You are on page 1of 24

TSAPTER 1

ANG LUGAR

Figyur 1. Probinsya ng Antique (mula sa www.storyv.com)

Ang Tribong Karay - a o Kinaray - a ay grupo ng etnolingguwistika na nakatira


sa mga isla ng Panay at Palawan. Ang pangalan ng grupong ito ay nanggaling sa
salitang iraya na ibig sabihin ay “upstream” o pataas. Isa ang Kinaray – a sa lenggwahe
ng Kabisayaan kasama ang Aklanon, Capiznon at Hiligaynon. Ang wikang Kinaray - a,
batay sa mga saliksik, ay pinakamatandang wika sa isla ng Panay. Ayon sa
estadistika, higit 500,000 ang nagsasalita nito at ginagamit sa Antique, Capiz, Guimaras,
Iloilo, at Palawan (www.kwf.gov.ph).
Ang isla ng Panay kung saan naninirahan ang tribong Karay - a ay ang pang-
anim na pinakamalaki at pang - apat na pinakamaraming tao sa Pilipinas. May
kabuuang 12,011 km2 (4,637 sq mi) at may kabuuang 4,477,247 na naninirahan sa isla.
Ang isla ay nahahati sa apat na probinsya: Aklan, Antique, Capiz at Iloilo. Ang isla ay
binubuo rin ng 92 na munisipalidad. Sa probinsya ng Antique ang may
pinakamaraming naninirahan na mga Karay – a (Boquet, 2017).
Ang pangunahing probinsya kung saan makikita ang karamihan ng mga Karay -
a ay sa Antique kung saan isa ito sa anim na probinsya sa isla ng Panay. Ang Antique
ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng isla ng Panay. Ang Antique ay isang makitid
na lalawigang hugis kabayong - dagat. Sakop nito ang buong baybayin ng
kanlurang Panay, gayundin ang iilang mga pulo sa pagitan ng Panay at Mindoro na
siyang bumubuo sa bayan ng Caluya at iilang mga pulo ng Culasi at Anini-y. Kilala ang
Antique bilang 'ang lugar kung saan nagkikita ang bundok at dagat' dahil sa kakaibang
heograpiya nito. Ang kanluran ng lalawigan ay ang baybaying humaharap sa Dagat
Sulu, habang ang silangan nito ay binubuo ng mga burol, talampas at bulubundukin.
Ang mga bulubundukin sa silangan ng lalawigan ang siyang humihiwalay sa Antique
sa Aklan, Capiz at Iloilo na naghahati-hati sa Kapatagan ng Panay. Ang pinakamataas
na bahagi ng lalawigan ay ang Nangtud sa bayan ng Barbaza na 2049 m ang taas.
Karamihan sa lupa ng Antique ay mabato at mabuhangin kung kaya hindi ito gaanong
sagana (www.antique.gov.ph).

Figyur 2. Mapa ng Isla ng Panay at ang mga Lenggawahe Rito (mula sa www.asianjournalusa.com)

TSAPTER 2
KULTURA

Ang kultura ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay


kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa
kabuuan. Dito nakikilala ang isang lugar o bansa at ang kanyang mamamayan
(Anderson & Taylor, 2017). Mababasa sa ibaba ang paniniwala at kaugalian ng mga
taga - Antique o mga Karay - anon patungkol sa iba’t ibang aspekto ng kanilang
pamumuhay. Ang mga ito ay nagbibigay dagdag kaalaman sa kung anong merong
paniniwala ang mga Karay-anon na wala sa ibang grupong panlipunan.

Pag - aasawa
Ang pag-aasawa sa mga unang magpinsan ay karaniwan na sa kanila kahit na
pinagbabawal ng simbahan at estado. Ngunit anumang sekswal na relasyon sa pagitan
ng lolo at apo, tiyuhin/tiyahin at pamangkin, kapatid na lalaki at babae, at magulang at
anak ay mahigpit na pinagbabawal. Sa Panay Bukidnon, ang panliligaw ay nagsisimula
sa pangagad, na kung saan ang manliligaw ay nagseserbisyo sa sa pamilya ng gusto
niyang mapapangasawa ng mga isang taon. Sinusundan ito ng patalanha o sikreto, na
kung saan ay sikreto nilang sasabihin sa magulang ng babae ang intensiyon nila rito.
Ngayon ay naging moderno na, pagkatapos tanggapin ng babae ang alok ng lalake ay
magkikita na ang kanilang pamilya para sa pagbati. Kabilang sa diskusyon ang dowry,
bayad sa ikakasal na babae. Matapos mapagsang-ayunan ang sa kasal ay nagbibigay ng
tuos ang manliligaw. Ito ay token of agreement. Isa ring mahalagang bagay maliban sa
dowry ay ang hungaw o kasal at punsyon o salo-salo. Bago ang kasal, ang lalaki ay
kailangang dumaan sa bayaw - biit. Ito ay isang laro na kung saan ay dapat makilala ng
lalaki mula sa pitong babae ang babaeng kanyang pakakasalan. Lahat ng babae ay
nakatakip. Kapag ito ay kaniyang nalampasan, ay kailangang magbigay siya ng biit o
regalo sa pamilya ng babae o in-laws gaya ng sanduko ‘dagger’, binigkit ‘necklace’,
saipang ‘blouse’, patadyong ‘barrel skirt’, dapay ‘ bedsheet na may disenyong ibon’
para sa amang o lolo. Sa araw ng hungaw o kasal, ang manghuhusay ay aalamin kung
napagtagumpayan at nadaanan na ang mga proseso. Magsisimula ang punsyon o salo-
salo kung ang ikinasal at kanilang mga pamilya ay magkaharap na at ginagawa ang
pangasi o ang pag inom ng alak gawa sa palay (rice wine). Ang mga lolo ay aawitan
ang bagong kasal. Ang susunod ay ala-salud o ang paglalagay ng pera ng mga bisita sa
kawayan. Tapos ay may binanog dance. At bago ihabilin ang babae sa lalaki ay may
sasabihin ang mga magulang nito na tinatawag na pamilinbinlin o counsel. Mayroon
din silang polygyny na pinapayagan ang lalaki na mag-asawang marami basta ay
kayang buhayin ang mga ito (www.ourislandsourpeople.wordpress.com).

