You are on page 1of 8

Kultura at Tradisyon ng

mga Kalinga sa
Kabila ng Modernisasyon
Isang Proyekto sa Araling

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Cagayan State University

Bachelor Of Technology and Livelihood Education

Ginoong Jederich Balauag

Johnlloyd Delarosa

Maria Angelica Faye Calderon

Mary-Jane Carolino

Jing-jing Collado

Vien Carline Bassig

Kaye Joson
Kalinga ay isang walang baybayin
Capital:
na lalawigan ng Pilipinas sa Rehiyong
Pampangasiwaan ng  Tabuk
Cordillera sa Luzon. Tabuk ang kapital nito at
napapaligiran ng Lalawigang Bulubundukin sa Kabuuang Lawak:
timog, Abra sa kanluran, Isabela sa  3,231.25 km2(1,247.59 sq mi)
silangan, Cagayan sa hilagang-silangan,
at Apayao sa hilaga. Bago ang 1995, dating Populasyon:
isang lalawigan ang Kalinga at Apayao na
 212,680 katao
pinangalang Kalinga-Apayao, hanggang
naghiwalay ang dalawa upang mapabuti ang serbisyo at pangangailangan
ng indibiduwal na mga katutubong tribo sa mga lalawigan. Matatagpuan ang
mga Kalinga sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Mahilig sila sa makukulay na
pananamit at pampaganda. Napakahalaga sa kanila ng mga pampalamuting
alahas sa buong katawan. Ang ibinibigay na dote para sa ikakasal ay
tinatawag na ballong o kalon.

Isa sa mga pangunahing kabuhayan ng mga katutubong Kalinga ay ang


pagsasaka, at dahil na rin sa magubat at bulubunduking lugar dito, isa na rin sa
nagging kabuhayan nila ay ang pangangaso.
INTRODUKSYON

Ang mundong ating ginagalawan ay binubuo ng iba’t-ibang nasyon na


binubuo ng iba’t-ibang lahi na sya namang pinagbubuklod-buklod ng mga
aspetong tulad ng lengguwahe, kulay, itsura at higit sa lahat ay ang kultura.
Ang mundong ito ay biniyayaan ng makulay at mayabong na kultura mapa-
kanluranin man o sa asya. Bawat lugar sa bawat bansa ay may iba’t-ibang
kaugalian at tradisyon na kanilang ipinamamana sa bawat henerasyon na
dumarating. Lalong-lalo na dito sa ating sariling bansa. Ang kapuluan ng
Pilipinas ay binubuo ng 7,107 na pulo at sa kabila nito ang kapuluan na ito ay
pinangkat sa tatlong (3) pangunahing pulo; Luzon, Visayas at Mindanao. Dahil
sa napakaraming pulo dito sa Pilipinas ang mga sinaunang Pilipino ay
nagkaroon ng pagbubuklod at bumuo ng kanya-kanyang tribo na tinatawag
natin ngayon na mga pangkat etniko. Bawat pangkat etniko ay may kanya-
kanyang uri ng pananamit, pananalita at pati na rin ang kanilang kultura na
binubuo ng iba’t-bang kaugalian. Na naisalin sa bawat henerasyon hanggang
sa kasalukuyang panahon.

Isa sa mga tanyag


na pangkat etniko dito sa
bansang Pilipinas ay ang
pangkat ng mga Kalinga,
na nagmula pa sa
rehiyon ng Cordillera.
Kabilang din ang Kalinga
sa mga pangkat
etnikong may mayaman
na kultura na patuloy
paring ginagawa sa
kasalukuyang panahon. Kahit ang mga bagong henerasyon ng pangkat ng
kalinga ay patuloy pa ring isinasagawa ang mga kultura at tradisyon na
nakagisnan ng kanilang mga ninuno sa kabila ng modernisasyon at sa kabila ng
mga pananakop na nangyari sa ating bansa noong unang panahon patuloy
pa rin na nabubuhay ang kanilang mga kaugalian. Kabilang sa mga tradisyon
ng Kalinga na tatalakayin sa proyektong ito ay ang kanilang mga kaugalian
pagdating sa pagdadalang-tao, pananampalataya, pag-aasawa,
pagbibinyag at ibang pang mga kaugalian at pamahiin.
TRADISYON NG MGA KALINGA

PAGDADALANG-TAO

Ayon sa kanila kapag nagdadalang-tao ang


isang babae, iniiwasan nilang tumanggap ng
panauhing mula sa ibang pook. Kung sakali namang
hindi maiiwasang magkaroon sila ng panauhin na
taga- ibang bayan, ito'y tinatanggapp nila sa ibang
bahay. Ang tinatanggap lamang nilang mga
panauhin sa kanilang bahay ay ang kanilang mga
kapitbahay. Hindi pwedeng magtungo sa
malalayong lugar ang asawa ng babae at kung
maaari ay mamalagi na lamang siya sa bahay. Ang
dahilan ay naniniwala sila na kapag nilabag nila ang
mga ito, ang sanggol ay maaaring malaglag mula
sa sinapupunan ng ina. Kung sakali namang magtuloy ang pagdalang tao ng
babae, ang sanggol ay magiging masasakitin kung maisilang na: mahina ang
katawan, payat at maaaring tubuan ng mga sakit sa balat. Kapag ang isang
babae'y nagdadalang tao, kailangang iwasan niyang makipagusap sa isang
taong dayuhan sa kanilang lugar. Kung ang kanilang bahay ay malapit sa
lansangan, kailangan pansamantalang ilipat ito sa ibang lugar. kapag nilabag
nila ito, ang masasamang espiritu ay magdadala ng masamang kapalaran sa
kanya at sa janyang sanggol.

