You are on page 1of 3

Mga benepisyo sa pagkain ng saging

Ang saging ay isa sa pinakamahusay na mapagkukunan ng enerhiya, at nag lalaman ito ng


carbohydrates, fiber, vitamins and minerals

Narito ang mga benepisyo ng pagkain ng saging:

1. Nagpapababa ng presyon ng dugo

Ang saging ay tumutulong upang pababain ang presyon ng dugo dahil sa taglay nitong
potassium. Ang potassium ay tumutulong sa sodium upang gumawa ng isang normal na
pagsasaayos at pagbabalanse ng presyon ng dugo sa katawan. Ang pagkakaroon ng sapat
ng potassium ay mahalaga upang mabawasan ang subrang sodium sa katawan, dahilan
upang mapababa ang blood pressure.

2. Pangtanggal ng stress sa katawan

Tinuturing na stress reliever ang saging. Ang potassium na taglay nito ay ng bibigay ng
balanse ng maraming hormone sa iyong katawan tulad ng cortisol o adrenaline at
gumaganap ito ng isang epektibong papel sa kalusugan ng kaisipan ng tao sa
pangkalahatan.

Maliban sa pangtanggal ng stress, ito rin ay nakakabawas sa pagkalungkot at nerbiyos.


ang saging ay mayroong amino acid na tryptophan na kinoconvert ng katawan para
maging serotonin, ito ay tumutulong upang mapapakalma ang iyong mood at
maisasaayos ang iyong pakiramdam.

3. Pampalinaw ng mata

Isa sa dahilan ng panlalabo ng paningin lalo na sa gabi ay ang kakulangan ng Vitamin A,


at kung hindi maagapan ay puwedi itong mg dulot ng pagkabulag lalo na sa mga
katataan.

Pinakasikat ang carrots na mapagkukunan ng Vitamin A, ngunit wag nating baliwalain


ang saging, dahil ang saging ay nag tataglay din ng Vitamin A.
Ang Vitamin A ay nakakatulong para sa ating mata. Ito ang responsable sa pagpapasigla
at pampalinaw ng mga mata, at maiiwasan ang panlabo ng ating paningin. Ang vitamin A
ay nag papatibay din ng ating immune system at sa pagbuo ng mga bagong cells sa
katawan, at Mahalaga ang papel ng Vitamin A sa ating katawan upang maiwasan ang
mga sakit tulad ng cancer.

4. Makakatulong upang maiwasan ang tigdas o measles

Ayon sa pag-aaral, ang kakulangan ng vitamin A sa katawan ay nag dudulot ng


masamang epekto sa ating immune system na maaring sanhi ng pagkakasakit. Isa na rito
ay ang pagkakaroon ng tigdas o measles. Upang mapanatiling malakas ang ating immune
system at makaiwas sa sakit, siguraduhing kumain ng mga gulay at prutas na may
Vitamin A, gaya ng saging.

5. Iwas ulcer

Madalas bang mangangasim ang iyong sikmura? Mangyari ito kapang nalipasan tayo ng
gutom o di kaya ay dahil sa subrang stress. Dahil sa subrang paglabas ng acid sa ating
katawan ay nagdudulot ito ng mahapdi na sikmura at kung pababayan ay maging sanhi ng
ulcer.

Ang pagkain ng saging lalo na sa latundan, ay nakakatulong upang maiwasan ang ulcer,
mahapdi na sikmura, o hyperacidity. Ang saging ay mayroong leucocyanidin, na
tumutulong upang mapabuti ang kalagayan ng ating tiyan, at kayang pakapalin ang lining
ng ating tiyan.

Dapat tandaan
kumain sa tamang oras, iwasan ang mga acid forming foods, iwasan ang mga spicy
foods, kumain ng gulay at prutas araw-araw.

6. Nag papatibay ng buto, makakatulong para sa production ng red blood cell,


at anti-oxidant

Ang saging ay isa sa mga pagkain na mapagkukunan ng mineral na copper,


magnesium, at manganese. Ang copper ay mahalaga sa ating katawan upang
mapanatili ang produksyon ng red boold cell. Ang magnesium ay
tumutulong sa pagpapatibay ng ating buto. Ang manganese naman na
makukuha sa pagkain ng saging ay tumutolong sa paglikha ng anti-oxidant
sa ating katawan at maiiwasan ang mga sakit tulad ng cancer.

7. Iwas anemia at pamamaga o impeksyon sa nerve o neuritis

ang saging ay isa sa mapagkukunan ng Vitamin B6 or pyridoxine. Ito ay


nakakatulong upang maiwasan ang sakit na anemia at neuritis.

Kapag kulang ang Vitamin B6 sa iyong katawan ay maaring hindi lamang


anemia at neuritis ang sakit ang makukuha mo, maaring humahantong din
ito sa pagkakaroon ng sakit sa balat o dermatitis, depresyon, pagkabalisa,
pagkalito, at pagkokombulsyon.

Kaya, siguraduhing kumain ng mga pagkain na mayroong Vitamin B6,


kagaya nalang ng saging.
8. Nakakatulong upang maiwasan ang constipation o hindi normal na pagdumi

Ang saging ay may mataas na fiber, ito ay tumutulong upang maging


maayos ang ating pagdumi.

Hindi dapat pabayaan ang constipation dahil humahantong ito sa matinding


karamdaman tulad nalang ng almuranas, at luslos.

At hindi lang yan, maari rin itong magdulot ng matinding pananakit ng tiyan
o likod, pagsusuka, pamamaga ng tiyan, dugo sa dumi, panghihina ng
katawan, at pagkahilo o pagkahimatay.

Upang mapanatili ang malambot na pagdumi, kumain ng mga pagkaing may


mataas na fiber kagaya ng saging at dapat tandaan na uminum ng maraming
tubig araw-araw.

Kapag marami ang konsumo ng fiber, kailangan ding uminum ng maraming


tubig. Kung marami ang tubig na iniinum, mas malambot, at mas madaling
padaanin and dumi.

Kung ikaw ay may diabetes, hindi masama ang pagkain ng saging basta’t
hindi ka lang kumain ng lalampas sa dalawang saging sa isang araw. O di
kaya, sundin ang payo ng iyong doctor.

Laging tandaan, para sa mas malusog na katawan at maiwasan ang mga


sakit, kumain ng balanse at piliin lamang ang mga masustansyang pagkain
araw-araw.

Minsan, makalimutan nating piliin ang tamang pagkain para sa ating


katawan dahil sa mga taglay nitong sarap, hindi naman lahat ng
masustansyang pagkain ay masarap kainin, ngunit dapat mong tandaan na
ang mga pagkain na sa tingin mo ay hindi masarap ay yon pala ang
magbibigay sayo ng proteksyon laban sa ibat-ibang sakit.

You might also like