Binukot

Figyur 3. Imahe ni Poncilla Caballero, Itinuring na huling Binukot (mula sa


www.aswangproject.com)

Ang Binukot ay isang pangkulturang Pilipino na nagbubuklod sa isang kabataan


(karaniwang babae) na inaasahang ang pag hiwa hiwalay ay magreresulta sa isang mas
mataas na halaga na inilagay sa indibidwal ng mga manliligaw ng mag-asawa sa
hinaharap. Ang kasanayang ito ay nagmula sa pre-Hispanic Philippines ngunit ito ay
patuloy parin hanggang ngayon. Ito ay pinakahuling gawi ng mga taong nasa Panay
Bukidnon, na nagpapanatili sa mga kababaihan mula sa publiko simula sa pagkabata.
Ang Binukot ay nakahiwalay sa kanilang mga magulang mula sa natitirang
sambahayan sa edad na 3 o 4 taong gulang. Hindi ito nakalantad sa araw, hindi
pinapayagan na magtrabaho, at kailangan pang samahan ng mga magulang kapag
naliligo. Nagreresulta ito sa isang patas, mahina, maayos na kutis, at mahaba na buhok
ng babae. Habang ito ay nananatili sa bahay ng karamihan, ang kanilang mga
magulang at lola ay nagbibigay aliw sa kanila ng iba't ibang mga oral lore at tradisyonal
na mga sayaw.
Ang tradisyon na ito ay nagpapatuloy pa rin. Ang Binukot ay hindi dapat makita
ng sinumang tao mula pagkabata hanggang pagkabata. Ang mga miyembro lamang ng
pamilya at ang mga babaeng tagapaglingkod, na tinawag na apid, ay maaaring
makulong sa binukot. Upang maiwasan sila sa mga mata ng kalalakihan, pati na rin
ang kalasag sa kanila mula sa araw, sila ay naligo sa ilog sa gabi. Ang isang makeshift
enclosure ay maaari ring gawin para sa kanya sa ilog para sa hangaring ito. Walang
sinuman ang maglakas-loob na tumingin sa isang Binukot dahil may banta ng parusa sa
pamamagitan ng kamatayan sa sinumang lumabag sa kanila sa pamamagitan ng
pagtingin.
Ang isang Binukot ay hindi pinapayagan na gumawa ng mabibigat na trabaho
ngunit maaaring maghabi sa kanilang silid. Sila ay binigyan ng mga babaeng katulong
na gumawa ng iba pang gawain para sa kanila. Kapag ang isang Binukot ay handa na
para sa kasal sa 13 o 14, o kahit na mas bata, ang kanilang mga magulang ay humihiling
ng isang mataas na pangayu (presyo ng nobya o dote) mula sa pamilya ng suitor. Ang
masigasig na nagbabantay, ang dalaga, kasama ang kanyang kagandahan at mataas na
pangayu, ay nagdadala ng prestihiyo sa pamilya at hayop. Kahit na dumadalaw sila sa
kanila, ginagawa ng mga magulang ang nakakaaliw at sila ay pinananatili sa loob ng
kanilang silid-ngunit maaari nilang ipakita ang dulo ng isang kuko. Gayunpaman, kahit
na paminsan-minsan, ipinagbili siya ng kanyang mga magulang sa mga malaking
pagtitipon tulad ng mga kasalan kung saan pinasasalamatan ng mga binata ang
kagandahan nito at maaari silang magsagawa ng isang ritwal na sayaw
(www.aswangproject.com).

Figyur 4. Larawan ng Pag-aalaga sa Isang Binukot (mula sa www.aswangproject.com)


Kamatayan
Ang kanila namang paniniwala at kaugalian sa kamatayan ay kapag ang Karay-a
ay namatay, ang kanilang mga kamag- anak na naiwan ay magsasagawa ng mga anito
ritual sa diyos Pandaque upang ang kanyang kaluluwa ay makapasok sa Mount
Madya-as, ang tahanan ng mga patay. At kung hindi sila makakapagsasagawa ng
ritwal ay mapupunta ito sa ilalim na rehiyon na dala ng diyos Simuran at Siginarugan.
Sa lugar ng Madya-as ay nakatanim na napakataas na puno at ang kanilang diyos na si
Sidapa ang siyang sumusukat sa katagalan ng buhay ng mga bagong silang na Karay-a
sa pamamagitan ng pagmamarka nito sa puno. Sa pagkamatay ng tao, ang babaylan ay
nagsasagawa ng pagbilig 'to form' ritual na pumupigil sa dungan na maliquefy o
liquefying, na gustong-gusto ng aswang na kainin. Kailangan ay buo ang katawan nito
sa pagtungo nito sa lawa na kung saan ang Banglé ay naghihintay upang kargahin ito
patawid. Ang dungan ay kailangan munang sagutin ang mga katanungan ng Banglé.
Kung kanyang aaminin na siya ay nagkaroon ng maraming asawa, ang Banglé ay
matutuwang kargahin siya sa balikat patawid sa lawa. Kung aaminin na ito ay
habangbuhay na bachelorhood ay kailangang lumangoy nito sa malagkit na tubig
habang hawak ang pubic hair ng Banglé. Ang susunod naman na magtatanong ay ang
Bagubu. Parehong katanungan parin gaya ng nauna. Ang bagubu ang nangangalaga sa
agos na susunod namang tatawirin ng dungan. Pagkarating sa Mount Madya-as, ito ay
sasali sa larong cockfighting. Kung ang kanilang mga kamag-anak sa mundo ay
naisagawa ang seremonya ng paglilibing ng tama, ito naman ay pasasanayin sa
haramyangan 'rest house'. Siya ay magiging tanggap na rin sa sentro ng Madya-as, na
kung saan ay ipagpapatuloy nitong mamuhay gaya ng dati hanggang sa ito ay maging
spirit guardian na rin (www.ourislandsourpeople.wordpress.com).

