You are on page 1of 1

Ang Malnutrisyon sa Pilipinas

(Rickvien Agni)
Ang Malnutrisyon ay nagaganap kapag ang katawan ng taoay hindi nakakukuha nang sapat
na sustansiyangkinakailangan nito upang makaligtas sa mga sakit at mabuhaynang malusog.Sinasabing
ang isang tao na napakahina kumain o maliitlamang na porsiyento kung kumain ay matatawag na
malnourished . Ngunit ang isang tao na malabis namangkumain ay matatawag ding malnourished kahit
na kumakainsiya ng tamang pagkain
  Mga batang dahil sa kakulagan ng pagkain ay natutulog na lamang sa gabi ng hindi kumakain sa
buong araw. Masakit isipin na sa bawat "sobra" na ating nabibili para sa ating mga sarili ay may mga tao
o batang walang makain sa buong araw. Pagkagutom na ang dahilan ay Kahirapan at Kawalan ng
Trabaho. Mga magulang na walang sapat na kakayahang matustusan ang pangagailangan ng kanilang
mga anak. Dahil sa kadahilanang hindi nakapagtapos ng pag-aaral at kawalan ng trabaho. Hindi kaagad
nila mabigyan ng solusyon ang pagkagutom ng kanilang mga anak. Ang iba p nga'y pinagtratrabaho ang
kanilang mga anak para lang magkaroon ng makakain sa pang-araw-araw. Ang Malnutrisyong
nararanasan sa bansa ay patuloy na lulubo kung uupo  at wala tayong gagawin para matapos ito.
Magpursige at maghanap ng paraan para matapos ito.
               May mga organisayong napapa "Feeding Program" sa mga batang nakakaranas ng pagkagutom.
Ginagawa ito sa mga paaralan,baranggay at maging sa hospital. Ika nga sa kasabihang "Health is Wealth"
kailangan nating pahalagahan ang ating Kalusugan  dahil ito ang pundasyon natin para maka-ahon sa
kahirapan. Huwag nating gawing dahilan ang kahirapan at kawalan ng trabaho, ayon  sa kasabihang
"Hindi natin kasalanang pinganak na mahirap,pero kasalanan natin kung mamatay tayong
mahirap" matuto tayong tumayo sa ating sariling mga paa, magpursige na matugunan ang ating mga
pang araw araw na pangangailangan. Dahil kapag nagtagumapay tayo sa ating buhay hindi lang
"Pagkagutom" ang masusulosyunan kundi ang iba pang problemang ating hinaharap sa lipunan.

You might also like