Professional Documents
Culture Documents
REHIYON XI
REHIYON NG DAVAO
Ang Rehiyong ito na kilala sa likas na kayamanan ay binubuo ng apat na lalawigan, Campostela
Valley, Davao del Norte, Davao del Sur at Davaa Oriental.
Katangian ng rehiyong ito ang pagkakaroon ng malawak na kapalagan na may mataas na lugar.
Biniyayaan din ng matatabang lupa na angkop na pang agrikultura kaya nga't karamihan sa
mga bungang kanilang mga pananim tulad ng palay;, abaka, tubo, niyog, rami, pinya, kape,
kalaw, saging, dalanghita o dalandan at mga suha ay sa kanila nanggagaling na siya namang
malaking pinagkakakitaan ng buong rehiyon.
Pangunahing pinagkakakitaan ng mga tao sa rehiyong ito bukod sa pagsasaka ay pangingisda
at pagtotroso.
Nakikipagkumpetensya ang Pilipnas sa pamilihang pandaigdig sa pagluluwas ng mga sugpo at
damong dagat na karaniwang nanggagaling sa malalawak na palaisdaan at karagatan sa
rehiyong ito. Kilala rin ang rehiyong sa pagiging pangunahing pinagkukunan ng mga yamang
mincral tulad ng ginto gayundin ng mga marmol.
Marami sa mga naninirahan dito'y mga Cebuano, Tagalog. Ilokano, at Ilonggo kaya't mga
Kristiyano na.
Nananatili pa nn sa rehiyon ang mga katutubo tulad ng mga Bagobo, Mandayas, Mansaka at
Bilaan.
Mga pangunahing wikang ginagamit ay Cebuano, Tagalog, llokano, at Ilonggo. Natatangi ito ay
ang "Tuwaang ng mga Bagobo. Karaniwan nilang binibigkas ito sa mga kasalan, lamayan,
taniman, at iba pang mga pagdiriwang.
Mayaman din ang rehiyon sa mga Bugtong at awiting bayan. Isa Sa mga natatanging awitin ng
mga Manaaya ay ang “dawot”.ANg “atingan” naman ay awit ng mga Bagobo sa lalawigan ng
Davao bilang awit na panghele o pag-ibig.
Sa mga Mandaya-Mansaka tinatawag nong “Tud-um”.Ang “Oppad” ay isang mahabang awitin
na ang ipinananayag ay ayon sa karanasan ng tao lalo na kung
kabayanihan.
Magkahalong impluwensya ng Kastula at Amerikano ang kultura at Sining ng mga naniniranan
sa rehiyong ito, gayunpaman, napananatili pa rin ng mga Muslim ang kanilang mga
natatanging Sining at Kultura. Hindi matatagpuan saan mang panig ng daigdig ang mga likhang
Kamay ng mga “Tboli” tulad ng kahusayan sa pagtalali at paghuhukay ng abaka na tinatawag
nilang "tinalak".
Napananatili pa rin nila ang mga katutubong paraan , paggawa ng basket at pang pagbuburda
at pag-ukit magpahanggang ngayon.
Musika at mga katangi – tanging katutubong sayaw ang mga di-mapapantayang ambag ng
mga katuubo sa kanilang kultura.
Mababanggit na halimbawa ng mga katutubong sayaw ay: ‘Tangongo" na sayaw ng mga may
edad na at ng mga mag-asawa, ang ‘Saliti" at "Kamarag” ay mga uri ng sayaw na ang mga
sumasayaw ay sabay sa galaw ng dahon ng baliti;" at “sampak naman ang sayaw ng mga
lalaking nag-aaway.
Sinasabing ang musika ang susi ng pag-unlad ng mga tao. Ang kanilang "kulintang na ang pag-
awit ay sinasabayan ng instrumentong kung tawagin ay Kulintang din.
Ginagamit ng tugtog o instrumentong "bolangbolang, isang uri ng tambol na ginagamit ng mga
babae.
Ang "gimpan", isang tambol na kahoy ng mga Bagobo at ang “T”onggon para sa mga T'boli na
may kasamang balat ng baboy at tinutugtog sa pamamagitan ng kamay o patpat.
May mga instrumento silang pangmusika na yari sa kawayan tulad ng tinatawag nilang “Alpa”
na higit na kilala sa tawag na “Lud”.
Ang Dilaan ay tinatawag namang “K” ng mga Bagobo at ang "Lantoy” o “Towali" ng mga
Mandaya. Ang "Diwagay" naman ang sinaunang violin mula sa Bilaan.
Ang "Teu naman ay ang instrumentong hinihipan ng mga T'boli.
MGA PANINIWALA AT KAUGALIAN
Ang mga katutubo ng Rehiyon XI ay kakikitaan ng mga paniniwala mga kaugalian na halos
katulad din sa ibang mga rehiyon, lamang may iba ang mga katawagan na naaayon sa kanilang
kultura. Halimbawa ang mga Mansaka sa pagbubuklod ng kanilang pamilya ay gumagamit ng
iba't ibang katawagan tulad ng: ama, anakun, para sa "niece/nephew, ina, arrayon para sa
"parents/relative", babo para sa “aunt”, Igagaw para sa "cousin"; bana para sa husband"
kimod para sa bunsong anak; bayaw at hipag para sa “sister in law”.
