You are on page 1of 4

Gawain 2: Ang Kultura, Estado ng Pamumuhay/Wika ng lugar at Ugnayan ng mga ito

Pangalan: Regina Ygona Cabelis Taon/Seksyon: BSED-FIL-2_D


Petsa: November 10, 2022 Marka: ______________________

A. Mag-obserba ng isang di-pangakaraniwang tao, pangkat o grupo sa inyung pamayanan. Kung


malayo o walang mapagkunan ay maaaring sa mga post sa internet o youtube bidyo na kilala o hindi pa
ang mga grupo. Sumulat ng isang paglalarawan ng kultura nila. Mag-isip ng isang pamagat. Isulat sa
baba ang inyong nakuhang detalye.

1. Ano ang pangalan ng tao/grupo?


2. Sino-sino sila/Sino sila?
3. Ano ang kanilang karaniwang gawain?
4. Bakit ito ay kailangan gawin?
5. Ano naman ang paraan ng kanilang pamumuhay o kultura nila?

BADJAO: SINO NGA BA SILA?


Sea gypsies! Sila ang mga Badjao o mga taong pagala-gala hindi lang sa lupa kundi sa karagatan.
Kapansin-pansin ang mga itsura nila. Kakulay ng buhok ng mais ang kanilang mga buhok at sunog sa
matinding sikat ng araw amg kanilang balat. Sila ang mga tinatawag na Badjao!
Tuwing Kapaskuhan nagkalat ang mga taong ito sa mga matataong lugar. Sa gitna ng mga
humahangos na mga mamimili at mga rumaragasang jeepney makikita silang humahabol para
manghingi ng kaunting barya, nagpapalimos o di kahay pumupunta sa inyong mga kanya kanyang
tahanan kandong ang kanilang mga batang anak sabay abot ng putting sobre na merong sulat na
humihingi ng kauntang tulong para pambili ng kanilang makakain. Sa mga ordinaryong araw kilala sila ng
mga sumasakay ng barko sa pier, mga parating at paalis ng Maynila nakikita silang palutang-lutang sakay
ang mga maliliit na bangka. Ganun pa rin ang gawi, nakatihaya ang mga kamay sa mga pasahero,
humihingi ng barya. Nag-aanyaya na itapon ito sa tubig at sabay-sabay na sumisisid at pag-ahon dala na
ang mga baryang kanilang hinabol sa ilalim ng dagat. Magagaling at sumisid at lumangoy.
Kung tutuusin, ang panglilimos ay hindi naman kaugalian ng mga Badjao, kinailangan lamang na
gawin nila ito upang mabuhay, hindi man kinasanayan ang buhay na wala sa gitna ng karagatan pinipilit
na gawing normal ang kanilang buhay. Dahil sa kakulangan ng kaalaman sa pamumuhay malayo sa
karagatan panlilimos ang kanilang naging solusyon at naging pinakapangunahing ikabubuhay sa lungsod
mairaos lamang ang pangaraw-araw na pamumuhay.
Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay. Gumagawa rin sila ng mga vinta o Lepa-Lepa
kung tawagin, isang bangkang-sakayan na masikap na binubuo ng mga Badjao at mga gamit sa
pangingisda tulad ng lambat at bitag. Ang mga kababaihan ay naghahabi ng mga banig na may iba’t-
ibang uri ng makukulay na disenyo at higit sa lahat magaling din silang sumisid ng perlas. Kilala sila bilang
magagaling na mangingisda at mga maninisid sa karagatan. Kakaiba ang kaugnayan ng kanilang buhay sa
karagatan
Naniniwala ang mga Badjao na ang pagkilala sa kanilang panginoon at pagkakaroon ng
karunungan ay ang pinakamabisang daan sa pagkakaroon ng magandang buhay sa hinarap. Sa kanilang
pagpapahalaga sa kanilangbpanginoong Mohammed, binibigyan nila ng karangalan ang mga salip
(pinagmulan ng panginoon) nito; Pangalawa, bawat simbahan sa kanilang lugar ay dapat na mayroong
mosque official. Hindi dapat na mawalan ng Imam, ang nangunguna sa pagdarasal, Bilal, ang tumatawag
at nagpapasimula ng pagdarasal, at Hatib, ang nagsasagawa ng pagbasa tuwing araw ng biyernes;
Pangatlo, naniniwala sila na ang kanilang pinagmulan ay mga dugong bughaw kung kaya’t ang kanilang
mga kasuotan ay makukula; Pang-apat, ang mga espirito ng patay ay pinananatili sa isang libingan at
tuwing panahon ng Shaaban, ang mga kaluluwa ay pinapayagan ng kanilang panginoon na bumalik sa
ating mundo. Bilang pag-salubong, ang mga tao ay nililinis ang mga libingan at nagsasagawa ng
pagdarasal; At pang-lima, naniniwala sila na ang mga patay ay kayang makipag-usap sa mga buhay sa
pamamagitan ng ritual ceremonies of celebration, worship, and exorcism.
Isang ritwal ng diumano'y pagtanggap sa lipi ng mga Badjao, ang pagtapon ng bagong panganak
sa malamin na dagat at muling pag-ahon ng mga nakatatandang mga lalaki sa sanggol. Magkaibang-
magkaiba ang kostumbre ng dalawang tribung kaagtas sa buhay. Ang mga Tausog ay hambog, tila sila na
ang nakaaangat sa mga Badjao, sapagkat sila ay.
B. Pagbibigay ng katuturan sa sumusunod:
1. Ang kahulugan ng kultura? lagyan ng sanggunian kung saan kinuha.
- Ang kultura ay isang payong termino na sumasaklaw sa panlipunang pag-uugali, mga
institusyon, at mga pamantayan na makikita sa mga lipunan ng tao, gayundin ang kaalaman,
paniniwala, sining, batas, kaugalian, kakayahan, at gawi ng mga indibidwal sa mga pangkat na
ito. Ang kultura ay kadalasang nagmula o iniuugnay sa isang partikular na rehiyon o lokasyon.
Ang kultura ng isang bansa ay binubuo ng kanyang mga katutubo at katangi-tanging kaugalian,
paniniwala at mga batas. Sa kultura nakikilala ang isang bansa at ang kanyang mga
mamamayan. Ang kultura ay mabisang kasangkapan sa pambansang pagkakaisa dahil dito
naipapahayag ang tunay na diwa ng pakikipagkapwa. ( https://www.tagaloglang.com/ano-ang-
kultura/ )

