You are on page 1of 12

5

MAPEH (Arts)
Unang Markahan – Modyul 1:
Impluwensiya ng mga Dayuhan sa
Ating Sining at Kultura
(Pakikipagkalakal at Sining)
MAPEH (Arts) – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Impluwensiya ng mga Dayuhan sa Ating Sining at Kultura
(Pakikipagkalakal at Sining)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Brian E. Ilan EdD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marivic Malvataan

Editor: Myrna T. Parakikay

Tagasuri: Myrna T. Parakikay

Tagalapat: Lea B. Cabatic

Tagapamahala: Angelita S. Jalimao


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Myrna T. Parakikay
Pandibisyong Tagamasid, MAPEH

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin
Ang modyul na ito ay isinulat at nilikha upang ang pag-aaral ay maging madali lalong-
lalo na ngayong panahon ng “new normal.” Bilang isang tugon sa edukasyon, ang
modyul na ito tungkol sa Impluwensiya ng mga Dayuhan sa Ating Sining ay
naghahamon sa iyo upang ikaw ay maging isang malikhain, mapamaraan at malayang
mag-aaral. Ang saklaw ng modyul ay magbigay ng iba-ibang gawain upang mapasigla
at mahikayat ang malaya at pansariling gabay sa kasanayang pagkatuto. Ang mga
aralin sa modyul na ito ay maayos na sumunod sa naaayong pamantayan ng asignatura
upang matiyak ang pagpapatuloy ng mabisang pagkatuto, maging makabuluhan ang
bawat gawain, at maiugnay sa pang-araw-araw na buhay.

Sa modyul na ito makikilala ang mga sining at kulturang Pilipino na may impluwensiya
ng mga dayuhang nakipagkalakalan sa ating bansa.

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng aralin sa:


 Mga sining at pangkulturang impluwensya ng mga dayuhang nakipagkalakalan
sa ating bansa
 Pagsusuri sa mga sining at pangkulturang impluwensya ng mga dayuhang
nakipagkalakalan sa ating bansa
 Pagpapahalaga sa mga sining na binahagi ng mga dayuhang nakipagkalakan sa
ating bansa

Sa katapusan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Natatalakay ang mga pangyayari, nakasanayan at iba pa na mga pangkulturang
impluwensya ng mga dayuhang nakipagkalakalan sa ating bansa
2. Napapahalagahan ang mga sining at pangkulturang impluwensya na naibahagi
ng mga dayuhan sa ating bansa

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat sa patlang ang titik ng
tamang sagot at isulat sa iyong activity notebook.

_____1. Anong katangian ng linya ang makikita sa kahon?


a. Tuloy-tuloy
b. Putol-putol
c. Tuldok-tuldok
d. Tila gumagalaw

_____2. Alin ang linyang tila gumagalaw?

a.

b.

c.

d.

1
_____3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng likas na hugis?

a.

b.

c.

d.

_____4. Anong kultural na pamayanan sa Nueva Viscaya ang bantog sa paglalagay


ng plastic na beads sa kanilang tradisyunal na habi.
a. Ifugao c. Gaddang
b. Bagobo d. Ita

_____5. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing pangkat ng mga Muslim sa


Basilan ang kilala sila sa paglalala?
a. T’boli c. Ifugao
b. Maranao d. Yakan

_____6. Saan maikukumpara ang disenyo sa hinabing tela ng mga kultural na


pamayanan?
a. Kalikasan c. Napapanood se telebisyon
b. Modernong sining d. Gusali

_____7. Anong disenyong etniko ang makikita sa kahon?


a. Dibuhong araw ng Maranaw
b. Dibuhong araw ng Ifugao
c. Dibuhong araw ng Bagobo
d. Dibuhong bituin ng Ifugao

_____8. Alin sa mga sumusunod na pamayanang kultural ang matatagpuan sa


Batanes?
a. Ivatan c. Mangyan
b. Ifugao d. Ati

_____9. Anong uri ng balanse ang ipinakikita sa larawan?


a. Simetrikal c. Asimetrikal
b. Gyometrikal d. Di balanse

_____10. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng asimetrikal na balanse?

a. c.

b. d.