PAGAASAWA

Nagkakasundo na ang mga magulang kahit na ang mga anak ay bata


pa. Lahat halos ng mga batang Kalinga, kahit mga sanggol pa,
ay may nakatakda nang mapapangasawa pagdating ng
araw. Dapat mas matanda nang kunti ang lalaki kesa sa babae
ng isa o dalawang araw. Maaari ring maganap ang
pagkasundo ng mga magulang habang nasa sinapupunan pa
lamang ang mga anak. Ang pagkakasundo ay tuluyan nang
pinagtitibay kapag ang isinilang ng mga ina y isang lalaki at
isang babae. May mga pangyayari namang tinatanggihan ng
mga magulang ng babae ang pakikipagsundo ng mga
magulang ng lalaki at ang ibinibigay na dahilan ay baka hindi mabutihin ng
kanilang anak ang kanilang pakikipagsundo kung ang bata ay lumaki na.

PANANAMPALATAYA

Ang kinikilalang kataas-taasang diyos ay si "Kabunyan", na minsan ay


tinatawag na " Kadaklan" o " pinakamakapangyarihan". Ang Kabunyan ay
nangangahulugan ng " Ang mga pag-aalay ay ginagawa para sa kanya."
Malaki ang kanilang paniniwala sa mga gumagalang na espiritu kaya't si
Kabunyan ang hinihingan nila ng tulong sa lahat ng kanilang mga
pangangailangan. Sila'y nag-iiwan ng mga pagkaing katulad ng bigas, karne,
at saging sa kanilang mga taniman bilang handog sa kanilang diyos sa mga
espiritu.

PAGBIBINYAG

Ang mga kakanin ( palitaw sa Tagalog) ay iaayos na


isa-isa sa dahon na anyong hugis-dila. Ang mga puto
ay ipamimigay sa mga kapitbahay at sa malalapit na
kamag-anak ng bata. Pagkaraan nito ay pag-
uusapan ang takdang araw ng seremonya. Sa
nasabing seremonya, ang apat na haligi ng tahanan
ay tatalian ng yantok upang makabuo ng titik "E"
nangangahulugan ito ng pagnanais ng
naghahandog ng gabbok na magkaroon ng
maraming anak na pupuno sa apat na sulok ng
bayan- bayanan. Maglalagay rin sila ng mga putong
patopat (suman sa tagalog) sa mga basket at
isasabit ang mga iyon sa apat na haligi ng tahanan.
Ang paglagay nito ay nangangahulugan ng maraming pagkain sa isang banig
sa gitna ng kabahayan at ilalagay ang sanggol sa harap nila. sama sama silang
tatalukbungan ng isang magandang kumot.Ang mga magulang ay
pahaharapin sa dakong pintuan. nangangahulugan ang ganoon ng
pagnanais nilang laging susundan ang tuwid na landas. Apat na bigkis ng
palay ang ilalagay sa dakong likuran ng mag-anak. Maglalagay rin ng mga
baging ng halamang gumagapang at ng isang babasaging mangkok na
malapit sa tatlo. Magtatali rin sila ng isang baboy na buhay. sa gabbok may
isang matandang babae na papasok na siyang magsasagawa ng seremonya.
ang kanyang pagpasok ay sasabayan ng tugtog ng " Tongatong" isang
instrumentong ri sa kawayan na ginagamit ng mga Kalinga.

IBA PANG MGA KAUGALIAN AT PAMAHIIN NG MGA KALINGA

ANG PAGTANGGAP SA PANAUHIN

Ang kasunduan sa pag-aasawa


ay mayaman sa mayaman at mahirap
sa mahirap. Bihira lang ang mayaman
sa mahirap. Pagsapit ng mga lalaki at
babae sa gulang na sampung taon,
sila'y nahihiya nang matulog sa
tahanan ng kanilang mga magulang.
Isang bahay ang nagsisilbing
dormitoryo nila. Ang bahay ay
tinatawag na "Obog", isang malaking
kaabalahan sa may-ari ng bahay ang pagtulog doon ng mga batang babae
ngunit hindi siya tumututol sapagkat kaugalian. dinadalaw ng mga lalaki ang
mga babae dito. inaawitan at kinukuwentuhan nila ang mga iyon. Ang may-ari
ng bahay ay siyang nangangalaga sa kapurihan ng mga babae. hindi sila
maaaring lumabag sa kagandahang asal. kapag naagaw ang pag-ibig ng
dalaga ng ibang lalaki, ang taong nagkasala ay hindi ang umagaw kundi ang
ipinagkasundong lalaki ng mga magulang nito, sapagkat wala siyang
kakayahang mapanatili ang pag-ibig ng babae sa kanya. Para sakanila,
magwagi ang tunay na lalaki at magbayad ang natalo. ang babayaran ng
natalong lalaki sa mga magulang ng babae ay ang halagang nagugol nila sa
handa nang tanggapin nila ang pamamanhik ng mga magulang ng lalaki.
MGA UGA-UGALI AT MGA PAMAHIIN NG KALINGA