Sa pag-aasawa naman ay may bersyon din sila ng pamanhikan ng mga
Tagalog. May apat na bahagi ang kasal o panunuyo para sa kanila:
Una - Pasakavod: sa bahaging ito ay binibisita ng mga magulang sa lalake ang babaing
mapapangasawa ng kanilang anak upang makilala.
Ikalawa - Pamuku: sa bahaging ito muling magkikita ang pamilya ng magkabilang panig para
pag- usapan ang halaga ng dote.
Ikatlo - Pagtawan: sa bahaging ito ang lalake ay maninilbihan sa mga magulang ng babae.
Ikaapat - Samongan: sa huling bahaging ito ay magpapasya na mga magulang tugkol sa Kasal.
Kung payag ang magkabilang panig, itatakda na ang araw ng kasal at paghahandaan ito.
COMPOSTELA VALLEY
Isa ito sa pinakabagong lalawigan ng Pilipinas. Napaliligiran ng Davao Gulf sa kanluran, Agusan
del Sur sa Hilaga at Davao Oriental sa Timog. Sa buong taon ang Compostela ay di dinadalaw
ng anumang bagyo baganman nakararanas din ito ng pagpatak ng ulan / pag-ulan.
Ang kaptal nito ay Nadunuran at binubuo ng dalawang daan at
tatlumpu't limang barangay. Ang munisipilidad ay labing-isa: Nabunturan,Campostela, Laak
San Vicentc, Mabini (Dona Alicia), Maco, Maragusan (San fernando), Maivab, Monkayo,
Montevista, New Bataan at Pantukan.
Ito ay nagng isang Melting Pot of Migrants" tulad ng mga Tagalog at mayroon din namang
pangkat ng mga Mansaka, Mandaya, Manobo, Dibabawon, Manguangon, Talaingod at Bisaya.
Ang lambak ay lupang agrikultural, kung kaya ang pangunahingprodukto ay bigas, mais, saging,
niyog, gulay, prutas, kape at "Timber".
DAVAO DEL NORTE
Tinuturing itong lugar o mina ng mga saging. Kilala bilang "Green Gold Country" dahil sa
malawak na taniman ng saging at gayundin mayaman ito sag into.
Ang kapital ng lalawigan ay Tagum. Binubuo ng dalawang daan at tatlong barangay. Mayroon
itong walong munisipalidad - Asuncion, Carmen,Kapalong, New Corella, Panobo, Sto. Tomas,
Talaingod, at Braulio Dujalı.
Marami sa populasyon ay mga migrante mula Visayas at Luzon. Ang pangunahing sinasalita
nila ay Cebuano at paminsan-minsan ay nahahaluan ng Tagalog.
Ang mga naninirahan ay tinatawag na Mandaya, Mansaka, Dibabowon. Ang kanilang kasuotan
ay mahabang manggas na damit parn sa lalaki at malong (colorful tube skirt) para sa mga
babae.
Ang Kanilang lupa ay agrikultural kung kaya maliban sa saging may iba pa silang produkto
tulad ng palay, mais at aduka.
DAVAO DEL SUR
Ang Kapital ng Davao del Sur ay Digos. Ito ay binubuo ng limandaan labimpitong barangay.
Labinlima ang Munisipalidad - Bansalan, Hagonoy, Padada, Sta. Cruz, Magsaysay, Matanao,
Kiblawan, Malalag, Sulop, Sta. Maria, Molita, D0n Marcelino, Saranggani at Jose Abad Santos.
Karamihan sa mga naninirahan sa lalawigan ay mula Visayas at Luzon. Ang lagi nilang Sinasalita
ay Cebuano at Tagalog.
May mangilanngilan ding nagsasalita ng Davaoeñio - kung saan ito ay "Pidgin Spanish na
sinasalita sa lungsod ng Zamboanga". Ang ba pang nananahanan sa Bagobo, Manobo,
Tagacaolo at Samal.
Ang lupa ng Davao del Sur ay agrikultural at ang produkto ay mais, niyog, saging, tubo, kape,
kakaw, durian, mangga, lanzones 4 bigas
Mayaman din ang lugar na ito sa "Fish Product", mineral tulad ng ginto, tanso, lead copper, at
chromium.
Nakatutuwang tandaan na ang Kadayawan Festival of Davao ginaganap tuwing ikatlong lingo
ng Agosto ay salamin/ kababakasan mayamang kultura ng lalawigan.
DAVAO ORIENTAL
Ang lalawigan ay napalilibutan napaliligiran sa gawing kanluran ng Compostela Valley at ng
Davao Gult at ng probinsya ng Agusan del Sur at ng maliit na bahagi ng Surigao del Sur sa
Hilaga.
Ito ay binubuo ng Sandaan walumpu't tatlong barangay. May labingisang munisipalidad - Mati,
Baganga, Banaybanay, Boston, Caraga, Cateel,Gov. Generoso, Lupon, Manay, San Isidro,
Tarragagona.