Aralin
Mga Dayuhang
1 Nakipagkalakalan sa Pilipinas
Napaliligiran ang ating bansa ng yamang tubig kaya maraming mga dayuhan ang
nakarating sa ating bansa upang makipagkalakala sa ating mga ninuno. Sa kanilang
pagdayo sa ating bansa, hindi lamang kalakal ang kanilang dala kundi pati na rin ang
kanilang sining, paniniwala at kultura.

2
Balikan

Maraming sinaunang kagamitan ang maituturing natin ngayon na yamang sining ng


ating bansa. Kilalanin, saan makikita at paano ito ginagamit ang mga ito. Saguting
ang mga katanungan gamit ang tsart sa ibaba.

1. 2.

3. 4.

5.

Katawagan Pinagmulan? Gamit?

1.

2.

3.

4.

5.

3
Tuklasin

Pag aralan ang larawan gamit ang mga katanungan na nasa message box.

Bakit nakabalot ang kanilang ulo?


Bakit hindi sila kumakain ng
karneng baboy? Bakit iba ang
paraan ng kanilang pagdarasal sa
nakagawian ko?

May kilala ka ba na Muslim?


Naitanong mo ba ang mga ito sa kanya?
Paano mo maipakikita ang respeto sa
paniniwala at gawi ng ibang relihiyon?

Ang Pilipinas ay mayaman sa Sining at kultura. Hindi lamang dahil sa ang ating bansa
ay binubuo ng libong maliliit na isla. Ang iba’t ibang kultura ng mga Pilipino ay
pinaghalong paniniwala at sining ng mga katutubong Pilipino at impluwensiya ng mga
dayuhang nakarating sa ating bansa upang makipagkalakalan at pati na rin ang mga
bansang nanakop sa atin.

Suriin

Pakikipagkalakalan ng mga Unang Pilipino

Ang mga Indyano ay nagkaroon ng


impluwensya sa ating sining at
kultura dahil sa pakikipag-ugnayan ng
mga Indones sa mga unang Pilipino.
Sila ang nagturo ng relihiyong
Hinduismo at paniniwala sa
reincarnation. Tinuruan din nila ang
mga Pilipino sa paghahabi.

4
Nagkaroon ng ugnayang Pilipino at
Orang Dampuan (Vietnamese
ngayon) subalit ito’y hindi nagtagal
dahil sa hindi pagkakaunawaan.

Nagsimula ang ugnayang Pilipino at


Tsino noong 960 AD Dumating sila sa
bansa dala ang kanilang mga kalakal
na porselana, bakal, lata, seda at ang
mga ito’y ipinagpapalit nila sa ating
mga produktong ginto, perlas, banig,
at bulak. Tumagal ang ugnayang ito
at maraming mga Intsik ang dito na
nanirahan at nakapag-asawa na ng
mga katutubong Pilipino. Sa kanila
natin natutunan ang paggamit ng
kamisa de chino at tsinelas.
.
Sa pagitan ng taong 1200-1400,
dumayo sa Pilipinas ang mga Arabo.  Alin sa mga produktong Tsino
Sulu at Mindanao ang naging sentro ang pamilyar sa inyo?
ng kanilang pakikipagkalakalan. Dala
nila ang kanilang mga kagamitang
metal, alpombra, telang lana at
mamahaling bato. Dala din nila sa
mga unang Pilipinong kanilang
nakaugnayan ang relihiyong Islam at
pamahalaang Sultanato. Ang
relihiyong ito pinakamalaking
impluwensya ng mga Arabo sa mga
kapatid nating Muslim. Si Allah ang
kanilang panginoon at Koran ang
kanilang banal na aklat. Hindi sila
kumakain ng baboy, at nagdarasal
nang nakaluhod sa lupa na nakaharap
sa Mecca.
 Ano ang mapupuna sa disenyo ng
mga produkto ng mga Arabo

Katutubong Sining ng mga Pilipino na May Impluwensya ng Dayuhan


Bago pa man dumating ang mga mananakop, mayroon ng Sining ang mga unang
Pilipino. Ang mga ito ay batay sa kanilang mga paniniwala at pang araw-araw na
ginagamit. Isang halimbawa nito ay ang tapayan ng mununggul.