Kalamidad
May mga Panayan na may natatanging kakayahan. Ang dalagangan o runner ay
nagpapatupad ng mga humihingi ng tulong, gustong mapabuti ang panahon sa
pamamagitan ng pagtakbo sa atip ng isang bahay. Ang buruhusan naman ay
nagsasagawa ng ritwal para sa tamang panahon tuwing kaingin.

Aswang o Multo
Sa lumang paniniwala ng mga Karay - a, may isang uri ng babaeng aswang na
lumalabas pagkagat ng dilim bilang gumagapang na kumpol ng buhok. Binabalot nito
ang taong makakasalubong at sinasakal gamit ang kanyang mayabong na buhok. Ang
nasabing mga buhok ay may masangsang na amoy at parang mga ahas na gagapang
papasok sa mata, ilong, at bibig ng biktima para hindi ito makahinga at mawalan ng
malay. Habang nakikipagbuno ay hihigupin ng aswang ang dugo at lakas ng biktima
hanggang sa maging isang buto't balat na bangkay ang biktima. Takot sa apoy ang
nasabing aswang. Ang ibig sabihin ng gumon sa Hiligaynon (wika ng mga taga Iloilo)
ay buhol - buhol (www.nueromancer84.tumblr.com).
Figyur 5. Ang Gumon (mula sa www.nueromancer84.tumblr.com)

Pagdidisiplina at Pag-aalaga sa Mga Anak


Kabilang sa kaugalian na pinahahalagahan ng mga tradisyunal na mga Karay-a
ay ang pagiging magalang o marespeto sa parehong matanda at bata. Isa sa natatanging
kaugalian nila ay ang paniniwalang bastos kung tatawagin mo ng diretso sa pangalan
ang isang tao. Dapat ay kasama ang palayaw. Ang palayaw ay binibigay ng mga
magulang bago mabautismohan. Ang sa lalake, ang kadalasang palayaw ay toto,
nonong, dodoy, ang sa babae naman ay nene, neneng, isang, inday, at acay.
Samakatuwid, kung gusto mong tawagin si Isang, dapat sabihin mong “Nene Isang”.
Sa pagtawag naman sa nakakatanda sa iyo ay depende sa relasyon mo sa tao. Gaya ng
lolo ‘grandfather’ , nanay ‘mother’, tio’uncle’, tia ‘auntie’. Isa rin sa kaugalian nila ang
pagpapahalaga sa bayanihan o dagyawonay. Ang mga kamag-anak, pamilya, kaibigan
at kapitbahay ay nagtutulungan para sa isang nangangailangan gaya ng pagtatanim o
pag-aani ng palay, paggawa ng bahay, paghahanda sakasal, at kahit sa libing.

Batas at Tradisyon na Sinusunod


Ayon sa Oral History ng mga Maragtas, mayroong tatlong sakup - Hamtic
(Antique), Aklan at Irong-irong (Ilo-ilo) -na isinasaayos sa pamamagitan ng mga code o
patakarang gawa ni Datu Samakwel. Ang batas na ito ay nagreregula sa personal at
relasyon ng pamilya, ari-arian, mana, mga kontrata, delicts at quasi-delicts. Ang opisyal
na utos ay inaanunsiyo ng umalohokan ‘town crier’. Ang bayad sa anumang sala gaya
ng pagpatay, pakikiapid, at pagnanakaw ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng alahas o
ginto. Ang taong makasalanan na hindi makakapagbayad ay magiging alila ng taong
magpapautang sa kanya upang bayaran ang danyos. Ang mga kasong sibil ay
sumasailalim sa paghahatol ng Audencia sa Manila at ang mga pangkriminal na kaso
ay sa ilalim ng Audencia sa Cebu. Ang kaayusan ay napangangalagaan ng mga
pangulo na kusang nagseserbisyo sa komunidad. Ito ay ang mga baylan ‘shaman’,
mirku ‘medicine person’ at parangkutan ‘adviser’ babae man o lalake. Sila ay tinatawag
kapag may gustong gumaling sa kanilang karamdaman sa pamamagitan ng
seremonyas at kung may gustong malaman ang kahulugan ng kanilang mga panaginip.
Ang baylan ay may kaalaman sa sorcery. Ang mirku ay mga herbalists na nagsasabi
kung anong klaseng halaman ang angkop sa isang karamdaman. Ang parangkutan
naman ay nagsasaayos ng mga alitan at kaguluhan sa kapaligiran. Ang
manughusay’arbiter’ ay pumapagitna at tumutulong kapag masyadong malala na ang
alitan sa pagitan ng dalawang panig. Siya ang naghahatol sa dalawang panig gamit ang
mga batas nila. Ang husay ay tinitulungan din ng mga timbong o elders sa komunidad.
Anumang desisyon ng husay ay depende sa katayuan nito sa komunidad. Kung may
hindi sang-ayon sa desisyon ng husay ay maaring ulitin ang pag aaral sa kaso. Ang sa
pangalawang desisyon ay pinal na (www.ourislandsourpeople.wordpress.com).

Relihiyon
Ang mga mamamayan ng Antique ay nakararanas ng mga Kristiyano, na ang
Philippine Independent Church o Aglipayan bilang pinakamalaking denominasyon
nito. Kahit ngayon, ang Iglesia ng Aglipayan ay nananatiling maimpluwensya sa
kapwa lipunan at pulitika ng lalawigan. Iba pang relihiyosong denominasyon sa
lalawigan ang Romano Katoliko, Protestante at Nontrinitarian tulad ng mga Baptist
church, Iglesia ni Cristo, Iglesia Seventh-day Adventist, Mga Saksi ni Jehova, at
simbahan ng mga banal sa huling araw, at iba pa.
Malakas ang nagging impluwensiya ng simbahang Katoliko dahil ito ang
nangalaga at nagbantay sa mga tao sa loob ng maraming siglo. Hanggang ngayon, ito
ay may impluwesiya pa rin sa lipunan at pulitika.
Sa mga bundok, ang mga labi ng sinaunang katutubong paniniwala ay nanatili.
Ang mga Babaylans o katutubong mga babaeng pari ay nagpapatuloy sa banal sa
hinaharap, pagalingin ang mga sakit o panandaliang lumunok (www.prezi.com).

