You are on page 1of 7

Kezia Reil G.

Revillo Stem 1-Kepler

Ang Tribong B’laan: Pagtuklas sa Pamumuhay at Kultura

Ang Pilipinas ay isang multikultural at multilingguwal na bansa. Isa sa mga pangkat etno-

linggwistiko na may materyal at hindi materyal na kultura at sariling wika ay ang Blaan (Badie,

2020). Isa ang B’laan sa 18 Lumad na matatagpuan sa Pilipinas partikular na sa Pulo ng

Mindanao. Kabilang sila sa “Indigenous People’s Group”. Mayroong dalawang uri ang mga

B’laan ayon sa sab na grupo ito ay ang To Lagad o highlanders at To Baba lowlanders. Sa Davao

del Sur, South Cotabato o Sultan Kudarat matatagpuan ang mga Highlanders. Sa baybayin ng

Sarangani, Genral Santos at Sarangani Island matatagpuan o nakatira ang mga Lowlanders

(Ashcroft et al., 2005).

Ayon sa ibang antropologo, nanggaling ang mga B’laan sa Malaysia mula sa Timog-

Silangan Asia sa pamamagitan ng Borneo-Sulu Mindanao Bridge. May mga grupo ding

naniniwala na sila ay mga Indonesian na lumipat sa Pilipinas noong 5,000 o 6,000 taon. Ayon

naman kay Dolphing Cugan, isa sa mga pinuno ng tribo na sila ay nagsimula bago pa ang

panahon ng sinaunang Espanyol. Ang mga Blaan ay nakakalat sa malawak na lupain ng Buluan

Lake patungong timog ng Sarangani Bay. Naninirahan din sila sa kanlurang bahagi ng Tboli

partikular sa Roxas Mountain. Mayroon din sa apat na bayan ng Davao del Sur partikular sa

Magsaysay, Matanao, Kiblawan, at Sulop; sa Sarangani kung saan pinakadominante sila na

umabot sa halos 90 bahagdan ng kabuoang populasyon maliban sa bayan ng Kiamba; sa Lungsod

ng Heneral Santos; sa Lalawigan ng South Cotabato maliban sa mga bayan ng Lake Sebu,

Surallah, at Norala; sa mga bayan ng Columbio at Lutayan ng Lalawigan ng Sultan Kudarat; sa

mga bayan ng Tulunan, Makilala, at M’lang sa North Cotabato at bahagi ng bayan ng Datu
Paglas ng Maguindanao, at sa Allah Valley at Koronadal Valley kung saan isinasagawa ang

tradisyonal na pangangaso bago ang pagdating ng mga migranteng Kristiyano noong 1930

(Kinoc, 2019).

Noon pang panahon ng Kastila, ang mga B’laan ay nakipagdigma upang ipagtanggol ang

kanilang mga ninuno na teritoryo. Ito ay ipinaglaban ng mga angkan, pamilya at buong

komunidad. Naging matagumpay ang kanilang pakikibaka dahil ang mga taong B’laan ay hindi

gaanong naimpluwensyahan ng ideolohiyang kolonyalistang Espanyol at ng relihiyong Katoliko.

Nang pumasok ang mga Amerikano, sila at ang kanilang ideolohiya ay umabot hindi

lamang sa loob ng Mindanao, kundi maging sa komunidad ng B’laan dahil sa gawaing

misyonero ng relihiyong Protestante. Ang ideolohiyang Amerikano at ilang ideya ang namayani

sa pamilya B’laan, ngunit sa parehong oras ay nagpatuloy sila sa pakikibaka laban sa

impluwensya ng kolonyalismo ng Amerika.

Sa pampamilyang kategorya, ang ama ang may responsibilidad na buhayin ang kanyang

pamilya, ang mga babaeng anak naman ang nananatili sa bahay upang magsagawa ng mga

gawaing bahay. Pagtulobg ng anak na lalaki sa ama sa paghahanap ng makakain ng pamilya,

pagtatrabaho ng bana sa bukid. Ang asawang babae naman ang may gampaning maghanda ng

pagkain o pagluluto, mapunyaging ama. Pag-aasikaso ng babae sa kanyang bana, labis na

pagmamalasakit ng magulang sa anak.