Ang Tapayan ng Manunggul ay isang banga na ginamit sa paglilibing ng mga


sinaunang tao sa Palawan noong 890-710 BK. Itinuturing itong Pambansang
Kayamanan ng Pilipinas at makikita rin sa likod ng 1000 libo na salapi. Nahukay
ito sa yungib ng Tabon, Lipuun Point, Palawan. Nakadispley sa Pambansang Museo ng
Pilipinas ang orihinal na Mununggul Jar.

Kapuna-puna rin na may pagkakahawig ang hugis o


disenyo ng mga itinuturing pambansang relikya o
artifacts sa mga kalakal na dala ng mga unang tao na
dumayo sa Pilipinas. Bagamat may pagkakahawig ang
hugis ng bangang mununggul sa seramika o
porselanang dala ng mga dayuhang Instik,
nasasalamin sa disenyo nito ang paniniwala ng mga
unang Pilipino sa kabilang buhay.
Porselana ng mga
Intsik

5
Makikita sa ibabaw ng tapayang mununggul ang
bangkang walang katig, may nakasakay na dalawang
tao na ang nasa unahan ay magkakrus ang kamay at
ang nasa likod na tao ay nagsasagwan. Simbolo ito sa
paniniwala ng mga unang Pilipino na kapag namatay
ang isang tao ay isang mahabang karagatan ang
kanyang lalakbayin ng kanyang kaluluwa bago
makarating sa pupuntahan.
Tapayan ng Mununggul

Kapunapuna naman ang disenyong Okkir na tawag sa dyometriko at dumadaloy na


disenyo na karaniwang nahahawig sa gumagapang na sanga at dahon. Makikita ito sa
kanilang sarimanok, sa haligi at panolong ng katutubong bahay, at sa iba pang sining
ng mga Maranaw. Makikita naman ang ganitong disenyo sa karpet, tisa at iba pang
sining ng mga Arabo.

Disenyong Okir ng Maranao Disenyo ng karpet ng Arabo

Pagyamanin
Panuto: Basahin mabuti at sagutin ang mga katanungan.

1. Ano ang gamit ng mununggul jar?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Saan natagpuan ng mga mananaliksik ang mununggul jar”
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Masasabi mo bang may bahid ng impluwensya ito ng mga Intsik?
Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Ano ang okkir?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Saan ito karaniwang makikita?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
6. Masasabi mo ba na may bahid ito ng impluwensya ng mga Arabo na
nakipagkalakalan sa atin? Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
7. Paano natin maipakikita ang pagpapahalaga natin sa ating mga katutubong
sining?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

6
Isaisip
Ang Mununggul jar o bangang mununggul ay katutubong sining ng mga Ifugao.
Patunay ito na bagamat may bahid ng impluwensya ng Sining ng mga Intsik,
patunay pa rin ito sa pagiging malikhain ng mga katutubong Pilipino.
Ang disenyong okkir ng mga Maranao ay batay sa mga sangang gumagapang at
dahong pausbong pa lamang at makikita rin sa disenyo ng iba’t ibang kagamitan
ng mga arabo.

Isagawa
Jumbled letters
Panuto: Ayusin ang mga titik upang mabuo ang mga sining at kulturang may
impluwensya ng mga dayuhanng nakipagkalakalan sa Pilipinas.
1. L A S M I

2. K O I R K

3. G U J M U R A L G N U N
4. S E T S A I N L
5.
I C R A N N A E N E O R I

Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot.
_____ 1. Anong relihiyon ang dala ng mga Arabo sa ating bansa?
a. Katoliko b. Islam c. Protestante d. Hinduismo
_____ 2. Alin sa mga sumusunod ang tunay na dahilan ng pakikipag-ugnayan ng
mga Arabo sa Pilipino?
a. Pakikipagkalakalan c. Ipakilala ang kanilang sining
b. Palaganapin ang relihiyong Islam d. Pakikipagkaibigan
_____ 3. Saan sa Pilipinas ang naging sentro ng ugnayang Pilipino at Arabo?
a. Mindanao b. Luzon c. Visaya d. Maynila
_____ 4. Paano mo ilalarawan ang disenyong okir ng Maranao?
a. Mahabang lubid na binanat
b. Dyometrikong hugis at tila gumagapang na usbong ng sanga at
dahon.
c. Makukulay na kumpol ng bulaklak na ikinalat
d. Mga punong kahoy na na maraming sanga at dahoon
_____ 5. Ano ang pagkakahawig ng porselanang pinaglalagyan ng abo ng namatay na
kaanak ng mga intsik sa tapayang mununggul?
a. Hugis ng tapayan c. laki ng tapayan
b. Disenyo ng tapayan d. bigat ng tapayan
_____ 6. Ano ang makikita sa ibabaw ng mununggul jar?
a. Bangkang may malaking katig
b. Bangka na may isang taong nakasakay na magkakrus ang kamay
c. Bangka na may dalawang taong nakasakay, ang nasa unahan ay
magkakrus ang kamay at ang nasa likod ay nagsasagwan
d. Bangkang walang taong nakasakay