Gamot at Paniniwala sa sakit


Ang dungan o kasama ay susi ng ma-aram upang malaman ang sakit at
mapagaling ito. Ang ma-aram ay lalaki o babaeng manggagamot. Ang kanilang dungan
o kasama ay kaluluwa o espiritu o kadoble na ninanakaw ng ’evil spirit’. Ang nanakaw
na dungan ay kinukulong sa kuweba ng Punta Hagdan, Dao. Para makuha ang
kanilang dungan ang ma-aram ay nagsasagawa ng bawi ‘retrieval’ ritual. Kung may
sakit ang tao, ay dahil ang kaluluwa ng patay na kamag-anak. Ang ma-aram ay
nagpapahiwalay rito. Ito ay isang ritwal na pinahihiwalay ang kaluluwa ng namaalam
sa malapit rito. Ngayon, mayroong tatlong ma-aram: una, serruano/sirhuano na
nagbibigay ng pagkain sa saragudun. Ito ay espirito ng nagbibigay ng rashes sa mga
taong hindi nagsasabi ng tabi-tabi kapag dumadaan bilang permiso. Ang serruano ay
may kakayahang makita ang pulahan o red ones na nagbibigay ng rashes. Ang
dalungdong ay may pitong espirito na gabay at gumagamit ng dalungdong o healing
oil bilang gamot upang maibalik ang dungan ng isang tao. Ang dalungdungan ay may
kakayahan ding magaalis ng masasamang espirito bago pa man ito makapanakit sa tao.
Ang babaylan ay nakakagamot ng mga sanggol na grabe ang sakit dahil ang kanilang
kinamnam o soul ay nasaibang mundo pa. Nagsasagawa ang babaylan ng ritwal na
kung saan inuutus niya sa diwata sa pamamagitan ng pagpalo sa metal na bagay sa
kabila ng porcelain dish. Kung ang diwata ay bababa na mula sa kanyang tahanan
hinahampas nito ang tebongbong o bamboo tube habang nag tsatsant
(www.ourislandsourpeople.wordpress.com).
Mayaman sa representasyon ng pagiging uma o buki ang mga lumang akdang
pampanitikan, nariyan halimbawa ang paniniwalang nakapagpapagaling ng sakit ang
unang ulan sa buwan ng Mayo, na naproproteksyunan ng mga salitang “abayan lang”
ng matatanda ang mga sanggol kontra sa usog, na nakapagpapagaling ng ubo at mga
sakit sa balat ang agdaw, tradisyunal na dahong gamot
(www.deleonnoel.wordpress.com).

Pagluluto o Pagkain
Marami ang pinagkukunan ng pagkain ng kanilang lugar dahil na rin sa
kanilang pangunahing hanapbuhay na pangingisda at pagsasaka. Kilala din sila sa mga
matatamis at ating karaniwang mga pagkain. Karaniwan lang ang ginamit nilang sahog
sa pagkain, ngunit ang pagkaluto nila nito ay ang nagpapakita ng pagkamalikhain at
masinop ng mga tao sa Antique. Narito ang mga halimbawang pagkain na sikat sa
kanilang lugar:

Figyur 6. Pancit Molo (mula sa www.kawalingpinoy.com)

Ang pancit molo ay sinabi na nagmula sa bayan ng Molo sa lalawigan ng Iloilo at


naiimpluwensyahan ng mga wonton sopas na dinala ng malaking pamayanan ng mga
naninirahan na Tsino dito sa lugar. Ang pancit molo ay isang sopas na ulam na gawa sa
mga dumpling na puno ng karne, shredded chicken at robust broth
(www.kawalingpinoy.com).
Figyur 7. La Paz Batchoy (mula sa www.exploreiloilo.com)

Ang La Paz batchoy ay isa sa mga kilalang pagkain sa Iloilo at isa sa mga dapat
na subukan dahil ito ay napakasarap na makakain at makikita sa mga restawran sa
buong Iloilo City. Ang pansit na sopas na ito ay ginawa gamit ang miki, (bilog na
noodles), mga organo ng baboy (atay, pali, bato at puso), stock ng manok, butas ng
baka, hipon, at garnished ng chicharon (baboy na crackling).
Ito ay nakakain sa batchoyan (batchoy stall) sa La Paz Market kung saan nagmula
ito. Ang pinakatanyag na lugar na kakainan ng batchoy ay kina Ted's, Deco's, Netong's,
at Inggo. Ang orihinal na tagalikha ng ulam ay hindi tiyak, ngunit maaaring hatulan
para sa sarili kung saang lugar ang mga ito ang nagsilbi na pinakamagaling
(www.exploreiloilo.com).

Figyur 8. Chicken Binakol (mula sa www.langyaw.com)

Ang chicken binakol ay isang Filipino chicken soup na gawa sa manok na niluto
sa tubig ng niyog na may gadgad na niyog, berdeng papaya (o chayote), mga dahon ng
gulay, bawang, sibuyas, luya, tanglad, at patis (sarsa ng isda). Maaari rin itong ma sili.
Ang Binakol ay maaari ding lutuin kasama ang iba pang mga uri ng karne o pagkaing-
dagat. Karaniwan nang lutuin ito sa loob ng mga tubong kawayan o direkta sa mga
nahalong mga shell ng niyog. Ang ulam na ito ay nagmula sa Kanlurang Kabisayaan,
lalong lalo na sa lalawigan ng Aklan.
Ang binakol ay halos kapareho ng tinola at ginataang manok, maliban sa huli
ang dalawang gumamit ng tubig at niyog, ayon sa pagkakabanggit, sa halip na tubig ng
niyog (www.langyaw.com).