Ang kapital ng Davao Oriental ay Mati.
Ang karamihan sa bumubuo ng populasyon nito ay mga tao muła saVisayas o "Visayan
Migrants" bagamat may iba ring naninirahan tulad ng Mandayas at Manobo.
Ang lagi nilang sinasalita ay Cebuano, Ilonggo, at Filipino. Sila, lalo na ang mga Mandaya ay
kilala sa kanilang di karaniwang pagdaramit, pag-aayos at paggayak na pansarili.
Kaugalian ng mga babae ang magsuot ng burdadong "cotton jackets" at "tube-like abaca
skirts". Samantala, ang mga lalaki ay nagsusuot ng maluwang na puti o asul na salawal
(trousers).
Kapuna-puna sila ay gumagamit ng kuwintas na yari sa butil, ngipin, buto, bracelet na yan
brass, shell at baging.
Gamit din nila ang singsing na yari sa tanso o "tortoise shell".
Marami sa kanilang produkto ay saging abaca, mais, palay, prutas, kape, tabako, gulay at isda.
Mayaman din sila sa ginto, nickel, manganese, bato at buhangin at chromite.
LITERATURA NG REHIYON XI
Salamin ng pamumuhay ng tao ang literatura. Ano mang pan ang pamumuhay ng mga
mamamayan ay nagiging bahagi rin ng literatura ng isang partikular na pook. Ang rehiyon XI ay
may mga bugtong, salawikain, mga kwentong bayan, mg awiting bayan at iba pang uri ng mga
kathang literatura na kababakasan ng uri ng damdamin, ugali, at kaisipan ng mga mamamayan
ng rehiyon.
TULA
Tula (Davao del Sur)
Halimbawa ng Akda:
PAGGIKAN SA SUMILON
ni Jeneen R Garcia
Gusto unta ko mosuwat og balak
Bahin sa dagat, para nimo,
Bahin sa tanan nakong nakat-onan
Sa pagsawom nining kaldmon:
ng paglutaw dinhi sa bug-at nga tubig
Nga nagsangga ning maong isla,
Ang pagsagol, sa parat ug tam-1s
Sa tumoy sa akong dila,
ng pagsagubang sa init sa akongS panit
Samtang ang kabugnaw nibukot
Sa akong kaunuran.
Pero ang dagat linaw man karon,
Nisanap sa kawanagan,
Tin-aw ang kinailadman, sama sa papel
Nga nahawanan og mga pulong.33
Ug ang tubig nga nagdagayday
Sa aking ngabil, wala na y parat,
Naughan sa hangin, nahilom.
Tula (Davao Oriental)
PAYAG
Ni Eol A. Merquita
Ginabuslotan sa ulan
Ang alop nga
Hinimo sa ulinp.
Hinay-hinay'ng
Ginapahumok sa mga
Kadlawon ug kagabhion
Ang mga bungbong nga
Nagkaanam na og kadugta
Sa tumang katugnaw.
Ug samtang ginakitkit
Sa mga anay ang
Nahibiling bagakay
Sa salog, hinay-hinay'ng
Ginaputos sa mga iawa-lawa
Ang mga siradong bintana.
Ang kaniadtong
Lig-on ug masadya
Nga payag hinay-hinay
Nang nangagum-og ang
Mga tukod niini.
Ing-ana kining akong dughan
Sukad imo kong giluiban
Ahh, patya na lang ako!
Jose L. Angliongto - Siya ang sumulat ng nobelang "he Sulienate" na handoe nivs.
"young overseas Chinese.iya ay mula sa lungsod ng Dava mga
kolumnista siya ng Mindanao mes at naging Tagapamahala ne 8ng
Publishers Inc. Siya'y naging pangulo rin ng Davao Jaycees : findanao
ycees at Continental
Containers Corporalion Naging miyembro nn siya ng Armed For
Philippines, Corps of Engineers at may ranggong First Lieutenant Forces of the
Josephine Malay Dischoso - Naging isa sa mga manunulat ng UP Summer Writers Workshon n
1974. Kilala siya sa larangan ng pantikan at sa larangan ng pagpipinta.
Aida l. Rivera Farol - Karamihan sa mga sinulat ni Aida Farol ay nalathala sa "Lands
Coral" sa lathalain ng S. U. Naging editor siya ng "Lands and Coral". Nalathaila
And sa nasabing babasahin ang Kanyang maiking Kuwentong may pamagat na "Bridge of
Tomorrow" noong 1948. Tinapos niya ang kanyang MA in English and Literature sa University of
Michigan. Nakamit niya ang Hollywood Award lor Fiction noong 1954 sa kanyang
sinulat na "Now and al the Hour". Ang lima sa kanyang mga maikling kuwento ay tinipon at
inilathala noong 1957 sa pamagat na "Now.and at the Hour and Other Short Stories"
Pepito Deiparine
Isa siya sa mga kinikilalang manunulat ng rehiyong ito. Kilala siya s
palayaw na Peps. Kilala si Peps na isang "bi-lingual fictionist", makata at kolumnista
Nailathala ang kanyang mga maikling kuwento, tula at sanaysay sa mga
pambansang lathalain.