pa nagsawa Pistay pinahaba Na tila ang nais, ang mga baga koy tuluyang ubusin, Bakit nga aalis sa ganitong handang kay sarap ng hain?

Busog nang mikrobyoy napaabot-sabi sa kanilang kapwa: Pumarito kayo, madali, at ditoy kay inam ng handa! Pagkadami-daming mga bagong dating na muling dumagsa, Upang sa dugo kao at matabang laman magsipagpataba. At silay lumiyag At nagsipanganak, Hindi ng sampu lang o limampung sanggol kundi laksa-laksa, At sa pistang ito ng mga mikrobyoy ako ang salanta. Ang datiy mapulat buhay na kulay ko, ay biglang kumupas. Nangangayayat ka! ang bati sa akin ng bawat kausap, Ang siglat lakas koy unti-unti ngunit tiyak sa pagtakas; Ang lahat ng tanday nangagbabalitang may mapapahamak Pagkat hindi tao Ang mga mikrobyo Kundi mga hayop na may sikmura ngay wala namang utak (At wala ring puso), kayat sa pagpuuksay ni hindi nagbawas. Akoy mamamatay. Luksang guniguning nakapanlulumo! Mga panauhin, pagdamutan sana ang tanging bilin ko: Nariyan ang hukay-lupang sariwa pat yupi-yuping damo, Kung akoy mamatay at malagak diyay ano na sa inyo? Ngunit ang mapait Na di ninyo batid A, kung maging isang payak nang kadimlan sa akin ang mundo, Mga panauhin sa aking libingay kasama ko kayo.

A. Pamagat: Panalangin ng Kargador B. May-akda: Jing Castro Panganiban C. Pagsusuri sa Elemento: C.1. Saknong: anim (6) saknong C.2. Tugma: Di-Ganap C.3. Sukat: 1- ( 8, 11, 14 ) 2-( 8, 11, 7, 7) 3-( 6, 10, 4, 9, 9, 8, 12, 5 ) 4-( 9, 10, 13 ) 5-( 13, 8, 8, 9, 15, 11, 7, 11 ) 6-( 8, 11, 14, 8, 7, 7, 6 ) C.4. Interpretasyon ng Nilalaman ng Tula: Ang panalangin na ito ay sa isang kargador, na pagal ang katawan sa isang linggong trabaho, at ang kanyang tanging sandigan sa panghihinat paghihirap na ito ay ang kanyang Panginoon at pag-inom sa bawat bote ng alak na kasama ang kanyang mga kaibigan. C.5. Mensahe: Ang lahat n gating mabuting paghihirap ay may magagandang kapalit, na naghihintay lamang kung kalian natin mapapansin.

D.Kopya ng Tula: Panginoon, ngayong Linggo, dito Kita sasambahin sa kanto kasama ng mga kaibigan at katoto. Ipagpaumanhin Mo po ang hindi ko pagpunta sa simbahan. Sakit po kasi ng likod koy di ko na makayanan. Matagal na rin pong gumagapang ang kirot na ito. Minsan nga po, sa gabi, nangingisay ako kapag tila treng umaandar ang kirot sa aking buto kapag tila binubuwag ng martilyo ang gulugod ko.

Ipagpaumanhin po Ninyo kung dito ko kayo sasambahin sa piging ni San Miguel sa baso at yelo. Sa ganitong paraan kop o nadarama ang kamay Nyong mapagpala na humahaplos sa akin upang akoy paginhawain. Sa ganitong paraan lang po ako nangingiti matapos ng isang linggong pangingiwi sa bugbog ng trabaho sa kaltas ng kapatas sa suweldo. Panginoon, ngayong Linggo, dito Kita sasambahin sa kanto kasama ng mga kaibigan at katoto upang mapawi ang sakit ng isipat katawang hindi na kayang ibsan saanmang simbahan.

You might also like