Pamahiin
May pamahiin na pinaniniwalaan ang mga Karay-anon sa pagtatanim na dapat
gawin ang pagtanim sa panahon ng mababang pag agos, o kapag full moon, upang ang
mga prutas o tubers ay lalago nang malaki.
Isang pamahiin rin ay patungkol sa kuwadro o photo frame na kapag nahulog
ang kuwadro mula sa pinagsabitan nito, ang taong nasa larawan ay posibleng haharap
sa panganib. Kung nagkalamat naman ang kuwadro, ito ay nasa panganib na at kung
nabasag naman, ito ay isang tiyak na kapahamakan. Pinaniniwalaang hindi dapat
inihaharap sa pintuan ang kuwadro dahil ang taong nasa larawan ay magiging prone sa
aksidente at dapat sa tapat ng bintana ito isasabit dahil ito ay mag aanyaya ng
magandang oportunidad (www.philippineone.com).

Pagtatanim o Hanap - buhay


Pangingisda at pagsasaka ang pangunahing kabuhayan sa Antique. Palay ang
pangunahing produktong agrikultural ng lalawigan. Nagmumula ito sa mga
malalaking bayang may sapat na patubig at matabang lupa kagaya
ng Sibalom, Hamtic, Tibiao, Bugasong at Culasi. Sumusunod dito ang niyog na sagana
din sa buong lalawigan. Kung kaya marami din ang ibang produkto kagaya ng tuba o
alak ng niyog, suka mula sa niyog at kopra. Kilala naman ang muskubadong asukal na
mula sa bayan ng Patnongon.
Samantala, pangingisda naman ang pangunahing kabuhayan sa halos lahat ng
bayang humaharap sa saganang Dagat Sulu maliban sa Valderama at San Remigio na
pawang landlocked. Pagpapastol at paghahayupan naman ang kabuhayan sa dalawang
bayang ito kung saan maraming damuhan sa mga mababato nitong bulubundukin.
Dahil sa ang Antique ay mabundok, at may kalayuan sa ibang rehiyon,
kailangang magkaroon ng sapat na produksiyon ng pagkain. Ang mga makikitid na
lugar ay pinatataniman ng palay. 2/3 ng lugar ay puro palay na kung saan kilala ang
probinsiya sa pag - aangkat nito. Ang niyog ay tinatawag na permanenteng produkto
dahil hindi na kailangang itanim muli. May iba pa silang mga produkto gaya ng mais,
kape, cacao, mani, monggo, mangga, asukal, kamote at kamoteng kahoy. Itong mga
produktong ito ay kanilang pinagkukunan upang mabuhay. Pakikipagkalakalan at
pananahi ay isa rin sa hanapbuhay nila. Dahil sa pakikipagkalakalan, nagkaroon sila ng
pangunahing imports kabilang ang balas de algodon “bales of cotton” at generos de
algodon “cotton products” na napakahalaga sa weaving industry ng Antique. Ang
walong munisipalidad ng Antique ay pangunahing prodyuser ng pina cloth, jusi at
sinamay. Maliban diyan, may mga inaangkat pa sila gaya ng leather, iba pang uri ng
seashells, rattan, nido (pugad ng ibon), niyog at iba pang mga produkto nito. Ang
produkto kung saan kilala ang Sibalom ay ang earthen jars na nagpapanatili sa
pagiging malamig ng tubig. Ang Bugasong naman ay kilala sa patadyong o barrel skirt
at pina weave.
Ang mga naninirahan malapit sa karagatan ay parehong nagtatanim ng palay at
nangingisda. Ang tradisyunal na mga kagamitan sa pangingisda ay pamansi o bamboo
spears, bubo o fish traps laid on sea floor, at fishnets na tinatawag na sahid o pukot.
Ang pinakabagong sistema sa pangingisda ay ang payaw na itinuro ng mga Cebuanong
mangingisda. Ito ay ang paggamit ng balsa o raft
(www.ourislandsourpeople.wordpress.com).
Isa pang hanap – buhay nila ay ang industriya ng paghahabi. Ang Hablon ay
isang tela na gawa sa kamay na pinagtagpi ng mga kababaihan ng isla ng Panay sa
rehiyon ng Visayas nang higit sa isang siglo.

Figyur 9. Aktwal na Paghahabi Gamit ang Mga Likas na Hibla (Ang mga likas na hibla na gamit
sa paghahabi na ito ay koton, jusi o banana fiber, pina o hibla ng pinya at ang maguey fiber) (mula
sa www.bilogangbuwanniluna.blogspot.com)

Ang mga manghahabi ay gumagamit ng mga likas na hibla tulad ng koton, jusi o
banana fiber, pina o hibla ng pinya, at maguey fiber. Ang mga manghahabi ay gumawa ng
mga makabagong ideya sa pamamagitan ng pagsasama - sama ng mga gawa ng tao na
fiber at hablon ay naging isang pangunahing manlalaro sa industriya ng hinabi ng
Pilipinas noong 1950s hanggang 1970s. Tumanggi ang demand noong 1980s nang ang
pamilihan ay pinamamahalaan ng mas kaunting masinsinang paggawa, tela na
pinagtagpi ng makina. Ang bilang ng mga weaver ay humina din nang magsimula
silang maghanap ng mas mahusay na mga oportunidad sa trabaho. Ang kakulangan ng
interes upang malaman ang bapor sa mga nakababatang henerasyon ay nag-ambag din
sa pagbaba ng hablon.
Figyur 10. Telang Patadyong (mula sa www.bilogangbuwanniluna.blogspot.com)

Ang Patadyong ay isang tela na may iba’t ibang kulay, isa ring produkto na
Hablon, na isinusuot ng mga kababaihang Pilipino sa pre - kolonyal na Pilipinas.
Naisusuot pa rin ito ngayon ng mga matatandang kababaihan sa mga probinsya, lalo na
sa rehiyon ng Visayas. Naisusuot ito sa paraang tulad ng isang maluwag na palda o
knotted sa baywang. Ginamit rin ito upang magdala ng isang sanggol upang malaya ang
mga kamay ng ina na gumawa ng iba pang mga gawain
(www.bilogangbuwanniluna.blogspot.com).