Mataas ang
pagpapahalaga nila sa
kanilang karangalan
kaya't ayaw nilang sila'y
mapahiya. Iniiwasan
nilang makasugat ng
damdamin o sila'y
magdamdam kung ang
bagay na pag-uusapan
ay ang pagpili ng mapapangasawa ng kanilang anak. Kapag nagkasundo na
ang dalawang pamilya sa pagpapakasal sa kanilang mga anak, sila'y
nagpapadalahan ng mga regalong katulad ng karne, mga gulay mga
minatamis at diket (kalamay). Ang Diket ay nangangahulugan sa kanila ng
pagtitiyaga at katapatan. tuwing may handaan, sila'y laging nagpapadalahan
ng karne. Isang hitang kalabaw ang laging ipinadadala. Ang pagbibigay ng
karne ay isang matibay na bigkis na bumubuklod sa pagsasamahan ng mga
Kalinga. May mga magulang namang pinipilit ang kaniang anak na pakasalan
kahit walang pag-ibig sa isa't isa, inaasahan nilang maiibig din ng mga iyon ang
isa't isa sa pagkalipas ng panahon. Isang batas nila na kapag ang mag-
asawa'y hindi makasupling, sila'y dapat na maghiwalay. maaaring maging
dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa ay ang pagpapakita ng masamang
ugali ng babae sa mga kaanak ng lalaki at pagpapakita ng kagaspangang
ugali sa mga panauhin. Kapag naghiwalay ang mag-asawa, ang mga anak ay
sa piling ng ina maninirahan habang sila'y maliliit pa ngunit kung sumapit na sa
walo o siyam na taong gulang ang mga batang lalaki, sila'y paminsan-minsang
naninirahan sa piling ng ama. Mga uga-ugali mga pamahiin
KONKLUSYON

Maraming parte ang bumubuo sa pagkakailanlan ng mga Pilipino kasama na


rito ang daang libong tribo na kinakanlong ng ating bansa. Ang bawat isa ay
may sariling tradisyon at pangkat ng pamumuhay at bawat isa ay salamin ng
kaluluwang Pilipino. Ang mga kulturang nabanggit sa itaas gaya ng
pamamanhikan, pagkakasal, pagbubuntis, pagbibinyag at iba pa ay isa sa
kayamanang maituturing ng mga taga kalinga. Ang pangkat ng Kalinga ay isa
sa mga may pinakamayamang kultura sa lahat ng pangkat etniko sa ating
bansa na sya namang patuloy pa rin nilang pinapatunayan sa kasalukuyang
panahon. Kahanga-hanaga ang mga taga kalinga dahil sa kanilang pagsisikap
na mapanatili ang kanilang kulturang minana pa sa kanilang mga ninuno.
Marahil ay magpapatuloy pa ang pagyabong at pagpapaunlad nila sa
kanilang kultura sa paglipas ng panahon. Isa sa mga ito ay ang pagbibigay
respeto sa kalikasan na pinagkunan nila ng kanilang ikinabubuhay tulad ng
pagkain atbp. Isa pang pagkakakilanlan ng kalinga ay ang paghahain nila ng
masarap na kape bilang pagpapahiwatig na malugod ang kanilang
pagtanggap sa kanilang bisita. Sinasabing hango sa hayop na “peacock” ang
kanilang tradisyonal na kasuotan dahil sa makukulay nitong disenyo. Ang
kasuotan ng mga taga kalinga ay hango ang disensyo sa kagubatan.
Karaniwang ang naghahabi dito ay mga kabataan bilang paraan ng
pagtratrabaho o pagtulong sa kanilang magulang. Kilala sa pagtugtog ng
instrumentong “Gong” ang mga Kalinga na sumisimbolo naman ng kanilang
pagkakaisa. Maihahalintulad din ang iba sa kanilang mga tradisyon ang tulad
ng Ifugao at Aeta.

Gaya ng Hudhod ng Ifugao at Darangen ng Lanao, ang Pagbabatok naman


ay isa na sa nanganganib na kultura ng mga taga Kalinga na maari ng
mawala. Ipagbigay alam natin sa bawat isa na ang tradisyon ay mahalaga na
dapat itong isalin sa mga susunod pang lahi o henerasyon sapagkat ito ang
nagsisilbing kaluluwa ng ating kultura. Na syang magtutungo sa ating
pagkakaisa at pagkakabuklod buklod bilang isang Pilipino. Na sa kabila ng
modernisasyon patuloy pa ring nabubuhay ang bawat kultura ng ating bansa.

You might also like