7
_____ 7. Ano ang paniwala ng mga unang Pilipino tungkol sa kabilang buhay na
makikita sa tapayang mununggul?
a. Kapag namatay ang tao, kailangan itong isakay sa Bangka
b. Malawak na karagatan ang lalakbayin ng kaluluwa ng namatay na
tao bago ito makarating sa patutunguhan.
c. Pinababaunan ng sagwan ang namatay na kaanak upang makarating
sa patutunguhan.
d. Makitid ang daan patungo sa langit
_____ 8. Bakit hindi nagtagal ang ugnayan ng mga unang Pilipino at Vietanamese?
a. Dahil sa relihiyon c. Dahil sa lokasyon ng Pilipinas
b. Dahil sa hindi pagkakaunawaan d. Dahil hindi natin sila kaibigan
_____ 9. Paano nakarating ang kultura ng mga Indiano sa ating bansa?
a. Epekto ng ugnayan ng mga unang Pilipino at Intsik
b. Dala ng mga Arabo nang magkipag-ugnayan sa mga unang Pilipino
c. Dala ng mga Indones ng makipagkalakalan sila sa mga unang Pilipino
d. Dala ng mga Vietnamese na nakipagkalalan sa ating
_____10. Ano ang gagawin mo kung may bago kamag-aral na muslim?
a. Layuan ito dahil iba ang relihiyon
b. Kumbinsihin na kumain ng baboy dahil masarap ito
c. Gawing katatawanan ang kanyang mga pinaniniwalaan
d. Makipagkaibigan at ipakilala sa iba pang mga kaklase

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumupit ng larawan na nagpapakita ng katutubong sining at kultura ng


mga Pilipino at idikit ang mga ito sa bakanting kahon. Sagutin ang mga katanungan
sa susunod na pahina matapos isagawa ang gawain.

1. Ano ang mga larawang naidikit sa inyong activity notebook?


2. Saan ito nakuha? (limbag mula sa babasahin magasin, dyaryo o limbag mula sa
internet)
3. Nahirapan ka bas a paghahanap ng mga larawan? Bakit?

8
9
Pampublikong Sasakyan US Airbase, Pampanga 5.Jeepney
Katutubong sayaw Bisaya/Leyte 4.Tinikling
Ifugao
kagamitan o ani ng mga Province/Cordillera
Bantay ng mahahalagang Mountain 3.Bul-ul
kakanin
Pagkain/Katutubong Bulakan 2.Puto bungbong
Pantubig
Bangka/Sasakyang Mindanao/Sulu 1.Vinta
Gamit Pinagmulan Katawagan
6. Inaasahang sagot sa Balik aral
Pagyamanin
1.Lalagyan ng mga buto ng namatay na tao
2.Oo. Dahil pareho ang gamit at hugis ng porselana at mununggul jar.
3.Katutubong disenyong Maranao na tila gumagapang na usbong ng sanga at
dahoon.
4.Sining ng Maranao
5.Oo. Dahil hawig sa mga disenyo ng sining Arabo ang disenyong okir.
5.Gamitin o ingatan
5.
Isagawa
1. ISLAM
2. OKKIR
1. 3. MUNUNGGUL JAR
2. 4. TSINELAS
3. 5. REINCARNATION
4.
Tayahin Subukin
1. B 1. A
2. B 2. C
3. A 3. D
4. B 4. C
5. A 5. D
6. C 6. A
7. B 7. B
8. B 8. A
9. C 9. A
10.D 10.D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
https://theculturetrip.com/asia/philippines/articles/how-the-jeepney-became-a-
filipino-national-symbol/

Bench 101 Filipino Icons

Worktext in Sining 5

10

You might also like