Taboo o Bawal
Ang mga pinagbabawal ng mga Karay-a ay ang pagtawag ng diretso sa
pangalan ng isang tao. Kung babae at ang pangalan ay Mimi. Dapat itong tawaging
'Nene Mimi'. At anumang sekswal na relasyon sa pagitan ng lolo/Lola at apo,
magulang at anak, magkapatid na babae at lalaki, tiyuhin/tiyahin at pamangkin ay
mahigpit na pinagbabawal. Taboo din sa kanila ang pag iihi mga anumang hayop sa
loob ng proseso produksiyon ng mga tanim. Mapa bago, habang, at pagkatapos ng
produksiyon. Bawal din ang presensiya ng nag-reregla sa taniman
(www.ourislandsourpeople.wordpress.com).
TSAPTER 3
WIKA

Ang salitang Karay – a ay nagmula sa salitang iraya na nangangahulugang


“mountain dwellers” at “upstream”, at Sanskrit na salitang laya na nangangahulugang
“abode”.
Ang wika ng tribo o pangkat ng Karay – a ay ang wikang Kinaray – a. Ito ay
isang Austonesian Language na gamit sa komunikasyon at pagsasalita ng mga Karay – a.
Ang language family ng Kinaray – a ay Austronesian, Malayo – Polynesian, Philippine,
Central Philippines, Visayan at Western Visayan. Ito ay pangunahing ginagamit sa
probinsya ng Antique pati na rin sa ibang probinsya sa isla ng Panay. Iba pang
katutubong tawag sa wikang Karay – a ay Hamtikanon, Hiniraya, Binisaya nga Karay –
a at Bisaya.
Ang Kinaray – a ay masasabing hindi na puro sapagkat may mga terminong
gamit ng tagapagsalita ng Hiligaynon na siyang gamit na rin sa wikang Kinaray – a.
Nakasaad sa talahanayan sa baba ang mga common expressions sa wikang Kinaray – a na
may halong terminong gamit rin sa Hiligaynon.

Ingles Kinaray - a
Are you eating well? Mayad man pangaən mo?

Good Mayad
Musta bay pamatyagan mo?
How are you feeling?

I don't know Wara takən kamaan

Let’s go! Panaw/Halin ta rən!/Dali rən!

Come together. Iririmaw kita./ imaw kita

Why? Manhaw/Wanhaw?

I love you. Gihugma takaw./ palangga ko ikaw


My love/sweetheart.
Palangga ko.
What is your name?
Ano ngaran mo?
Mayad nga aga!
Good morning!
Hurry!
Dasiga!(lit. Fast!) or Dali-a! (lit. Hurry!)
Do you speak English? Kamaan kaw maghambal
kang Inglis? or Kama-an kaw mag-Inglis?
It is fun to live. Sadya mabuhi
How much?
Tag pira?

Again. Liwan/Liwat/Riwan. (or: Uman (Again)


Talahanayan 1. Mga Nakalap na mga Common Expression sa Kinaray – a (mula sa Kinaray-a —
English Dictionary Compiled by: Vicente C. Pangantihon)

