You are on page 1of 2

Taga-ulat: Jessa Mae G.

Jaco Petsa: Nobyembre 27, 2015


Guro: Propesor Carmela G. Ong Iskedyul: Fil126/TFr/10:30-12

IBA PANG URI NG PAGSUSULIT: LECTURETTE

Ang lecturette ay isang maikling paglalahad o pagsasalita tungkol sa isang paksa o talata.
Isang uri rin ito ng pagsusulit na kadalasang nagtatagal ito nang 10 hanggang 20 minuto.
Ginagawa ito upang subukin ang kakayahan ng isang estudyante sa pakikinig, pag-unawa at pag-
alaala ng mga pangunahing ideya o salita mula sa paksang binasa. Ito ay isa ring halimbawa ng
pagsusulit na integratibo sapagkat sinusukat nito ang pangkalahatang kasanayan sa wika ng mga
mag-aaral.

Magbabasa ang guro ng isang talata. Ang kanyang pagbabasa ay gagawin niya ng
dalawang ulit at magtatanggal ng ilang mga salita. Sa pagtatanggal naman ng mga salita, kung
nagsimula kang magtanggal sa ikalimang salita sa loob ng isang pangungusap, nararapat lamang
na ang lahat ng mga natanggal na salita ay nasa ikalimang bilang rin sa loob ng isang
pangungusap.

Sa paggawa rin ng pagsusulit na lecturette, kinakailangang ang una at huling mga


pangungusap ng isang talata ay buo at hindi kinaltasan ng salita sapagkat ito ang magiging
basehan ng mga mag-aaral sa pagsagot. Samantala ang ibang mga pangungusap ay kinakaltasan
tuwing nth na linya --- maaaring tuwing ikalima, ikaanim, ikapito, ikawalo o ikasiyam ang
nawawalang salita sa kanyang sagutang papel.

Maaaring hindi ang tiyak o eksaktong salita ang maisulat niya, subalit kinakailangan na
magkasing-kahulugan ang sinulat niya at ang nawawalang salita.

Halimbawa:

Panuto: Ang talatang Tatak ng Pilipino ang Paggalang sa Matatanda na nasa baba ay dalawang
ulit na babasahin ng guro at aalisan ng ilang mga salita.

Unang talata:

Iginagalang ng mga Pilipino ang matatandang kasapi ng pamilya. Sa simula pa man ng


pampamayanang pamumuhay ng mga unang Pilipino, nagpakita na sila ng mataas na
pagpapahalaga para sa matatanda. Karaniwang ang pinakamatanda ang kinikilalang pinuno o
tagapayo ng barangay. Ang mga datu ay pinunong naniniwala sa katarungan ng mga matatanda.

Nagmamano sa matatanda ang mga batang kasapi sa pamilya. Tanda ito ng paggalang.
Gumagamit ng katawagan ng paggalang ang mga nakababata sa pakikipag-usap sa mga
nakatatanda sa kanila. Manang, manong, aling, mang, ginoo, apo, impo, lolo at lola, ang mga
katawagang pamitagan sa kanila. Sa Luzon, gumagamit ng mga salitang po at opo ang mga bata
kung nakikipag-usap sa matatanda.

Inaalagaan ng buong pamilya sina lolo at lola, ang kanilang matatandang kasapi maging
hanggang sa mga ito ay magkasakit at mamatay. Hindi bahagi ng kulturang Pilipino ang
paglagak sa kanila sa mga institusyong gaya ng Home for the Aged. Tatak ng mga Pilipino ang
pagmamahal at pagtanaw ng utang na loob sa mga taong nag-alaga sa kanila noong bata pa sila.

Ikalawang talata:

Iginagalang ng mga Pilipino ang matatandang kasapi ng pamilya. Sa simula pa man ng


1.____________ pamumuhay ng mga unang Pilipino, nagpakita na sila ng mataas na
pagpapahalaga para sa matatanda. Karaniwang ang pinakamatanda ang kinikilalang 2._________
o tagapayo ng barangay. Ang mga datu ay pinunong 3._________ sa katarungan ng mga
matatanda.

Nagmamano sa matatanda ang mga 4.________ kasapi sa pamilya. Tanda ito ng


paggalang. Gumagamit ng katawagan ng paggalang ang mga nakababata sa pakikipag-usap sa
mga nakatatanda sa kanila. Manang, manong, aling, mang, ginoo, 5.________, impo, lolo at lola,
ang mga katawagang pamitagan sa kanila. Sa Luzon, gumagamit ng mga 6.__________ po at
opo ang mga bata kung nakikipag-usap sa matatanda.

Inaalagaan ng buong pamilya sina 7.______ at lola, ang kanilang matatandang kasapi
maging hanggang sa mga ito ay magkasakit at mamatay. Hindi bahagi ng kulturang Pilipino
8.____ paglagak sa kanila sa mga institusyong gaya ng Home for the Aged. Tatak ng mga
Pilipino ang pagmamahal at pagtanaw ng utang na loob sa mga taong nag-alaga sa kanila noong
bata pa sila.

You might also like