Ang lahat ng tao ay ang sentro ng lipunan. Siya ang nagtatayo ng lipunan, kultura din

siya. Ang bawat indibidwal ay nagdadala at nagbabahagi ng kanilang sariling kultura. Maaaring

ito ay isang kultura na alam mo mula sa kapanganakan at ang resulta ng mga turo ng iyong mga

kapantay at pamilya o di kaya'y natuto siya sa iba na nakakasalamuha at nakakasalamuha niya sa

iba't ibang pang-araw-araw na gawain, kahit saang komunidad siya kinabibilangan. Bigyang
pansin ang kulturang materyal ng mga B’laan, una ang Mabal Tabih, Mabal ay isang salitang

B’laan sa prosesong paghahabi ng abaca. Ang Tabih naman ay nangangahulugang kasuotan na

produkto na gawang kamay at ito ay tumutukoy sa tradisyunal na “tubular skirt” ng mga B”laan.

Natural na mga tina galing sa mga netibong halaman sa kanilang komunidad ang iba’t ibang

gamit sa pagkukulay.

Ang Eluh B’laan naman ay gamit sa pagluluto ng mga B’laan na inukit sa kahoy, Swat,

isang suklay na gawa sa “beads”. Ginahamit ito ng mga babaeng B”laan tuwing may

pagdiriwang o okasyon, Sabetan, isang malakwintas na sinturon at ginagamit ng mga babaeng

B”laan tuwing may okasyon, Sinkle Babat,Ginagamit ng mga lalaki at babaeng B”laan kahit

saan man lalo na at may okasyon. Ang mga maliliit na kampanilya ay gumagawa ng tunog.

Gayundin ang mga pulseras, Kamagi, kuwintas na gawa na mga B’laan. Ito ay pinagdugtong-

dugtong na bilog na bakal na bumubuo ng parang kadena sa dulo nito ay mga maliit na kampana

o bilog na tingga na gumagawa ng tingkling na tunog at ang Saol B’laan, kasuotang pambaba ng

kalalakihan. Tinahi gamit ang abaca payber, ang mga disenyo nito ay katulad din sa disenyo ng

kasuotang pambaba ng mga babaeng B’laan. Iilan lamang ang mga ito sa mga kulturang

materyal ng na ginagit ng tribong B’laan.

Dumako naman tayo sa Kulturang di-materyal ng mga B’laan, ito ay ang mga Melu, Ang

kataastaasan at ang tagapaglikha. Mayroon syang putting balat at gintong ngipin. Siya ay may

katulong na sina Fiuwe at Tasu Weh. Si Sawe, Kasama ni Melu para manirahan sa mundo,

Fiuwe naman ay Ang espiritu ng naninirahan sa kalangitan. Sa paniniwala naman ay ang

Paghingi ng permisyon bago gamitin ang mga bagay-bagay. Hindi nila pwedeng hawakan o

sirain ang anumang nilalang o bagay na walang permisyon sa pamamagitan ng mga ritwal. Sa

mga ritwal na ito, gumagawa sila ng mga handog sa kanilang mga diyos para sa kanilang mga
kahilingang palatandaan upang malaman nila kung kailang panahon ang may pinakamagandang

tamnan. Ang pagkukulay ng mga B’laan ng itim sa ngipin ay tradisyon ng mga B’laan ang

pagkukulay ng itim sa kanilang ngipin. Para sa mga B’laan, simbolo ito ng kagandahan at

kapangyarihan. Pero ang tradisyong ito, tila unti unti ng nalilimutan at tinatalikuran ng mga

kabataang B’laan.

Ang B’laan ay may naiibang kultura rin ng pag-aasawa ito ay sa pamamagitan ng pag-

uusap ng mga magulang ng ikakasal, paraan ng pagsasagawa ng kasal, pamumuno ng matanda o

datu sa kasal, paghingi ng pahintulog ng binata sa magulang ng dalagang nais mapangasawa.