Mapapansin sa talahanayan ang mga salitang mayad, pamatyagan, palangga,


dasiga, maghambal, at ang sadya. Ito ay iilan lamang sa mga salitang gamit rin sa
wikang Hiligaynon na may kaparehong kahulugan kapag ginamit sa Kinaray – a.
Nagpapatunay lamang ito na ang Kinaray – a ay hindi na purong wika kundi may halo
na mula sa ibang wika lalong – lalo na mula sa Hiligaynon.
Mayroong mga tagapagsalita ng wikang Hiligaynon na kinokonsidera ang
Kinaray – a bilang diyalekto ng Hiligaynon ngunit tinukoy ng mga mananaliksik ng
wika ang Kinaray – a at Hiligaynon bilang dalawang wikang magkahiwalay. Dahil sa
heograpikal na kalapitan ng mga lugar kung saan gamit ang Kinaray – a at Hiligaynon
ay nagresulta ito sa mutual intelligibility ng dalawang wika. Ang mga tagapagsalita ng
Kinaray – a ay naiintindihan ang mga tagapagsalita ng Hiligaynon ngunit ang mga
tagapagsalita ng Hiligaynon na naninirahan sa lugar na mayroong mga gumagamit ng
Kinaray – a ang tanging nakakaunawa sa Kinaray – a. Ayon rin sa mga tagapagsalita ng
Kinaray – a mula sa isla ng Panay ay mapapansin nila ang mga pagkakaiba ng
pagsasalita ng wikang Kinaray – a na nakadepende sa bayan. Sa iba’t ibang lugar at
bayan ay nagkakaroon ng barayti sa wikang Kinaray – a (www.scribd.com).
May termino ang mga Karay-a sa kanilang mga kultura, paniniwala at kaugalian
na tanging sila lang ang may gamit. Gaya ng salitang Gumon na ang ibig sabihin ay
isang uri ng babaeng aswang na pinaniniwalaang may mayabong na buhok. Dahil
kilala ang kanilang lugar bilang “best weavers of Visayas”, may isang tela na gawa sa
kamay ng mga kababaihan sa Panay Island rehiyon ng Visayas na tinatawag nilang
Hablon. Meron din silang tinatawag na Patadyong na produkto ng hablon na isang uri ng
tela na makukulay na isinusuot ng mga kababaihang Filipino.
Sa paniniwala naman sa pagaasawa, Patalanha ang tawag sa kaugaliang sinasabi
ng mga lalaki sa magulang ng babae na kanilang nagugustuhan kung ano ang kanilang
intensiyon sa babae ng pasikreto. Hungaw ang tinatawag na kasal na pinaniniwalaang
isa ring mahalagang bagay maliban sa dowry. Punsyon ang tawag sa salo-salo kung ang
ikinasal at kanilang mga pamilya ay magkaharap na. Bayaw - biit rin ay isang laro na
kung saan ay dapat makilala ng lalaki ang kanyang mapapangasawa sa pitong babae na
nasa kanyang harapan, kapag ito ay kanyang nagawa, ang lalaki ay magbibigay ng
regalo o tinatawag nilang ‘biit’ sa magulang ng babae gaya ng blouse, necklace,
patadyong at bedsheet. Ala Salud ang kagawian ng mga bisita na maglagay ng pera sa
kawayan tuwing may ikinakasal. Pangasi naman ang tawag sa pag inom ng lalaki ng
alak na gawa sa palay, ito ay ginagawa habang sila ay nag salo salo kasama ang
pamilya ng babae at lalaki. Binanog ay ginagawa rin ng lalaki, ito ay isang sayaw na
panligaw ng lalaki sa kanyang nagugustuhan. Polygyny naman ang kaugalian na
pinapayagan ang mga lalaki na mag asawa ng marami basta kaya lang buhayin ng
lalaki ang mga ito. Meron ding tradisyon ang mga taga Panay sa Visayas na tinatawag
na Binukot na ang ibig sabihin ay isang babae na itinago at ikinulong sa isang madilim
na silid ng bahay. Hindi ito pinapaarawan, at hindi rin pinapatapak sa lupa dahil
tinuturing itong sagrado, at halos mistikal. Pangayu ang tawag sa paghingi ng mataas
na presyo ng mga magulang ng mga binukot sa pamilya ng magpapakasal sa kanilang
binukot kapag ang isang binukot ay handa na sa kasal.
Sa kanilang paniniwala naman sa paggagamot, Ma - aram tawag sa kanilang
mangagamot mapababae man o lalake. Dungan o kasama na pinaniniwalaang kaluluwa
na ginagamit ng mga ma-aram upang malaman ang sakit ng isang tao. May tatlong uri
naman ang Ma-aram, una ay ang Serruano uri ng ma-aram na nagbibigay ng pagkain sa
saragadun. Sila ay may kakayahang makakita ng red ones na nagbibigay ng rashes.
Pangalawa ay ang Saragadun, ito ay pinaniniwalaang nagbibigay rashes sa mga taong
hindi nagsasabi ng ‘tabi-tabi’ kapag dumadaan bilang permiso. At ang panghuli ay ang
Dalungdungan, uri ng ma-aram na may kakayahang makapagpa alis ng masasamang
espiritu bago paman ito makapanakit ng tao. Babaylan ang tawag sa may kakayahang
makapag gamot ng sanggol na may malala na sakit. Mirku ay mga herbalists na
nagsasabi kung anong klaseng halaman ang angkop para sa sakit ng isang tao na may
karamdaman.
Sa mga Batas naman, meron silang tinatawag na Parangkutan na nagsasaayos
kung may mga alitan o kaguluhan sa kapaligiran. Manughusay rin na syang
pumapagitna kapag ang alitan ay malala na sa dalawang panig. Ang mga Husay naman
ang tumutulong sa mga matatanda sa komunidad.
Sa paniniwala naman ng mga Karay - a sa kamatayan, meron silang tinatawag na
Madya - as na pinaniniwalaan na tahanan ng mga sumakabilang buhay na. Sidapa
naman ang pinaniniwalaang Diyos na siyang sumusukat sa katagalan ng buhay ng mga
bagong silang na Karay-a sa pamamagitan ng pagmarka nito sa puno, at ang Banglé na
pinaniniwalaang naghahatid ng mga kaluluwa patawid sa lawa. Mapapansin na ang
Karay – a ay nagtataglay ng iba’t ibang kultural termino sa kanilang pangkat.
TSAPTER 4
PAG – AANALISA NG MGA DATOS

Ayon sa mga datos na nakalap, iilang kaugalian at paniniwala na lamang ang


sinusunod ng mga Karay – a ayon sa kanilang tradisyon. Mayroong mga tradisyon na
unti – unting naglaho sa paglipas ng panahon dala na rin sa pakikipagsabayan sa
modernisasyon na dala ng lipunan sa pangkat. Isa sa namamatay ng tradisyon ng
Karay – a ay ang binukot o ang kept maidens na kung saan ay itinatago ang isang batang
babae upang tumaas ang kanyang halaga para sa mga potensyal na mga manliligaw at
mapapangasawa sa hinaharap. Nawawala na ang tradisyong ito dahil dumarami na
ang mga babaeng bumababa patungo sa sentrong lungsod upang makapag – aral at
maghanap ng mas magandang buhay.
Sa kabilang dako, nanatili pa rin hanggang ngayon ang kaugalian ng pangkat ng
Karay – a ang pagiging marespeto mapa-bata man o matanda. Nananatili hanggang
ngayon ang kaugalian nilang hindi diretsong pagtawag sa pangalan ng isang tao dahil
ang diretsong pagtawag sa pangalan ay kawalang respeto sa indibidwal.
Dala ng modernisasyon ang iba’t ibang pagbabago na nakakaapekto sa kultura
at tradisyon ng bawat pangkat sa Pilipinas. May mga pagbabago na nagiging salik
upang unti – unting maglaho ang isang tradisyon tulad na lamang sa mga binukot. Ang
pagbabago sa lipunan ay ang naging sanhi sa mga babae upang maghanap ng mas
magandang buhay sa ibang lungsod. Hindi masasabing direktang nasisira ng
modernisasyon ang mga kultura at tradisyon ngunit ito ay malaking salik na kung
minsan ay hindi na napipigilan ng mga tao at nadadala sila sa agos ng modernisasyon.
Dahil sa impluwensiya ng modernisasyon, teknolohiya, at midya ay unti –
unting nahahaluan ang wikang Kinaray – a. Isang malaking salik ang midya sa
pagbabago ng wikang Kinaray – a. Dahil na rin sa pagiging buhay at dinamiko ng isang
wika ay hindi mapipigilan ang pagbabago nito. Sa kalagayan ng Kinaray – a ay
naaapektuhan ng midya ang wika sa paraang nakakapagpahayag ang midya ng mga
salitang pwedeng maadap ng mga tagapagsalita ng Kinaray – a. Dala rin ng
modernisasyon ang pangangailangang makipagkomunika sa iba’t ibang mga tao at
pangkat na hindi kabilang sa Karay – a kaya’t nagiging isang malaking salik na rin ito
sa pagbabago ng wika.
Walang nananatiling kultura, tradisyon, at wika. Lahat ay nagbabago at
umuunlad kung hindi ay naglalaho. Gayunpaman, sa bawat pagbabago ay kailangan
nating makisabay at umayon.
BIBLIYOGRAPIYA

Manlapaz, M. I., & Manlapaz. (2019, June 17). Antique Province In the Philippines: 5
Reasons To Come and Visit. Retrieved from https://storyv.com/top-5-reasons-visit-
antique-province/.