2. Ano-ano ang katangian ng Kulutra?


“ KATANGIAN NG KULTURA “
1. Natutuhan ( Learned ) – Ito ang kung paano pinalaki, pinaliliguan, dinadamitan,
inaalagan ay proseso kung saan natututunan ng isang indibidwal ang kaugalian sa loob ng
kanilang pamilya.
2. Ibinabahagi ( shared )- Nagsisilbing tulay upang magbigkis ang mga tao bilang
kanilang pagkakakilanlan. Sa kaparaanang ito ay masasanay ang mga tao na mamuhay ng
maunlad kasama ang ibang tao kahit na hindi sila pareho ng kulturang kinagisnan.
3. Naaadap (adapted)- Ang kultura ay umaayon sa kung ano ang takbo ng kondisyon ng
kapaligiran na kinatitirhan ng tao.
4. Dinamiko (dynamic)- Ang kultura ay patuloy na nagbabago sa paglipas ng panahon at
sa pag-alpas nito sa bawat henerasyon.
Sanggunian: https://www.coursehero.com/file/78386859/KATANGIANMANIFESTASYONAT-
MGA-KOMPONENT-NG-KULTURA-Autosavedpptx/

3. Ano-ano ang manifestasyon ng kultura?


 Valyu - ito ay tumutukoy sa kung ano ang karapat-dapat at nakabubuting
ugaliin.
 Di-Berbal na Komunikasyon – Ang pagpapabatid ng iba’t ibang paraan sa
pagkilos,pagkumpas, aksyon at ekspresyon ay naglalarawan ng konteksto ng
kultura. Ito ay refleksiyon ng kultura at nagbibigay ng espesyal na
kaibahanupang madaling makilala ang iba-ibang kultura
Hal. Pakikipagkamay,pagsaludo,paghalik,pag-upo,pagkilos.
C. Humanap ng kapareha para sa paglalahad ng nagawang pagsaliksik.

You might also like