“Ang parental marriage ay ang pagbibigay ng sablag (Dowri) sa pamilya ng binata at dalagang

magpapakadal, pag papagawa ng mga bagay sa binata, kapalit ang pagpapakasal nito sa dalagang

nais na mapangasawa” (Fubli, 2018).

Isa sa mga dahilan kung bakit takot na dagang nagkukubli sa liblib na lugar ang mga

B’laan ay ang “racial discrimination”. Ang simpleng panlilibak sa kanilang kulay ng balat, kulay

ng balat, wika, o pananamit ay maaaring makaramdam sa kanila ng kahihiyan at mapipigilan

silang makipag-ugnayan sa ibang tao. Para sa mga mapanuring mata na tumitig sa kanila. Ngunit

sa kabila ng mga tinig ng pagkondena na nakadirekta sa kanila, walang pumipigil sa kanilang

mga kakayahan at pagkakakilanlan na kilalanin ng lipunan. Salamat sa mga pagdiriwang na

pinangangasiwaan ng kanilang sariling bansa, nag-aalok din sila ng talento at masining na pag-

iisip. Pinakamahusay na wakasan ang diskriminasyon na sinusubukang baguhin ang mga ito.

Mahalagang malaman natin na ang Blaan bilang isang etno-lingguwistikong pangkat na

matatagpuan sa Katimugang Mindanao, sa ibang panig ng bansa, at sa buong daigdig ay bahagi

ng lipunang Pilipino. Samakatuwid, ang lahat ng tao ay ipinanganak na malaya at pantay-pantay


sa dignidad at karapatan. Mayroon silang katwiran at budhi at dapat silang mamuhay nang sama-

sama sa diwa ng pagkakapatiran.


Sanggunian

Blaan sa Pilipinong Sosyolohiya: Ang Nawáh sa mga Danas sa Facebook Bilang Pook ng

Talastasan, Ugnayan, at Alaala. (2022, June).

https://www.dlsu.edu.ph/wp-content/uploads/pdf/research/journals/malay/tomo-32/2/1-

badie.pdf

Carlo, J. (n.d.). Tribong B’Laan. Scribd.

https://www.scribd.com/presentation/428108952/Tribong-B-Laan

Kasaysayan ng mga Blaan. (2016, November 29). Historizal.

https://rizalatkasaysayan.wordpress.com/2016/11/28/kasaysayan-ng-mga-blaan/

PANDAIGDIG NA PAGPAPAHAYAG NG MGA KARAPATAN NG TAO. (n.d.).

https://childrenandarmedconflict.un.org/keydocuments/filipino/universaldeclara1.html

PANDAIGDIG NA PAGPAPAHAYAG NG MGA KARAPATAN NG TAO. (2019, March).

General for Children and Armed Conflict – Children and Armed Conflict.

https://childrenandarmedconflict.un.org/keydocuments/filipino/universaldeclara1.html

T’boli at B’laan sa South Cotabato: Pananaw ng Isang Mag-aaral sa Pagwasak ng Racial

Discrimination sa Pagtamo ng Education For All. (2012, September 26).

_MidsummerCity_. https://midsummercityjovan358.wordpress.com/2012/09/26/tboli-at-

blaan-sa-south-cotabato-pananaw-ng-isang-mag-aaral-sa-pagwasak-ng-racial-

discrimination-sa-pagtamo-ng-education-for-all-3/

The Blaan People of the Philippines: History, Culture, Customs, Beliefs and Tradition

[Philippine Indigenous People | B’laan Tribe Ethnic Group]. (2022, July 21).

yodisphere.com. https://www.yodisphere.com/2022/07/Blaan-Tribe-Culture-

Traditions.html?m=1
Wong, M. G. F. (n.d.). Ang Tribong Blaan. Scribd.

https://www.scribd.com/presentation/426810443/Ang-Tribong-Blaan

You might also like