Kinaráy-a, kauna-unahang katutubong wikang pinagparangalan sa pasinaya ng


Bantayog- Wika sa Lalawigang Antique. (n.d.). Retrieved from
http://kwf.gov.ph/kinaray-a-kauna-unahang-katutubong-wikang-pinagparangalan-
sa-pasinaya-ng-bantayog-wika-sa-lalawigang-antique/.

Boquet, Yves (2017). The Philippine Archipelago. Springer. p. 16. ISBN 9783319519265.
http://www.antique.gov.ph/index.php/about-us/municipalities

Divinagracia, Araneta: The Ilonggo and The Hiligaynon. Retrieved from


http://asianjournalusa.com/the-ilonggo-and-the-hiligaynon-by-
dinggolaranetadivinagracia ilonggonatio-p15038-95.htm

Karay-A. (2018, November 27). Retrieved from


https://ourislandsourpeople.wordpress.com/karay-a/.

BINUKOT: Women Secluded and Veiled in Philippine History. (n.d.). Retrieved from
http://www.aswangproject.com/binukot-philippines/.

Gumon. (2017, September 20). nueromancer84. Retrieved from


https://nueromancer84.tumblr.com/post/165553673743/she-may-not-be-rapunzel-
but-this-female-aswang.

Kinaray-a & Tausug. (n.d.). Retrieved from https://prezi.com/wcwj5_1ayzzk/kinaray-


a-amp-tausug/.

Leon, N. G. de. (n.d.). Kinaray-a. Retrieved from


https://deleonnoel.wordpress.com/tag/kinaray-a/.

Manalo, L., Maria, Maria, Manalo, L., Natasha, Natasha, … Francisco, R. (2018, June 29).
Pancit Molo. Retrieved from https://www.kawalingpinoy.com/pancit-molo/.

La Paz Batchoy. (n.d.). Retrieved from https://www.exploreiloilo.com/do/info/la-


paz-batchoy/

Cabigas, E. (2017, July 24). Going local: where to eat in Kalibo. Retrieved from
http://langyaw.com/2014/06/03/6-aklanon-food-try/.
Maravilla, M. (2018, October 24). PAMAHIIN: Kuwadro. Retrieved from
https://philippineone.com/pamahiin-kuwadro.

Hablon Weaving. (n.d.). Retrieved from


http://bilogangbuwanniluna.blogspot.com/2013/07/hablon-weaving.html.

Karay a Language. (n.d.). Retrieved from


https://www.scribd.com/document/365243264/Karay-a-Language.

Kinaray-a — English Dictionary Compiled by: Vicente C. Pangantihon


APENDIKS

APENDIKS A. MGA LARAWAN

Figyur 1. Probinsya ng Antique (mula sa www.storyv.com)

Figyur 2. Mapa ng Isla ng Panay at ang mga Lenggawahe Rito (mula sa www.asianjournalusa.com)
Figyur 3. Imahe ni Poncilla Caballero, Itinuring na huling Binukot (mula sa
www.aswangproject.com)

Figyur 4. Larawan ng Pag-aalaga sa Isang Binukot (mula sa www.aswangproject.com)

Figyur 5. Ang Gumon (mula sa www.nueromancer84.tumblr.com)


Figyur 6. Pancit Molo (mula sa www.kawalingpinoy.com)

Figyur 7. La Paz Batchoy (mula sa www.exploreiloilo.com)

Figyur 8. Chicken Binakol (mula sa www.langyaw.com)


Figyur 9. Aktwal na Paghahabi Gamit ang Mga Likas na Hibla (Ang mga likas na hibla na gamit
sa paghahabi na ito ay koton, jusi o banana fiber, pina o hibla ng pinya at ang maguey fiber) (mula
sa www.bilogangbuwanniluna.blogspot.com)

Figyur 10. Telang Patadyong (mula sa www.bilogangbuwanniluna.blogspot.com)


APENDIKS B. MAIGSING IMPORMASYON

Ingles Kinaray - a
Are you eating well? Mayad man pangaən mo?

Good Mayad
Musta bay pamatyagan mo?
How are you feeling?

I don't know Wara takən kamaan

Let’s go! Panaw/Halin ta rən!/Dali rən!

Come together. Iririmaw kita./ imaw kita

Why? Manhaw/Wanhaw?

I love you. Gihugma takaw./ palangga ko ikaw


My love/sweetheart.
Palangga ko.
What is your name?
Ano ngaran mo?
Mayad nga aga!
Good morning!
Hurry!
Dasiga!(lit. Fast!) or Dali-a! (lit. Hurry!)
Do you speak English? Kamaan kaw maghambal
kang Inglis? or Kama-an kaw mag-Inglis?
It is fun to live. Sadya mabuhi
How much?
Tag pira?

Again. Liwan/Liwat/Riwan. (or: Uman (Again)


Talahanayan 1. Mga Nakalap na mga Common Expressions sa Kinaray – a (mula sa Kinaray-a —
English Dictionary Compiled by: Vicente C. Pangantihon)
Republika ng Pilipinas
Mindanao State University
Brgy. Fatima, General Santos City

Isang Proyekto para sa Asignaturang


Wika at Kultura sa Mapayapang Lipunan
(MTH; 10:30-12:00)

ANG WIKA AT KULTURA NG KARAY – A ( Pangkat 6)

Ipinasa nina:

Canuel, Jhessa May M.


Gongob, An Keah
Nabua, Virgilio III
Magoling, Joy P.

Oktubre 21, 2019

You might also like